CHAPTER 75
Third Person's Point of View
"Ma'am, kami na lang po ang magbibigay n'yan kay Mrs. Earl baka po kasi mapagalitan kami kapag nagpapasok kami ng kung sinu-sino." Imee tried to calm herself, at least this guard got her point but he just pushed the limit inside of her because of the last words she heard.
"I am her daughter." She emphasized.
"Ma'am, kung gusto mo po talagang makausap si Mrs. Earl, hindi mo naman po kailangang magsinungaling dahil kalalabas lang po nung anak niya." With frustrations she's holding inside her, deep furrow formed on her brows. Anak?
"I can't lend you my empire but I can give you clue about the things you're up to." Lumapit si Death Shadow sa kanya at may ibinulong dito. "The person you're looking is someone who is close to you."
Unintentionally eavesdropping, Imee heard her mom's talking to someone through phone. Lalampasan na sana niya ang office na iyon but she noticed the door being half opened and clearly heard what her mom says.
"Yes baby. Don't worry, I will handle it. I will not let her ruin everything. Your Dad is with me. Yeah, I love you baby."
"Don't you even dare Keizer! I won't let you ruin our plan!" Sigaw ng babae sa kanya.
"She's your family!"
"She's not our family!" Curious about she's hearing, Denniese was confused about everything.
"I will tell her the truth!"
"Then I will let you shut up." A loud bang coming from the gun then filled the whole place.
"K-Keizer..." Her voice cracked as she felt Keizer touches her face.
"D-don't t-trust t-them.You're n-not a r-real---"
"Kei p-please don't. Please d-don't leave m-me..." Napahawak ito sa kamay ni Keizer na nakahawak sa kanyang pisngi, nagmamakaawa.
"Denniese, y-you n-need to k-know the t-truth..."
Imee closed her eyes and tears fall from her eyes when those memories suddenly flashback on her mind. Now, she got it all and that truth rankled her. She's not an Earl and they just used her.
Shaking in rage, inalis nito ang huling pagkakahubol ng tali sa kanyang kamay at inisang hakbang lang nito ang distansya niya sa lalaking nagbabantay sa kanya. She took the gun and shoot those guys who are guarding her.
That gunshots alarmed all the people who were inside the place. Isinunod nito ang ibang mga lalaking nagbabantay sa kanya. In a split second, blood splattered on the floor. She saw Summer took the gun on top of the table near her but she shoot it causing the gun to slipped and fall down.
Imee crawled over and targeted Summer, hitting her bare shoulder before she could hide. She once took another gun, now she's holding guns on her both hands. Mabilis nitong pinaputukan ang direksyon ng tinuturing niyang magulang pero nakaiwas ang mga ito. Now, they were exchanging gunfires against each other.
Imee gritted her teeth. Mafia Group, huh?
On the other hand, Denver tried to call her sister for how many times. May usapan ang mga ito na uuwi siya bago mag-9PM pero nakauwi na siya't ang kapatid niya ay hindi niya pa rin nakikita. She's not even picking up her phone.
Denver knew how hardheaded his sister is but he felt different this time causing him to get nervous. He checked Imee inside her room but she's not there. He immediately went downstairs. He's being nervous about something he couldn't name.
"Yaya Melds, have you seen Princess?" Nadatnan nito ang kasambahay nilang kasalukuyang inaayos ang mga kagamitan sa kusina.
"Hindi pa siya umuuwi 'nak." Sagot ni Yaya Melds dito. Denver let out a deep sigh. "Bakit, anong nangyayari?" Balik tanong ni Yaya Melds sa kanya.
"I called her earlier. She told me she's going back home before 9 but damn. Why am I fucking nervous?" He once sighed. Noon ay natigilan si Yaya Melds sa kanyang ginagawa. Mga ideyang tumatakbo sa isipan niya ang nagpaalarma sa kanya.
"Where are your parents?" Nagulat man sa iniasta ng kasambahay nila, sinagot pa rin nito ang tanong sa kanya.
"In the company, I guess. They're not home yet." Mas lalo itong naguluhan nang tumalima si Yaya Melds.
His forehead creased but then, he still followed her. Kausap na nito si Mang Andres, ang family driver nila nang maabutan niya ito sa garahe.
"Si Vanessa at Dennis, nasaan?" Tanong nito kay Mang Andres.
"Hindi ko alam Manang Melds. Tanghali pa simula nung ihatid ko sila roon sa kompanya. Hindi pa naman nila ako tinatawagan upang magpasundo." Sagot nito sa ginang.
Natampal ni Yaya Melds ang noo nito at hindi niya alam kung anong dahilan. Nahihiwagaan ito sa mga ikinikilos ngayon ng matanda.
"Bring me to that company Andres." Hindi talaga nito maintindihan ang mga ikinikilos ng matanda.
It's actually new to him to hear Yaya Melds speak fluently in English. The authority in her voice is also different. Confused and nervous about everything, sumakay rin ito sa kotse nang simulang paandarin iyon.
"Double the speed Andres." Maawtoridad na utos ni Yaya Melds dito kaya hindi magkandaugaga si Mang Andres sa pagpapatakbo ng kotse.
Tinignan ni Denver si Yaya Melds sa salamin at palihim na pinag-aaralan ang mga kinikilos nito. She's different.
Pagkarating sa tapat ng company building nila, mabilis na bumaba si Yaya Melds at tinungo ang front desk. Maya-maya pa'y bumalik ito sa loob ng sasakyan.
"Follow that car." Turo nito sa isang itim na van, hindi kalayuan sa direksyon nila.
"Why are we following that car? What's happening?" Naguguluhang tanong ni Denver dito. Yaya Melds seems relaxed but he can feel how tense she is.
"She's in danger right now." Usal ng matanda dahilan para mas lalo siyang maguluhan. Hindi talaga nito maintindihan ang mga ikinikilos ni Yaya Melds.
And who the fuck is in danger?
Inside that untidy room where she was locked, Imee sprang up from the table and followed them outside. Clenching her fist, she violently punched the guys who are coming after her. She didn't bother hiding from the post whenever they are firing her dahil nauuna pang bumagsak ang mga kalaban nito bago pa man siya madaplisan ng bala.
Isa lang ang gusto niyang pagtuunan ng pansin ngayon, ang itinuring niyang pamilya. Pagsisisihan nilang binuhay pa siya. She'll make sure that she's going to be their worst nightmare.
Suddenly, group of men went to her direction so she ran and jumped off unto them and rushed into a forward attack. Not far from her was her father. Pinaputukan siya nito ng baril. She managed to avoid it pero hindi maitatangging nadaplisan ang kaliwa nitong braso.
"Shit." She kept cursing.
Napasandal ito sa isang poste at bahagyang tinakpan ang kanyang dumudugong sugat. Pagkatapos ng ilang minuto, muli itong sumugod sa kanila.
When someone kicked her hand from her side, nabitawan nito ang hawak niyang baril. So she used her hand to defeat them by brutally punching their faces, cracking their bones from behind making them lost their consciousness.
Nang makuntento ito sa sinapit ng kanyang mga kalaban, sinimulan nitong maglakad habang hinahanap niya ang kanyang mga pakay. Then she saw Summer hiding in a post, hawak-hawak nito ang duguang balikat niyang tinamaan niya kanina.
Not making a sound, Imee picked up the gun and closed the distance between them and right then, nagtungo ito sa likuran ni Summer at itinutok nito ang baril sa kanyang sentido. She felt her stiffened. Pointing the gun on Summer's temple, marahas niyang hinila ito at dinala sa gitna na nasa ganoong posisyon.
"Her life is in my hand. Fucking show up." Mariin nitong utos.
Hindi nagtagal ay nagpakita sa kanya ang mag-asawa. May hawak ding baril ang mga ito na nakatutok sa kanya.
"Put down your gun Denniese." Her father ordered in authority.
Sa halip na matakot, napailing ito. She can't turn black eye this time. For all the troubles they caused her, hindi nito hahayaang magbubulagbulagan pa siya. She's going to play their games this time.
"This is what you want, right?" She asked them.
Nanghihimutok siya sa galit dahil buong buhay nito ay niloko lang siya. Binuhay siya sa isang kasinungalingan. And right now, all she wants is to see all of them lying with their blood splattered on this floor.
Mas lalong idiniin ni Imee ang baril sa sentido ni Summer nang magtangka itong kumawala sa mga hawak niya.
Nang ambang umatake ang mag-asawa sa kanya, hindi nagdalawang isip na paputukan ang mga ito. She shoot her Dad on his left leg. Sinunod naman nito ang ginang. She shoot her Mom on her hand na siyang naging dahilan para mabitawan nito ang hawak niyang baril.
Nakakatawa lang isipin na ang mga taong gusto niyang protektahan noon ay gustung-gusto niyang patayin ngayon.
Mabilis na inakay ng ginang ang asawang bahagyang nakaluhod dahil sa tamang nakuha nito tsaka ito tumingin sa direksyon nila.
"Baby, please don't kill my daughter." Halos magmakaawa si Vanessa sa kanya habang nakatutok ang baril nito sa sentido ni Summer hanggang sa mapunta ang tingin nito pababa sa balikat ng anak niyang patuloy ang pagdurugo.
Imee laughed sarcastically when she saw her Mom cried. Kahit kailan ay hindi niya ito nakitang mag-ala-ala sa kanya ng ganyan. She's not an Earl. That answers her why.
"When my parents pleaded you not to kill them, ginawa niyo ba?" Makahulugan nitong tanong, may hinanakit sa tono nito.
She remembers the video clip Mr. Tan gave her. Nakita niya kung paanong nagmakaawa ang mga ito sa kanila pero sa huli ay pinatay pa rin nila sila. What's worst? They took her and manipulated her whole life.
Who the fuck are they to ask for her forgiveness now? They are the real definition of ruthless and greedy people and they don't fucking deserve her forgiveness and will never be.
What she wants right now is to return them back the favor.
"I'm s-sorry. That was in the past. We can start all over again. Baby please, don't kill my daughter." Napatiim-bagang lang ito, napapailing.
Baby? Ang marinig ang salitang iyon sa labi ng minsan niyang itinuring na ina ay nagmistulang sumpa na sa pandinig niya. She considers that word as a curse now. Saan niya nakukuha ang kakapalan ng mukha para tawagin pa siya ng ganoon?
"Is that also part of the plan Mommy?" She asked sarcastically, emphasizing the last word she said.
Pagak siyang napatawa pagkatapos ay tinapunan niya ang mga ito ng nanlilisik na tingin.
Gripping Summer from behind, Imee violently elbowed her neck. Tsaka nito tinutukan ng baril ang mag-asawang minsang itinuring niya bilang mga magulang niya.
"Denniese, put down your gun. Baka nakakalimutan mo, magulang mo pa rin kami." Her father interrupted. Dahil sa salitang kanyang narinig, muli nitong pinaputukan ang ama. Napatili ang kanyang Mommy dahil sa kanyang ginawa.
"You don't deserve to be called as parents." She stared them blankly but her eyes were as cold as ice.
Muling napatili ang mga ito when Imee aimed her gun from behind then later on, nakarinig ang mga ito ng pagbagsak ng katawan sa kanyang likuran. They can't fool her this time. Hindi ang katulad niyang may mabilis na pakiramdam.
Nang mapansing gumalaw si Summer at balak kuhanin ang isang baril, pasabunot niya itong hinila pabalik sa kanya. She heard her groaned in pain and she wouldn't mind causing her another pain again.
"Let's play Summer." She whispered. "Run for your life." Then she pushed her away.
With her shoulder that keeps on bleeding, Summer took that chance to get away from her pero hindi pa man ito nakakasampung hakbang palayo sa kanya, Imee aimed Summer's heart from her back and shoot it directly while her eyes were settled on her parents.
"SUMMER!" Her mom screamed from what she did.
Nakatalikod man si Summer sa kanila, unti-unting sinakop ng sarili nitong dugo ang buo niyang katawan. Until they saw how she fell down on her spot, bathing in her own blood.
"Summer!" Binalot ng iyak mula sa ginang ang kwartong iyon habang nakikita nito kung paano unti-unting binawian ng buhay ang kanyang anak. Sinubukan nitong puntahan ang anak pero napatigil ito nang tutukan siya ni Imee ng baril. She seems not pleased.
"Now you know how it feels to lose someone right before your eyes." Puno ng hinanakit ang boses nito.
Nakikita nito kung paanong umiyak ang ginang sa pagkawala ng kanyang anak. Kung hindi lang sa klase ng sitwasyong mayroon siya, hindi sana aabot sa ganito lahat. But she had enough. Sagad na sagad na siya na pati ang konsensya niya ay wala na.
She lifted her head and threw a flaming look on them. Her eyes were as piercing as daggers this time.
"Stop it. S-stop it. Please don't kill us. Baby, please spare us." Umiiyak na sabi ng kanyang ina habang nakaalalay ito sa kanyang asawa at nakatingin sa katawan ng anak niyang duguan at wala ng buhay.
The woman seems worried about their lives now. Ilang beses itong nakiusap na itigil na ang kanyang ginagawa pero hindi niya iyon pinakinggan. Not this time.
Vanessa's eyes bulge wide, petrified and full of horror when she saw Imee pursed her lips and gave them a blank yet cold stare.
"Give me one valid reason to spare your lives."
There is a violent exchange of gunfire when the car Yaya Melds and Denver rode stopped. Bahagya itong natigilan. What the fuck is this now?
"Yaya Melds, what the---Shit." Napamura ito nang makitang lumabas ang matanda.
From the van they followed, group of men wearing black suit settled off the car. Huling lumabas dito ang isang lalaking nakasuot ng maskara. He saw Yaya Melds talked to these people. What the fuck is really happening? And who are these people now?
Walang kaalam-alam sa mga nangyayari, naiwan itong nakatanga sa kanila. Hindi nagtagal ay sumunod ito sa loob. Sa unang palapag ng gusaling iyon, nagulat siya nang makitang inakay palabas ang isang lalaki at isang babaeng nawalan ng malay. Hindi kalayuan sa kanya ay napagsino niya ito. It's Irish, her sister's friend. Fuck!
Clouded with curiosity, umakyat ito sa ikalawang palapag, hindi pinansin ang mga taong nakahandusay sa sahig at wala ng buhay. Nang makarating ito sa dulo ng hagdanan, natigilan siya sa eksenang kanyang nabungaran.
His parents were sitting on the floor. His mom was hugging his father with his legs coated from blood. Hindi rin nakaiwas sa paningin nito ang kanang kamay ng nanay niyang may hawak na baril at nakatutok sa kanyang kapatid. Imee's pointing a gun towards them too.
Sa kanang bahagi ng silid na iyon ay si Yaya Melds na ngayon ay may hawak na ring baril at nakatutok iyon sa kanyang mga magulang. Then those guys in black suits were just standing far from them, in front of them was the guy who's wearing a mask.
"WHAT THE FUCK IS HAPPENING HERE?!" Hindi na nito napigilan ang sariling magtanong. Hindi niya mawari kung bakit kailangang ganito ang eksang madadatnan niya.
"What the fuck is this Mom? Dad? Princess?" Naguguluhan niyang tanong pero ni isa ay walang sumagot sa tanong niyang iyon.
"Sana pinatay na lang kita noon!" Sigaw ng kanyang nanay sa kapatid, puno ng galit ang boses nito, patuloy na dumadaloy ang luha sa kanyang pisngi.
"You should have done that before because I'd rather choose to die than to live with your lies." Imee replied, then he was surprised when he saw tears streamed down on her face. Anger, pain, grievance, that's what she can read on her sister's eyes.
"Mom, Princess, put down that fucking gun!" He shouted pero hindi nila iyon pinakinggan.
Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila. Naguguluhan siya sa kung anong mga nangyayari.
"Mom, I said put that fucking gun! Hindi mo kailangang gawin 'yan sa kapatid---"
"She's not your sister!" Sigaw ng Mommy nito dahilan para siya ay matigilan.
"W-WHAT?"
"Summer was your sister and Imee killed her!" Muling sigaw ni Vanessa sa kanya.
Noon nga ay napansin niya ang katawan ng babaeng nakatagilid sa kanila. She's coated with her own blood. Parang nabato si Denver sa nalaman. Nagmistula siyang estatwa sa kanyang kinatatayuan.
"Imee's my only sister Mom. Tangina, ibaba niyo ang mga baril niyo!" Pasigaw nitong saad sa kanila, napapailing sa mga nalalaman niya.
"Nakakaawang malaman na pati ang panganay niyo ay walang kaalam-alam sa mga kademonyohan niyo." Nalipat ang tingin nito sa kanyang kapatid.
Denver also noticed her wounded shoulder. He ruffled his hair in annoyance, napapamura sa kanyang nakikita. Napahilamos ito ng mukha at nung malipat ang tingin nito sa kanyang magulang, he saw how his Dad pulled the trigger of the gun he hid on his jacket towards her sister.
That moment, he didn't think twice but to run quickly to her sister's direction.
Imee was surprised when Denver rushed into him and she felt her Kuya hugged her. Then it was followed by the loud bang of a gun.
Imee froze, her eyes bulged wide. Kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata, pakiramdam niya ay hindi siya makahinga.
Both of her knees and her hands started to tremble. Unti-unti itong napatingin sa kanyang Kuya. A crystal clear water came rushing on her eyes while seeing how the blood poured out from his mouth.
"Kuya..." Para siyang natuyuan ng lalamunan.
Nakailang ulit siyang lumunok at nakailang ulit niyang naipikit ang kanyang mata. Umaasang hindi totoo ang kanyang nakikita. This can't be happening again. Damn.
"Princess..." Tuluy-tuloy na lumabas ang dugo mula sa bibig nito. Napailing si Imee nang haplusin ng Kuya nito ang kanyang mukha.
"Kuya hold on..." Nanginginig ang boses nito. "H-hold on please..." She begged. Hinaplos muli ng Kuya nito ang kanyang pisngi.
"E-everything will be okay. Be s-strong Princess. Everything w-will be okay." Nahihirapang sambit nito sa kapatid habang pinipilit ang sariling ngumiti.
"Kuya, 'wag please... Please hold on..." Kinagat nito ang pang-ibabang labi upang matigil ang kanyang luha pero tuluy-tuloy lang iyon sa pagragasa.
"I k-know you're a s-strong girl. M-malalampasan m-mo rin lahat ng 'to..." Umiling lang ito habang patuloy na umiiyak dahil sa kalagayan ng kanyang Kuya. Hindi ito ang inaasahan niya.
Damn it. This can't be happening again. This can't be.
"No... Kuya no... Please, h-hold on." Nagmamakaawa nitong pakiusap sa kanyang Kuya.
Imee tried to stand up but her trembling knees made her weaker that even her body couldn't move and seems like she was rooted on it.
"I... love y-you Princess... A-always."
She felt another pair of tears streaming down her face when she felt how her brother's hand fall down on her lap as Denver slowly closes his eyes. Imee screamed her heart out. She cried out loud.
Fuck. This can't be happening to me again. I can't lose someone I love in my own arms again.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro