Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 20

Imee's Point of View

Weekend ngayon and Kuya Denver is forcing me to visit his mall. Though I don't want to go with him, I don't have a choice. I have plan to do today as well pero yung Kuya ko kinuha na naman ang oras ko.

"Kuya, bilisan mo naman!" Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagsigaw. Siya itong namilit na sumama sa kanya pero ang kupad niyang kumilos.

"Saglit lang. Mauna ka na sa kotse." Lumabas na lang ako sa bahay at dumiretso sa kotse niya.

Matapos ang halos 30 minutes, tsaka ito lumabas. Ang gulo-gulo pa ng buhok niya. Hindi ko alam kung ano ba talagang ginawa niya sa loob.

Pansin ko sina Mommy at Daddy na nakatayo sa pintuan kaya nagpaalam ako sa mga ito.

"We're going."

"Okay baby. Mag-enjoy kayo ng Kuya mo." Ngumiti na lang ako sa kanila bago pinaandar ni Kuya ang kotse.

Habang nasa byahe kami, panay ang pagpipindot ni Kuya sa phone niya.

"Kuya, will you please focus on the road?" I hissed. Kanina pa kasi siyang tingin ng tingin sa phone niya.

Ibinaba nito yung phone niya tsaka bumaling na ulit sa daan. Kalalapag niya pa lang ng phone niya nang biglang magvibrate ulit yun. Kinuha niya yun at nagtipa na naman. Halata namang busy siya, hindi niya na lang sana ako isinama.

Tumingin na lang ako sa bintana at inaliw ang sarili ko sa mga tanawing nadadaanan namin. Pinagmasdan ko rin yung mga nagtitinda ng street foods pati yung mga batang naglalaro sa playground.

Inayos ko ang pagkakaupo ko. Nung tumingin ako sa harapan, ganun na lang ang panlalaki ng dalawa kong mata dahil mababangga na kami sa isang truck.

"Denveeeeer!" Nabitawan ni Kuya yung phone niya at kaagad niyang inapakan yung brake nang makitang may truck na sa harapan namin.

Muntik na akong mauntog doon buti na lang nakaseat belt ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na ngayon ko na lang ulit naranasan.

Lumingon sa akin si Kuya.

"You okay?" Nag-aalalang tanong nito sa akin. Tumango lang ako sa kanya. "I'm sorry Princess. I'm sorry." Niyakap ako ng mahigpit ni Kuya. Hinalikan pa ako nito sa ulo tsaka ako muling niyakap.

Nang mahimasmasan kami pareho, nagdrive na ulit si Kuya at hindi na niya tinignan pang muli yung phone niya hanggang sa makarating kami sa mall.

"Are you really okay?" Tanong nito ulit sa akin. Simula nung muntik na kaming mabangga, hindi tumigil sa kakatanong si Kuya kung okay lang ako.

"I'm okay Kuya. Forget about it." Ngumiti ako kay Kuya upang ipakita sa kanya na okay lang talaga ako. Safe naman kaming dalawa, yun ang mahalaga.

Pumasok kami ni Kuya sa mall. Since they knew him, maraming bumati sa amin pagkapasok pa lang namin. Kung saan-saan nga kami pumunta ni Kuya.

Lahat ng nadadaanan namin, pinapasukan namin. Kung anu-ano rin ang binili namin or let's say mga binili ni Kuya. I even saw him bought two plain shirts at dinala iyon sa printing shirt.

"Just stay here, ipapaprint ko lang 'to saglit." Tumango lang ako tsaka ito umalis at ibinigay yun doon sa nagpapaprint. Nag-usap pa sila saglit tapos bumalik din siya. "20 minutes lang daw yun kaya hintayin na lang natin." Ngumisi ulit ito ng nakakaloko sa akin.

Umupo na lang kami doon sa waiting area habang hinihintay yung pinaprint niya. Kinalikot ko na lang din yung phone ko dahil hindi pa naman tapos.

"Where are you going?" He asked when he saw me stood up.

"Comfort room." Tipid kong sagot.

"Okay, I'll wait you here." Then I look for the comfort room.

Nang mahanap ko yun, pumasok agad ako at ginawa ang dapat kong gawin. Matapos nun, dumiretso muna ako sa powder room at inayos ang sarili ko. Saglit lang naman ako tsaka ako lumabas.

Pagkalabas ako, hindi ko aakalaing hinihintay na pala ako nito sa labas ng CR.

"Here, catch and wear it." Binato sa akin ni Kuya yung damit. I rolled my eyes on him. He should have informed me hindi yung ibabato pa niya sa akin.

Isinuot ko na lang kaagad. I didn't mind what's printed on it. Not interested. It's Denver's trip e, pagbigyan na lang.

Nang maisuot ko yun biglang ngumisi si Kuya tapos isinuot niya na rin yung sa kanya habang patalikod na lumayo ito sa akin. Nung makalabas kaming dalawa, bigla nito akong inakbayan.

"Saan mo gustong pumunta?" Tanong niya sa akin.

"I'm hungry." Taliwas ang naging sagot ko sa tanong nito. Sure he knows what I mean.

"Sure, let's go." Aniya.

Habang naglalakad kami, I can see people looking at us. Or maybe I'm wrong dahil ako ang tinitignan ng mga ito. Ang sama nga ng tingin ng mga ito sa akin na kulang na lang ay patayin nila ako. Others raise their brows on me. Some were even glaring at me.

"Don't mind them. Let's go." Nagdire-diretso lang kami ni Kuya pero mas lalong dumadami yung nakatingin sa amin. What's wrong with these people?

"Huh! Mas maganda naman ako sa kanya!"

"Hindi sila bagay. Tch!"

"Pfft. Ang pangit nung girl."

Hindi ko na dapat sila papansinin pero yung marinig ko yung huling sinabi nung babae habang nakatingin ng diretso sa akin, nagpantig ang tenga ko. I never allowed someone to criticize me. Who does she think she is?

"Excuse me?" I stopped and face that girl. I also arc my brows and then I glared her. "Better look yourself on the mirror first before saying something, hindi mo kasi alam baka yung sinasabi mo, nagrereflect sa sarili mo." Nakita ko yung pag-usok ng ilong nito.

She's about to slap me but I stopped her hand midair. "Touch me and you'll die." Seryoso kong saad dito.

Hinila agad ako palayo ni Kuya doon dahil dumadami na yung mga taong nakakiusosyo. I just really hate it when people are crossing the line.

"I don't know if I should laugh right now or not. Halika na nga, I know you are just hungry." He teased and even burst laughing.

Hindi pa man kami nakakapasok sa restaurant, lahat ng mga tao ay nakatingin na naman sa amin. No, sa akin. Ano ba talagang problema ng mga tao rito?

"Ang sweet pala ni Sir Denver 'no?"

"Sana ganyan din boyfriend ko sa akin."

"Ang swerte naman nung girlfriend niya."

Is that a whisper or sinasadya talaga nilang marinig namin? And are they serious? Wala namang girlfriend ang Kuya ko. Besides it's only the two of us. Are they seeing something I can't see? And here are the girls glaring at me again. Napailing na lang ako.

Nang makaupo kami ni Kuya, umorder siya ng dalawang fruity quenchers tsaka rice and beefsteak.

"Enjoy your date Ma'am and Sir Denver." Sabi nung waiter bago siya umalis. Date? We're not even dating. That idea sucks.

We started eating our meals. Hindi ko na lang pinansin yung mga taong nakatingin sa amin. Maybe people here were just weird.

"Princess, hinay-hinay lang. You're such a messy eater. Hindi ka naman tatakasan nung pagkain. Mas lalo kang pinagtitinginan ng mga tao e." Bulong nito. I let my sight roam the whole place and my brother is right. Pinagtitinginan kami ng mga tao. Well yeah, kanina pa pala nila kami pinagtitinginan.

"Punta lang ako sa washroom." Tumayo ako agad at hinanap yung washroom area.

Pumasok ako roon at inayos ang sarili ko. I also heave a sigh. To be honest, the attention they are giving me annoys the hell out of me.

After fixing myself, tumalikod na ako para sana lumabas but I noticed something on my clothes. Humarap ulit ako sa salamin at napapikit na lamang ng mata na para bang nawala na ang aking pasensya. 

Is this the reason why people were acting so weird? Is this also the reason why the waiter told us to enjoy our date? Just great. Now this explains everything, huh?

Lumabas ako kaagad at tinignan si Kuya sa pwesto namin kanina. Paulit-ulit kong tinignan yung suot niya tapos yung suot ko.

The hell with this guy!

"Denver!" Malakas kong tawag sa kanya dahilan upang makuha ko lahat ng atensyon ng mga tao pati yung mga nasa labas.

Nilapitan ko si Kuya at hinampas ko ito ng malakas.

"What the? Princess stop hitting me." Reklamo nito habang sinasangga ng kamay niya lahat ng mga hampas na binibigay ko.

"Princess? Really? Princess huh?!" I asked sarcastically.

"I said stop---Aw! Stop hitting me. What's wrong with you?"

"Really? You're asking me what's wrong with me?" Tumigil ako sa paghampas sa kanya at tinignan ito ng masama. "Damn this printed shirt of yours!" Singhal ko sa kanya.

"You realized it then." Tinaasan ko siya ng kilay samantalang humagalpak lang ito ng tawa.

My brother just let me wear this fucking shirt. And you wanna know what's printed on it? 'She's my Princess at He's my Prince' was printed on it as if we're couple.

"What's wrong with that? You're my princess and besides, it looks cute on---Fuck!" I hit him on his head.

Kaya pala parang wala lang sa kanya na pinagtitinginan kami. I almost got into a girl's fight. Tss. He really did it on purpose.

"Nothing's cute on it!" Muli kong sigaw sa kanya. Hahampasin ko na naman sana siya ulit pero mabilis itong nakatakbo.

"That's life Princess. I need to go. May urgent meeting pa ako." Tumatakbo siyang paatras habang nakaharap sa akin.

"I hate you Kuya!" Inis kong sigaw sa kanya. Nakita ko pa ang pagngisi nito hanggang sa tuluyan na siyang makaalis.

"WHAT?!" Sigaw ko sa mga taong kanina pang nakatingin sa akin. Did they enjoy watching that scene? Damn it.

"Aish! Kapatid niya lang pala si Denver."

"Akala ko naman magjowa sila."

"May chance pa tayo kay Papa Denver. Hihihi."

Para silang nakahinga ng maluwag nung malamang magkapatid kami ni Kuya. Tss. Inis kong kinuha yung bag ko. Paalis na sana ako nang harangin ako nung waiter.

"Ma'am wala pa po yung bayad niyo." Sa sobrang badtrip ko, sa waiter na 'to ko naibunton ang inis ko.

"Bayad? Humingi ka roon sa lalaking kasama ko kanina!" Tska ko ito tinalikuran.

Denver is so annoying! He really knows how to ruin my day.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro