Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 48

Irish's Point of View

Kahit pa hirap na hirap na ako sa pag-akay kay Zephyr, pinilit ko pa ring bilisan ang paglalakad kahit na kanina pa ako hinihingal.

Takot, kaba at pangamba ang tanging nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung anong pintuan ang pipiliin ko palabas dahil sa dami nun. Doon ko lang din napansin na nasa ikalawang palapag kami ng abandonang warehouse.

'Di ko sukat akalain kung paano kami nakalabas sa lugar na iyon nang hindi kami napapansin. Bawat hakbang na naririnig namin ay nagtatago kami sa ilalim ng hagdan at pinipigilan ang sarili naming huwag gumawa ng ingay, maging ang paghinga namin ay aming pinipigilan upang hindi kami marinig.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga nang makalabas na kami sa warehouse na iyon subalit hindi ko malaman kung saan kami dadaan. Napapalibutan kami ng masukal na damo.

Hindi man ako sigurado ay ipinagpatuloy ko ang paglalakad habang akay-akay si Zeph. Laking pasalamat ko na lang nang matanaw ko na ang daan. Ang problema namin ngayon ay walang nadadaan na mga sasakyan kaya pilit ko pa ring nilakad ang daan pauwi sa bahay. Sobrang layo nito. Hindi ko alam kung ilang oras na kaming palakad-lakad. Ni hindi ko rin alam kung anong lugar ito basta ang nasa isip ko lang ay ang makauwi kami ng ligtas.

Nakarating kami sa bahay at mabilis na binuksan ang gate dahil hindi naman ito nakalock. Dahan-dahan akong naglakad sa may likod ng bahay dahil ayokong maabutan kami ni Mommy at Yaya Luring na ganito ang hitsura namin subalit ganun na lamang ang pagkabigla ko sa kung sino ang natanawan ko sa sala. Si Imee.

"What the hell had happened to you?" Para akong nabato sa kinatatayuan ko.

Nilapitan niya kami at tinulungan akong akayin si Zeph. Nakakunot ang mga noo nito subalit kita ko ang sobrang pag-aalala sa kanyang mga mata.

Inakyat namin si Zeph sa kwarto ko at napahagulgol na lamang ako nang makita ang buong hitsura nito. Sobra-sobra pa pala ang mga pasa nito sa kanyang katawan.

"Kukuha ako ng first aid kit." Boluntaryong saad ni Imee at patakbong lumabas ng kwarto.

"Oh God!" Natutop ko ang bibig ko habang tuluy-tuloy ang pagragasa ng mga luha sa mata ko. "Oh my God Zephyr." Nahihirapan kong sabi habang hawak-hawak nito ang isa kong kamay. Gamit ang isa nitong kamay ay malaya subalit nahihirapan niyang pinunasan ang mga luha ko.

"Sssssh, don't cry. I will be okay." Pagpapakalma nito sa akin tsaka ngumiti.

But seeing him smiling right now, mas lalo akong nasasaktan. I didn't know smile could be this hurtful. Ang mga ngiti niyang yun ay mas lalong ipinapaalala sa akin kung anong nangyari at kung anong mga pinagdaanan namin.

"Zeph si Aris, we need to help him." Patuloy pa rin ako sa paghikbi.

Habang tumatakbo ang oras, mas lalo akong kinakabahan at natatakot ako sa maaaring gawin nila sa kanya. Hindi ko kaya kapag may nangyari kay Aris dun. Hindi matatahimik ang pagkatao ko na habang kami ay naririto, nandun siya't nasa peligro ang buhay niya.

"We will. Just calm down, we will help him."

"S-should we c-call some p-police? Zeph nag-aalala na a-ako sa kanya, b-baka kung ano na ang g-ginagawa nila sa kanya ngayon. Z-zeph..." Hindi ko mahanap kung ano ang tamang salita na sasabihin ko dahil hanggang ngayon ay napupuno pa rin ng takot ang dibdib ko.

"No, we will not do that. Mas lalo lang siyang mapapahamak kapag ginawa natin yun. Ruthless Gang ang mga iyon Irish, we both know them well---"

"Yun na nga e! At hindi ako matatahimik hangga't hindi natin nakakasama si Aris dito ng ligtas. Hindi natin alam kung anong tumatakbo sa utak ng mga yun ngayon. Sina Jasper at Celine yun Zeph. Alam nating sila ang nasa likod ng Ruthless Gang na iyon kaya dapat---"

"Alam niyo."

Para akong nabato sa kinauupuan ko nang marinig ang malamig na boses ni Imee. She's not asking, it's a statement at ramdam ko ang hinanakit sa dalawang salitang kanyang binitawan. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Kasabay ng pagpatak ng luha ko ay ang pagdilim ng tinging ipinupukol niya sa akin.

"All this time, kilala niyo kung sinong nasa likod ng Ruthless Gang pero hindi niyo man lang sinabi sa akin?" Nag-igting ang panga nito at napalitan ng galit ang ekspresyong mababasa sa kanyang mga mata.

Seeing her like this, anger grows in me. Not because of her personal reason but because I can't understand her. No one wanted this to happened but it's actually happening right now dahil hindi ko siya maintindihan at mas lalong hindi ko maintindihan ang kanyang dahilan!

"Dahil yun ang tama Imee!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong sigawan siya.

"Tama? Pinagmukha niyo akong tanga Irish! Hinayaan niyo akong magpakahirap sa paghahanap sa mga taong nasa harapan ko lang naman pala! At tinago niyo yun sa akin. Nagawa niyo pang magsinungaling sa akin! Sabihin mo sa akin, nasaan doon ang tama?"  Malakas na sigaw nito. Puno rin ng hinanakit ang kanyang boses.

Sa sobrang pagtataka ko sa tinuran niya, hindi ko na napigilan ang tumayo at lumapit sa kanya. Ngayong ganito na ang nangyayari sa amin, kasalanan pa ba namin ang lahat?

"Dahil yun ang dapat!" I gritted my teeth. "Tignan mo nga kami, dahil sa kakahanap mo sa lintik na Ruthless Gang na yan, kami ang nadadamay! Kami ang pinagbabayad!" Muli akong napaiyak sa harapan niya.

"Tinago namin sayo ang totoo dahil ayaw ka naming mapahamak but look at us now Imee! Sa halip na ikaw, kami itong napapahamak! Pati si Aris nadamay! Naiwan siya sa lugar na hindi namin alam at wala man lang kaming kaalam-alam kung anong kalagayan niya ngayon! Kailan mo ba titigilan ang Ruthless Gang na yan? Kapag ba may masaktan sa amin? Kapag ba may mawala sa amin?" Sigaw ko sa kanya habang patuloy na tumutulo ang luha sa pisngi ko.

Gusto ko siyang sisihin kung bakit namin nararanasan ang mga ito. Gusto ko siyang sigawan pero wala akong karapatan dahil sigurado akong pati siya ay hindi ginusto kung anong pinagdadaanan namin ngayon pero hindi ko mapigilang hindi magalit sa kanya. Mali man na magalit sa kanya pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Pagkatapos kong sabihin lahat ng yun, kinalma ko muna ang sarili ko bago ulit magsalita.

"So tell me, mali bang itago namin sayo ang katotohanan?" Tanong ko sa kanya.

"So this is the reason why you keep on telling me to stay away from Celine?" Pagak itong tumawa kasabay ng pag-iling niya.

"Oo Imee, oo! Matagal ko na silang kilala at natatakot ako sa mga pwedeng mangyari kapag nalaman mo kaya kahit labag sa kalooban ko, tinago namin sayo ang totoo." Mariin kong sagot sa kanya at muli na naman akong napaiyak.

"Sabihin mo nga sa akin, bakit ba pilit mong hinahanap ang mga taong nasa likod ng Ruthless Gang? Ano bang nagawa nila sayo upang patuloy ka pa rin sa paghahanap sa kanila? Bakit ba ayaw mo pa rin silang tigil---"

"Dahil minsan na nilang kinuha ang kaisa-isang taong importante sa buhay ko." Malamig nitong saad.

Gusto ko pa sana siyang kumprontahin pero sobrang laking gulat ko nang sumungaw ang butil ng luha sa mga mata nito. Ito ang kauna-unahang nakita ko siyang umiyak sa harap ko.

Parang biglang may yumapos sa puso ko at tanging awa ang nararamdaman ko para sa kanya.

"W-what do y-you m-mean?" Nauutal kong tanong.

"Minsan na akong nawalan at sila ang dahilan." Ngumiti siya ng mapakla at pilit pinipigilan ang kanyang pagluha. Nanlaki ang mga mata ko habang paulit-ulit na rumehistro sa akin ang huli niyang sinabi.

Minsan na akong nawalan at sila ang dahilan.

Minsan na akong nawalan at sila ang dahilan.

Minsan na akong nawalan at sila ang dahilan.

Gusto ko pa sana siyang tanungin tungkol sa huli niyang sinabi pero lumabas na ito palabas ng kwarto.

Napaupo na lamang ako.

I was left puzzled.

Litong-lito na ako.

"Y-you need to f-follow h-her." Napalingon ako kay Zeph nang sabihin niya iyon kahit na nahihirapan siyang magsalita.

"No, mas kailangan mo ako. I will stay here." Sambit ko sa kanya.

"Irish, please listen to me. She has her reason kung bakit niya hinahanap ang Ruthless Gang. I saw tears on her eyes and that tears say it all. Hindi mo dapat siya sinisi. Walang may gusto sa nangyari at hindi natin alam kung ano talagang nangyari noon. Go and follow her. Mas kailangan ka niya ngayon. Mas kailangan ka ng best friend mo."

Dahil sa sinabing iyon ni Zeph, nagmadali akong lumabas ng kwarto. Siguro nga tama si Zeph. Maybe she's the strongest girl I have ever knew, pero deep inside of her, meron din siyang kahinaan.

"Yaya Luring, si Imee po?" Tanong ko kay Yaya pagkarating ko sa sala.

"Abay kakalabas lang anak. Para nga siyang umiyak e. Nag-away ba kayo?" Mataman akong tinignan ni Yaya.

"Hindi po. Ah, Yaya pabantay naman po si Zeph, nasa kwarto ko po siya kailangan ko lang po talagang sundan si Imee." Nagmadali na akong lumabas ng bahay.

Nadatnan ko si Imee na kapapasok pa lang sa kotse niya kaya kaagad akong naupo sa front seat. Hindi niya ako tinapunan ng tingin at pinaandar nito ang kotse niya without even uttering a single word.

"Imee..." Kinakabahan kong tawag sa kanya ngunit hindi ito nagsalita.

Seryoso at tahimik lang itong nagmamaneho. Her eyes became dull but I saw how her hand grips the steering wheel.

Binagtas namin ang daan sa kung saan ay hindi ko alam. Nalaman ko na lang kung nasaan kami ngayon nang ihinto niya ang kotse. Bumaba ako roon at ganun na lamang ang pagtataka ko nang ilibot ko ang paningin ko sa buong lugar.

North Cemetery?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro