CHAPTER 41
Imee's Point of View
After that conversation with Yaya Melds and all those things Denver told me, I realized something. Tama sila. I should not let them worry about me. Labas dapat sila sa sarili kong problema. Bumalik ulit ako sa sala pagkatapos ng usapang yun kaso nangunot ang noo ko nang makitang wala roon ang cellphone ko.
"Looking for your phone? Here." Inihagis niya iyon sa akin. I glared him. Is he stupid or what? Paano kung hindi ko iyon nasalo? "If you want to talk to them, go ahead but fix yourself first." Ginulo ni Kuya ang buhok ko tsaka ito ngumiti sa akin. Kuya Denver is right. Right now, gusto ko silang makausap. Gusto kong makausap ang mga kaibigan ko.
Matapos nun ay umakyat ako sa aking kwarto. Habang nagbibihis, I dialed Irish's number at kaagad naman niya iyong sinagot.
"Hel---" I wasn't able to finish my words because she cut me off.
[Bwiset kang babae ka! Buti naman naisipan mong tumawag? Alam mo bang sobra kaming nag-aalala sayo? Hindi mo man lang sinasagot ang mga tawag namin! Huwag na huwag kang magpapakita sa akin, sasabunutan talaga kita hanggang sa magsilagas lahat ng buhok mo!]
Napapailing at hindi ko mapigilang hindi matawa dahil sa mga sinabi ni Irish. She's so nosy.
"Irish, I'm sor---"
[Sorry mo mukha mo! Nakakainis ka talaga!] Ngayon, naririnig ko na rin yung pag-hikbi niya sa kabilang linya.
"I know. Where are you? I'm going to pick you up."
[Nandito ako sa school. Kakadismiss lang sa amin. Bilisan mo, hihintayin kita sa main gate.] Medyo huminahon na yung boses niya ngayon hindi katulad ng kanina na kulang na lang ay mabingi ako sa sobrang lakas ng boses niya.
"Hindi mo naman siguro ako kakalbuhin pagdating ko dyan, right?" Sinubukan kong biruin ito dahil sa sinabi niya kanina. Damn, I'm not fond of jokes but why am I doing this now?
[Subukan mo, totohanin ko talaga yung sinabi ko kapag hindi ka nagpakita sa akin!] Napangiti na lang ako dahil sa sinabi niyang iyon.
[NAKAKAINIS KA NAMAN EH! HOY DENNIESE IMEE EARL, SUNDUIN MO AKO RITO SA SCHOOL KUNG AYAW MONG MAKALBO NANG WALA SA ORAS!] Napahalakhak na ako sa pagkakataong ito. This woman is such a nagger.
"Alright. See you in a bit." After that call, the heavy feeling I have inside was now gone.
I guess this is really the best thing I should do. Kinuha ko yung car key beside my lampshade at lumabas na ng kwarto. Pagkasakay ko ng kotse ay nagtungo agad ako sa Jimen University. Pagkababa ko pa lang sa kotse, naabutan ko na si Irish na nag-aabang sa labas ng gate.
"Imee!" Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Nabigla ako sa ginawa niyang iyon but that made me smile.
"I'm sorry." Yan ang tanging lumabas sa bibig ko.
"Imee naman e! H'wag ka ngang magsorry, naiintindihan naman kita. Huwag ka nga! Sasapakin talaga kita." Aniya. But I still wanted to say sorry. I should not have ignored all of their calls.
"I mean it." I said apologetically and smiled.
"Okay na po. The thing is, okay ka na ngayon." Ngumiti siya sakin. "Gala tayo?" Sabi niya at ngumuso pa.
"Nagpapalibre ka lang e." I mumbled, enough for her to hear it.
"Heh! Tumigil ka! Kuripot mo talaga!" Natawa na lang ako sa sinabi niya. "Tara na kasi." Hinila niya ako at tinulak-tulak papasok sa kotse. Wala na rin akong nagawa kundi ang umupo sa driver's seat.
Mabilis kaming nakarating dalawa sa mall. Gusto ko rin naman kasing bumawi sa kanya. We went inside the ladies garments. I'm not used of buying so many things but this time, we took whatever we want. We also took the same shoes and a black and gray cap. We even played in arcade at gumala sa kung saan-saan. After that, dumiretso kami sa Starbucks around 5 o'clock PM.
"This day is so fun!" Nakangiting sabi ni Irish pagkaupo namin sa pangdalawahang upuan.
Nang maiserve na yung mga inorder namin, salita lang nang salita si Irish habang ngumunguya. She keeps on saying so much things.
"How about Xydelle and the group?" I suddenly asked. Tinignan ako nito at binigyan ng nakakalokong tingin. "What?" I raised my brows.
"Namimiss mo siya 'no? Yieeh." Irish tickled me.
"Damn. Irish, stop it. Nakikiliti ako---Irish!" Hindi ko mapigilan ang pagtawa habang kinikiliti niya ako. I tried to stop her yet she continued what she's doing. This girl.
"Sabihin mo munang namimiss mo siya. Dali!" Sinusundot-sundot pa niya ang tagiliran ko. And believe me, people are now looking at us. "Sabihin mo na kasi! Dali na! Miss mo na siy---"
"Oo na! Oo na!" I finally gave in. Natigil siya sa pangingiliti sa akin pagkatapos nanlaki ang mga mata niyang tinignan ako.
"You said what?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
Natigilan din ako bigla when I realized what I said. But that's not what I'm supposed to mean. I just said that to stop her from talking.
"You missed him?" Tanong pa niya ulit. Wala sa sariling napatango na lamang ako para na rin matigil siya sa pagsasalita.
"Kyaaah! Best friend, lumelevel up ka na!" She said. Nangunot naman ang noo kong tinignan siya.
"What the hell?"
"Baka iba na yan ah?" Makahulugang tanong nito.
Napaikot na lang ako ng mata. Nababaliw na yata siya. Kung anu-ano na namang naiisip niya.
"But seriously, where is he?" Tanong ko at nginitian ako ni Irish ng nakakaloko. "I mean sila. Pati sina Aris at Zephyr, nasaan sila?" I added. I hate the way she thinks right now.
"Defensive." Dinig kong bulong nito pero hindi na lang ako kumontra pa. "I don't know where they are." Tugon nito. Napatango na lang ako tsaka ko ininom yung drinks ko.
I heave a deep sigh. I really want to talk to that guy. I have lot of things to ask him, to say to him and I really want to thank him personally. Napatingin na lang ako kay Irish nung magring ang kanyang phone.
"It's Zeph. He's calling. Sagutin ko lang." I just nodded my head.
After that, she excused herself. Medyo lumayo siya ng konti sa akin upang sagutin niya yung call.
Habang kinakausap ni Irish si Zeph, I texted Kuya na baka matatagalan ako ng uwi dahil kasama ko pa si Irish at tsaka para hindi na rin sila mag-alala pa sa akin. I did not wait that long for his reply. He just agreed. What he wants is to make sure we are okay.
I put my phone back inside my sling bag and my attention was caught by Irish when her tone raised.
"WHAT?!"
Maging ang ibang tang nasa loob ng Starbucks ay napatingin din sa direksyon niya dahil sa pagsigaw na ginawa niya.
Napalingon ako sa kanya at ganun din siya sa akin kaya nagtama ang tingin naming dalawa. She looked at me with her shocked face and at the same time worried for I don't know what the reason is. Kaagad siyang lumapit sa akin after niyang ibaba ang tawag at bigla akong nakaramdam ng kaba.
Bumalik siya sa upuan niya at hinawakan ang dalawa kong kamay kaya mas lalo akong kinabahan na hindi ko maipaliwanag. What Irish said made me stopped.
"Imee, si Xydelle..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro