CHAPTER 29
Imee's Point of View
Hanggang sa makauwi ako sa bahay, palaisipan pa rin sa akin yung nangyari kanina sa may parking lot. Hindi mawala sa isipan ko kung totoo yung sinabi ni Xydelle. At kung sakaling totoo man iyon, sino naman yung mga taong gustong magtangka na gawin iyon sa akin?
May naiisip na ako pero hindi ako sigurado.
"Hey Princess, you're not listening." Nabaling ang atensyon ko kay Kuya.
Kanina pa siguro akong natulala. I'm spacing out I know. Nandito kami sa sala, nanonood ng movie pero hindi ako makapagconcentrate sa pinapanood namin dahil iniisip ko pa rin yung nangyari kanina sa parking lot ng school.
"Seems like something is bothering you. What is it?" Tanong ni Kuya sa akin. Hindi ko na lang siya sinagot at nagbuntong hininga. "Or maybe it's who not what." He added and smirked on me.
"Stupid. Sino naman ang iisipin ko?" Inirapan ko siya.
"Baka si Xydelle." Tumawa ito kasabay ng paniningkit ng dalawa kong mata dahil sa sinabi niya.
Since when did he became close with that guy? Do they knew each other even before?
Well, Kuya Denver saw Xydelle when he tricked me at the mall. Yun yung time na sinadya niya akong pagtripan. My brother loves making fun of me just so you know.
When I bought new clothes because that shirt he gave me really annoys me, nakita ko si Xydelle. Nagkataong binalikan ako ni Kuya nung time na yun at nag-usap pa silang dalawa nung magkita sila.
Now, I don't have any idea kung magkakilala nga ba sila dati pa or what. And now he is teasing me on him.
"Stop it!" I glared him.
"Someone's thinking about Xydelle." Nginisian ako ni Kuya.
Yes, I am thinking about that guy because of the things he said but it is not the way Kuya Denver thinks. I glared him once. Bakla ba siya o ano?
Sinamaan ko ito ng tingin bago ko siya iniwan doon sa sala. Nahiga agad ako sa kama nang makarating ako sa kwarto at ipinikit ko ang aking mga mata.
Meanwhile, I remembered that piece of paper. I took it out of my pocket and my system fills with rage because of the things written on it.
Keep digging in, Badass Queen. I won't give in.
I just crumpled the paper out of anger. Now, they're starting their game. Tsk.
Kinabukasan, maaga ulit akong dumating sa school. I'm getting used to it. Umupo ako sa spot ko pagkarating ko sa room. Unti-unti na rin namang nagsisidatingan yung iba kong mga kaklase.
Mabilis na lumipas ang isang oras. Sumunod na klase namin ay Statistics. Nagpagawa lang yung teacher namin ng isang group activity and I can't find any reason to smile knowing that Celine was part of my group. Just a nice comeback for her.
"Hindi pa ba tapos 'yan? Ang tagal niyo naman!" Napailing ako nang sabihin ni Celine iyon.
"Minamadali mo kami yet you are not even helping." Wika ko habang tinatapos yung part two ng activity namin.
"Pinapatamaan mo ba ako?" Tanong nito kaya nilingon ko siya and she arcs her brows on me.
"Kung yun ang pagkakaintindi mo, ganun na nga siguro." Natahimik ang mga kagrupo ko. I noticed Celine stood up and went near me. Akmang may gagawin ito sa akin nang magsalita ako.
"Try me Celine and I will remove your name here." Pinakita ko sa kanya yung papel kung saan nakasulat yung mga pangalan namin nang hindi siya tinitignan.
Tumigil naman agad siya. I'm their leader at kung pwede nga lang ilipat 'tong Celine na 'to sa ibang grupo, baka kanina ko pa ginawa.
"What's going on with your group Imee?" Our teacher asked when she went to our spot.
"Nothing Ma'am."
"Finish your activity, then." Saad nito bago siya bumalik sa may table niya.
"Bakit kaya hindi ka na lang tumulong sa amin Celine kaysa ang dada ka ng dada d'yan? Wala ka namang naitutulong." Wika ni Alice, yung secretary namin.
Hindi ko na lang sila pinansin. Itinuloy ko na lang yung activity namin hanggang sa matapos kami. Buti na lang hindi na sumatsat pa si Celine. Good thing for her because if she keeps on nagging, I might smack her in an instant.
Pagkatapos kong ipasa iyon, lumabas na agad ako. Pinayagan kasi kami ng teacher na lumabas na since we're done with our activity at malapit na rin ang time. But Ma'am Arah called me nung nasa may corridor na ako.
"Pakidala naman 'tong ibang gamit ko sa Faculty." Utos nito sa akin. Hindi naman ako tumanggi. Ma'am Arah handed me her black sling bag.
"Just place it on top of my table near the window, okay?" Tumango ako rito tsaka ako dumiretso sa Faculty Room. Pagkarating ko roon, I asked the other teachers kung nasaan ang table ni Ma'am Arah and when they told me where, inilapag ko na yung gamit niya roon.
Pabalik na sana ako sa room nang may tumawag sa akin.
"Anak, pasuyo naman." Lumingon ako sa nagsalita. It's Ma'am Rena, adviser ng kabilang section. "Tutal palabas ka naman na, pwede mo bang dalhin ito sa may old office?" Tumango ako rito pagkatapos ay kinuha ko yung mga papel sa kanya. After thanking me, I exited that office at nasalubong ko naman si Irish.
"Oh? Akala ko ba pumunta ka na sa Faculty Room? Bakit bitbit mo pa rin 'yang mga gamit ni Ma'am Arah?" Bungad nito sa akin.
"It's Ma'am Rena's. Pinapadala niya sa old office."
"Sige samahan na kita." She volunteered. Hindi naman na ako tumanggi pa tsaka kami bumaba na dalawa.
Nasa 1st floor ng kabilang building kasi ito and we are still here at the 4th floor of our building. Pagkarating doon, bumahing kami pareho ni Irish. Sa labas pa lang ay sinalubong na kami ng alikabok. It's an old office, what to expect?
"Ano ba yan? Ha-aa-aching!" Reklamo ni Irish. She sneezed.
"I'll go inside. Just wait me here." Sabi ko sa kanya at pumasok na ako sa old office.
Scattered papers welcomed me. Kung anu-ano pang mga nakakalat dito. Some are books and class records. It looks like a stock room. Masyado pang maalikabok.
Inilagay ko na lang sa isang cabinet yung mga papel na ibinigay sa akin ni Ma'am Rena. Hindi niya naman na siguro ito mapapakinabangan pa that's why pinapalagay niya na lang dito. Napabahing ulit ako nung sinara ko yung cabinet.
The dust and even the spider webs can be seen anywhere. Ginawa na lang talaga itong tambakan ng mga teachers ng mga luma nilang gamit. Lalabas na sana ako sa office na yun nang madulas ako bigla.
"Shit!" Napahawak na lang ako sa may puwitan ko. Damn it.
Pinilit kong tumayo habang iniinda yung sakit ng pagkakadulas ko. Pagtayo ko, kinuha ko yung naapakan ko kanina. Pagtingin ko, isa iyong record book. Dinampot ko yung record book na iyon at lumapit sa tabi nung bintana.
Ayoko sanang pakialaman ang mga gamit dito but something is saying me to at least open it and that's what I did.
It's an old record book and I can't read what's written on its cover page. It's too old, nabura na yung mga nakasulat. When I open it, medyo kulay brown na ang mga pages nito. Puno rin ito ng alikabok.
I keep on flipping that book hanggang sa may nahulog na papel sa middle part nito. Dinampot ko iyon. After removing the dirt, I read what's written on it at napaayos agad ako ng tayo nang mabasa ko yung nasa ibaba nung page na yun.
It's not clear but seeing their name on this list, enrage is filling me up. Damn it. There's a big possibility na dito sa school na ito ko sila mahahanap.
"Imeeee! Hindi ka pa ba tapos d'yan?" Rinig kong tanong ni Irish mula sa labas.
Kulang na lang ay punitin ko ang papel na iyon pero pinigilan ko ang sarili. This book will help me give information about them.
"I'm coming out." Pasigaw kong sagot sa kanya.
Having this book on me, I know I will be able to get what I want. Makakamit ko rin kung anong nararapat. Ngayon pang may ideya na akong nakuha tungkol sa kanila, hindi ko sila titigilan.
Sila ang matagal ko ng hinahanap. Sila ang misyon ko rito. Sila ang dahilan kung bakit ako bumalik dito. Ang isipang makikita ko ulit sila, muling nabuhay yung galit sa puso ko. Napahawak ako ng mahigpit sa page na yun at hindi ko namalayang nalukot ko na iyon.
Ruthless Gang...
I know they are the reason behind the incident yesterday. After taking away Keizer's life, now they want mine? Do they think that's easy? Well, they got it wrong.
A life for a life? Is that what they want? Sure, I won't back out. I'm going to play their games and I'll end it on my own.
Fuck them all for messing me.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro