CHAPTER 7
Imee's Point of View
Kung ako lang siguro ang masusunod, mas gugustuhin ko pang nakacivilian na lang papasok sa school kaysa ang isuot ang ganitong kaiksing skirt. It's a gray pleated skirt and 3 inches above the knee. The long sleeve top was a combination of white and gray and there's a bow tie on it. It's not that sexy but hell, I'm not fond of wearing above the knee skirts.
"Imee, lumabas ka na rito! Ano, papasok ka ba o hindi?" Sigaw ni Kuya sa labas ng kwarto ko.
Kanina pa ako rito sa harap ng salamin. Nakaligo na nga ako't lahat-lahat but I'm doubting if I will wear this uniform or not. For Pete's sake, this is not my style. Para kaming nasa ibang bansa.
Sino bang nagpauso ng ganitong uniform? Masyado nila kaming tinitipid sa tela.
"IMEE! SISIRAIN KO 'TONG PINTUAN MO!"
"OO! BABABA NA NGA E!" I shouted back. His voice is so annoying. Hindi ko naman sinabing hintayin niya ako, tapos ngayon minamadali niya ako.
Matapos kong isuot yung uniform, kinuha ko na yung bag ko at lumabas na. Pagkalabas ko, tinignan pa ako ni Kuya mula ulo hanggang paa pabalik ulit sa ulo ko.
"What?" Tinaasan ko siya ng kilay. This guy knows well how to irritate me.
"Ang pangit! Kaya siguro ang tagal at ayaw mong lumabas kasi hindi bagay say---Fuck! What was that for?" Binatukan ko siya. Who told him I need his comment? I looked at him sharply. He's so annoying.
Bumaba ako sa kitchen at natuwa si Mommy nang makita niya ako. Anong nakakatuwa sa suot ko?
"It suits you baby." Yeah, whatever.
"Huwag ka ngang magbiro Mommy." Sumingit ang Kuya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Paepal talaga ang lalaking 'to. Umupo na lang ako sa tabi ni Mommy at kinain ko na lang yung breakfast ko.
Hinatid ako ni Kuya sa school. He keeps on teasing me kahit na hindi ko naman siya pinapansin. Nang tumigil ang sasakyan, I just arc my brows on him bago ako tuluyang lumabas.
Just by entering the main gate of this university, I heard group of guys whistling pervertedly. Huminto ako sa paglalakad at tinignan ang direksyon ng mga lalaking iyon. Agad naman silang natigilan at tumingin sa ibang direksyon. Napailing na lang ako.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makita ako ni Irish sa corridor. Agad ako nitong sinalubong at ngumiti.
"I told you, it will suit you." Bungad nito sa akin nang makalapit siya sa kinaroroonan ko.
"Really?" I asked full of sarcasm.
"Do I look like I'm joking? Bagay naman talaga yung uniform sa iyo." Sagot nito, hindi alintana ang sarkasmo sa boses ko kaya hindi na lamang ako kumibo.
Nagpatuloy kaming dalawa sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa room.
"Ang ganda pa lang tignan nung uniform natin sayo Imee." Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Lorie.
"Oo nga. Ang cute tignan sayo." Anne agreed to Lorie.
"Ay pak na pak ang girlalu. Bagay nga sayo." Puri naman ni Jester, yung bakla kong kaklase. I am not close to my classmates yet kaya hindi ko aakalaing ganito ang sasabihin nila sa akin. Inilingan ko na lang silang tatlo.
Hindi sinasadyang dumapo ang tingin ko sa pwesto nila Celine at sobrang sama ng tingin nito sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin hanggang sa dumating na yung teacher namin at sinimulan nito ang diskusyon. We did group activities but we are more on discussion dahil pangsecond week pa lang naman ngayon simula nung pasukan.
Nang matapos ang tatlong subjects namin, dumiretso kami ni Irish sa cafeteria.
"Okay lang ba na dito na tayo pumwesto?" Irish asked nang huminto kami sa tapat ng isang nag-iisang bakanteng table dito sa cafeteria.
Nagkibit balikat lang ako bilang sagot. Occupied na kasi lahat ng tables. Kaysa naman sa wala kaming upuan e di dito na lang kami.
We left our things on that table at nakipila sa mga estudyanteng kasalukuyang nag-oorder. Hindi naman kami nagtagal sa line since there are many staffs assisting us. I bought spaghetti and drinks. Irish had her burger and of course her drinks. While eating, Irish is busy telling me some stuffs. Puro tango lang naman ang isinasagot ko sa kanya.
Nang matapos kaming kumain, I went to the nearest garbage bin and throw the styro out there, including the plastic cup I used. Pabalik na ako sa table namin nang may bumunggo sa akin at hindi ako tanga upang hindi malaman na sinadya nito ang pagtapon ng juice sa akin.
"Ooops! I'm sorry." Nakangising saad ni Celine. Tinignan pa ako nito mula ulo hanggang paa habang nakangisi pagkatapos ay umalis na siya hawak-hawak yung malaking cup ng juice niya.
Soaking someone using her drinks? She looks like kid. What a dimwit.
"Halla. Basang-basa ka na." Bungad ni Irish nang makabalik ako sa table namin. Kita ang pag-aalala sa mukha nito.
I looked at myself. Okay lang sana kung konting basa lang ang natamo ko, kaso hindi. Basa yung hinaharap ko and I can hear group of guys whistling.
Aside from bully students like Celine and Jasper and this bunch of pervert guys, ano pa bang klaseng estudyante meron ang school na ito?
"I'm okay, just let me excuse in our next subject." Hindi ko na pinagsalita si Irish, lumabas na ako kaagad sa cafeteria.
Dahil wala pa naman akong extra shirts doon sa locker ko, naisipan ko na lang na umuwi kesa naman ganito lang ako hanggang sa mag-uwian.
Nang makalabas ako ng gate, doon ko lang naisipan na nakalimutan ko pala yung bag ko sa in-occupy naming table ni Irish kanina. Oh great Celine, ang galing mo talagang sirain ang araw ko.
Bumalik ako nang cafeteria.
"Oh, bumalik ka pa?" Salubong ni Celine sa akin. Ang hilig talaga nitong magpapansin sa akin.
"Quit pestering my day Celine." Madiin kong saad sa kanya tsaka ko siya tinabig palayo sa dinadaanan ko.
Mabuti na lamang at hindi pa umaalis si Irish doon. I talked to her and asked if she has extra shirts kaysa naman ang umuwi pa ako but she told me na wala rin daw siyang extra shirts since kakasimula pa lang nung pasukan.
"I'm going home. Pakiexcuse na lang ako sa teacher." Saad ko sa kanya.
"Samahan kita sa---"
"No. Pumunta ka na sa room." Putol ko sa anumang sasabihin nito. Malapit na rin kasing magsimula ang sunod na subject namin.
Hinintay ko munang makaalis si Irish bago ako nagtungo sa gate. I called our driver and told him to come and pick me up here dahil alam kong busy si Kuya Denver ngayon but the driver won't make it dahil may pupuntahan daw si Mommy ngayon. Since no one will fetch me here, magtataxi na lang siguro ako.
Umupo ako sa may waiting shed and waited for a taxi to pass by until group of guys went on my direction. Kung hindi ako nagkakamali, sila yung mga sumipol kaninang umaga. Tss. This perverted creatures.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro