CHAPTER 8
Xydelle's Point of View
"Guys ngayon yung submission ng assignment sa Practical Research diba?" Rinig kong tanong ni Erica sa iba naming classmates.
"Yep. Buti tapos na ako." Sagot ni Daine dito. Nagsari-sariling mundo ang mga ito at nagtanungan pa sa iba.
When the bell rings, nagsitayuan ang mga kaklase ko at nag-unahan pa sila sa paglabas sa room. Iilan lang kaming naiwan dito sa loob dahil break time na. Nakita ko naman ang pagtayo at paglapit nina Aris at Zeph sa akin.
"Yow bro."
"Bakit?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Narinig kasi namin ang pinag-uusapan nila Erica, itatanong lang namin kung---"
"Kung natapos na ako?" Pagtutuloy ko sa tanong nila. "Oo naman. Kayo, hindi pa?" Nagkamot sila pareho ng ulo. Sinasabi ko na nga ba e.
Ano pa bang aasahan ko sa dalawang ito? Matalino rin naman sila. Active pa nga sila sa mga recitations, sadyang tamad lang silang gumawa ng mga projects at assignments. Yung teacher naman kasi namin, second week na second week ng klase nagpapa-assignment kaagad.
"Oo e, pwede bang pakopya?" Tanong ni Zephyr. Kapal talaga ng mukha ng lalaking 'to.
"Nasasanay na kayo sa kopya kopya na yan." Suway ko sa kanila.
"Last na 'to bro. Promise." Promise my ass. Napailing na lang ako. Dahil abala ako sa paglalaro sa phone ko, iniabot ko na lang sa kanilang dalawa ang bag ko.
"What are we going to do with your bag?" They both asked. Tangina ng dalawang 'to.
"What do you fucking want? Bakit kaya hindi kayo ang maghanap ng assignment ko? Tutal kokopyahin niyo lang din naman." Usal ko sa kanila. Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa phone ko at itinuloy ang paglalaro.
"Wala ka naman yatang ginawa e?" Zeph asked.
"Lul. 'Di ako katulad niyo. Hanapin niyo, nandyan lang yan." Hindi ko na sila panakinggan pa dahil abala ako sa paglalaro.
"Hey! Where did you fucking put it?" Tinignan ko sila ng masama. Ako pa yung sinisigawan, e sila na nga 'tong mangongopya lang.
"Akin na nga yan!" Pahablot kong kinuha ang bag. Istorbo talaga sa buhay ang dalawang 'to. Hinalungkat ko ang bag ko kaso 'di ko yun mahanap.
"For fuck's sake! Ilabas niyo na, I know you're hiding it." Sambit ko sa kanilang dalawa. Kailan ba makakagawa ng matino ang mga ito?
"Lolokohin ka pa ba namin? Malapit na kayang magtime, wala na kaming time na mangopya pa." Sinamaan ko sila ng tingin.
Hinanap ko ulit yun sa bag ko kaso wala talaga, huli na nung maalala kong naiwan ko pala yun sa study table ko sa kwarto. Shit lang.
"What's the time?" I asked them.
"It's already 2:20, we still have 40 minutes before our last subject will start." Fucking great! Tumayo ako kaagad.
"Where are you going?" Tanong nung dalawa pero hindi na ako sumagot pa. Dali-dali akong tumakbo palabas at pumunta sa kotse ko. Pinaharurot ko kaagad iyon at ilang minuto lang ay nakarating na ako sa bahay.
"Ang aga naman ng uwian niyo hijo?" Salubong ni Yaya.
"No. I forgot my assignment." Sagot ko bago ako umakyat sa kwarto at hinanap yun sa study table ko kaso wala roon. Bumaba ako sa sala at kaagad na hinanap si Yaya.
"Ya, did you saw my assignment below my study table?"
"Saan mo ba nilagay hijo? May niligpit akong yellow paper sa kwarto mo." Tugon nito.
"Yun nga po Ya, saan mo po yun inilagay?"
"Dun sa tabi nung mga aklat mo." Tumakbo ako paakyat sa kwarto at hinanap yun.
Kinuha ko agad yun nang nakita ko tsaka na ako bumaba. Nagpaalam na lang ako kay Yaya na aalis na dahil ayaw kong malate sa last subject namin.
Pinaharurot ko na ang kotse. At lintik lang, ngayon pa talaga natraffic. Tinignan ko ang wrist watch ko, 11 minutes na lang ang meron ako nito. Patay ako nito kay Miss Fuentes e. Ang sungit pa naman nun.
Iniatras ko ang kotse at lumiko sa may kaliwang kanto. Walang katao-tao sa lugar na ito dahil sa may looban na ito, pero ito lang ang alam kong shortcut na daan pabalik sa school. I started the engine and drive again kaso may dumaan na pusa. Napabrake ako nang wala sa oras. Bwiset na pusa! Hinihingal ako ng sobra dahil dun.
I looked at my watch for the second time only to find out that I have only 4 minutes now. Pinaandar ko ulit ng mabilis ang kotse. Umikot ako sa kaliwang kalye hanggang sa makalabas ako sa gilid ng main gate.
Pinabagal ko ang takbo ng kotse nang makita ang grupo ng mga kalalakihang tila may pinagkakaabalahan. Mga gagong 'to, hindi na lang mag-attend sa klase.
Habang papalapit nang papalapit, doon ko lang napansin na may babae pala silang kasama. Naningkit naman ang mata ko nang mapagsino iyon.
"I'm not in the mood to play with your games, you fool." Rinig kong saad nito. Kailan ba 'to magsasalita ng hindi nagagalit?
"Come on, just once. Saglit lang naman e." The other guy said. Anim sila at hindi ko alam kung anong sinasabi ng mga ito.
"Just please disappear while I'm still in control of my temper." May diin sa bawat salita nitong babae. Ano bang pinag-uusapan nila? Tangina, nahahawa na ako sa pagiging tsismoso ni Zephyr.
Sumandal ako sa bintana ng kotse at pinagmasdan lang sila hanggang sa mapansin kong basa ang suot nung babae lalo na yung harap niya. Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung anong pakay ng mga lalaking ito.
Wala akong pakialam sa totoo lang pero bumaba pa rin ako dahil nakakakonsensya naman kung panonoorin ko lang kung anong nangyayari.
"Sige na naman Miss---"
"Oo nga naman Miss, bakit hindi mo sila pagbigyan?" Putol ko rito hanggang sa mapatingin silang lahat sa direksyon ko.
Tinignan ako nung isang lalaki kaya tinignan ko rin siya pabalik. Pansin ko pa ang pagkuyom ng kamao nito hanggang sa inis itong tumayo. Hindi ko sila nilubayan ng tingin hanggang sa napagpasyahan ng mga itong umalis.
Binalik ko ang atensyon ko sa babae. Sa halip na pasasalamat ang maririnig ko ay tinaasan lang ako nito ng kilay. Napabuntong-hininga na lang ako. Ano bang aasahan ko sa babaeng 'to?
"Hindi na nakapagtataka kung may magtatangka sa iyo sa hitsura mong yan." Saad ko rito. Paanong hindi?
Halatang-halata ang panloob nito dulot ng basa niyang damit at dito pa talaga niya naisipang tumambay. Hindi ba niya naisip na baka may mga manyak d'yan na nagkalat na magkainteres sa kanya?
"Wala akong pakialam." Nagulat ako sa naging turan nito at ni hindi man lang ako nilingon.
This girl is unbelievable. Nagmamagandang loob ka na't lahat lahat, nagmamaldita pa rin.
Dahil mahaba pa naman ang pasensya ko, hindi ko na lang pinansin ang pagsusungit nito. Napailing ako at napabuntong-hininga bago ko hinubad ang suot kong jacket at patapong itinakip yun sa kanyang katawan.
"Try to at least be nice you know. It's free." Saad ko bago ko siya tuluyang tinalikuran.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro