Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 45

Irish's Point of View

Maghapon kaming magkakasamang lima subalit hindi ko man lang maramdaman ang presensya ng bawat isa sa amin. Magkakasama nga kami pero parang hindi namin kilala ang isat-isa. Walang nagsasalita, walang gustong magsalita at wala yata talaga silang balak na magsalita pa.

Napabuntong hininga ako.

"Guys, hindi niyo man lang ginagalaw ang pagkain niyo. Sige, magtatampo yung grasya sa inyo." Pambabasag ko sa katahimikan pero wala talagang umiimik. Aish!

Napatingin ako kay Imee nang bigla siyang tumayo.

"I already lost my appetite." Hindi pa man ako nakakapagsalita ay tuluyan na siyang umalis.

"I have to go." Napatingin din ako sa gawi ni Xydelle nang sabihin niya iyon.

Kinuha nito ang bag niya at tuluyan na rin siyang umalis. Napamaang ako at nagtataka sa mga ikinikilos nila. May nangyari bang hindi maganda sa pagitan nilang dalawa? 

"Why are they acting like a complete stranger to each other?" Napahilamos ako ng mukha tsaka muli akong napabuntong hininga ng malalim.

"Simula pa yan kaninang umaga. Napansin ko ng ilag sila sa isat-isa." Ani Zeph.

Ako rin naman e. Kanina pang umaga, napansin ko na rin 'yon. Hindi sila nagkikibuan. Hindi sila nagpapansinan at hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko ay malaki ang posibilidad na dahil iyon sa nangyari kahapon.

"Siguro mas mainam kung hahayaan na lang muna natin sila. Let's give them time. Maaaring hindi naging maayos ang pag-uusap nila kahapon." Suhestiyon ni Aris.

Siguro nga kailangan muna namin silang bigyan ng oras. Masyado ng kumplikado ang lahat na pati silang dalawa ay naapektuhan na.

Napasubsob ako sa mesa.

"Kailan ba matatapos 'to?" Tanong ko ng wala sa oras. "Ano bang pinag-ugatan ng lahat ng ito upang umabot pa sa ganito? Dahil ba sa akin? Kung hindi siguro ako tinulungan ni Imee nung first day pa lang ng school, siguro hindi na aabot ang lahat sa ganito." Dagdag ko.

Totoo naman e. Siguro kung hindi ako tinulungan ni Imee noon habang binubully ako ni Celine, edi sana hindi na nagkrus pa ang mga landas nila.

Kasalanan ko lahat. Ako ang pinag-ugatan ng lahat ng gulong to!

Naramdaman ko na lang na hinagod-hagod ni Zephyr ang likod ko habang nakasubsob pa rin ako sa mesa.

"Don't blame yourself. Oo, sabihin na nating ikaw yung dahilan kung bakit nagkrus ang mga landas nila pero hindi mo kasalanan kung bakit umabot sa ganito ang lahat. Besides wala rin namang may gusto kung ano ang nangyari kahapon e. Ni hindi nga natin alam kung bakit ganun yung ginawa ni Imee kay Celine." Saad ni Zephyr.

Inayos ko ang pagkakaupo ko at naihilamos na naman ang dalawa kong kamay sa mukha ko.

"Hindi niyo kasi ako naiintindihan e. Hindi lang naman yun ang pinoproblema ko ngayon." Napabuntong hininga ako nang wala sa oras.

"What do you mean?" Singit ni Aris habang nakikinig sa usapan namin ni Zeph.

"Ruthless Gang." Mahina kong saad. "Lintik naman kasi na gang yan! Bakit ba kasi nauso pa yan?!" Inis kong tanong at natahimik naman silang pareho.

"Bakit niya ba kasi hinahanap kung sino ang nasa likod ng gang na yun? Diba transferee lang siya? Paano niya nalaman ang tungkol sa gang na yun?" Naguguluhang tanong ni Zeph.

"Yun nga rin ang problema e. Nagsimula lang yun nung makita niya yung record book. Nagulat na lang ako ng sabihin niya sa akin na hinahanap niya ang Ruthless Gang." Napahawak ako sa sentido ko.

Tinanong ko siya noon kung bakit pero hindi niya ako sinagot. Hindi ko talaga alam kung bakit.

"Hindi niya pwedeng malaman ang totoo." Napaubob na naman ulit ako sa mesa at dinig na dinig ko ang pagbuntong-hininga nina Zeph at Aris. Ngayon pa, talagang hindi niya pwedeng malaman ang totoo.

***

Third Person's Point of View

Habang pinag-uusapan nila Irish, Zephyr at Aris ang tungkol kay Imee at sa Ruthless Gang ay hindi nila alam na may isang estudyanteng matamang nakikinig sa usapan nila at kinunan pa ito ng video. Nang matapos ang break time, kaagad na umalis ang estudyante at ipinarating ang balitang nakalap niya sa kanyang mga boss.

"Hello boss." Saad nito.

[What? May kailangan ka ba?] Tinig ng isang babae ang sumagot sa kabilang linya.

"Queen? Queen ikaw po ba 'tong kausap ko?" Nagtatakang tanong ng estudyante dahil ang tinawagan naman niya ay ang kanyang boss pero iba ang sumagot.

[Ako nga. Bakit ka napatawag? If this is nonsense, I'd rather hang up now. You're just wasting my time!] Sigaw ng babaeng nasa kabilang linya na tinawag niyang Queen.

"No Queen. This is interesting. Just open your email and I'm going to send you a video."

Kaagad nitong ibinaba ang tawag at inisend ang video na kanyang nakunan kanina.

Sa kabilang banda, naibato ni 'Queen' ang cellphone na hawak-hawak niya pagkatapos niyang mapanood ang videong inisend ng estudyante sa email niya na katatawag lang sa kanya kanina.

Nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig sa screen ng laptop niya.

"DAMBOOOOOOO!" Inis na tawag nito sa isa nilang kasamahan. Kaagad namang may lumapit sa kanyang isang lalaking malaki at matipuno ang katawan na sa hitsura pa lang nito ay alam mo nang mahilig sa away.

"Yes Queen?" Tanong nito. Umikot ang tinatawag nilang Queen sa swivel chair na kanyang kinauupuan at hinarap ang kanina'y tinawag niyang Dambo.

"Call your Boss and tell him to prepare the van and bring some people. Now!" Kaagad na gumalaw si Dambo at tinawag ang kanilang Boss.

Wala pang 30 minutes ay narinig na nila ang pagdating ng isang van kasama ang mga kalalakihang halos lahat ay bulky ang pangangatawan.

"What's with the urgent call?" Tanong ng 'Boss' nila pagkalapit nito kay 'Queen'.

"I just received a very very interesting video. Look at it." Iniplay nito ang video at nagsilapitan naman ang kanilang mga kasamahan. Nang matapos nilang mapanood ang video ay kanya itong nipause at humarap sa kanilang lahat.

"See? Very interesting, right?" Tumango silang lahat kay 'Queen' at nagtawanan.

Kung kanina ay nanlilisik ang mga mata nito sa nalaman, ngayon ay kanya na itong tinatawanan.

"So, ano pong gagawin namin sa kanila, Queen?" Tanong ni Dambo. Kaagad na nagform ang ngisi sa labi nito. Humarap muli ito sa kanyang laptop at itinuro isa-isa ang mukha ng mga taong nasa video.

"Remember their faces, 12 nn. Dakpin niyo sila at dalhin sa akin. Kung kinakailangang halughugin niyo ang buong Jimen University upang makita niyo sila, gawin niyo! I want them to be in my hand!"

"Yes Queen!" Kaagad na lumabas ang mga kalalakihang iyon upang gawin ang ipinag-uutos sa kanila.

"Looking for us, huh? Let's just see kung hanggang saan yang tapang mo gayong anumang oras ngayon, hawak ko na ang mga dakila mong kaibigan… Imee."

She looked at the 'Boss' and they both smirked like a stupid crazy witch.

***

Irish's Point of View

Habang nagkaklase kami, sinubukan kong kausapin si Imee pero hindi ako nakakahanap ng tyempo. Sa tuwing sinusubukan ko siyang kausapin, titingin lang siya sa left side niya at nakadungaw ang ulo sa bintana. Kapag titingin naman siya sa harap, magkasalubong ang mga kilay niya.

Hanggang sa matapos ang klase, hindi ko talaga siya nagawang kausapin. Hindi niya na nga ako kinausap, hindi niya man lang akong hinintay palabas. Iniwan niya ako. Aish!

"Oh, bakit nakabusangot ka?" Tanong ni Zeph. Hindi ko man lang namalayan na nakalabas na pala ako sa room.

"Paano kasi iniwan ako ni Imee. Hindi niya man lang ako hinintay." I pouted.

"Just let them. Palamigin mo muna mga utak nila." Sabi ni Aris.

"I know pero wala akong kasamang pauwi. Hindi ako masusundo ng driver ko." Again, I pouted.

"Silly. I'll take you home, then." Zephyr winks at me tapos inakbayan niya ako.

Gusto kong kiligin dahil sa simpleng aksyon niya lang ay napapangiti niya ako pero sa sitwasyon namin ngayon, hindi ko yata kayang kiligin gayong may malaking problema kaming kinakaharap.

Nakarating kami sa gate. Pagkarating dun, nakita ko si Imee na papasok pa lang sa kotse kaya tinawag ko siya.

"IMEEEEEE!" Malakas kong sigaw pero hindi niya man lang ako nilingon at tuluyan siyang umalis. Nung humarap ako kila Zeph, nginitian ko na lang sila ng mapakla.

"Let's go home now. Hintayin mo na lang kami rito, we will just get the car." I nodded at Zeph. Umalis sila saglit at kinuha ang kotse nila sa parking lot.

Kung sana pinayagan ako ni Mommy na magdrive, edi sana ako na rin mismo ang nagdadrive sa kotse ko ngayon. Paano kasi yung last na nagdrive ako, muntik ko ng maibangga yung kotse sa isang puno malapit sa subdivision kaya ayaw na akong payagan ni Mommy.

Nilaro-laro ko na lang yung mga kamay ko habang wala pa sila Zephyr at Aris pero bigla na lang may humintong itim na van sa harap ko at hinila ako.

"Aaaah! Bitawan niyo ako! Sino ba kayo?" Sigaw ko dahil may bigla na lang humila sa akin at pilit akong binuhat na parang sako ng bigas. Pinilit kong kumawala sa kanila pero masyado silang malakas.

"NO! NO! PUT ME DOWN! SINO BA KAYO? LET ME GOOOO! TULUNGAN NIYO AKO! AAAAAH! ZEPHYYYYYYYR!" Hindi ko na alam kung anong sumunod na nangyari after kong sumigaw dahil tinakpan nila ang bunganga ko ng panyo na may kakaibang amoy na nakapagpahilo sa akin.

Bago pa man pumikit ang mga mata ko, nakita ko ang paglapit nina Zephyr at Aris sa direksyon namin tsaka ako tuluyang nawalan ng malay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro