Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 52

Imee's Point of View

Nagising na lang ako na nasa loob na naman ako ng hospital. Hospital really loves me. Tss. Ramdam ko ang sakit ng buong katawan ko. I feel like I have slept for so long.

"Oh God! You're awake! How do you feel baby?" Napalingon na lang ako sa side ko, nakaupo roon si Mommy habang malalaki ang ngiti nito sa akin.

"I guess I am fine Mom." Mahina kong sagot kay Mommy. Napansin kong nandito rin pala sa loob sina Kuya Denver, si Xydelle at si Irish.

"Good to hear that." Sagot ni Mommy at tsaka nito inayos ang buhok ko.

Ngumiti na lang ako sa kanya. Maya-maya pa ay lumabas sina Xydelle at Irish upang bigyan siguro ako ng oras kasama sina Mommy at Kuya.

"Are you hungry Princess?" Tanong ni Kuya at kakikitaan siya ng sobrang pag-aalala.

"Not yet." I answered tsaka ako napatingin sa wall. "Where's Dad?" Dagdag tanong ko.

"Nasa business trip." Ani Kuya kaya napatango na lamang ako.

"Why am I here? What happened?" I asked out of a sudden.

Hindi na bago sa akin ang gumising na nasa loob ako ng hospital. But why am I here this time? What happened?

"Don't you remember anything hija?" Mom asked and shook my head.

Napatingin na lang ako sa ibang direksyon. I really don't know what happened. I feel like my body was tortured. Umayos ako ng pagakahiga and I just felt my shoulder hurts. I look at it and it was covered by a bandage. Why am I having a bandage on my shoulde--- Shit! Mabilis akong napaupo.

"Sweetie, what's wrong? Don't force to move your body." Nag-aalalang sambit sa akin ni Mommy.

"How's Irish? Zephyr? And Aris?" I remembered what happened now. God! I hope they are all fine.

"Hija, calm down. Your friends were okay." Sagot ni Mommy at hinawakan niya ako sa kamay kaya napabuntong hininga ako ng maluwang.

Thanks God. Hindi ko alam kung may mangyayaring masama sa kanila. I can't afford to lose them.

***

Irish's Point of View

Pagkalabas namin sa private room kung saan nakalagi si Imee, dumiretso muna kami ni Xydelle sa room kung saan naka-admit si Aris. Thanks God because he's getting well now. Pagkatapos kong bisitahin si Aris doon, nagpaalam muna ako saglit. Iniwan ko na rin si Xydelle doon at tsaka ako dumiretso sa room si Zeph.

"Good morning po." Bati ko sa parents ni Zeph nang makapasok ako sa kwartong iyon.

Nakipagbeso-beso ako sa kanila maging kay Tito. They already know me dahil pinakilala ako ni Zeph sa kanila after niyang magpaalam kung pwede niya akong ligawan at alam na rin naman nila na nililigawan ako ni Zeph.

"Kumusta na po siya Tita?" Pinaupo ako ni Tita sa tabi ni Zeph. Tulog kasi si Zeph e, unti-unti pa lang na binabawi ng kanyang katawan yung lakas niya.

"He's doing well hija." Tita smiled at me. Napahinga ako ng maluwang. Mabuti naman.

Nagpaalam saglit sina Tito at Tita sa akin. Bibili muna raw sila ng pagkain sa labas para in case na magising si Zeph ay may makakain siya.

Pagkalabas nila Tita ay mataman kong pinagmasdan si Zeph. May mga part pa na fresh yung sugat niya. Puno halos yung braso niya ng bandage pero masasabi kong ayos naman na siya. Mabuti na lang at okay na silang dalawa ni Aris. Okay na rin naman ako. Wala naman akong nakuhang sugat maliban sa puro sampal ang inabot ko.

Napabuntong hininga ako. Kumusta na kaya si Imee? Kanina lang kasi siya nagising simula nung dalhin namin siya rito sa hospital. Hindi ko pa rin kasi siya nakakausap. Hindi ko rin alam kung anong nangyari matapos namin siyang iwan ni Aris. Nalungkot na lang ako nung bumalik kami roon kasama si Xydele at nung makalabas sila ay buhat-buhat na niya si Imee na may tama ng baril at walang malay.

Ang dami kong gustong itanong kay Imee. I know she's angry at Celine, with the Ruthless Gang, kaso nung bumalik ako roon kasama si Xydelle, wala na sila Celine doon sa warehouse. Wala na rin yung mga tauhan nilang nakabulagta sa sahig.

I don't know what happened when we left her. And who shoot Imee?

"What are you thinking?" Agad akong napatingin kay Zephyr.

"Gising ka na pala." Nakangiti kong saad sa kanya nung makita ko siyang gising na.

"Yeah. Kanina pa and kanina pa kitang pinagmamasdan na parang ewan na nakatingin sa kawalan---Aww!"

"Halla! Sorry." Kaagad ko siyang hinawakan sa braso niya dahil hindi ko namalayang nahampas ko na pala siya. "Kasi ikaw e!" I pouted at him. "Sorry. Masakit ba? Sorry. Hindi ko sinasadya." Paumanhin ko sa kanya subalit hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya.

"It's alright." He smiled. "Ikaw? Hindi ka ba nila sinaktan?"

"Yeah. Imee saved me." Tugon ko sa kanya.

"How is she?"

"I guess she's okay now. Gising na rin naman siya after ng operation niya but I guess, kailangan niya pa munang bumawi ng lakas after what happened to her." Sagot ko sa kanya. Hindi na rin naman siya nagtanong pa at eksakto namang dumating sina Tita at Tito kaya tuwang-tuwa sila nang magising si Zephyr.

***

Imee's Point of View

Three days na simula nung magising ako pagkatapos kong maoperahan and according to my doctor, pwede na raw akong lumabas bukas.

Naiwan akong mag-isa rito sa kwarto. Mommy left for work, ganun din si Kuya Denver. About my Dad, I haven't seen him dahil hindi pa raw siya umuuwi tsaka one week din yung business trip nila sa London.

Tumayo ako sa hospital bed na kinahihigaan ko tsaka ako lumabas ng kwarto. Nababagot na rin kasi ako rito sa hospital. Maybe I should take a walk for the mean time. Palakad-lakad lang ako rito sa hallway ng hospital hanggang sa namalayan kong nakalabas na pala ako. Naaaliw kasi ako sa mga nakikita ko.

Next thing I knew, nakarating ako rito sa North Cemetery. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito dahil medyo malayo ito sa hospital but I'm thankful though. I really need to go here.

"I failed." Mahina kong saad pagkaupong-pagkaupo ko sa harap ng grave ni Keizer.

"I thought I could give justice for your death yet I failed. I thought people behind Ruthless Gang were the ones who killed you but I was wrong." Napatingin na lang ako sa malayo.

A tear suddenly falls from my eyes nung maalala ko yung sinabi nina Celine at Jasper sa akin nung gabing yun. All these years, I've been looking for the Ruthless Gang because I really thought they were the people who killed Keizer yet hindi naman pala.

Kung hindi sila ang pumatay kay Keizer, who would have killed him?

Ang sakit talagang magpaniwala sa isang akala. Pati mga inosenteng kaibigan ko ay nadamay sa isang maling akala na 'yon.

"Siguro, kailangan mo ito anak." Napatingala ako sa nagsalita.

Isang matandang babaeng nasa mid 60's ang naglahad ng kamay sa harap ko habang may hawak itong panyo. Dahan-dahan kong inabot iyon at ginamit ko upang punasan ang mga luha kong hindi ko man lang namamalayan.

"Kailangan mo ba ng karamay anak? Sasamahan kita." Tumango na lang ako at naramdaman ko naman ang pag-upo nito sa tabi ko.

Napansin kong napatingin din ito sa puntod ni Keizer bago niya ako lingunin kung kaya pati ako ay napalingon din sa kanya.

"Ako pala si Agnes Villegas, siguro ay tawagin mo na lang ako bilang Nanay Agnes." Ngumiti ako sa matanda.

"Ano palang nangyari anak?" Tanong nito at naramdaman ko na lamang ang mga luha sa mata ko. "Naku anak, may nasabi ba akong mali?" Natatarantang kinuha ni Nanay Agnes ang panyong binigay niya sa akin at siya ang nagpunas ng luha ko.

Napayakap na lang ako sa kanya dahil bumabalik ulit sa akin lahat ng mga mapapait na ala-alang nangyari three years ago.

"Sige anak, iiyak mo lang. Hindi kita iiwan dito." Mas lalo akong napayakap kay Nanay Agnes.

Alam kong mali ang makipag-usap sa mga taong kakakilala ko pa lang pero hindi ko maiwasan dahil ang gaan-gaan ng loob ko kay Nanay Agnes at kailangan na kailangan ko talaga ng taong mapagsasabihan ko sa lahat ng mga nararamdaman ko ngayon.

"Kung hindi mo mamasamain, maaari ka bang magkwento anak?"

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago ko ikinuwento ang buong pangyayari three years ago.

Lahat-lahat ay ikinuwento ko kay Nanay Agnes maging yung nangyari sa pagitan namin nina Celine at Jasper nitong mga nakaraang araw at yung araw na nalaman kong hindi naman pala sila ang pumatay kay Keizer.

"Magtiwala ka lang sa Panginoon anak. Malaki pa ang pag-asa na mahahanap mo rin yung gumawa no'n kay Keizer dahil kumpara sa akin mukhang wala na talaga." Kaagad na napukaw ang atensyon ko sa sinabing iyon ni Nanay Agnes.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Nung tignan ko si Nanay Agnes, lumamlam na ang mga nito at tanging kalungkutan ang mababasa rito.

"Gaya ng iyo, isang bangungot din ang pinagdaanan ko. Pero gaya nga ng sabi ko, may pag-asa ka pang makikita mo ang gumawa 'non kay Keizer, sa akin wala na. Dahil tulad mo, nawalan din ako." Napatingin si Nanay Agnes sa malayo habang ako ay napatingin naman sa kanya habang patuloy kong pinapakinggan ang mga sinasabi niya.

"Ang pinagkaiba lang, nakita mo yung bumaril kay Keizer pero ako, wala akong kaide-ideya kung sino ang pumatay sa kanila."

"Sino po ang mga tinutukoy mo Nanay Agnes? Mga pamilya mo po ba?" Hindi ko maiwasang itanong iyon.

"Mga amo ko sila anak. Alam mo, sobrang bait ng mag-asawang yun na kulang na lang lahat ng mga nangangailangan, tinutulungan nila. Maraming nagmamahal sa kanila dahil sila ang patunay na hindi lahat ng mayayaman ay mapagmataas. Hindi nila tinatapakan ang ibang tao. Marami rin silang foundations para sa mga mahihirap lalo na sa mga bata, hanggang sa nalaman namin na buntis ang amo kong babae. Nang manganak ito, sila na siguro ang pinakamasaya nung araw na yun." Mahaba nitong kwento at habang pinapakinggan ko lahat ng mga kinukwento ni Nanay Agnes, alam ko at ramdam kong mahal na mahal talaga nito ang mga amo niya.

"Subalit tila isang bangungot ang sumunod na nangyari." Nagpakawala ito ng buntong hininga at dun ay naagaw niya ang atensyon ko. Bangungot? What does she mean? 

"Nasa sala ng mansion nila kami noon. Noong araw na iyon ay may pinapakuha si Ma'am na isang box sa loob kwarto nila kaya pumanhik ako sa ikalawang palapag ng bahay upang kunin iyon ngunit pagbalik ko sa sala, nadatnan ko na lang sila roon na wala ng buhay at nababalutan na ng dugo ang mga katawan nila." Hindi ko namalayang napayakap na lang ako ng mahigpit kay Nanay Agnes nung marinig ko siyang umiiyak.

"Yung baby po, nasaan?" Tanong ko rito habang patuloy kong hinahagod-hagod ang kanyang likod.

"Kinuha nila ang baby anak. Hindi ko alam kung saan nila ito dinala. Hindi ko rin alam kung buhay pa ba ang alaga kong iyon o hindi na." Tugon nito pagkatapos ay tinignan ako. "Pero siguro kung kasama ko siya, siguro ay magka-edad kayo ngayon." Saad nito kasabay ng pagtulo ng mga luha niya. Her story is indeed heart breaking.

"Sino po ba yung mga amo niyo Nay?"

"Manuel Blevins at Gwyneth Blevins." Saad nito.

"Nalaman niyo po ba kung sino ang may gawa 'non sa kanila?" Hindi ko siya kilala but here I am, talking to her. Maybe because we're experiencing the same pain and because I can feel her pain.

"Wala anak. Walang nakakaalam. Wala naman kaming alam na may kaaway sila o ano. Wala rin naman silang kaalitan. Nakakalungkot nga e, sa dinami-dami ng tao, sila pa yung pinatay. Pati yung walang kamuwang-muwang na sanggol dinamay. Ilang taon na ang lumilipas pero hanggang ngayon, hindi pa rin namin nalalaman kung sino ang pumatay sa kanila." Muli nitong pinunasan ang kanyang mga luha.

Napabuntong hininga ako. Akala ko, ako lang ang may ganitong problemang pinagdadaanan. Hindi ko alam na may mga tao pa palang may mas mabibigat na pinagdadaanan kumpara sa akin. And compared to Nanay Agnes' condition, I know she was deeply hurt at alam kong nahihirapan siya ng sobra.

"Mas mananaig po ang kabutihan kaysa sa kasamaan. Naniniwala po ako Nanay Agnes na mabibigyan po natin ng hustisya ang pagkamatay ng mga taong mahal natin." Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay ni Nanay Agnes kasabay ng pagpapagaan ng loob ko sa kanya.

"Iyan din ang pinanghahawakan ko anak. Alam kong balang araw, makukuha at maibibigay ko rin ang hustisya para sa kanila." Nginitian ko si Nanay Agnes.

"Sige anak, mauuna na ako. Nagdrama pa tuloy ako imbes na ako itong nag-offer na sasamahan kita, pero mukhang ako pa tuloy ang nangailangan sayo." Nagtawanan na lang kami ni Nanay Agnes tsaka ko ito inalalayan patayo.

"Basta lagi mo itong tatandaan anak, huwag na huwag kang magpapadala sa galit mo. Alam kong hustisya ang natatanging hinahangad mo, pero lahat ng bagay ay nadadaan sa proseso. Darating ang araw na makukuha rin natin ang mga hustisyang matagal na nating hinahanap." Ngumiti ako kay Nanay Agnes dahil sa kanyang sinabi.

Tama si Nanay Agnes. May proseso ang lahat ng bagay at alam ko ring darating ang araw na makukuha namin ang hustisyang matagal na naming hinahanap.

Hindi man ngayon, naniniwala akong darating iyon sa tamang panahon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro