Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 19

Irish's Point of View

Masaya akong malaman na kahit papaano ay may mga kaibigan na rin ako. Hindi ko naman pinangarap magkaroon ng marami, ang importante sa akin ay mga totoong kaibigan. When people around me started to bully me, hindi na ako umaasang magkakaroon pa ng mga kaibigan but now I have them - sina Imee, Xydelle, Zephyr at Aris.

Masaya pala talaga kapag may mga kaibigan ka. Yung lagi mong kasama kapag break time niyo. Yung laging nandyan sa tabi mo. Yung laging patatawanin ka. Ang sarap sa feeling na may mga kaibigan ka na laging nasa tabi mo.

I thought I would forever be this lonely and akala ko rin na forever na akong bubully-hin lang sa unibersidad na 'to, but things slowly change when I met Imee - simula nung ipagtanggol niya ako kay Celine.

"What are you smiling at?" Imee's forehead creased.

Kailan ba ngingiti ang babaeng 'to? Aside sa pagngisi niya, sa pagngunot ng noo niya at pag-iling, ano kayang ibang mga bagay ang kaya niyang gawin? Aish. Di bale na nga.

"I'm just so happy and thankful kasi dumating kayo sa buhay ko." Sagot ko sa kanya at himala dahil nakita ko ang pangngiti nito kahit panandalian lang.

Nakinig na lang kami sa teacher namin sa kanyang diskusyon at late na nung dinismissed kami nito.

"Imee, ihatid ka na kaya namin? Madadaanan naman namin yung bahay niyo e." Suhestiyon ko sa kanya.

Kaninang 5 pa natapos ang klase namin. Natagalan kami dahil nag-extend yung teacher namin sa Physics at nagkaroon pa kami ng class recitation. 5:30 na ngayon. Ngayon lang din kasi dumating ang driver ko. Tapos si Imee ay hindi pa dumadating ang sundo niya.

"It's okay. Kuya Denver will pick me up." Sagot lang nito.

"Sigurado ka ba?" Paninigurado ko at tango lang ang nakuha kong sagot dito. "Just call me kung wala pa ang kuya mo to pick you up, okay?" Muli, tango lang ang naging sagot nito sa akin.

Pumasok na ako sa kotse. Kumaway na lang ako sa kanya pagkatapos ay umalis na kami ng driver ko at iniwan na namin siyang mag-isa roon.

***

Imee's Point of View

I've been waiting here outside the Jimen University for almost thirty minutes now when Irish left pero wala pa rin si Kuya. Saan na kaya ang lalaking yun? Kanina ko pa siyang tinatawagan pero laging out of coverage.

6:00 PM na at talagang madilim na rito sa school. Sinubukan ko pang tawagan ulit si Kuya pero wala talaga kaya napagdesisyunan ko na lang na maglakad pauwi. Wala na rin naman akong masakyan, besides gusto ko lang na maglakad-lakad muna.

Nagtuluy-tuloy ako sa paglalakad. I don't mind being alone. I'm already familiar with this place so it's okay to be alone. But I don't know if it's only me or there is really something that's following me.

Pinakiramdaman ko ang paligid ko. Sigurado akong may nakasunod sa akin pero nagpatay malisya na lang ako.

Lumingon ulit ako sa likod ko. Wala akong nakitang tao roon but I saw this shadow hiding at the back of the lamp post. Hindi ko alam kung matatawa ba ako. Magtatago na nga lang kasi, doon pa sa lugar kung saan mapapansin at makikita siya. Napailing na lang ako.

Tumuloy na lang ulit ako sa paglalakad at hindi na inintindi pa yung sumusunod sa akin pero hindi pa man ako nakakalimang hakbang, naramdaman ko na lang ang malakas na pagpalo sa likod ko.

Napadapa ako sa kinatatayuan ko na kulang na lang ay halikan ko ang lupa. Naramdaman ko ang muling paggalaw ng tao sa likod ko. Kung gaano siya kabilis na gumalaw ay ganun din kabilis ang ginawa kong paggulong dahilan upang maiwasan ko ang sana ay muli niyang pagpalo sa aking ulo.

Nakita ko ang pagngisi ng taong nasa harapan ko ngayon habang nakapatong sa balikat niya ang hawak niyang tubo.

"Binalaan na kita noon pero sadyang mayabang ka." Sa halip na intindihin ang sinabi niya, mabilis na lang akong tumayo. Pinagpag ko ang skirt ko pero ipinalo niyang muli sa akin yung tubong hawak niya.

"Tandaan mo ito Imee, walang kahit na sino ang pwedeng gumalaw kay Celine. Sa oras na ginalaw mo ulit siya, higit pa diyan ang aabutin mo." Pinalo niya ulit ako sa likuran ko. Napaupo na ako ng tuluyan pero pinilit ko ang sarili kong huwag gumawa ng ikapapahamak niya.

Napapikit ako ng mata.

Isang palo mo pa ng tubo Jasper, makikita mo kung sino ang binabangga mo.

"Simple lang naman ang gusto ko e, banggain mo na lahat huwag lang kami." Napatawa ako sa sinabi ni Jasper.

"Bakit, natatakot ka bang ako yung makakabangga niyo?" Ngumiti ako ng nakakaasar matapos kong sabihin iyon. Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito.

Aktong ihahampas niya na naman sa akin yung hawak niyang tubo pero kaagad kong hinawakan ang dulo nito at doon ako kumuha ng suporta para makatayo tsaka ko pabatong binitawan iyon.

Nag-igting ang panga ko.

"Sa oras na lumapat ulit yang tubo sa kahit anong parte ng katawan ko, pagsisisihan mong nagpakita ka pa sa harapan ko." Madiin at seryosong sabi ko.

"Nagjojoke ka ba? Hahaha." Tumawa ito ng malakas.

"Sorry but I'm not fond of making jokes." Tinignan ko siya ng seryoso at natigil siya sa pagtawa.

With one swift move, mabilis akong nakalapit sa kanya at inagaw ang hawak niyang tubo. Umikot ako sa kanyang likod at ginamit ang tubong iyon pangsakal sa kanya tsaka ko hinampas iyon ng malakas sa kanyang likod hanggang sa matumba ito.

Nang makabawi ito, mabilis din siyang tumayo. Pinilit pa niyang agawin sa akin ang tubo pero itinapon ko na iyon palayo sa direksyon namin.

Hinuli ko agad ang kanyang mga kamay at hinila siya papunta sa isang poste. Sinipa ko ang likod ng tuhod nito hanggang sa mapaluhod siya tsaka ko inihampas ng malakas ang noo niya sa posteng naroon hanggang sa napansin ko na lamang ang dugong dumaloy sa gilid ng noo niya pababa sa gilid ng kanyang mata.

"Fuck you!" Bulyaw niya sa akin.

"Tell that to yourself." I said plainly. Nakita ko ang pag-igting ng panga nito at mabilis na pinahid ang dugo sa kanyang noo.

"Hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng lakas ng loob upang kalabanin ako." Kung nakakamatay lang siguro ang titig niya, baka kanina pa akong nakahandusay rito sa kinatatayuan ko.

Ako rin mismo hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob. Huwag na huwag lang nila akong simulan dahil magiging isa iyon sa mga bagay na kanilang pagsisisihan.

Agad akong tumayo at inayos ang sarili ko.

"Tumayo ka r'yan at umuwi ka na." Saad ko sa kanya at tuluyan na akong umalis.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro