Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 47

Imee's Point of View

Kanina pa nagsimula ang diskusyon ng guro namin pero wala ni isang ideya man lang ang pumapasok sa utak ko. Masyado akong lutang lalo pa't occupied ang utak ko sa mga bagay na 'di ko inaasahang mangyari.

Napalingon ako sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. Wala si Irish. Napabuntong hininga na lamang ako. This was the first time that she got absent.

Lumabas kaagad ako nang magring ang bell hudyat na break time na namin. Dumiretso agad ako sa cafeteria dahil inatake na ako ng gutom pero napahinto ako nang makita ko si Xydelle. I turned around to avoid him but it was too late because he already grabbed my hand.

"Imee, please let's talk." He said pleadingly habang hindi pa rin ako lumilingon sa kanya.

I slowly turned around to look at him, emotionless. Nagsimula na akong maglakad papuntang tambayan at naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin.

"Talk." Tipid kong saad pagkaupong-pagkaupo namin. I heard him breath heavily.

"I'm sorry for what I have told you yesterday, it's not my intention to ask you that way. I'm just worried." I can can see sincerity in his eyes. Sa pagkakataong ito when I look into his eyes, iniwas nito ang mga tingin niya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako.

Oo, galit ako sa kanya. I can't help it. Kahit naman siguro sino magagalit kapag pinagdududahan nila ang pagkatao mo but I can't blame him too dahil hindi niya naman talaga ako kilala. They don't know who really I am at ayokong magpakilala sa kanila unless everything isn't clear yet. I don't want to involve them in my mess.

"If you have nothing to say, I'm going." Tumayo na ako pero nakakailang hakbang pa lang ako nang maramdaman ko ulit ang paghawak niya sa kamay ko.

"Please don't be like this." He said in his sincere voice. I just nodded.

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad. Naramdaman ko naman ulit ang pagsunod niya sa akin at dumiretso kami sa rooftop ng building.

Walang nagsasalita ni isa sa amin. Walang nagkikibuan. Pawang nakatingin lang kami sa mga estudyanteng naglalakad sa quadrangle.

"I haven't seen Zephyr and Aris. Why are you not with them?" Pagbubukas ko ng topic without even looking at him. Maybe to lessen the heavy atmosphere na bumabalot sa aming dalawa?

"They were absent." Sagot nito na ikinanuot ng noo ko so I faced him.

"Why?" I asked but he just shrugged. Hindi ko na lang ipinahalata ang pagtataka ko sa kanya.

Zephyr and Aris were absent, even Irish was absent. How could that be possible?

Nang magring ang bell, napagpasyahan na naming bumalik sa klase namin. Mabilis na lumipas ang dalawang oras. Just after our dismissal, I fished my phone out and dialed Irish's number but I can't contact her. I also tried to call Zephyr and Aris pero ganun din.

I cussed mentally. It's impossible for them to get absent without even informing us at sabay-sabay pa talaga sila. Everything's odd. Something's wrong.

I started the engine at dumiretso sa bahay nila Irish. Nagdoorbell ako at kaagad naman akong pinagbuksan. Isang nasa mid 50's na babae ang bumungad sa akin.

"Ano pong sadya nila?" Tanong nito pagkabukas ng gate.

"Good afternoon po. I'm Imee Earl, Irish's best friend." Pagpapakilala ko.

"Ah, ikaw pala yung madalas niyang ikwento sa Mommy niya. Sige pasok hija." Napangiti na lamang ako sa tinuran ng matanda. "Saglit lang hija, ipaghahanda kita ng maiinom." Iniwan ako nito saglit sa living room. Maya-maya pa'y bitbit na nito ang isang basong juice na may kasamang cookies at grahams.

"Kaya po pala ako nandito upang bisitahin si Irish." Panimula ko. Nakita ko naman ang pagngunot nito.

"Hindi mo ba siya kasama hija? Kahapon pa kasi siya hindi umuuwi. Akala ko nga'y sa inyo natulog kagabi."

Just by hearing that made me feel nervous. Kahapon pa siyang hindi umuuwi? Kung ganon, where is she now?

"Buti nga wala ang Mommy niya e. Naku, kapag nalaman yun ng Mommy niya paniguradong mapapagalitan yun. Aba'y ngayon lang yata siya hindi umuwi rito at hindi man lang nagpaalam sa amin." Napainom ako sa juice ng wala sa oras dahil pakiramdam ko ay natuyuan ako ng lalamunan.

Just shit… Something's happening.

"Baka po nadrain lang ang phone niya kaya hindi siya nakatawag. Hihintayin ko po siya rito hanggang sa makauwi siya." Litanya ko.

"O sige hija. Magluluto na ako ng pananghalian at dito ka na kumain habang hinihintay ang batang iyon." Napatango na lamang ako sa Yaya nila bago ito pumunta sa kitchen.

I breath heavily. Kahapon pa siyang hindi umuuwi nang hindi man lang nagpapaalam. But why? Naisip ko yung tinawagan ko siya kanina. Baka nga nadrain lang ang phone niya but it's really impossible for Zephyr and Aris to have their phone drained too. Magkakasama kaya sila? Or something's really happening?

Pumunta ako sa veranda nila. Pinilit kong isinantabi ang mga negatibong namumuo sa utak ko ngayon.

Thinking that something's happening to them, the urge to kill someone is eating me now. If they want me, then they should have to deal with me. Wala silang karapatang idamay ang mga kaibigan ko rito.

***

Irish's Point of View

"Ano bang kailangan niyo sa amin? Pakawalan niyo na kami!" Singhal ko dahil hawak-hawak ng isang lalaki ang buhok ko. Nasasaktan na ako sa mga ginagawa nila sa amin.

"Sino ka para sundin ko? Utos 'to ni Queen at Boss kaya magdusa kayo!" Bigla ako nitong sinampal kaya napaiyak na lamang ako.

"You fucking asshole! I'm gonna break your neck once we get out of this fucking place!" Sigaw ni Zephyr.

Mas lalo akong napaiyak nang suntukin siya ng mga ito sa kanyang tyan. Dinig na dinig at ramdam ko ang malakas na pagdaing nito.

"Stop it! Maawa kayo sa kaibigan ko!" Sigaw rin ni Aris dahil kanina pa nila pinagsusuntok si Zephyr sa tuwing nagsasalita ito.

"Argh!" Napalingon ako sa gawi ni Aris nang siya naman ang balingan ng suntok ng mga ito.

Lima silang lalaki, dalawa ang nakabantay sa loob at tatlo ang nakabantay sa labas. May mga nakasabit ng kung anu-anong klase ng patalim sa suot nilang black leather jacket. Marami silang tattoo sa katawan at doble-doble ang piercings na suot nila.

"Manahimik ka d'yan kung ayaw mong ikaw ang isunod namin sa kaibigan mo!" Napapikit na lamang ako nang suntukin na naman nila si Aris sa mukha nito.

Nahihirapan akong tignan ang hitsura nila. Kapwa na sila naliligo sa sarili nilang dugo. Putok na ang kanilang labi at magang-maga ang kanilang pisngi. Tanging iyak na lang ang nagagawa ko dahil hindi ko naman sila malapitan.

Nakagapos pa rin ako sa kinauupuan ko habang sila'y kapwa nakatayo at nakatali ang dalawa nilang kamay sa makakapal na lubid na nakatali sa isang sulok ng kwartong ito.

"Tama na pleaseeeee." Tuloy pa rin ako sa paghagulgol pero pinagtatawanan lang nila ako.

Nanigas ako sa kinauupuan ko nang lapitan ako ng isang lalaki. Nanindig ang mga balahibo ko nang lumapat ang kamay nito sa pisngi ko at punasan ang mga luhang nakawala sa mata ko.

"Ssssh, don't cry." Pagpapatahan nito sa akin kaya kaagad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Hinawakan nito ang baba ko at pilit akong pinaharap sa kanya. "Bakit ba naman kasi kinalaban ng kaibigan mo si Queen? Tignan mo, ikaw tuloy ang nagdudusa." Hinawi nito ang nakawalang hibla ng buhok ko. Dinuraan ko siya dahil nandidiri ako sa mga ginawa niya.

"Shit!" Sinampal niya ang pisngi ko ng sobrang lakas dahilan upang mas lalo akong mapahagulgol. Hinila nito ang buhok ko na kulang na lang ay sumama pati ang anit ko. Masama ang mga tinging ipinukol nito sa akin.

"Wala kang kwenta! Alam mo, sisihin mo ang kaibigan mo dahil sa dinami-rami ng pwede niyang banggain, kami pa!" Sigaw nito sa mukha ko habang hawak-hawak niya pa rin ang buhok ko.

"Tatlong taon kaming nanahimik sa lungga namin pero dahil sa pakialamera niyong kaibigan, pasensyahan tayo. Ruthless Gang ang binangga niya kaya magdusa siya. Magdusa kayo!" Lumayo ito sa akin at lumapit sa isang kabinet.

"Haaay! Sa wakas, mapapakinabangan ko na rin ulit ang mga ito." Tila nanuyo ang lalamunan ko nang ilabas nito ang mga baril at mga patalim at dahan-dahan niya itong pinunasan habang nakatingin sa akin pagkatapos ay bumaling siya sa direksyon nina Zeph at Aris.

Umaksyon pa ito na babarilin kami gamit ang dalawa nitong kamay at pinagtawanan kami ng mga kasamahan nila.

I cried silently habang nakatingin sa sahig. Nangangatog na rin ang dalawa kong tuhod sa sobrang takot pero hindi pwedeng makulong lang kami rito. Kailangan naming makalabas. Kailangan naming makaalis agad. We really need to get out of here. But how?

Dahil sa usapan ng mga taong nakabantay sa amin, narinig kong mag-aalas tres na ng hapon. Magang-maga na rin ang mga mata ko dahil sa walang tigil na kakaiyak. But I have made my mind. Buo na ang desisyon ko. Alam ko mahirap pero gagawa ako ng paraan upang makaalis kami sa lugar na 'to.

Napapikit ako bago ko tinignan ang isang lumang kutsilyo malapit sa CR na gawa sa mga tabla. Huminga ako ng malalim bago ko sinipa ang isang empty bottle. Napunta ito sa may paanan ng isang lalaking nakabantay sa amin. Dalawa lang silang nakabantay sa amin ngayon dahil umalis yung tatlo pa nilang kasama.

Lumapit ang lalaki sa akin at inalis ang panyong nakabusal sa aking bibig.

"What?" Inis na tanong nito.

"I need to pee." Tugon ko at inisa-isa nitong inalis ang mga pagkakagapos sa akin.

Hinatid ako nito sa CR habang hawak-hawak ang dalawa kong kamay. Tinignan ko pa muna sina Zephyr at Aris at natuon ang paningin ko sa kutsilyong nasa bandang paanan ko bago ako tuluyang pumasok sa CR.

Napakuyom ako. Tama na ang pagiging mahina Irish. Matuto kang lumaban.

Dahan-dahan kong inopen ang pintuan ng CR. Pasikreto kong sinipa patalikod ang lalaki gamit ang buo kong lakas. Hindi ko alam kung paano ko siya napabagsak nang hindi man lang gumagawa ng ingay. Nanginginig ko pang dinampot ang kutsilyo bago ko nilingon ang isa pang nakabantay sa amin na kasalukuyang nasa labas.

Lumapit ako kaagad sa direksyon nina Zephyr at Aris na ikinagulat nila.

"Irish, what do you think you're doing?" Takang tanong ni Zephyr kahit na nahihirapan pa ito sa pagsasalita.

"Stay still. We will going to get out of here." Sagot ko sa kanya at sinimulan ko ng alisin ang nakatali sa kamay niya kahit na nahihirapan ako dahil doble-doble ang pagkakatali nito.

"Irish---"

"Ssssh..." Pinutol ko na ang huling tali sa kamay nito. Sunod ko namang kinalagan ang pagkakatali kay Aris. Tagaktak na talaga ang pawis ko sa sobrang kaba.

"Irish, he's walking towards you."

Napalingon ako sa likod ko at pasalubong kong sinipa ulit ang lalaki down 'there' niya. Nakagawa ito ng ingay kaya pumasok kaagad ang kasama nito.

"Sinong nagsabing makakatakas kayo?!" Nanginig ang buo kong katawan nang marinig ang boses ng isang lalaki.

Kahit na nahihirapan si Zephyr, nakipagsuntukan ito sa lalaki habang ipinagpatuloy ko ang pagkalag kay Aris.

"Irish, tumakas na kayo please."

"Aris, no! Tatlo tayong ikinulong dito kaya tatlo rin tayong aalis." Nagsimula ng mamuo ang mga luha ko at mas lalong dumoble ang takot na nararamdaman ko.

"Irish listen to me, I can manage myself here kaya umalis na kayo habang wala pa ang mga kasamahan nila." Ilang beses akong napailing at tuluyan ng tumulo ng mga luha ko.

"Aris, no. W-we can't l-leave---"

"Argghh!" Napatingin ako sa direksyon ni Zephyr.

Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya dahil nakahiga na ito sa sahig at namimilipit sa sakit. Dahil hindi ko na alam kung anong gagawin ko, naibato ko ang kutsilyong hawak ko sa lalaki. Kitang-kita ko ang pagdugo ng braso nito.

Nilapitan ko kaagad si Zephyr at tinulungan itong makatayo.

"Zeph kayanin mo please, makakalabas din tayo rito." Inakay ko siyang makatayo.

"Irish umalis na kayo. Kaya ko ang sarili ko." Nilapitan ko si Aris habang akay-akay si Zephyr. Hindi ko na napigilan ang sarili kong huwag maiyak lalo.

"No, a-aalis tayo. Aalis t-tayong tatlo rito, walang maiiwan." Matigas kong saad habang patuloy na umiiyak. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Napalingon ako sa pintuan nang may marinig akong humintong sasakyan sa labas. Parang tinambol ang puso ko sa sobrang takot.

"Irish umalis na kayo! Mas makakahingi kayo ng tulong kapag nakalabas kayo. Promise, I will be okay here." I saw him smiled at me. Tanging iyak na lamang ang nagawa ko.

"Babalikan ka namin Aris, ililigtas ka namin." I hugged him tight bago ko napagpasyahang talikuran siya. Labag man sa kalooban ko ay sinunod ko ang sinabi ni Aris.

Magiging okay rin ang lahat. Makakahingi rin ako ng tulong. Babalikan ka namin Aris. Maililigtas ka rin namin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro