Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 51

Irish's Point of View

Pagkababang-pagkababa ko sa hagdan habang akay-akay si Aris, dinig na dinig ko ang putukan sa taas. Impit na iyak ang maririnig sa akin dahil pinipigilan kong makagawa ng ingay. Gustuhin ko mang bumalik sa loob upang tignan kung anong nangyayari roon at kung okay lang ba si Imee pero minabuti ko na lang ang tumuloy sa paglalakad dahil mas mapapahamak lalo si Imee kapag bumalik pa ako roon.

Hindi ko alam kung saan ako dadaan dahil bawat dinadaan namin ay may mga taong nakabulagta sa sahig.

Mabilis kaming nakalabas sa warehouse na yun at sa awa ng Diyos, walang nakasunod sa amin. Kaagad kong hinanap ang kotse ni Imee sa tagong lugar at isinakay si Aris dun. Hindi na rin nagsalita si Aris dahil pagod na pagod na ang kanyang katawan. Pagkarating sa bahay, hindi ko na pinababa si Aris.

"Huwag ka ng bumaba, dadalhin kita sa hospital." Tanging tango lang ang naging sagot nito sa akin at nakapikit pa ang kanyang mata.

Bumaba na ako ng kotse at aligaga akong pumasok sa loob. Pinunasan ko muna ang mga luha sa mata ko bago ako umakyat sa kwarto at nagpatulong ako kay Yaya Luring na dalhin namin si Zephyr sa kotse at ng madala namin silang dalawa ni Aris sa hospital.

"Jusko! Ano bang nangyayari sa inyong mga bata kayo?" Halata ang pag-aalala sa boses ni Yaya Luring pero pinilit kong huwag na lang sumagot dahil baka maiyak pa ako sa harap niya.

"Yaya, I'm sorry. Pero kailangan po natin silang madala sa hospital ngayon." After naming maipasok si Zephyr sa kotse, dumiretso na ako sa pinakamalapit na hospital.

Kaagad naman kaming tinulungan ng mga nurse na ipasok sina Zephyr at Aris sa loob. Inasikaso kaagad sila ng mga nurses at doctor at pagkatapos nilang magamot ay pinalipat namin sila sa private room.

"Yaya. Pabantay po muna sila."

"Saan ka pupunta? Baka may mangyari pa sayo anak." Nag-aalala nitong sambit. Napatingin na lamang ako sa kisame upang pigilan ang mga luha ko.

"May n-nangangailangan po ng tulong ko. Promise, babalik po ako ng ligtas."

"Jusko! Abay mag-ingat ka anak." Tsaka ako mahigpit na niyakap ni Yaya Luring.

"Opo Ya." Sinulyapan ko muna sina Zephyr at Aris na mahimbing ng natutulog bago ako lumabas ng hospital at dumiretso kila Xydelle.

Sa mga oras na yun, si Xydelle ang naisip ko upang tulungan akong iligtas si Imee. Imee needs my help. She needs our help.

***

Xydelle's Point of View

"What brought you here at this hour?" I asked Irish nang siya ang tumambad sa akin sa gate lalo pa at dis oras na ng gabi.

She's still wearing her school uniform subalit marumi na yun. Magulo yung buhok niya. There were some part of her body na may pasa. Namamaga rin ang kanyang pisngi and her eyes are swollen.

I was shocked seeing her like that. Naguguluhan ako sa nangyayari. Three days simula nang huli ko silang makita including Zephyr and Aris tapos bigla siyang magpapakita sa akin na ganyan ang hitsura niya?

Teka! Asan nga ba si Zephyr at Aris?

Hindi ko rin maiwasang hindi siya pagmasdan. There were also some blood stains on her uniform. Where did she got that?

"Where are those bloods came from?" Takang tanong ko but instead of answering me, umiyak lang siya habang nakatungo.

Mas lalo akong naguguluhan sa mga nangyayari. What was really happening? The last time that she came here is nung may nangyaring masama kay Imee.

Don't fucking tell me---

"Xydelle k-kasi si Imee." Fuck! Napamura ako kaagad sa isip-isip ko.

"What happened to her? Where is she? Is she saf---"

"She's in danger." Irish cut me off.

"FUCK!" Hindi ko mapigilan ang magtaas ng tono. Ang kaninang agos ng luha sa mata ni Irish ay mas naging tuluy-tuloy. Hinawakan ko siya sa magkabilang braso niya.

"Irish, tell me. She's okay right?" I asked her pero ilang beses siyang napailing.

"I don't k-know." She answered while sobbing at nasuntok ko na lang yung pader ng gate. Damn it!

"Where is she? I need to see her."

Kanina pa kami nakasakay ni Irish sa kotseng dinala niya at kung hindi ako nagkakamali, kotse ito ni Imee. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Kanina pa rin nagdudugo yung kanang kamay ko nang suntukin ko yung pader pero wala akong maramdamang hapdi.

Naikuyom ko ang kamao ko habang pinagmamasdan ang nadadaanan namin. Malayo na 'to sa subdivision. Hindi ko maipaliwanag ang lugar. Ang alam ko lang ay may kakaiba sa lugar na 'to. Tahimik pero masyadong mapanganib. Madilim ang paligid lalo pa at walang mga ilaw sa daan at tanging hikbi lang ni Irish ang naririnig ko habang patuloy siyang nagmamaneho.

Mas lalo kong naikuyom ang dalawa kong kamay nang huminto ang kotse. Kaagad akong bumaba at ang isang malaking trangkahan ang bumungad sa amin.

"Xydelle, it's too dangerous here. Maraming bantay sa paligid."

Hindi ko pinakinggan ang sinabi ni Irish. Dire-diretso lang ako sa loob at huminto sa tapat ng dalawang palapag na abandonadong warehouse. Wala akong nakikitang ibang tao. Pinakiramdaman ko ang buong paligid baka sakaling may ibang tao rito pero wala talaga kaya minabuti ko nang pumasok.

Pagkapasok ko sa loob, puro nagkalat na dugo, mga baril, mga bote at tabla ang nakikita ko. Kaagad kong pinulot ang isang baril sa gilid at maingat kong binuksan ang mga pinto sa unang palapag pero wala namang mga tao roon.

Napukaw lang ang atensyon ko nang makarinig ako ng sigaw sa taas at sigurado akong boses niya yun. Shit!

Nagmadali akong umakyat sa pangalawang palapag at hinanap kung saan nanggaling ang sigaw niyang yun. Marami pa akong binuksang mga pintuan pero wala talagang ibang tao. Nilibot ko pa ang buong lugar bago ko marating ang pinakadulong pintuan.

Kaagad akong pumasok doon at napako na lang ako sa kinatatayuan ko nang makita roon si Imee na umiiyak with her knees tucked up near her face and her both hands were clasped around it.

Lahat ng mga upuan na nandun ay wala sa ayos maging ang mga mesa. Nagkalat ang mga baril at ang iba pang mga bagay. Wala ring ibang taong nandoon maliban sa kanya.

I walked near her. I kneeled down in front of her and hugged her tightly. Napalingon siya sa akin and her tears welled from her eyes.

"X-xydelle."

I hugged her even more after saying my name between her sobs.

"Why do I h-have to suffer all of t-these? A-ang sakit. Akala ko m-makakamit ko n-na e." Umiyak siya sa dibdib ko. Patuloy lang ako sa paghagod sa ulo at likod niya.

I don't know how to comfort her. Hindi ko rin alam kung anong sinasabi niya. All I know is that she's completely messed up right now.

"Akala k-ko sila Celine ang may gawa no'n. A-akala ko sila yung dahilan pero n-nagkamali ako." Humihikbi nitong saad.

"Ssssh. Everything will be alright." I keep comforting her while saying those words dahil yun lang ang tangi kong alam upang pagaanin ang loob niya lalo pa at hindi ko talaga alam kung anong nangyari.

Niyakap ko siya ng mahigpit pero kaagad din akong bumitaw nang may maramdaman akong parang basa at malagkit sa braso niya.

"Oh shit!" Napatingin ako sa braso niya and damn! Sunud-sunod ang agos ng dugo nito. Damn it! May tama siya. Ni hindi ko man lang iyon napansin nang makarating ako rito.

"Imee---" Fuck!

Kaagad ko siyang binuhat nang mawalan siya ng malay. Mas lalong naiyak si Irish nang makalabas kami at makita nitong may tama at walang malay si Imee. Mabilis kong pinaandar ang kotse at binaybay ang daan pabalik sa amin at dumiretso na kami sa hospital. Sinalubong kami ng mga nurse at isinakay si Imee sa stretcher papuntang operating room.

Paikot-ikot at pabalik-balik lang ako rito sa hallway habang si Irish ay patuloy na umiiyak sa gilid.

Mahigit isang oras na simula ng ipasok si Imee sa O.R. pero hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang mga doctor. Napahilamos ako sa mukha. Damn! What if hindi kami nakarating agad doon? Fuck!

Kaagad kong inayos ang sarili ko nang lumabas ang doctor.

"Family of the patient?"

"Kaibigan niya po kami but I already called her parents." Tumango ang doctor sa isinagot ni Irish.

"Doc, how's the patient? Is she okay?" Singit ko sa usapan nila.

"The operation was successful. We already removed the bullet near her shoulder. Buti na lang nadala niyo siya on time. She already lost many blood but you don't have to worry. She's stable now." The doctor said on me enough for me to felt relieved.

"Thank you Doc. Thank you so much." I told him.

"Oh God!" Narinig ko ang malalim na pagbuga ng hangin ni Irish.

"It's our job to save our patients. All we need for now is to wait for the patient to wake up but the thing is, we don't know when. Now please excuse me." Napahilamos na lang ako ng mukha pagkatapos na umalis ng doctor.

Pumasok kami sa private room kung saan nailipat si Imee. May mga nakakakabit ng kung anu-ano sa kaniya, may benda na ring nakalagay sa bandang braso niya at plaster cast sa iba pang bahagi ng katawan niya. I sat beside the hospital bed and hold her left hand.

Damn Imee! Why are you always worrying me?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro