CHAPTER 25
Imee's Point of View
Naalimpungatan ako sa mahimbing kong pagtulog nang maramdaman kong may yumuyugyog sa balikat ko.
"Princess, wake up. It's already 7:00 AM." Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko si Kuya Denver. Nakangisi pa ito.
"How many times do I have to remind you not to wake me up early in the morning every Wednesday? Kuya naman!" Inis kong sumbat sa kanya. I have my own alarm clock here for goodness sake.
"Is that so? Wednesday ba ngayon?" Pilyong tanong nito.
Alam naman niyang 9:30 ang first class ko every Wednesday yet here he is, nambubulabog ng tulog. Is he trying to ruin my day?
"Get out." Tinapon ko sa kanya yung isa kong unan.
Good thing he went out already. He's even laughing. Just great. Bumalik ulit ako sa pagkakahiga nung makalabas na si Kuya Denver sa kwarto kaya natulog na lang ulit ako.
Naalimpungatan ulit ako nang marinig ko ang paulit-ulit na pagring ng phone ko. Who is it this time? Kinapa ko 'yon sa tabi nung lampshade. I answered the phone call without looking who the caller is.
"What's with this morning calls?"
"MORNING CALLS? MY GOD IMEE! 15 MINUTES NA LANG MAGSISIMULA NA ANG FIRST CLASS NATIN!" Bahagya kong nailayo ang phone sa tenga ko. Wait, anong sabi niya?
"Who is this?" Tanong ko ulit nang mailapit ko ang phone sa akin.
"YOU'RE CRAZY! BAHALA KA SA BUHAY MO. NANDITO NA SI MISS TANAKA." Dun lang nagsink-in sa utak ko kung sino ang kausap ko at kung anong sinabi niya. Miss Tanaka? Napatingin ako sa wall clock. Oh, great. 9:15 AM na! Just fucking great.
Dali-dali akong pumunta sa CR at naligo agad. Mabilisang pagligo na lang ang ginawa ko dahil late na talaga ako. Hindi ko alam kung sisisihin ko ba si Kuya dahil inistorbo niya ako o sisisihin ko ang sarili ko dahil natulog pa ulit ako.
Knowing Miss Tanaka, Teacher namin yun sa Chemistry e. She's as terror as she is.
"I have to go." Paalam ko sa mga taong naabutan ko pagkababa ko sa sala.
I didn't take my breakfast anymore. Kailangan ko na talagang makarating sa school. Using my motor, mabilis akong nakarating sa parking lot. Pagkababa ko, tinakbo ko na yung gate. Never in my wildest dreams na mangyayari sa akin 'to.
"Good morning." Lahat ng mga kaklase ko ay napatingin sa gawi ko.
"You're too early with your second period Miss Earl." Pinaningkitan ako ng mata ni Miss Tanaka. "That's all for today. Class dismissed." Tapos na ang first period? Wow.
Umupo na lang ako sa upuan ko matapos lumabas ni Miss Tanaka sa room namin.
"How was your sleep?" Inirapan ko na lang si Irish sa tanong niyang yun. "What's with this morning calls?" She mimicked what I said when she called.
"Stop it Irish." Bulyaw ko sa kanya.
Dumating na rin naman ang teacher namin sa Practical Research kaya hindi na kami nagsalita pa ni Irish.
After three subjects, we're heading now to the cafeteria and I'm still not in a good mood. Sa kalagayan ko ngayon, sinong matutuwa? Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain kahit na wala akong gana. Bumalik na rin agad kami para sa last period namin.
Mabilis na lumipas ang isang linggo na wala akong nakikita kahit na kanino kina Celine at Jasper sa Jimen University dahil sa suspension na inabot nila. Wala rin naman akong pakialam sa kanila. Mas mahalaga pang pagtuunan ang oras ko sa ibang bagay kaysa sa kanila.
Saturday ngayon, kaya naisipan kong magjogging sa subdivision. I used to do this when I was in States kaya naisipan ko ring gawin iyon dito. Nang maramdaman ko na ang pagod, I sat on a cemented bench in this mini park. Uminom ako sa bottled water na dala ko upang pawiin yung pagod na nararamdaman ko besides nauuhaw na rin ako. Maybe I can go home later after this.
***
Xydelle's Point of View
Napalingon ako sa babaeng nakaupo sa isang bench hindi kalayuan sa pwesto ko. Is that Imee? Anong ginagawa niya rito?
"Hey," I took her attention nang makalapit ako sa kanya. Tinignan lang ako nito tsaka tumango. "What are you doing here?
"Rest." Sagot nito. Kailan ba makakausap ng matino ito?
I know she's resting. Can't she be more specific? Tss. I want to ask her again but based on her outfit, I know what she did. No doubt, she's wearing her jogging outfit.
"Ikaw?" She then asked.
"Biking." Tsaka lang ako nito nilingon.
"Where's your bike?" Hindi ko alam kung bakit nito tinatanong kung nasaan iyon pero itinuro ko naman sa kanya yung bike ko na ini-park ko sa may puno malapit din sa amin.
"Teach me how." She's not asking, it's actually a statement and that made me shake my head.
Tumayo na ito at pumunta sa direksyon ng bike ko kaya sinundan ko siya ng tingin. Hindi ko nga alam kung talagang hindi ba siya marunong magbike o kung pinagtitripan niya lang ako dahil nakasampa na siya ngayon sa bike ko ngunit sumunod pa rin ako sa kanya.
"Mataas." Komento nito.
Mountain bike kasi yung dinala ko. Tinulungan ko na lang siyang makaupo ng maayos doon and started teaching her how. Seems like I was teaching a seven year old girl.
Hawak-hawak ko siya sa may likod niya upang hindi siya mahulog.
"Shit. Mababangga ako!" reklamo niya, nagtutunog takot pero hindi naman ganon ang nababasa ko sa mga mata niya. Don't tell me this girl is just tripping me out?
"You're not, just focus. Aalalayan naman kita." I can't help but laugh with her reactions.
"Stop it. Ayoko na!" Sigaw niya ulit.
Hindi talaga mahaba ang pasensya ng babaeng ito. Patuloy pa rin naman akong nakaalalay sa likod niya at hindi ko talaga maiwasang mapangiti sa kanya. She's that type of serious person I used to know but she has this side.
Though she keeps complaining, she's still continuing to learn. Until I saw her improving. Hindi ko na rin siya inalalayan pa nung sumubok ulit siya dahil sa tingin ko ay kaya naman na niya.
Pinanood ko lang siyang magbike. Paikot-ikot lang ito sa loob ng mini park. Naupo ako sa may damuhan habang siya naman ay patuloy lang sa kanyang ginagawa. Nakailang rounds din siya bago niya naisipang tumigil upang magpahinga.
Lumapit siya sa akin at unti-unting bumaba kaso lang hindi niya naapakan yung isang pedal dahil umikot-ikot pa rin yun hanggang sa ma-out of balance ito.
"Damn!" Tatayo na sana ako upang tulungan siya pero hindi ko aakalaing sa akin siya mahuhulog.
Naitukod ko na lang ang isa kong kamay sa lupa at hindi sadyang mapahawak siya sa may dibdib ko. Nanlaki ang kanyang mga mata hanggang sa magsalubong ang tingin naming dalawa.
I felt something different inside me when her eyes met mine.
I don't know how many minutes we stayed in that position. Her eyes were locked on mine. She never blinks and I almost memorize every details and angles of her face until my eyes went down on her lips. She bit her lips while still looking on me and just damn, I am losing control right now especially that her face was just half inch away from mine, until the bicycle fell down beside us.
Agad naming nailayo ang mukha namin sa isat-isa. Ako pa itong unang nag-iwas ng tingin hanggang sa tumayo na kaming dalawa. Tahimik lang kami hanggang sa magsalita ako.
"Let's go home?" Yaya ko sa kanya. Tumango naman ito.
She started walking but I stopped her. I told her na umangkas na lang siya sa akin at nagkibit balikat lang ito bilang sagot. Sumakay ako sa bike at inangkas na siya sa may likuran. Nilingon ko siya at kinuha ang dalawa nitong kamay.
"What are you doing?" Hindi ko siya pinakinggan.
Hawak ang kamay niya, ipinulupot ko ito sa may bandang tyan ko. At first, hindi ko ramdam ang hawak nito sa akin hanggang sa nung binilisan ko ang pagpapatakbo, naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nito sa akin.
"Slow down Xydelle. We're not in a race." Usal nito sa akin at natatawa na lang ako.
"Just hold me tight. H'wag kang bumitaw." Binilisan ko pa lalo ang pagpapatakbo ng bike and I smiled widely when I felt her hands hugging me tight.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro