Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 34

Third Person's POV

Go, run away and don't get caught. Imee whispered before she sped away.

She went home safe but she can feel the pain she got from being stabbed. She doesn't know who those guys are. Kung anu-ano na rin ang tumatakbo sa isip nito.

Somehow, she's thinking if those guys are related to the Ruthless Gang who almost hit her back then at the parking lot dahil hindi naman siya tanga para isiping coincidence lang ang lahat ng mga ito.

She's now wondering why these dumbass keep on blocking her while she's looking for the Ruthless Gang.

"Juskong bata ka, bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinahanap ng Daddy mo at mukhang galit na galit." Bungad ng Yaya Melds nito sa kanya pagkarating niya sa kanilang mansion. Tanging tango lamang ang naisagot nito bago siya nagpatuloy sa paglalakad.

Nakakailang hakbang pa lang ito nang mapansin ng Yaya nitong may kakaiba sa kanya at kahit may nakasabit na bag sa likod nito, napansin pa rin ng matanda na may dugo sa uniporme nito.

"Jusmiyo! Napano ka?" Alalang tanong nito kay Imee at agad siyang nilapitan. Doon niya rin napansing may mga galos ang iba pang parte ng katawan nito. "Jusko anak! Halika't gagamutin ko yan." Hinila nito si Imee pero pinigilan agad nito ang kanyang Yaya.

"It's nothing Ya. I'll just go upstairs, I need to see Dad." Pipigilan pa sana nito ang dalaga pero wala na itong nagawa nang tuluyan na itong makalayo sa kanya.

Nagpatuloy sa paglalakad si Imee hanggang sa makarating ito sa ikalawang palapag ng kanilang mansion. Gaya na rin ng sabi ng Yaya Melds nito, sa office ng Daddy niya ito nagtungo.

She heaves a sigh first before knocking the door. Napahigpit ang hawak nito sa door knob bago niya iyon pinihit at pumasok ng tuluyan. Doon ay naabutan niya ang Dad niyang kasalukuyang may binabasa.

"Daddy, pinapatawag niyo raw---"

"What is this?" Mariing tanong ng Daddy nito habang ipinapakita sa kanya yung papel na kanina'y binabasa niya at malaman nitong iyon yung suspension slip niya.

"Daddy kasi po---" Hindi na nito naituloy kung anuman ang sasabihin niya nang maramdaman nito ang pagkirot ng kanyang sugat.

Napahawak ito sa kanyang tagiliran at alam niyang napansin iyon ng Daddy niya. Pero sa halip na mag-alala ito sa kanya, mas lalo pa itong nagalit.

"Tell me, what do you really want to do with your life Denniese? I thought you've changed? And what about this suspension slip? Tapos ngayon may sugat ka na naman? Hindi mo na ba talaga maiiwasan yang masangkot sa mga gulo?" Mababakas ang galit sa tono ng Daddy nito.

"Same old Denniese." Napailing pa ito ng ulo. Napangiti na lang ng mapait si Imee nang marinig nitong tawagin siya ng Daddy niya sa pangalang iyon.

She's sure as hell that her Dad was angry dahil iyon naman ang tinatawag nito sa kanya sa tuwing nagagalit ito.

"Sorry Dad---"

"Sorry? What do you want Denniese? Gusto mo bang ipadala na naman kita sa States?" Pilit na kinokontrol ni Imee ang kanyang emosyon subalit hindi niya mapigilan na panlisikan ng tingin ang kanyang Daddy dahil sa kanyang narinig.

"Ipadala sa States? For what? To get rid of me again? Go on. But I'm telling you, not this time Dad." Mariin nitong saad.

If they got the chance to threw her away in States before, hindi na siya papayag ngayon. What about sending her away? Ipapadala na naman ba siya sa States gaya noon? Na sa tuwing may isang bagay siyang nagawa na hindi nila magustuhan, sa States ang bagsak niya?

Pagak itong tumawa sa harapan ng kanyang ama nang maalala niya kung anong mga nangyari noon.

"Goddamnit Denniese!" Narinig nito ang malakas na paghampas ng kanyang Daddy sa mesa. "Ngayon nagagawa mo ng sumagot sa akin pabalik? Maliban sa pagsali sa mga gulo, isa rin ba yan sa mga bagay na naidulot ng Keizer na yun sa'yo?!" Ayaw na sana nitong pahabain pa ang usapan pero nagpantig ang tainga nito nang marinig ang pangalan na iyon.

He may be her father but Keizer's another part of the story.

"Don't bring him up to the topic Dad." Pilit nitong kinokontrol ang kanyang sarili.

"Why Denniese? Still affected with your past? Simula nung makilala mo ang lalaking iyon, anong nangyari sayo? Lagi ka na lang nasasangkot sa mga gulo! Lagi ka na lang nakikipagbasagulero sa mga kanto! Gusto mo ba talagang sirain ang buhay mo?"

"Stop it Dad." Nagpupuyos ang mga kamay nito sa galit, pilit niya lang pinipigilan ang kanyang sarili dahil kahit gaano pa ito kagalit, alam niyang tatay pa rin niya ang kanyang kausap.

"If I only knew that he probably won't do good on you, I should've stop you from seeing that guy. Sana hindi ko na hinayaang mapalapit ka sa lalaking yun na walang ibang dinulot sa'yo kundi puro pasakit sa ulo---"

"I SAID SHUT THE FUCK UP!" Natigil ang Daddy nito sa pagsasalita. She even threw a glare on him.

"PAANO MO NAGAGAWANG ISALI SA USAPANG ITO ANG ISANG TAONG NAMAYAPA NA?!" Imee is so furious right now.

Naramdaman na lang din nito ang mainit na likidong dumaloy sa gilid ng kanyang mga mata. She had enough. Hindi niya maatim sa loob niya na pinagsasalitaan ng ganito si Keizer.

"Kung ikaw Dad, nagsisisi ka na nakilala ko si Keizer, pwes ako hindi. You know why? Because I can be me whenever he's around." Huminto si Imee sa pagsasalita at pinunasan nito ang butil ng mga luhang kumawala sa kanyang mata.

"You know how much I wanted to have a normal life Dad." Galit at seryosong sagot nito but her voice cracked.

She can't live in peace knowing the fact that someone is up there, who have been killed for not knowing what the reason is.

And here she is, pilit nilalapit ang kanyang sarili sa kapahamakan dahil yun lang ang alam niyang paraan. Yun ang alam niyang dahilan para mabigyan ng kasagutan ang mapait niyang nakaraan.

"It's been three years Denniese! Bakit ba hindi mo pa rin magawang kalimutan iyon?" Napakuyom na lang ng kamao si Imee.

Hindi siya makapaniwala na sa dinami-rami ng tao ay ang tatay pa nito ang magsasabi ng ganoon. Mas lalo lang nabuhay ang galit sa dibdib nito.

"Kalimutan? Paano ko makakalimutan ang isang pangyayaring halos gabi-gabi para akong binabangungot?" She wipe her tears again.

"You don't know how messed my life is since that incident happened. Yes, it's been three years pero ang sakit pa rin isipin na sa loob ng tatlong taon na 'yon, ako ang sinisisi nila! Ako ang sinisisi ng lahat! They were all blaming me without even hearing my side!" Garalgal at nasasaktan na usal nito.

Lahat ng pangyayari nung araw na iyon ay unti-unti na naman niyang naaalala. Naging tuloy-tuloy na rin ang paglandas ng kanyang luha. She wipes her tears away before looking at her Dad and then she fakes a laugh.

"Why am I even telling you this where in the first place, ikaw mismo na Daddy ko naniniwala na ako ang pumatay kay Keizer---" Isang malakas na sampal ang nagpatigil sa pagsasalita ni Imee.

"How could you say that words to me?!" Napahawak si Imee sa kanyang pisngi tsaka ito napaangat ng ulo, umaasang mapipigilan niya ang kanyang luha. But nothing happened. Her face is covered with her own tears.

"Ang sakit na kasi Daddy e. Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin yung sakit. Nandito pa rin yung sakit." She bursts into tears.

Pero wala ng mas sasakit dahil pati ang Daddy nito ay mas piniling paniwalaan yung iba kesa sa kanya na anak niya.

Nakatungo lang si Imee habang umiiyak. Noon niya lang din nailabas ang galit niya na kung hindi pa niya ginawa ay baka sasabog na siya. Muli nitong pinunasan ang kanyang luha at hinarap ang kanyang ama.

"But it's okay. Hahanapin ko pa rin kung sino talaga ang pumatay kay Keizer. I will give him the justice he deserves and I will clean my name." Desididong saad ni Imee subalit ang ama nito ay nakakunot ang noo.

"Bakit mo pa hahanapin Denniese? Why can't you just focus on what you have right now? It's just a waste of time." Tinignan ni Imee ang Daddy nito ng may nagtatanong na tingin.

Hindi siya makapaniwala sa kanyang naririnig. Hindi siya nakapaniwala na ang Dad pa mismo nito ang nagsasabi sa mga ito.

"Waste of time? Si Keizer yun Dad! Si Keizer yun!" Hindi makapaniwalang saad nito sa Daddy niya.

"I know but that's the best thing you need to do at iyon ang makakabuti sayo." Pumikit si Imee tsaka nito sinalubong ng matatalim na tingin ang kanyang Daddy.

"Malalagay lang ako sa tahimik Dad kapag nahanap ko na kung sino talaga ang pumatay sa kanya." Matigas na sagot nito.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" Galit na tanong ng Daddy niya.

"Bakit ba kasi hindi mo ako magawang intindihin? Bakit ba kasi pilit niyong pinapagawa sa akin ang isang bagay na ayaw kong gawin? Daddy magkaiba tayo! Hindi niyo ako katulad na kinakalimutan ang mga bagay na hindi naman dapat---" Isang malakas na sampal na naman ang inabot ni Imee sa kanyang Daddy na nagpaiyak sa kanya lalo.

"How could you say such thing to me? Daddy mo ako Denniese! You should have respect me!"

"Daddy nga kita pero ni hindi mo yun pinaparamdam sa akin. Ni hindi mo nga ako magawang suportahan at intindihin sa mga ginagawa ko e. Since when did you became a father to me, anyway? You never became a father to me because you only see me as a mess Dad, you never see me as your daughter!" Imee shouted through gritted teeth that made her Dad shut up.

"You can't stop me from finding his killer Dad and you can't stop me from wanting to clean my name." Seryoso nitong saad tsaka nito iniwan ang kanyang Daddy sa office na iyon.

Diretso siyang nagtungo sa kanyang kwarto at doon niya inilabas ang lahat ng galit, sakit, lungkot at hinanakit na nararamdaman niya.

After three fucking years, here's her weak side again. She's being vulnerable again.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na umiyak sa loob ng kwartong iyon. Hanggang kailan ba siya magiging ganito? Hanggang kailan ba siya matatahimik? Kailan ba nila siya pakikinggan? Kailan ba nila bubuksan ang puso nila para malaman din nila kung ano talaga ang kanyang nararamdaman?

Is hearing her side that hard? Bakit ba hindi man lang nila siya magawang bigyan ng pagkakataon para ipaliwanag sa kanila ang lahat? Ganun ba yun kahirap?

Bahagyang tumagilid si Imee nang maramdaman nito yung hapdi at kirot sa sugat niya. Doon niya napansin na tuluy-tuloy pa rin pala ang pagdurugo ng sugat nito pero mas nangingibabaw pa rin ang sugat sa kanyang puso.

Nanghihinang isinandal nito ang kanyang ulo sa may headboard ng kama when she heard someone knocking outside her room.

Tumayo ito subalit natigil siya nang maramdaman niyang para bang umiikot ang mga bagay na nasa paligid niya. She tries to take one step again but it's too late because everything around her went black.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro