CHAPTER 50
Imee's Point of View
I stood up from kneeling down on Keizer's grave and wipe my tears away. I can't help but grit in anger. Now that I knew who are those people behind the gang I've been looking for, I wanted to get even especially now that Aris was under their hand. I heard everything. Damn it! I won't let them win. Minsan na akong nawalan, hindi na ako makapapayag this time.
Hindi ko mapigilan ang pag-igting ng aking panga. Nauna ako sa paglalakad pabalik sa kotse subalit hindi ko inaasahan ang sumunod na pangyayari.
"Imeeeee, heeeeeelp!" Kaagad akong napalingon sa gawi ni Irish.
Two men are holding her shoulders at kaagad itong pinasok sa van. Kaagad akong tumakbo sa pwesto nila to save her but I was too late because they already sped away. I clenched my fist as I noticed who sat in the front seat.
It was Celine and Jasper.
Napabuntong-hininga ako ng malalim bago ako sumakay sa kotse upang habulin sila. While chasing them, my phone rings. Kaagad kong dinampot iyon when I saw Irish's name flashes as the caller.
I know whom it was.
"Don't use my friends as a bait, Celine. You're still that dirty tricker I knew." I said, trying to compose myself.
Napahigpit ang hawak ko sa manibela habang sinusundan ang van nila. I even heard Irish's voice asking for help.
[Aren't you going to greet me first my dear?] Pinangunutan ko lang ito ng noo nang marinig ko ang boses niya sa kabilang linya.
"Don't be too excited dear. Let the hell greet you later." I warned, mimicking her voice. Narinig ko na lang ang malakas na tawa ni Celine sa kabilang linya bago niya in-end ang call.
Laugh your ass out, bitch. That would be your last.
***
Irish's Point of View
Pagkababa sa van, nanginginig ang buo kong katawan. Nakatali ang dalawa kong kamay sa likod at natatakpan ang mga mata ko. Napasigaw na lamang ako sa sakit nang itulak ako ng malakas nung dalawang lalaking nakahawak sa akin. Tinanggal nila ang piring ko sa mata at tinali ulit ako sa upuan.
Isang malakas na sampal ang inabot ko kay Celine pagkalapit nito sa akin.
"You really think makakatakas ka? You just put yourself in danger. Bitch!" I received another slap from her.
Parang namanhid ang buo kong mukha. I closed my eyes to stop my tears. There's no reason for me to be scared. I know, Imee will save us here.
Napatingin ako sa direksyon ni Aris. Kumpara nung una, mas makapal na ang taling ginamit sa kanyang mga kamay. Mas dumami rin ang mga pasa niya sa mukha na halos hindi na makilala. Nakatungo ang ulo nito at halatang pagod na ang kanyang katawan.
"You'll going to regret everything for making us suffer Celine." Dire-diretsong sabi ko sa kanya. She just smirked at me bago siya lumapit ulit sa harap ko.
"And you'll going to regret being Imee's friend." Malakas nitong inihampas ang hawak niyang baril sa akin bago ako nawalan ng malay.
***
Imee's Point of View
Gripping the stirring wheel, mas lalo kong binilisan ang pagmamaneho. I don't know where are we right now. Seems like this place is a secluded one but the hell I care. Kahit saan pa sila magpunta, hahanapin ko sila.
Kaagad kong inihinto ang kotse ko sa may madilim na parte ng lugar nang tumigil ang van nila. I followed them secretly as I saw them entering an old gate. With the tall trees near the gate, I climbed and swung into it. Now I can see the whole abandoned warehouse at kung hindi ako nagkakamali, ito ang pinasukan nila Celine. Typical rotten hideout.
I hid from the tree branches when two men holding their guns stopped at tila naramdaman ang presensya ko. Swinging into its branches, I flew towards them and kicked them on their back.
Mula sa baril na nabitawan nila, I picked it up and slammed it hard on their jaws. I even punched their faces until they lost consciousness. I just tied them on the gate and wrapped their mouths.
Done with this two men guarding the gate, I entered the place at the back of this warehouse. I didn't waste my time that much to these henchmen guarding the place. Slamming them with gun to take their consciousness isn't hard. Gaya nung nauna, I just tied them.
Nakarating ako sa pangalawang palapag ng warehouse.
"Haaa---aching!" Kaagad kong natutop ang bibig ko dahil sa sobrang maalikabok sa lugar. Damn this mouth of mine!
"Tangina bro! Kadiri ka talagang bumahing!"
"Ulol! Hindi ako bumahing."
"E kung hindi ikaw---Fuck! May nakapasok!"
Kaagad akong nagtago sa likod ng isang pinto. Nang maramdaman kong may papalapit sa pwesto ko, kasabay ng pagsakal ko sa kanya patalikod ay ang pag-agaw ko sa baril na hawak niya at kaagad na tinutok iyon sa sentido niya.
"Don't move." Kalmado kong sabi. Napa-smirked na lang ako nang maramdaman kong parang nahihirapan siyang gumalaw at rinig ko ang paglunok nito.
Inihampas ko sa batok niya ang baril na inagaw ko kanina. Humarap ako sa kanya at muling inihampas ang dulo ng hawak kong baril sa kanyang panga. Blood poured on the side of his lips until he fell down.
I immediately moved to another spot when I heard gunshots. Shit! Kaagad akong tumalon sa hagdan at dinig na dinig ko ang mga yabag na nagmamadaling tumakbo papunta sa direksyon ko. Not knowing where to go since I'm not familiar with this place, mabilis kong inasinta ang kanina pang hawak kong baril. It's the least thing I can use to save myself and my friends. Bawat putok ng baril na ibinibigay ko, sinisiguro kong daplis lang ang makukuha ng mga ito.
I want to avenge but not with these people. Sure, they are part of the gang I loathe but they had nothing to do with me and their leader. This is only between me and their leader, particularly Celine.
I tilt my head when I felt someone from behind and I shoot him on his hands dahilan upang mabitawan niya ang pagkakahawak niya sa baril. I gave him a look at napaatras ito sa gilid.
"I'll spare you, don't worry." After saying that, I gave him a full blow on his stomach causing him to stumbled down.
Mabilis akong umalis sa pwestong iyon. But from my spot, I groaned when someone hit me. I tried to stand pero pinalo na naman ulit ako.
I turned my gaze to that guy. Akmang papaluin niya na naman ako but no way in hell he'll hit me again. Kahit na nakahiga ako, itinukod ko ang dalawa kong kamay sa sahig at sinipa siya sa bandang tiyan niya. Since he's a dimwit, he fell to the stairs and rolled down on the floor.
I picked the spare gun and held it on my both hands. Kicking the door of the first room, I entered on it. No one's inside here aside from me but I guess, this is where they keep their weapons. What a perfect view. Kaagad kong dinampot ang isang baril na nasa mesa at kaagad na in-assemble.
I heard foodsteps coming from here so I hid at the back of the door until two guys entered.
"Nasaan yung baril ko rito? Iniwan ko lang yun dito sa mesa ah?"
"Tanga! Hawak-hawak mo lang yun."
"Hindi. Iniwan ko yun kanina rito."
"Looking for this gun?" Gulat na napalingon sa akin yung dalawa at kaagad ko silang pinaputukan sa paa nila.
Gusto ko pang matawa nung tumalon-talon sila. Napailing na lang ako. I went closer and gunpoint them.
I noticed the other guy looking on the gun placed on top of the table near him so before he could succeed on his plan, kaagad kong binaril iyon dahilan para dumulas iyon at mahulog sa sahig.
"Don't make any wrong move. Just answer my goddamn question. Where did your boss took my friends?" Hindi sila sumagot kaya pinaputukan ko na naman ang mga paa nila na ikinatalon na naman nila.
"Answer!"
"S-sa pinakadulong pi-pinto, nandun a-ang mga k-kaibigan mo."
"Good." Lumapit ako sa kanila at malakas na inihampas ang ulo nila sa cabinet na puno ng baril. Lumabas na ako sa kwartong iyon at locked them inside. What a fool.
Hawak-hawak ang dalawang baril sa magkabila kong kamay, kaagad kong tinungo ang pinakadulong pintuan.
"Stop it please!" Malayo pa man ako ay dinig na dinig ko na ang boses ni Irish. Tanging iyak lang nito ang naririnig ko na tila nagmamakaawa.
"Sa tingin mo ililigtas ka ng Imee na yun?!" Next thing I heard was the loud sound of a slap. Napaikot na lang ako ng mata.
Celine and her crappy slap. Tsk.
"Ililigtas niya kami rito!" Malakas na sigaw ni Irish at narinig ko pa ang malakas na pagtawa ni Celine.
"Ililigtas? Hinding-hindi na kayo ililigtas nun! Hindi niya nga alam kung nasaan kayo diba?" Muli na naman itong tumawa.
"Ililigtas kami ni Imee rito! Hindi ako papayag na patayin mo rin kami katulad ng ginawa mo kay---" Sa pagkakataong ito, isang malakas ng putok ng baril at ang paghampas sa isang mesa ang narinig ko.
"Hindi kami mamamatay tao!" Napahigpit na lang ang hawak ko sa baril dahil sa narinig ko.
Hindi mamamatay tao? Fuck them! They even killed Keizer! They killed him in front of me tapos sasabihin niyang hindi sila mamamatay tao?!
I kicked the door hard and gunpoint them the moment I saw them inside, Celine on my right hand, Jasper on my left. Shock plastered on their faces, their henchmen surrounding this room automatically gunpoint me.
"Hindi mamamatay tao?" Pagak akong tumawa kasabay ng matatalim na titig na ibinigay ko sa kanila.
Napatingin ako sa gawi ni Aris. He's standing on the side with his both hands tied. Marami siyang pasa sa katawan at namamaga na ang kanyang mukha. Blood stain almost covered his whole body. Irish, on the left side was tied on a chair with two guys guarding her. From my spot, I can clearly see the trail of her tears.
They are really pushing the limit of my wrath against them. Mas lalong nabubuhay ang galit sa puso ko dahil sa ginawa nila sa kanila.
With my eyes locked on Celine's direction, I noticed this bulky guy attempting to shoot me.
"Try to pull the trigger of your gun and your life will end here right away." I pointed him the gun.
I saw him stiffened on his spot but no way in hell I would spare them. I shoot him directly and I immediately rolled over when others started to used their guns against me.
I even saw Celine and Jasper took their own guns. Mabilis akong gumalaw at pinaputukan ang mga lalaking humaharang sa akin. Lumapit ako sa isang lalaking nakahawak ng baril at gave him a blow. Now that I'm this near to them, I won't let anyone block me again.
Dinig na dinig ko ang iyak ni Irish sa gilid.
Nang lumabas ang ibang mga kalalakihan, sumunod ako sa kanila. Celine and Jasper disappeared that easily. Keep hiding, fucking coward.
I shoot every person I saw not minding if they would die. Blood splattered on the ground. Ilang beses kong ipinutok ang baril ko sa ilan pang mga lalaking nakakasalubong ko bago bumalik sa loob at mabilis na kinalagan si Irish.
Nanginginig ang buo nitong katawan at walang tigil sa kakaiyak. Sunod ko namang kinalagan si Aris.
"Find your way out. Huwag kayong magpapahuli."
"P-paano ka?" Her voice cracked.
"I can handle myself. Now go." I helped them to get out of this fucking warehouse. Bawat nakakasalubong namin na lalaki ay binabaril ko hanggang sa maubusan ako ng bala and just threw that gun away.
"Shit!" Napatingin sa akin si Irish.
"B-bakit?" Nanginginig at kinakabahang tanong nito.
"Nothing. Go downstairs. Sa likod na kayo dumaan, may gate doon na nakabukas. Take this key, nasa gilid ng daan ang kotse ko. Now go and please be safe." Kahit alam kong natatakot si Irish na iwan ako, tinalikuran na nila ako habang akay-akay si Aris.
Nag-aalalang nakatingin ako sa likod nila. Hindi dapat sila nadadamay rito. When they're already out of my sight, I breathe heavily.
Now it's time to settle this Ruthless Gang, alone.
I quickly moved, tried to go back to that room but no one's inside already so I roamed the whole place. As I turned right on the next room, someone bashed me using the chair. I groaned. This guy. I threw that chair on him, cornering him on the side. As I closed the gap between us, I curled my hand into a fist and aimed for his nose.
"Don't mess with me."
Not quite long while fighting other people, napadaing na lang ako nang may maramdaman akong hapdi sa braso ko. Napahawak ako roon hanggang sa may dugo na ang kamay ko.
Shit! May tama ako.
Preoccupied with my wounds, kaagad na may humawak sa braso ko. I tried to recoiled from them but I was already surrounded by numerous men. Dinala nila ako sa isang kwarto tsaka ako ginapos sa isang upuan.
"Welcome to my place." I gritted my teeth in anger matapos sabihin iyon ni Celine.
"Damn you!" I shouted at her.
"Bakit ba naman kasi sumugod ka mag-isa, hindi mo naman pala kami kaya." She smirked.
I clenched my fist and met her gaze.
"Why would I if I know I can rid the hell out of you alone?" Now, it's my turn to smirk. "Well, I'm not that ruthless like you to kill anyone else." I added at kaagad niyang itinutok ang baril sa akin.
"You said what? Fuck you! I don't kill!" Matatalim ang mga tinging ibinibigay nito sa akin.
"Really?" I asked in a sarcastic tone.
"Argh! Get rid of her! Baka tuluyan ko pang mapatay yan!" Sigaw niya at bago pa ito makalabas, mabilis kong nakalagan ang mga gapos sa kamay ko.
Anger and the lust to kill them already ate me up. I can't control my emotions anymore. Nakita ko na lang ang mga tauhan nilang nakabulagta sa sahig na kulang na lang ay maligo sa sarili nilang dugo. I even shoot Jasper on his right leg at tsaka ko inihampas ang baril sa ulo niya causing him to bend on his knees.
Bago pa makalabas si Celine, I easily grabbed her hands and twisted it at her back. I heard her groaned.
"Not that fast dear." I kicked her back using my knees and pinned her down on the floor.
Nakadapa na siya ngayon sa sahig habang hawak-hawak ko ng mahigpit ang dalawa niyang kamay at ang isa kong tuhod ay nasa kanyang likod.
"Do you know who I am?"
"Fuck! Let me go Imee!" Sigaw nito subalit mas diniinan ko pa lalo ang tuhod ko sa likuran niya.
"Before I let you go, let me ask you something and answer me honestly Celine." May diin na sabi ko sa kanya.
"Do you still remember a gang group named Black Gang?" Her body stiffened.
"Damn it! Bitawan mo ako!" Maya-maya pa ay sigaw niya pero mas lalo ko siyang idiniin sa sahig.
"Answer me Celine!"
"Matagal ng nabuwag ang grupong yun simula nung---"
"Simula nung pinatay mo si Keizer." I cut her off. I was caught off guard nang igalaw nito ang kamay niya hanggang sa magkabaligtad kami ng pwesto.
"How did you know that gang and why do you know Keizer?"
"I was there that time."
"P-paanong... Shit. You're the Badass Queen."
Before she could reminisce everything she did, tumihaya ako at tsaka ko siya tinulak at sinipa. Mabilis na nagdilim ang paningin ko. I went near her and pinned her on the wall while my hand was wrapped around her neck.
"Badass Queen..." I smirked upon hearing her voice cracked while saying my name.
"Aren't you glad to see me?" I asked through gritted teeth. "How was the feeling of being on top after killing the person behind the highest rank gang group?" Nanlilisik ang tinging ipinukol ko sa kanya.
"I d-didn't kill h-him---Aggh!" I slammed the gun on her face.
"I saw it with my own two eyes Celine." I shouted at mas lalo ko siyang idiniin sa pader.
"It w-wasn't me. Hindi k-ko siya p-pinatay---Aghh!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya nasampal ko siya sa magkabila niyang pisngi.
"Sinungaling!" Nanggagalaiti kong sigaw at napahigpit ang pagkakasakal ko sa kanya.
Kaagad na namula ang mukha nito. I want to choke her to death. Wala akong pakialam kung mapatay ko siya ngayon. This is they want, a life for a life. I'm just giving them what they want.
"I'm t-telling the t-truth. N-nung gabing s-sinugod namin k-kayo sa p-park, oo nasa p-plano n-namin na p-pabagsakin kayo u-upang kami ang m-maging #1 pero wala sa plano a-ang p-patayin kayo. Nasira lang a-ang plano when someone meddled our p-plan. Yun yung o-oras na m-may d-dumating na v-van---"
"LIAR!" I shouted again and slammed the gun on her head because I was so damn frustrated right now.
Nakita ko ang pagdugo malapit sa kanyang noo pero wala akong pakialam. Alam kong sila ang sumugod sa amin at hindi ako nagkakamaling sila ang pumatay kay Keizer.
I pointed my gun on her because of anger and was about to pull the trigger when someone talk at my back.
"She's telling the truth Imee." Napatingin ako sa direksyon ni Jasper na bahagya pang nakayuko habang nakahawak sa patuloy na dumudugo niyang hita na tinamaan ko kanina.
"Hindi siya ang pumatay kay Keizer. Nung gabing sinugod namin kayo at may dumating na isang van, mabilis kaming umalis sa lugar na yun dahil ayaw naming madamay. Inakala pa naming ibang grupo yun na kaaway niyo at gusto rin kayong pabagsakin kaya minabuti na lang naming umalis nung mga oras na yun."
"Sinungaling! Huwag niyong bilugin ang utak ko. Hindi niyo ako madaan d'yan sa kasinungalingan niyo! Alam kong kayo yun!" Matapos kong itulak si Celine palayo sa akin, umikot ako at kay Jasper ko itinutok ang hawak kong baril.
"Imee please, m-maniwala ka. Totoo ang mga sinasabi ni Jasper. Hindi kami ang pumatay sa kanya. Hindi kami ang pumatay kay Keizer." Nanginginig ang boses na sabi ni Celine at pakiramdam ko ay nanghina ang katawan ko nung bumalik sa ala-ala ko ang mga pangyayari nung gabing yun.
"M-maniwala ka. Hindi kami ang pumatay sa kanya."
Muling nanumbalik sa ala-ala ko ang lahat. Naalala ko yung grupong bumaba sa van nung gabing yun. Naalala ko yung babae nung oras na yun. Hindi sila yun? Hindi si Celine yun? If it's not them, who are they? And who's that girl?
"If it w-wasn't you then t-tell me, w-who did it?" Garalgal na tanong ko nang magsimulang manubig ang mga mata ko.
That incident can make me weak like this in an instant.
"I d-don't know. I r-really don't know." Unti-unti kong nabitawan ang hawak kong baril.
Naramdaman ko na lang ang luha sa mga mata ko. My body is shaking and my knees are trembling hanggang sa napaupo ako sa sahig.
"Imee, it w-was not me. Please, m-maniwala ka." Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko. Tuluy-tuloy na ang naging pag-iyak ko. Naramdaman ko na lang na lumapit at lumuhod si Celine sa harap ko.
"Please maniwala ka sa akin. Oo, inaamin ko, masama kaming tao. Hindi kami patas kung lumaban. Nananakit kami p-pero hindi kami pumapatay ng tao. H-hindi namin magagawa yun. You know that's the top rule in Underground Empire." Ayokong maniwala sa kanila pero may parte sa pagkatao kong naniniwala na totoo ang sinasabi nila.
Napahagulgol na ako ng tuluyan kasabay ng panunumbalik ng lahat ng mga pangyayaring iyon sa isip ko. That scene is hunting me again. It's hunting me like hell and I am hurting again.
Why is it so hard to believe all of these things? Bakit ang sakit malaman na yung akala mong pumatay sa taong pinakaimportante sayo'y hindi naman pala sila? Akala ko makakamit ko na yung hustisyang matagal ko ng hinahanap, pero hindi pa rin pala.
All this time, I am chasing the wrong people. All I want is justice. All I want is to clear my name. All I want is to at least have peace in mind pero ganun ba kahirap makuha ang mga iyon?
"Imee..." Sinubukan niya akong hawakan pero tinabig ko ang kamay niya.
"Umalis na kayo rito."
"Imee---"
"Sinabi ng umalis kayo! Ano bang hindi niyo naiintindihan doon!?"
"S-sorry." Kaagad na tumayo si Celine at pumunta sa pwesto ni Jasper.
Inakay niya ito maging ang iba nilang kasama na pawang may tama rin ng baril at nilisan ang lugar na iyon hanggang sa ako na lang mag-isa ang naiwan.
"AAAAAAAAAH!" Malakas kong sigaw habang pinagbabato lahat ng mga bagay na nahahawakan ko.
Napatayo ako at lahat ng mga upuan at mesa na nandoon ay nagsitumba na. Maging ang pintuan na nasa tabi ko ay naibalibag ko sa sobrang galit.
"AAAAAAAH!" Napaupo ako at walang tigil sa kaiiyak.
Ang sakit lang kasi e. Ang daming nadamay. Kung sinu-sino pa ang nasaktan. Akala ko makukuha ko na ang bagay na matagal ko ng hinahangad pero hindi pa rin pala. Bakit ba kailangang pagdaanan ko pa lahat ng 'to?
Gusto ko lang namang makamit ang hustisya para kay Keizer pero bakit parang ipinagkakait iyon sa akin? Gusto ko lang naman ng hustisya. Gusto ko lang namang malaman ang katotohanan. Gusto ko lang malinis ang aking pangalan. Pero bakit taliwas sa kagustuhan ko ang mga nangyayari?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro