CHAPTER 84
Gwynne's Point of View
Tahimik lang akong nakaupo sa likod ng kotse habang papauwi na kami. The gate automatically opened when we reached the mansion. Ilang minuto pa ang nagdaan bago namin narating ang malaking espasyo ng garahe sa gilid ng bahay.
Nauna akong lumabas sa kotse at tahimik na naglakad. Nang makatungtong ako sa pinakamalaking pintuan, naroon ang mga tauhang kanina pang nag-aabang, nakahanay sila sa kaliwa at kanan at sabay-sabay na yumuko sa aking harapan.
Tuluyan na akong pumasok sa mansyon. Doon ay naabutan ko si Keegan na pahigang nakasandal sa may sofa, abalang naglalaro sa kanyang cellphone. He's still wearing his three piece suit, ni hindi man lang nag-abalang magpalit ng suot. Tsk.
"Gwynne, how's the---" Sa seryoso kong tingin ay naglapat ang kanyang mga labi. Segundo muna ang nagdaan bago niya nakuha kung ano ang ibig kong sabihin. "He's upstairs. Guest room 7---" Hindi ko na tinapos ang sasabihin nito at umakyat na ako ng diretso.
Nang makarating ako sa kwartong iyon ay agad kong binuksan ang pintuan. He's sitting at the edge of the bed. Nang makita niya ako'y inilang hakbang lang nito ang layo niya sa akin bago niya ako yakapin ng mahigpit.
"Do you know how worried I am?" Damang-dama ko ang malalim niyang paghinga sa leeg ko, bakas ang pag-aalala sa kanyang tono.
"Do you know how dangerous you did earlier?" Tanong ko pabalik sa kanya. Noon niya lamang ako binitawan at tinignan, naguguluhan at para bang nasasaktan.
"Bakit sa akin nag-aalala ka? Bakit sa buhay mo, parang balewala lang sa'yo?"
"I told you before---"
"That danger is your life? Don't fucking reason that out again!" Umalingawngaw ang lakas ng boses nito sa buong kwarto. Napahilamos ito sa kanyang mukha. I can see how frustrated he was. "Bakit parang wala lang sa'yo na isuong ang buhay mo sa ganoong kadelikadong sitwasyon?"
"Dahil nabubuhay ako sa paraang iyon!" Sigaw ko sa kanya at alam kong nagitla siya. "Kung nag-aalala ka, huwag mong itaya ang buhay mo para lang iligtas ako."
Kung natatakot siyang mamatay ako, hindi iyon ganun kadaling mangyari. Hindi ako mamamatay nang dahil lang sa mga tama ng baril o ng mga patalim na natatamo ko. Kumpara sa mga katotohanang pinaglaruan ang buo kong pagkatao, doon pa lang pakiramdam ko ay pinatay na ako. Walang-wala ang mga ganoong sitwasyon sa akin.
"Paano mo nagagawang sabihin sa akin ang mga yan?" Hindi nito makapaniwalang tanong sa akin.
"I don't need someone to protect me."
"But I want to protect you even if it costs my life. I have to. I need to because I love you."
"Then stop yourself from loving me!" My tone raised.
Doon siya natigilan at doon ko nabasa ang mga sakit na gumuhit sa kanyang mga mata.
"Huwag mong sabihin sa akin ang mga salitang taliwas sa nababasa ko sa mga mata mo." Napailing ito. "For fuck's sake Gwynne, huwag mong hilingin ulit sa akin ang isang bagay na hindi ko kayang gawin." Napatingin lang ako sa kanya.
Alam kong hindi ito ang unang pagkakataon na hihilingin ko sa kanya ang bagay na 'yon, pero gaya nung nauna, parehong ang kaligtasan niya ang dahilan ko.
"Umalis ka na." Iyon lang ang sinabi ko bago talikuran siya.
Hindi pa man ako nakalalapit sa pintuan ay naroon na ako sa mga bisig niya, nakakulong ng mahigpit gaya ng madalas na ginagawa niya.
"Don't stop me from loving you. Never stop me from loving you." Bakas ang pagmamakaawa sa tono niya at noon ay naramdaman ko ang mainit na likidong dumaloy sa balikat ko na nagmumula sa kanya. "Hilingin mo na ang lahat sa akin, huwag lang 'yon."
Napapikit ako at napalunok ng mariin, pinipigilan ang sarili. Kung gaya lang sana ng dati ang lahat, hindi na aabot pa sa ganito pero sadyang makasarili ang pagkakataon para sa amin, para sa akin.
"Let me go Xydelle. That's all what I'm asking." Ramdam ko ang ilang beses niyang pag-iling mula sa balikat ko.
Alam kong hindi niya maiintindihan ang mga dahilan ko pero kailangan kong gawin ito.
Sinubukan kong alisin ang mga braso niya sa akin pero mas lalo niya lang hinigpitan iyon.
"I'll do everything. Just don't push me away. Huwag iyon, hindi ko kaya." Pumiyok na ang boses nito dahil alam kong sobra siyang nasasaktan at alam kong ako ang dahilan.
Nagawa ko siyang harapin at hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng mga luha sa aking mga mata lalo na nung makita ko ang hitsura niya. He's also crying.
"Xydelle, tama na please. Tigilan mo na ako. Hayaan mo na ako. Kalimutan mo na ako." Halos magmakaawa ako sa kanya.
"Bakit mo ba ginagawa sa akin ang mga 'to?"
"Dahil ayokong saktan ka---"
"Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan sa ginagawa mong 'to?" Sunud-sunod ang naging pagdaloy ng luha nito.
It's my first time to see him cry like this, na para bang isa siyang bata na walang magawa kundi ang umiyak na lang.
Napatingala ako, umaasang sa paraang iyon ay titigil ang mga luha ko.
Nabubuhay ako sa magulo at delikadong mundo. I'm part of the most dangerous organization in the Mafia World. Hindi lang ako isang naturang miyembro roon, ako ang namumuno noon.
From that fact, ayoko ng manatili ang sinuman sa tabi ko kung ang kapalit ay ang kaligtasan ng mga ito. Kung kaligtasan nila at ang kasiyahan ko ang pagpipilian, iyong una ang pipiliin ko... even if it hurts so much.
"Gwynne, please." Hinawakan ako nito pero pinigilan ko siya. Tsaka ko sinalubong ng blangkong tingin ang nasasaktan nitong mga tingin.
"I'm returning back the favor. Please, umalis ka na rin sa buhay ko." Muling lumandas ang mga masasaganang luha sa pisngi nito.
Nasasaktan ako sa paraang makita siyang nagkakaganito pero mas masasaktan lang siya kapag ipinagpatuloy pa namin ito.
"Gwynne---"
"Please." I almost begged.
Kahit magalit man siya, handa kong intindihin iyon. Kahit kamuhian niya ako, tatanggapin ko iyon. Mas maiging saktan siya sa paraang ito kaysa sa paraang ikamamatay ko.
"Will it make you happy if I leave?" Tila hindi nito magawang tapusin ang sariling tanong.
Kung ang magmahal muli ang siyang magiging dahilan ng kahinaan ko, mas pipiliin ko na lang na isarado ng tuluyan ang puso ko. Dahil sa mga pinagdaanan ko, nakakatakot na ang magmahal. Nakakatakot ang magmahal kung sa huli ay mawawala sila na ako ang magiging dahilan.
Tinitigan ko siya ng maigi tsaka ko sinagot ang tanong niyang iyon.
"Yes."
I can't let someone die again just because of me. And I'll accept it if he's going to leave me.
Apat na araw na ang nakalilipas simula nung mangyari iyong gabing 'yon lalo na sa pagitan namin ng mag-asawang Earl.
Ngayon ay nakatuon ang aking mga mata sa kabaong nila habang unti-unting bumababa iyon sa hinukay na lupa. Nakakatwang isipin na ang mga taong pinatay ko ay ako mismo itong maglilibing sa kanila.
"Patawad sa lahat... anak." Tila sirang plaka iyong naglalaro sa isip ko.
Sa kahuli-hulihan nilang hininga, nagawa pa rin nilang iparamdam sa akin ang matawag bilang isang anak.
Inihulog ko ang hawak kong bulaklak sa kabaong nila kasabay ng unti-unting pagbaba no'n sa lupa hanggang sa tuluyan ko ng hindi iyon makita.
Naroon sa puso ko ang poot at hindi malilimutang sakit na ipinaranas nila sa akin. Ngunit hindi ko maitatangging kahit ganoon ay naroon pa rin ang katiting na espasyo nila sa puso ko. Sila iyong taong una kong minahal at pinrotektahan, sadyang kay daya lang ng katotohanan.
"Salamat sa lahat, Mom and Dad."
Malalim akong bumuntong hininga. Napapikit ako tsaka ko hinayaan ang sarili kong alalahanin lahat ng mga bagay na nangyari noong kasama ko pa sila. Matagal bago ko minulat ang aking mga mata.
"We're going back in Russia tomorrow." Gulat man ngunit hindi na sila kumontra pa sapagkat pinal na ang desisyon kong iyon.
Nang makarating kami sa mansyon, inubos ko ang oras ko sa katatayo sa balkonahe habang nakatingin sa kawalan. Noong oras ding iyon ay naramdaman ko ang malamig na ihip ng hanging tila yumayakap sa akin. Nagsiliparan ang mga mahahabang kurtina at batid kong nasa tabi ko lamang sila, ang aking magulang.
This is how I felt when I first entered this mansion. It's good to feel this kind of atmosphere. The air is cold but it warmth me at the same time.
"Gwynne." Nilingon ko lamang saglit si Yaya Melds nang tawagin niya ako. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti at muling ibinalik ang tingin sa aking harapan.
"Hindi ko kukwestiyunin ang desisyon mong umalis na sa bansang ito pero umaasa akong sa pagkakataong ito ay magpapaalam ka ng maayos sa mga kaibigan mo." Saad niya dahilan ng pagbuntong hininga ko.
Lumipas ang araw na 'yon at ngayon ay tahimik akong nakaupo sa damuhan habang nakatingin sa puntod ng totoo kong magulang. Binisita ko rin sina Keizer at Denver sa puntod nila. Nauna pa nga sa kanila. Sinadya ko talagang ang puntod ng mga magulang ko ang huli kong dadalawin.
I lit a candle and placed a white flower on the side of their gravestones.
"Hindi niyo man naiparamdam sa akin ang inyong pagmamahal dahil kinuha nila kayo ng maaga sa akin, masaya ako dahil kayo ang naging magulang ko." Sa pagkakataong ito ay napangiti ako. Tsaka ako napatingin sa asul na kalangitan na para bang makakausap ko sila sa ganoong paraan.
Aalis na po ako ngayong hapon. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako o kung babalik pa ba ako sa bansang ito, pero asahan niyong babaunin ko lahat ng mga masasayang ala-alang naranasan ko rito. Hanggang sa muli.
Matapos kong umalis sa North Cemetery, ngayon ay tahimik kong binaybay ang daan hanggang sa huminto ako sa isang condominium building. Hindi naging mahirap para sa akin ang pumasok doon hanggang sa makasakay ako ng elevator at huminto sa tapat ng kanyang condo. Kumatok ako. Hindi nagtagal ay kaharap ko na siya.
"Gwynnnnne! OMG! Paano mo nalaman 'tong condo ko?" Masaya at nagtataka niyang tanong pagkabukas niya ng pintuan.
"Lahat nalalaman ko. Paano ka pa na kaibigan ko?" Saad ko sa kanya.
Ngumiti lang ito ng pagkalapad-lapad sa akin at ayun na naman ang kamay niyang umangkla sa akin. Hindi na talaga yata mawala kay Irish ang ganitong gesture. Napailing lang ako roon.
"Nakakatuwang isipin na dinalaw mo ako rito. Magpapaparty na ba ako?" Puno ng sarkasmo nitong tanong. Tumatawa pa siya. She opened the door for me and led me in the living area.
"Why did you visited me here anyway?" Malakas niyang tanong dahil naglalakad siya ngayon papuntang kitchen. Pagbalik niya ay may hawak na siyang maiinom.
"I'm leaving today."
"What?" Nauna pa ang pag-upo nito bago ang paglapag niya ng tray sa mesa dahilan para magkalat ng kaunti ang tubig sa sahig. Halos matalisod pa ito. Hindi na ako nagtaka roon. Alam kong ganito ang magiging reaksyon niya.
"That's so sudden Gwynne. Wala ka pa ngang kalahating taon dito." Kumpara kanina, naging matamlay na ang tono nito. "Pero kailan ka babalik kung sakali?" Binalik nito ang sigla sa kanyang boses, umaasa, pero hindi nito maitatago ang tunay niyang nararamdaman dahil sa mga nababasa ko sa kanyang mga mata.
"Wala ng dahilan para bumalik pa ako rito. Tapos ko na ang misyon ko."
"Misyon?"
"I killed them." Sagot ko sa kanya. "My fake parents." Dugtong ko. Hindi ko na siya hinayaang magtanong pa.
"Oh my God." Bulalas nito at napatakip sa kanyang bibig. Paulit-ulit niyang sinasambit ang katagang iyon, hindi makapaniwala.
Napabuntong-hininga ako ng malalim kasabay ng pagguhit ng kung ano sa dibdib ko.
"I already killed them but why do I still feel the pain?" Iyon ang mas lalong ikinagulat niya. "Pinatay ko sila upang pagbayaran ang mga ginawa nila at mga kasalanan nila pero bakit hindi ko pa rin magawang sumaya?" Halos pumiyok ang boses ko.
That moment, I felt how weak I am. Na para bang lahat ng mga sakit na nakakubli sa dibdib ko ay lumabas ulit, sabay-sabay.
"Why can't I free myself from pain?" Nasasaktan kong tanong, naghahanap ng tamang dahilan kung bakit sa kabila ng ilang taong nagdaan, ganun at ganun pa rin ang nararamdaman ko.
Lumapit ito sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit dahilan para malayang lumakbay ang mga luha pababa sa aking pisngi. I cried without sound. Naroon lang ako, patuloy na lumuluha.
"Dahil hindi totoong pinalaya mo ang sarili mo sa sakit. Hinayaan mong manatili r'yan sa dibdib mo ang sakit." Hinagod-hagod nito ang likod ko.
When she faced me, marahan niyang pinunasan ang luha sa aking mukha.
"The only way for you to free yourself from pain is to open both your heart and mind. Buksan mo ang isip at puso mo sa mga panibagong bagay na mararanasan mo para sa kinabukasan mo. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa pait ng nakaraan mo." She hugged me again and I don't know how long it was.
Irish came into my life unexpectedly. Among all the people, aside from Yaya Melds, she knew what I've been through. Lagi siyang naroon. Nasaksihan niya ang lahat sa kadahilanang siya ang ginagawa nilang pain laban sa akin na umaabot pa sa puntong buhay niya na ang nakasalalay.
She knew how miserable my life is. Isa siguro iyon sa dahilan kung bakit malaya kong naikukuwento sa kanya ang nararamdaman ko dahil sa lahat ng tao, siya ang lubos na makakaintindi sa kung anong mga pinagdadaanan ko.
"I won't stop you from leaving." I immediately wiped the tears away when she looked at me. "Pero kung aalis ka, hayaan mong malaman ito ng iba, lalo na siya." Kahit hindi niya sabihin, alam ko kung sino iyong tinutukoy niya.
"Wala ng rason para magpaalam pa ako sa kanya."
"Gwynne, meron." Giit niya. "Mahal ka nung tao e. Naghintay siya. Hinintay ka niya." Tila pinapaintindi nito sa akin ang lahat. "Pinalayo ka niya noon hindi dahil ginusto niya. Ginawa niya iyon dahil nasaktan din siya. Naiintindihan ko yung side ni Xydelle kung bakit siya nagalit noon at naiintindihan din kita kung bakit ganyan ang nararamdaman mo hanggang ngayon." Hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat at hinuli nito ang mga tingin ko.
"Pero Gwynne, hindi nito maayos ang lahat kung patuloy niyong itulak palayo ang isa't isa. Yes, he pushed you away but he run after you when you send me that message. But he's late because you already left." Parang nanghihinang napatingin ako sa kawalan matapos niyang sabihin iyon. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.
Before I left, I was able to watched them from afar, outside the university. Bago kami makapasok sa eroplano noon, I sent Irish a message telling her that I will be gone. I didn't know Xydelle would run after me.
"You were hurt because of each other. Please heal your hearts together."
Sa tagal kong nakatingin sa kawalan, hindi ko namalayang bumukas ang pintuan. Basta ko na lang nakita si Zephyr sa aking harapan, hatalang nalilito kung anong nangyayari.
"What's happening?" Tanong nito sa amin, naguguluhan.
"She's leaving." Si Irish ang sumagot para sa akin, ramdam ko ulit ang bigat sa kanyang tono.
"Bakit umaalis ang lahat ng tao ngayon?" Doon lamang ako napatingin kay Zephyr, tila inaalisa kung anong ibig niyang sabihin.
"What do you mean?" Irish asked him.
"Xydelle just left for California. Kahahatid ko lang sa kanya sa airport." May kung ano akong naramdaman nang sabihin niya iyon. May kung anong pumipiga sa dibdib ko.
"What? Akala ko next week pa---" Natigilan si Irish nang tignan niya ako. So I heard it right, he's really leaving. "Gwynne," hinawakan niya ako sa kamay.
"Pushing each other away will never solve your problem. Face it before it's too late." Sa mga salitang narinig ko, parang may sariling buhay ang mga paa ko at mabilis silang iniwan doon.
Namalayan ko na lang ang sarili kong nagmamaneho papuntang paliparan. Sobrang higpit ng kapit ko sa steering wheel. Kulang na lang ay paliparin ko ang sasakyan.
Nang makarating ako sa airport, tuluyan akong pumasok doon. Nakiusap na ako. I even used all my connections but it was of no use. Like him, I was also late... because he already left.
Nanghihinang napaupo ako sa hagdanan nang makalabas ako. Sa isang iglap ay parang nawala lahat ng lakas ko. Hinayaan kong saluhin ng tuhod ko ang aking ulo kasabay ng mga luhang pumatak doon.
Ako dapat ang aalis ngayon, hindi siya. Mula sa isang patak ng luha sa sahig kanina, naging tuluy-tuloy na iyon, walang tigil, walang palya.
"But I want to protect you even if it cost my life. I have to. I need to because I love you." That scene and his words keep flashing back on my mind na para bang kahapon lang nangyari ang tagpong iyon.
"Then stop yourself from loving me!" Ang marinig muli ang mga salitang iyon mula sa akin ay parang lasong ginawa ko para lang saktan ang sarili ko.
"Will it make you happy if I leave?" Muling pumatak ang luha ko dahil sa tanong niyang iyon.
"Yes." But it's not. It will never make me happy.
Nung gabing yun, matapos kong sabihin sa kanya ang salitang iyon, nasasaktan niya akong tinalikuran at nung mawala siya sa paningin ko, para akong lantang gulay na napaupo sa noo'y kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung paano ko nagawang banggitin ang salitang iyon.
Iisang salita pero samut-saring sakit ang idinulot 'non sa akin. Sobrang ikli pero sobrang sakit sa dibdib. Para kong pinatay ang sarili ko dahil lang sa tatlong letrang iyon.
Ngayong umalis na siya, bakit ako nasasaktan? Desisyon kong itulak siya palayo pero hindi ko alam na ganito kasakit.
Why do people love leaving me? Why can't I be happy?
Nang mapagod ay nag-angat ako ng ulo. At hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maaasar sapagkat naroon siya, nakatayo, ilang dipa mula sa akin ang layo.
Naglakad siya papalapit nang hindi inaalis ang tingin sa akin. Hindi ko alam kung ikatutuwa ko bang makita siyang hindi pa umaalis o maiinis dahil hindi pa siya nakakaalis gaya ng huli niyang sinabi sa akin.
"Gwynne, what---"
"How dare you wait for me for fucking five years and how dare you leave me just like this!" Mataas ang boses na tanong ko sa kanya para marinig niya kung gaano akong naasar sa kanya.
Parang awtomatiko naman ang naging paggalaw ng mga luha ko. Alam na alam kung kailan titigil at lalong alam na alam kung kailan lalalabas.
"You told me to leave---"
"And you're really going to do that?!" Gusto ko siyang sapakin.
Kahit nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luhang nagpipiyestahan sa mukha ko, mataman kong sinalubong ang mga tingin nito.
"Don't leave me Xydelle Jimenez." Seryoso kong saad sa kanya, hindi sa paraang nakikiusap, kundi sa paraang nang-uutos.
Humakbang pa ito papalapit sa akin. Naroon pa rin ako sa hagdan, nakaupo, at ngayon ay nakatingala sa kanya.
"Give me one reason for me not to leave." Saad niya, tila nanghahamon.
"Mahal kita. Tanga." Pinaikutan ko siya ng mata gayong luhaan na.
Noon ko nakita kung paano siya magpigil ng ngiti, kinagat pa nito ang pang-ibaba niyang labi. Kalauna'y sumeryoso siya. Inis akong tumayo dahil sa ipinapakita niya.
"Gusto mong umalis? Then go. Umalis ka na. Ihahatid pa kita."
Frustrated for I don't know what the real reason is, I went near him. I aggressively took his luggage and was about to go inside the airport but he grabbed me and prisoned me on his arms.
Tears automatically rolled down on my face because of what he did. Isiniksik ko na lang ang sarili ko sa dibdib niya dahil hindi ko mapangalanan kung ano ba talaga itong nararamdaman ko.
Nang tignan niya ako ay marahan niyang hinaplos ang pisngi ko, binubura ang bakas ng luhang naiwan doon.
"Hindi ako tanga pero mas mahal kita." Kahit anong pigil ang gawin ko, doon na muling tumulo ang mga luha ko lalo na nung ikulong niya ulit ako sa bisig niya ng mahigpit, tipong ayaw niya na akong pakawalan pa ulit.
"Huwag mo akong iiwan." I said in between tears and I was able to smile... for real.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro