Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

Chapter 10 - Why, Why, Why, Delilah?

Copyright © justcholleme

----

Pagkatapos naming kumain ng lomi ay napadighay ako kaya naman agad kong tinakpan ang bibig ko. Tae, hinding hindi talaga ako nagsasawa sa lomi ni Aling Esang. Dabes! At tingnan niyo nga naman 'tong si Zent, mukhang nasarapan rin.

Hoy, hoy. Anong masarap?! Litse. Mga pink minded. Gaano ka-pink 'yan?!

“Sige, ako na ang magbabayad nito. Tutal ako rin naman ang nagyaya—,”

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang magsalita. “What? No. Ako na ang magbabayad.”

Pinipigilan ko talagang hindi mapangiti sa mga sinasabi ni Zent ngayon. Enebe, 'weg ke ngeng mesyedeng cencern se'ken. Kaya ko namang bayaran 'to. “Hindi na, ano ka ba. Ako ang nanglibre, ako ang magbabayad.”

Akma na sana siyang sasabat ulit nang pigilan ko siya. “Hep! Kayo talagang mga lalaki ang hilig makipagtalo. Ako na nga, eh diba. Ako na. Kaya kong bayaran 'to. Sus! Ako pa ba? Rich ked ako, eh. Kaya, dun wureh, okeh?”

Lumapit naman ako sakanya at tinapik siya sa balikat bago ako pumunta kay Aling Esang na ngiting ngiti pa rin habang palipat lipat ng tingin sa'min ni Zent na para bang nang-aasar.

“Woi, Aling Esang. Ayan ka na naman, eh. Kaibigan ko lang po 'yang tukmol na 'yan. Saka, pinag-iisipan ko pa po kung lalandiin ko pa ba siya o hindi. Alam niyo naman po ako, diba? Mabait po akong tao.”

“Ay, naku. Sinasabi ko sa'yo, apo. Gora ka na bago pa yan mapunta sa iba. Wag ka nang magpatumpik tumpik pa at landiin na siya! Malay mo, baka sa huli, mapasayo rin siya.” Nakangiting sabi ni Aling Esang sabay taas baba rin ng mga kilay niya.

“Oo na, Aling Esang. Sige na. Nga pala, magbabayad na po pala ako para sa'ming dalawa ni Zent—,”

Agad naman siyang umiling ng ikinatigil ko sa pagsasalita. “Hindi na, Merliyah! Basta ikaw at si pogi, libre na! Basta 'pag balik niyo rito, kailangang kayo na ha? Aasahan ko 'yan!”

Hindi ko na napigilang mapangiti dahil sa sinabi ni Aling Esang. Sana nga'y pagbalik ko rito ay kami na ng nakngtokwang 'yan.

“Ako pa ba, Aling Esang? Mapapaamo ko rin 'yang napakapoging tupa na 'yan. Pero seryoso ho ba talaga kayong libre na ang kinain namin?”

Tumango si Aling Esang at nginitian ako. “Oo naman, Merliyah!”

“Salamat, Aling Esang! Dabes ka talaga. O siya, balik na po ako sa ka-date ko, aalis pa po kasi kami. Hehehe. Babye po!” Pagpapaalam ko sakanya ay kumaway pa. Nginitian na niya lang din ako pero halata ko ang pang-aasar duon.

Pagbalik ko naman sa inupuan namin kanina pero wala na ang ka-date ko duon. Agad naman akong kinabahan.

WHAAA? Nilayasan ba ako ng ka-date ko?!

Agad akong lumabas para makasiguradong hindi pa siya nakakalayo pero gano'n na lang ang pagkabigla ko nang makita ko siya rito sa labas na nakatutok na sa cellphone niya.

Bumuntong hininga naman ako.

Nilapitan ko naman siya at kinalabit. “Woi, Zent. Akala ko umalis ka na. Pinakaba mo ko. 'Wag ka munang aalis ha? Hindi pa tapos ang araw natin ngayon!”

Nilingon niya ako pero agad din namang tumingin uli sa cellphone niya. Ano ba kasing pinagkakaabalahan niya diyan? Kung may karapatan lang ako, tinapon ko na 'yan papunta sa exoplanet.

“Actually, 'yun na nga ang gagawin ko. Hinintay lang kita para makapagpaalam.” Sabi niya ng hindi man lang ako tinitignan.

Bigla naman akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko nang sabihin niya 'yun. Pero ngumiti lang ako at tinanguan siya kahit ayaw ko pa. Kahit gusto ko pa siyang makasama.

Pero hayaan niyo na. Babawi na lang ako bukas sakanya.

“Okay, sige.” Nakangiti kong sagot sakanya.

Who am i naman kasi para pigilan siya? Who am i, huh? WHO AM I? Answer!

Mapait niya akong nginitian bago niya ako tinanguan at iniwan na dito mag-isa. Napabusangot na lang ako habang tinititigan ang likod niyang papunta sa kotse niya. Nang mawala naman siya sa paningin ko ay umiwas na ako ng tingin.

Mukhang magiging mahirap na paamuhin ka, babes ah.

Bakit ba kasi ang gwapo mo? Bakit ba kamukha mo si Cha Eunwoo ng Astro? Futaines, baliw na ata ako. Pakibalik naman ako sa mental, please.

“Mukhang iniwan ka ng ka-date mo, ah.”

Hindi na ako nabigla nang bigla kong marinig ang boses ni Aling Esang sa likod ko. Bigla tuloy akong na-badtrip sa sinabi niya. Ano ba naman kasing kalokohan 'to, Merlliah?

Nilibre mo lang naman siya ng lomi. Then 'yun na 'yon. 'Yun na 'yon!

Wala ng hihigit pa! Wala na! At alam mo ba kung bakit? Dahil hindi pa niya inilalabas ang inner Jiang Chen niya! You know he's your Xiao Xi. Pero hintayin mo lang. Easy ka lang, chillax lang!

Mag-judge ka muna.

----

“Mamaaaaa!” Bungad kong sigaw pagka-apak na pagka-apak ko sa sahig ng bahay naming hindi pa nawawalisan ni ate Tisay. Tsk, tsk. Ke-tamad talaga ng gurang na 'yun. Ang dami nang dumidikit sa paa ko, oh!

Bwiset.

“Bakit, 'nak?”

Pagkatanggal ko ng sapatos ko ay agad akong lumingon sa kung saan nanggaling ang boses ni mama. Bumusangot naman ako para maging cute. “Mama naman. Hindi mo ba ako iwe-welcome back?”

Nginitian niya ako. “Ah, edi welcome back! Pero 'nak, may tanong ako.”

“Ano ho 'yun, ma?”

“Kailan ka pa nawala ng matagal dito sa bahay at kailangan pa kitang i-welcome back? Pumasok ka lang naman sa school. Ikaw talagang bata ka, ang dami mong alam.” Sabi ni mama at nailing iling na bumalik sa kusina. Napaismid na lang ako at napahilata sa sala.

Bigla naman akong napangiti nang maalala ang nangyari kanina. Pinigilan kong mapasigaw para hindi magreact si mama. Nagpagulong gulong pa ako dito, to the point na nahulog na ako sa sahig.

Zent William! Gagu ka, ha. Bakit mo ba ako pinapakilig ng gano'n?! Ginayuma mo ba akong hayop ka?! Ano?! De putaa! Nagagalit ako and at the same time kinikilig!

Kapag nai-imagine ko pa lang na nagde-date kami ni Zent, ngiting ngiti na ako. To the point na sumakit na 'yung panga ko at ayaw na niyang bumalik. Pero ito?! ITO?! Iyong nangyari sa'min ni Zent kanina—ena, walang nangyari sa'min kanina—ay sobra sobra na! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Parang mahihimatay na ako!

Parang gusto kong pumatay ng tao dahil sa kilig! AAAARRGGHHH.

Ano? Magvo-volunteer ka?

“Hoy anak!” Bigla akong napamulat nang may biglang sumigaw sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko at agad na napabangon nang makita ko si mama at si papa na nakatingin sa'kin at mukhang nawi-wirduhan. “Ano bang ka-shunga-an ang ginagawa mo diyan?”

“H-ha? Ano, ma. Wala akong ginagawa! Hindi ako kinikilig! Hindi talaga.”

Nilagay ko pa ang dalawang kamay ko sa pisngi ko dahilan para magpout ang lips ko. Pero my gosh, hindi kaya namumula ako ngayon? Meh, 'yun kasi ang napapanood ko sa mga k-drama's o kaya naman sa mga nababasa ko.

Pero nabigla na lang ako nang bigla akong batukan ni papa. “Anong hindi? Eh sa sobrang kilig mo nga diyan ay hindi mo na ako napansing pumasok rito sa bahay. Ano, Meme? Sinong kinikilig sa'tin, ha?”

Naghesitate pa ako kung sino ang ituturo ko. Pucha, hindi ko rin alam kung bakit ako naghesitate at hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun! Paki-explain. “Ikaw po?”

Muli na naman akong binatukan ni papa kaya napadaing ako. “Obvious namang ikaw, diba? Sino bang namumula ang buong mukha sa'ting dalawa?” Akma na sana akong sasagot nang pigilan niya ako sa paraang nilagay niya ang kamay niya sa mukha ko. “Oh, 'wag mo nang sagutin. Halata namang ikaw 'yun, eh. Ah basta, ipakilala mo sa'kin 'yang lalaking 'yan, ah. Gusto ko siyang makilala!”

Napakamot ako sa ulo. “Papa naman. Masyado ka ring excited, eh! Hindi ko pa nga po siya boyfriend. In the near future siguro.”

Nakita ko namang piningot ni mama ang tainga ni papa. “Ikaw talaga, Antonio. Gaya gaya ka ng lines sa ibang kwento. Ano, strikto rin? Aba, gusto mo pang masampal diyan? Hayaan mo na 'yang si Meme. Nagd-dalaga na 'yan. Kailangan na rin niya ng boyfriend.” Akma na sanang sasagot si papa nang mas lalo pang nilakasan ni mama ang pagpingot rito. “Wag ka nang sumagot at samahan mo na ako sa kusina.”

Napailing na lang ako sa kabaliwan ng mga magulang ko. Ngayon alam ko na kung kanino ako nagmana.

----

Zent William Andrada
Active now.

Halos 10 minutes na akong nakatitig sa active now ng lalaking 'yan. Ewan ko ba, nagd-dalawang isip kasi ako kung icha-chat ko siya o hindi. I mean, you're mean lang diba. HEHE. Jusko, okay. Nagiging corny na po ang bida ng kwentong ito.

Pagpasensyahan niyo na ang nagsulat.

Akma ko na sanang pipindutin ang wave button nang may biglang nagpop-up sa itaas ng screen ko na may nag-chat daw. Bumuntong hininga naman ako at inayos ang pagkakahiga sa kama ko.

Whoo! Mukhang sinagip ako ng kung sinong nagchat sa'kin ah. Nagpapasalamat ako!

Pero gano'n na lang ang pagkabigla ko nang makita kung sino ito. Aba?!

| Tisha: Hoy, ba't gising ka pa? Sumbong kita kila mama, ah. |

Bigla tuloy akong nawala sa mood. Binabawi ko nang nagpapasalamat ako sakanya. Mas nagmukha pa ngang sinira niya ang plano, eh. Pero dahil sa pagchat niya ay mas lalo akong kinabahan at biglang tinapon ang planong ginawa ko.

Lintek!

| Merlliah: You don't care. :P |

Seen. 12:51 am.

Tisha is typing...

| Tisha: Don't me nga, Meme. Friend ko 'yung crush mo at kita kong online siya. May balak ka bang i-chat siya o china-chat mo na siya ngayon? |

Teka nga, bakit ka ba kasi panira ng moment?!

Letsugas, sipain ko 'yan papuntang exoplanet, eh. Peaceful do'n! At magiging peaceful rin ang buhay ko kapag nanduon ka! Bwiset. Guys, stop me.

| Merlliah: Hindi ah! Hindi ko siya ka-chat, masyado! Hindi naman ako katulad ng mga ibang babae na desperada kung magpa-cute sa taong gusto nila. Average lang ako! |

Seen. 12:54 am.

Tisha is typing...

| Tisha: 'Wag ako, Meme. Alam ko ang mga katangian mo. At alam ko ring katulad ka ng mga babaeng 'yon. |

Napaisip naman ako. Hindi nga? Katulad nga ba ako ng mga babaeng desperada? Sus! Hindi naman siguro. Sa ganda kong 'to, ipagsisiksikan ang sarili sa taong gusto ko?

My gosh! Hindi ako ganoong babae!

Meanwhile.. Kinabukasan...

Pagkatingin ko pa lang sa likod ni Zent ay agad agad akong kumaripas ng takbo papunta sakanya. Jusko, hindi na ako magpapa-tumpik tumpik pa pagdating sa mga pagkakataong ito, 'no!

“Hi, Zent-Zent!”

Pagkalingon niya sa'kin ay agad siyang nanlaki ng mga mata at halos mahimatay na para bang nakakita siya ng taong ayaw niyang makita ngayon. Napaismid naman ako sa naisip kong ka-abnormal-an.

“Oh, ba't parang gulat na gulat ka nung makita mo ako?” Tanong ko sakanya na nanlalaki pa rin ang mga mata habang nakatingin sa'kin. “May dumi ba sa mukha ko? Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako?”

“W-wal—,”

“Then why?!” Pagpuputol ko sa sasabihin niya kaya naman maraming napatingin sa'min at nakakuha ng atensyon. Bigla tuloy akong nagsisi dahil sa ka-korni-hang sinabi ko. “Wh-why.. Th-then why.. Why.. Why, why, why, Delilah? Hehe.”

Hindi talaga ako tulad ng mga babaeng 'yon, promise.

----

End of Chapter 10.

----

Nicholle: WAH, 1.9k plus lang 'to. HUHU. Mianhe~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro