Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 31

Xydelle's Point of View

"Ah! Come on. Please pick up the phone." Iritang saad ni Zephyr.

"Sino ba kasi yang tinatawagan mo?" Naguguluhang tanong ko rito.

Kanina pa kasi 'tong paikot-ikot at pabalik-balik. Sumasakit ang ulo ko sa mga ginagawa niya. Nandito kami ngayon sa loob ng room at hindi kami pinapalabas ni Zephyr dahil may tinatawagan pa siya, importante raw.

"Si Irish, she's not answering her phone." Nakakunot na ang noo nito.

"Eh bakit mo ba kasi tinatawagan si Irish? D'yan lang sa kabila yung room nila. Gago!" Singit naman ni Aris.

"Ah, oo nga!" Sabi niya sa sarili niya.

Baliw talaga 'to. Nagmadali siyang lumabas at pumunta sa kabilang room. Wala pang limang minuto ay bumalik din siya agad.

"She's not there." Wika niya.

"Teka nga! Bakit ba kailangang lagi mong kasama si Irish ha?" Tanong ko sa kanya.

"Umamin ka nga, may gusto ka ba kay Irish?" Tanong din ni Aris.

"Tsaka bakit lagi mo siyang hatid-sundo?"

"At bakit lagi kayong magkasama?" Tanong ulit ni Aris at kung anu-ano pang mga katanungan ang ibinato namin sa kanya.

Nakakapagtaka na rin kasi. May kailangan ba kaming malaman tungkol sa kanilang dalawa?

"I'm courting her." Sa dami ng itinanong namin sa kanya ay yun lamang ang naisagot nito at pareho kaming nagulat ni Aris.

"WHAT THE FUCK?" We asked in unison.

"Kailan pa?" Seryoso kong tanong.

"Mag-one month na." Sagot nito kaya binatukan ko siya.

"Gago! Gano'n mo katagal itinago sa amin?"

"How could you do this to me?" Maarteng tanong ni Aris sabay kunwaring nagtatampo.

Napatingin ako sa kanya at binatukan ko nga ng malakas. Ang seryoso ng pinag-uusapan namin tapos magboboses babae siya, gago lang e.

Kahit hindi naman kailangan, nagpaliwanag pa rin si Zephyr sa amin. Hindi lang naman kasi pagkakaibigan ang meron sa aming tatlo. We are also like brothers and we don't want to keep secrets from each other as much as possible. Kami-kami lang naman ang magsusuportahan sa isa't isa, bakit pa kami maglilihim? And in Zephyr's case right now, we're going to support him.

Pagkatapos naming mag-usap-usap, lumabas na kami ng room. Pagkalabas namin, nagsisipagtakbuhan ang mga estudyante sa corridor pababa. Teka, anong meron? May nagkakagulo na naman ba?

"Matt, anong meron?" Tanong ko sa isa naming school mate.

"May trouble sa baba bro." Sagot lang nito pagkatapos ay tumakbo na siya ng mabilis palayo sa amin. Malamang manonood yun sa mga nag-aaway. Tsk.

Habang naglalakad kami pababa, natigilan kami sa boses na aming narinig.

"ETHAN! IMEE! PLEASE STOP IT ALREADY!"

Nagkatinginan kaming tatlo dahil sa sigaw na 'yon. Walang tanong-tanong na nagtatakbo kami pababa. Pagkarating namin sa cafeteria, unti-unti nang nagsialisan ang mga estudyante. Wala na rin kaming naabutan doon. Dahil kating-kati na akong malaman kung anong nangyari, hinigit ko yung braso ng babaeng malapit sa direksyon ko.

"Xy-xydelle..." She's stammering.

"What happened? Where's Imee and Irish?"

"Dinala po siya ni ate Irish sa clinic. Dumudugo po kasi yung ulo ni ate Imee."

"Dumudugo?" I asked out of curiosity. What the fuck?

"Pinalo po kasi ni Ethan yung ulo niya ng bote tapos---" Hindi ko na pinakinggan pa yung sinabi ng babae dahil tumakbo na ako ng mabilis papunta sa clinic.

Pumasok ako roon without knocking the door. Nagulat pa yung mga nurse nang makita nila ako.

"Where's Imee?" Tanong ko kay Nurse Allyson doon.

"Nasa pinakadulong kwarto." Sagot nito sa'kin.

Naglakad na ako patungo sa pinakadulong kwartong iyon. Nang makarating ako roon, I opened the door and I saw Irish, seems like she's scolding her friend.

"Imee naman! Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko sa'yo!" Sigaw nito sa kaibigan pero dinig ko ang paghikbi nito. "Why do you keep on worrying us?"

"I'm still alive." Sagot lang nito.

I cleared my throat to get their attention.

"Kanina ka pa r'yan?" Tanong ni Irish nang lumingon ito sa akin.

"Kararating ko lang." I answered.

"Maiwan ko muna kayo. Puntahan ko lang si Zeph." Paalam niya bago siya umalis hanggang sa kaming dalawa na lang ni Imee ang naiwan sa kwartong iyon.

I looked at her. May benda siya sa ulo niya. May mga blood stain pa sa uniform niya. This girl. Parang kailan lang nung mahospital siya tapos ganito na naman ang nangyari sa kanya.

"You okay?" Umupo ako sa tabi niya.

"I'm okay. Ano ba, hindi pa ako mamamatay." Naiiling na tumawa ito. For the first time, I heard her laugh. But fuck, not on this kind of situation!

"Hihintayin mo pa bang mamamatay ka? Bakit ba ang hilig mong masangkot sa gulo?!" Hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagtaasan siya ng boses.

"Haven't I told you that danger is my life Xydelle?" She asked plainly. Napapikit ako ng mariin. This girl is really hard to handle.

"Pwede bang ingatan mo naman ang sarili mo?" Pakiusap ko sa kanya.

"I can take care of myself Xydelle."

"Yun na nga ang problema roon e. You know how to take care of yourself pero sa mga ginagawa mo, hindi mo alam na may mga taong nag-aalala sa'yo." Napahilamos ako ng mukha, pilit konokontrol ang emosyon ko. "Can't you see how worried I am when I heard what happened about you?" Napatingin ako sa kanya at halata ko ang mga mata nitong wala man lang kaemo-emosyon.

"Sino ba kasi ang may sabing mag-alala ka sa akin?" Naikuyom ko na lang ang kamao ko sa sobrang inis.

Alam kong kaya niyang protektahan ang sarili niya pero hindi ba niya ma-appreciate ang pag-aalalang meron kami sa kanya?

"Damn it. I don't fucking even know why I am worried about you." Malalim akong bumuntong hininga kasabay ng pagtingin ko sa gawi niya.

Tangina. Hindi ko nga alam kung bakit ako nag-aalala ng sobra sa kanya. I don't have no fucking idea why am I like this. I don't have no fucking idea at all.

Napahilamos na lang ulit ako sa mukha.

"Kung ayaw mong may mag-alala sa'yo, huwag kang gumawa ng mga bagay na ikapapahamak mo."

***

Imee's Point of View

Naiwan akong nakakunot ang noo sa loob ng kwartong iyon. Napapikit ako. Hindi ko aakalaing ganun ang magiging daloy ng pag-uusap namin ni Xydelle. Hindi ko naman yun sinasadya. Damn, is it my fault this time?

Hindi ko alam sa sarili ko pero dali-dali akong lumabas ng silid na iyon subalit wala na akong nakita kay Xydelle, wala na akong naabutan sa kanya. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad hanggang sa mapadpad ako sa may rooftop. I don't even know why my feet brought me here. I just let the breezy air embrace me. Maybe this would help me think.

Damn. What I'm doing right now is so unusual. This is out of my character. Never did I followed someone after a so-called conversation but why am I doing this now?

Hindi ko alam kung ilang minuto ang itinagal ko sa rooftop. Nung balak ko ng umalis, nakita ko yung anino ng isang taong nasa may pinakadulong railings kaya lumapit ako roon. There, I saw him. Likod niya pa lang, I know it's him.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. Nakakailang hakbang pa lang ako nang lumingon siya sa akin, and there, our eyes met. When that happened, I felt something weird inside me. At heto na naman ako, ni hindi magawang umiwas sa mga tingin niya sa tuwing tinititigan niya ako. I suddenly feel my heart's racing. Hindi ko alam kung bakit. Wala akong maintindihan.

He went near me and seems like everything around me moves slowly.

"What are you doing here?" He asked and it was late for me to realize that he's now standing in front of me.

"Xy..." For the first time, I lost words. I looked at him. Ang lamig ng tingin nito sa akin.

What should I say? Mas lalo siyang lumapit sa akin at hindi ko rin maintindihan na sa bawat paglapit nito, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

Nakatingin lang kami sa isa't isa. Ayaw bumuka ng bibig ko or must I say, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. What's happening to me now? Is it this hard to talk to him? Ano ba talaga ang dapat kong sabihin?

Lumapit ulit siya sa akin and seeing his eyes this near, I uttered the words I never said before.

"I'm sorry."

Mula sa pagiging seryoso ng mukha niya, small smile slowly forms on his lips.

"Just take care of yourself." Seryoso niyang saad at napatango na lang ako.

At ang sunod na ginawa niya ay hindi ko inaasahan na mas lalong nagpabilis sa tibok ng puso ko.

His lips brushed on my forehead.

"Please lang, huwag mo na akong pag-alalahanin pa ulit." He whispered softly before turning his back on me. Tinignan ko lang ito hanggang sa unti-unti na siyang mawala sa paningin ko.

For no reason, I felt myself smiling. Damn. This is really not me.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro