Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 44

Irish's Point of View

Kaagad akong napatingin sa nagsalita. It was Xydelle. He was just leaning on the side corner of the female's CR at ngayon ko lang siya napansin doon. Naglakad siya papunta sa direksyon nila Imee while his hands are on his pockets.

"Get away from her." Maawtoridad niyang utos sa harap ni Jasper pagkalapit nito rito habang nasa bulsa niya pa rin ang dalawa niyang kamay.

"Anong ginagawa ng isang Jimenez dito? Did you came here to save this demon in front of me?" Nakangising wika ni Jasper.

"You know I hate repeating myself asshole. Let go of her." Saad ni Xydelle. His voice is as sweet as hell. It was full of authority. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito.

"After what she did to Celine? She almost killed her!" Turo nito sa direksyon ni Celine na kanina pa nahihirapang huminga.

Jasper gritted his teeth. He's also angry. Hindi namin magawang lumapit dahil sa tensyong namamagitan sa kanila.

"I don't fucking care how this war started. I just came here to stop this shitty crap." Ani Xydelle.

"You fucking think that's just it?!" Tumayo si Jasper at humarap kay Xydelle.

Nagkatitigan sila ng matagal na animo'y naglalaban gamit ang mga nanlilisik nilang tingin habang nagtatagis ang kanilang mga bagang. Kapwa rin silang napakuyom ng kamao.

"This is my territory Jasper. Don't you fucking dare make any wrong move if you still fucking want to get out alive and enjoy your pathetic life." Mababakas ang diin sa tono ni Xydelle. "Just take Celine with you and go." Wala ng nagawa si Jasper. Lumapit ito sa direksyon ni Celine at inalalayan itong makatayo.

"Fuck the hell of you! We're not yet done. Babalikan ka namin." May diin na sabi ni Jasper habang nakakatakot ang tinging ipinupukol nito kay Imee bago sila umalis.

Napabuntong hininga na lang ako ng malalim. Kailan ba matatapos ang gulong ito?

"You. Come with me. Now." Narinig ko ang maawtoridad na saad ni Xydelle kay Imee at sinundan niya na lang ito. Dahil sa bilis nilang maglakad, nawala na lang ang mga ito sa paningin namin.

Kailan ba 'to matatapos? Geez! Ang gulo-gulo na. Paano pa kapag nalaman ni Imee yung totoo?

Napabuntong hininga ako ng malalim. Buti na lang dumating si Jasper kanina, dahil kung hindi, baka may nangyari na kay Celine. Oo, galit ako kay Celine pero ayoko namang umabot sa ganun na may mawawalan ng buhay. Lalo na kung ang kaibigan ko ang dahilan.

"That was... Crap. I never imagined Imee to be that cruel." Zeph said in disbelief.

Paano pa ako? Ganun ba siya kagalit kay Celine na kailangang umabot pa ang lahat sa ganito?

"What are we going to do now?"

Napapikit ako ng mata. Nakakasakit talaga ng ulo 'tong mga nangyayari. Ngayon pang mas gumugulo ang sitwasyon, gagawin namin kung anong nararapat.

"We should still hide her the truth. No, we must hide it from her---"

"Must hide what?"

Nanigas na lang ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses niya. Unti-unti akong lumingon sa direksyon niya at hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Oh my God!

"Anong kailangan niyong itago sa akin?" Tanong niya ulit.

Parang natuyo ng diretso ang lalamunan ko. Anong sasabihin ko? Akala ko ba sinundan niya si Xydelle? Bakit siya nandito?

"H-huh? Ah. Ahm a-ano..."

Damn it!

"We need to hide the CCTV footage para hindi na makarating sa Principal yung pangyayari kanina." Napalingon ako sa direksyon ni Zephyr at para akong nabunutan ng tinik dahil sa sinabi niyang iyon.

Imee looked at us plainly at kinuha nito ang bag niya sa lupa. Pagkatapos nun ay naglakad na siya ng mabilis palayo sa amin pero hinabol ko siya at hinawakan sa braso niya. Binigyan lang ako nito ng nagtatanong na tingin.

"I'm really worried about what happened earlier. Please Imee, I'm begging you, layuan mo na lang sila." Nakikiusap kong saad sa kanya.

"I told you, I can't promise you that." Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga.

"But why?" She just shrugged. Tinignan lang ulit ako nito bago siya tuluyang umalis.

Nanghihinang napahawak na lang ako sa tuhod ko habang tinitignan ko siyang papalayo.

Gustung-gusto kong sabihin sa iyo yung totoo pero paano ko sasabihin yun kung ganito na ang nangyayari? Na kulang na lang ay makapatay ka ng tao dahil sa galit mo? Wala akong kaide-ideya kung anong ginawa nina Jasper at Celine upang umabot ang lahat sa ganito pero sana ikaw na lang ang lumayo sa kanila.

Please.

***

Imee's Point of View

"Get in the car." Nakakuyom lang ang dalawa kong kamay habang nakasunod kay Xydelle at wala sa sariling pumasok ako sa loob ng kotse niya bago niya ito paandarin. "Why did you do that?" May diin na sabi nito at nakatingin lang siya sa daan habang nagmamaneho.

"Imee, I'm asking you. Why did you do that?" He asked again, but this time, he's using his cold voice.

"I've had enough of her." May diin na sabi ko pagkatapos ng saglit na katahimikan. I'm trying to be patient with her shits but she's giving me reasons not to.

"Pero sana hindi mo na lang sila pinatulan!" He shouted at me and I arc my brows on him.

"You're blaming me for what have happened? Is that what you're trying to say?"

"No. Pero sana nilayuan mo na lang sila." He answered causing me to get mad. Is he serious? Does he know what is he saying?

"I did and I keep reminding them not to mess me." I answered plainly.

"Alam mo namang ganun ang ugali ni Celine diba? Bakit mo pa pinatulan?"

"You know nothing." Mariin kong saad sa kanya. Naikuyom ko ang dalawa kong kamao at pinanlisikan siya ng tingin.

"Look at yourself! Yan ang problema sayo! You don't know how to control your temper! You don't even know how to control yourself!" Tinignan ko siya sa may nagtatanong na tingin.

Ano bang alam niya? Sino ba siya para pagsabihan ako ng mga ganito?

I glared at him. He doesn't know a single thing. Celine and Jasper, just by seeing them and their mere presence around me, my blood is boiling. Kung anuman ang mga ginagawa ko, wala siyang alam at mas lalong wala siyang pakialam.

Napailing ako sa mga iniasta niya ngayon.

"I don't know what really happened but try to at least control yourself dahil yun ang problema sayo." Inis akong napatingin sa gawi niya matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon.

"They are the problem here Xydelle, not me. Don't talk as if you know everything." I emphasized.

"That's not the point there!"

"So anong gusto mong palabasin? Na masama akong tao?! Fine! Masama nga akong tao at---" Napapikit na lang ako ng mata dahil sa biglaang pagbrake niya ng kotse na kulang na lang ay mabingi ako sa sobrang lakas nito.

Napahigpit ang kapit ko sa seatbelt at paulit-ulit ang naging paghinga ko ng malalim.

"FUCK IT IMEE! YOU ALMOST KILLED HER!" Sigaw niya sa akin kasabay ng malakas na paghampas niya sa manibela. "You heard me? You almost killed her! That was because you don't know how to control yourself!" He's also angry at me.

"You know me Xydelle right? Kilala mo ako. I won't do that without any reason." Nagpakawala ako ng malalim na hininga.

Sabihin na nating kasalanan ko dahil hindi ko magawang kontrolin ang sarili ko pero kasalanan din nila yun. I did everything to make my patience long whenever they are around but I had enough. I really had enough with them.

"Paano na lang kung hindi ako dumating doon?" He asked at napahilamos ito ng mukha. "Kilala na nga ba talaga kita?" Nagtagis ang bagang ko dahil sa tanong niyang 'yon.

I gritted my teeth in frustration. How dare him ask me that question? I met his gaze at napapailing ako sa kanya.

"You're right Xydelle. You really don't know me and you wouldn't like to know who really I am." I replied.

Sinubukan nitong lumapit sa akin pero ibinaling ko na ang atensyon ko sa bintana ng kotse niya. I closed my eyes at ilang beses akong bumuntong hininga upang kontrolin ang sarili ko.

"Imee, it's not---"

"Gusto ko ng umuwi." I cut him off. I heard him heaves a deep sigh before he started the engine and I didn't bother to talk.

***

Third Person's Point of View

Habang nasa labas ng Earl Residence sina Imee at Xydelle na hindi pa rin nagkikibuan dala ng hindi maayos na pag-uusap nila kanina ay hindi nila alam na may nagmamatyag sa kanila mula sa malayo.

"Seems like the two lovebirds are having their misuderstanding, huh?" Anang isang tinig kasabay ng nakakalokong ngisi nito ngunit ang ngisi nito sa labi ay unti-unting napalitan ng galit habang nakatitig ng diretso sa gawi ni Imee.

"Prepare yourself. I'm going to get back what's mine." Muli ay lumabas ang ngisi sa mga labi nito bago tuluyang paandarin ang kanyang kotse papaalis sa lugar na iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro