CHAPTER 38
Irish's Point of View
Wednesday na ngayon at hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok si Imee sa school. I heard nadischarged na raw siya sa hospital pero hindi pa rin siya pumapasok hanggang ngayon. We tried to contact her for how many times pero hindi siya nagpaparamdam. She's not fond of calls and texts but can't she at least reply for once?
We even tried to visit her in their mansion pero lagi naman siyang wala roon. Hindi namin siya nadadatnan sa bahay nila sa tuwing pumupunta kami roon. Kapag umuuwi naman daw siya, nagkukulong lang siya sa kwarto niya.
"Wala pa rin ba?" Tanong ko rito sa tatlong lalaking kasama ko. Oo, lagi naming tinatawagan si Imee pero yun nga, hindi niya naman sinasagot.
"Wala pa rin e." Zephyr answered. Narinig ko na lang ang malakas na pagbuntong-hininga ni Xydelle.
"Wait, I'll try to contact her again." Lumayo ako sa kanila at sinubukan kong tawagin ulit si Imee pero ayun, naka-off na ang phone niya. Napailing na lang akong lumapit sa kanila.
"Hey! Saan ka pupunta?" Tanong namin kay Xydelle nang bigla itong tumayo pero wala kaming nakuhang sagot hanggang sa makaalis na ito. Isa pa yun e, lagi na lang siyang wala sa sarili niya.
"Bakit ba kasi hindi pa rin pumapasok si Imee? Naku naman!" Reklamo ko at napaupo na lamang.
"Maybe nagpapagaling pa siya. Hayaan na lang muna natin." Sabi ni Aris.
"Nadischarged na nga sa hospital e, for sure okay na yun!"
"That doesn't mean na nadischarge na e okay na siya. She also needs to rest. Papasok din yun. Let's just wait for her." Wika ni Zephyr. Natahimik na lang ako.
Siguro nga nagpapahinga lang siya. Pero sana naman kahit sabihan niya lang kami na okay lang siya para hindi na kami nag-aalala ng sobra. Iniisip ko rin kasi si Xydelle e. Siya yung pinaka-naaapektuhan sa amin. That guy barely talks but I know he's worried too.
"Where are you going?" Tanong ni Zephyr nung tumayo ako.
"Pupunta sa office."
"Office? Anong gagawin mo dun?" Naguguluhang tanong ni Aris.
"Itatanong ko kung may alam sila kung bakit wala si Imee. Kasi yung huling pinatawag siya sa Principal's Office, hindi na siya bumalik sa room namin." Mahaba kong litanya. "Mauna na ako." Paalam ko sa kanila at nagsimulang maglakad patungong Principal's Office.
Nandito na ako sa harap ng office ni Principal Avah. Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko. As in sa principal ko talaga itatanong? I must be insane, right?
Es! Huwag na lang kaya? Hihintayin ko na lang kaya na pumasok si Imee? Ganun na nga lang siguro. Tatalikod na sana ako nang biglang bumukas yung pintuan ng office at eksaktong si Principal Avah ang nagbukas nun. Para akong nagstiff sa kinatatayuan ko.
"Yes? Do you need anything?" Waaah! Nakakahiya talaga. Bakit ba kasi naisipan ko pang pumunta pa rito, e.
"Ahm. Kasi p-po..." God! Itutuloy ko ba?
"Kasi?" Halatang naghihintay si Principal Avah sa anumang sasabihin ko.
Bakit ko ba kasi naisipan 'to? Muntanga lang e. Hayaan na nga! There's no harm in trying naman. Bahala na.
"Ah, Principal. Can I ask something po? About Imee. Denniese Imee Earl po?" Kinakabahan kong tanong.
"Sure. What about Miss Earl?" Ngumiti si Principal Avah sa akin.
"E kasi po hindi na po kasi siya pumasok simula nung maipatawag siya rito sa office niyo." Nahihiya kong sagot.
"Oh that, she was suspended for one week."
"ANO?!" Nanlaki ang mga mata ko. "Ay sorry po Principal." Hinging paumanhin ko. Nakakahiya ka Irish, Principal yang kausap mo! Umayos ka nga!
"She was suspended because she accidentally pushed Miss Celine Sy at the pool side that caused her to slipped away and bled." Napatakip na lang ako sa bunganga ko.
Wait, yun ba yung huli kong nakita na buhat-buhat ni Jasper si Celine kung saan puro dugo at basang-basa ang uniform niya? At si Imee ang may gawa nun? Imposible! Hindi niya magagawa yun.
"Do you need anything?" I was back into reality when Principal Avah spoke.
"Wala na po Principal. Thank you po. Good bye po." Ngumiti na lamang ako sa kanya tsaka ako naglakad pabalik sa room.
Kanina pa nagsimulang magdiscuss yung teacher namin sa Oral Communication pero yung utak ko, lumilipad. Hanggang sa matapos yung last subject namin, wala talagang pumapasok sa utak ko. Laking pasalamat ko na lang talaga dahil hindi nagpaquiz o recitation yung teacher namin, dahil 'pag nagkataon, malamang sa malamang bagsak ako.
Pagkalabas ko sa room, sinalubong ako nina Aris at Zephyr.
"Where is Xydelle? Bakit hindi niyo siya kasama?" Usually kasi ay sabay silang lumalabas na tatlo. But right now he's not here with them.
"Isa pa yun e, hindi na nag-attend sa last subject namin simula nung iniwan niya tayo kanina." Oo nga pala, umalis pala siya kanina.
Napabuntong hininga na lang kaming tatlo. Tumambay na lang muna kami sa tambayan dahil half-day lang kami ngayon.
"Anong sabi ni Principal Avah?" I sighed. Buti na lang naitanong ni Zephyr sa akin yun. Kanina pa kasi yun bumabagabag sa isip ko.
"Principal Avah told me that Imee was suspended for one week."
"WHAT?" Sabay na tanong nila, parehong hindi makapaniwala. Ako nga rin hindi makapaniwala kanina e.
"Paanong nangyari yun?" They asked again so ayun nga, kinuwento ko kung anuman ang pinag-usapan namin ni Principal Avah kanina pati na rin yung araw na nakita kong dinala ni Jasper si Celine sa clinic na basang-basa at duguan na siyang naging dahilan ng pagkakasuspend ni Imee.
"That's impossible!" They disagreed. I know ganyan din ang magiging reaksyon nila. Imposible naman kasi yun. Pero kung sakaling totoo man, I know there's a reason behind it.
"What are we gonna do now?" I shrugged my shoulders because I really don't know. Sumasakit na rin ang ulo ko sa kaiisip kung bakit ganito ang mga nangyayari ngayon.
"You told me last time na sinugod ni Jasper si Imee right?" Napatingin kami pareho ni Zeph kay Aris nang magsalita ito tsaka ako tumango bilang sagot. "Now, we've learned that Imee pushed Celine at the pool side that caused her to slipped away and bled." I nodded again.
"Yeah, and that's the reason why she got suspended." Nagtataka kong saad sa kanya.
Napatingin ako sa gawi ni Aris. Para kasi itong may malalim na iniisip. Si Zephyr naman ay nakakunot lang ang noo habang ako, napaisip rin dahil sa mga sinabi ni Aris.
Maya-maya, nagkatinginan kami ni Aris.
Oh my God!
Yung tinulak ni Imee si Celine. Yung sinugod ni Jasper si Imee. Yung nasuspend ng one week si Imee dahil sa ginawa niya kay Celine.
Don't tell me kaya nangyari ang lahat ng yun, kaya sinugod ni Jasper si Imee ay dahil sa ipinaghihiganti niya si Celine? Pero anong dahilan ni Imee kung bakit niya ginawa kay Celine yun?
"I'm not sure about what I am thinking right now but I think Jasper did that because he wanted to get back to Imee for what she did to Celine." Saad ni Aris.
Nanlaki naman ang dalawa kong mata dahil ganun din ang naiisip ko ngayon but darn it! I know may dahilan si Imee kung bakit niya ginawa kay Celine yun and I'm really going to find it out.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro