Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 18

Celine's Point of View

"STOP LOOKING AT ME!" I shouted to those students who are looking at me inside this cafeteria. Inayos ko ang tayo ko matapos kong pagpagan ang damit ko.

Ang sakit ng tagiliran ko dahil sa pagkakatulak sa akin ng babaeng yun. Pesteng yun!

"Are you okay Celine?" Lumapit sina Shiena at Endrea sa akin at pilit akong inalalayan sa pagtayo. Itinulak ko sila. Mga tanga ba sila?

"Do I look like I'm okay? Stupid! Umalis nga kayo sa harapan ko! I don't need your help. Get out of my way!" Sigaw ko sa kanila pareho. Baka sa kanila ko pa maibunton ang inis ko dahil hindi ko talaga mapigilang hindi mainis!

That Imee! How dare her!

Tumagilid sina Shiena at Endrea sa harapan ko pagkatapos ay binigyan nila ako ng espasyo upang makaalis sa lugar na iyon. Lumabas ako sa cafeteria na yun nang paika-ika. Inirapan ko ang mga estudyanteng nakatingin sa akin. Leche!

Nakasalubong ko naman si Jasper nang makalabas ako.

"Celine? What happened to you? Bakit ganyan ka maglakad?" Lumapit ito sa akin.

May sumibol na galit at inis sa pagkatao ko nang maalala ko ang ginawa niya sa akin kanina. That Imee. What she did to me, I'll make her pay.

"I'm going to destroy her fucking life."

"What are you talking about?" Tanong ni Jasper pero hindi ko siya pinansin. Nagdire-diretso na lang ako sa paglalakad at binilisan ko pa lalo. Gusto kong ilabas ang galit ko.

"Celine!" Nakasigaw na si Jasper pero wala akong pakialam.

Nanggagalaiti ako sa sobrang inis dahil sa nangyari lalo na sa ginawa ni Imee. Peste siya. Leche! Masyado siyang pakialamera.

"Celine, ano ba?!" Naramdaman ko na lamang ang paghawak ni Jasper sa braso ko at pinaharap niya ako sa kanya. Dahil na rin sa kalagayan ko, hindi na ako magtataka kung nahabol niya ako kaagad.

"What?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"I keep on calling you yet you're not listening to me!" Ang kaninang pag-aalala na makikita mo sa kanya, ngayon ay napalitan na ng galit at napakaseryoso na niya.

I heave a sigh.

"Ano ba talagang nangyari sayo?!" His tone raised pero nakita ko naman ang mabilis na pagpalit ng ekspresyon ng mukha nito.

"Will you just please stop asking me?!" Nabuburyong tanong ko sa kanya.

"How can I stop myself from asking you if you're not answering me?!"

"You really wanna know? Fine! I'll tell you, just follow me Jasper." Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad. Ramdam ko ang pagsunod nito sa likod ko.

Pagkarating namin sa hideout namin, pabato kong itinapon ang shoulder bag ko sa table.

"Siguro naman pwede mo ng sabihin sa akin yung dahilan 'di ba?" Lumingon ako kay Jasper nang sabihin niya yun. Napaikot na lang ako ng mata.

"Si Imee."

"What? Don't tell me siya yung gumawa n'yan sa iyo?" Hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko. Sinamaan ko siya ng tingin bago ako tumingin sa bintana.

"Arghh! Fuck it." I shouted angrily. Nakakainis. Nakakapeste.

"Calm down, will you?" Pagpapakalma niya sa akin.

Tumayo ako at lumapit sa bintana. I am just holding the window frame so tight like it was her whom I'm crashing. Naiinis ako nang sobra sa ginawa ni Imee. Naiinis ako ng sobra sa kanya.

"She's a bitch. Hindi niya alam kung sinong binabangga niya. I'm going to make her regret everything." May diin na sabi ko. Lumingon ako kay Jasper at nakita ko ang pagngisi nito.

"I like that idea." Sambit nito sa akin and then I smirked at him, too.

You'll see Imee, you're going to regret everything. You're going to regret what you did to me. Pagsisisihan mong masyado kang pakialamera sa buhay ko.

***

Xydelle's Point of View

Pumasok ako sa room nang may nakapaskil na ngiti sa aking labi. I don't even know why I am smiling. Damn.

Umupo agad ako pagkarating ko sa room. Nagsimula na ring magdiscuss ang teacher namin sa Physics. Nang matapos iyon, dumiretso kami nila Zephyr at Aris sa tambayan namin.

"Kumusta na kaya si Irish?" Walang anu-ano'y tanong ni Zephyr.

"Si Irish lang? Paano naman si Imee?" Tanong ko rin. Pareho kayang biktima ang dalawang yun dahil sa insidenteng nangyari last week.

"Bakit? Ano bang nangyari sa kanilang dalawa?" Singit ni Aris. Oo nga pala, wala siyang alam dahil wala siya nung nangyari yung insidente tsaka hindi rin namin yun naikwento sa kanya.

"Muntik na kasi silang mahold-up. Nakatakas si Irish sa mga lalaking humarang sa kanila. Buti na lang nakita niya kami sa daan." Paliwanag ni Zephyr.

"What? E, kamusta naman na raw sila?" Alalang tanong ni Aris.

"They were okay now. Nakausap ko si Imee kanina but I haven't seen Irish. I think okay na rin yata siya." Sabat ko sa usapan nila. Tumango-tango si Zephyr.

"Eh, ikaw? Yung sugat mo, okay na ba?" Tanong niya sa akin. Bahagyang napalingon si Aris sa direksyon ko.

"Why? What happened to you Xydelle?"

"He was stabbed by one of the holdapers." Si Zephyr ang sumagot dito kahit ako naman ang tinatanong. Tsk. Epekto ng pagiging tsismoso niya 'to. Masyadong madaldal.

"What?! Ano, okay ka na ba? Hindi na ba masakit yung nasaksak sayo? Nasaan, patingin nga?" Sunud-sunod na tanong ni Aris. Lumapit siya sa akin. Natawa na lang ako sa iniakto niya. Para 'tong babae kung mag-alala e.

"Relax, okay? I'm fine. You don't have to worry." I assured him.

"Bakit ba kasi hindi niyo man lang sinabi sa akin o kahit pinaalam man lang sana diba?" Minsan, napapaisip na lang ako kung bakla ba itong si Aris e.

"I'm sorry okay? I'm really okay now. You don't have to worry." Sagot ko at narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago siya bumalik ulit sa kanyang upuan.

"May magagawa pa ba naman ako? Pero kumusta na sila Imee at Irish?" Tanong niya ulit. Knowing Aris, he won't stop from asking not until malaman niyang okay ka na talaga. Kung tsismoso si Zephyr, siya naman ay maaalalahanin.

"Si Imee? She's perfectly fine." I guess she is. Mukhang okay naman siya nung nakita ko siya kanina.

Naalala ko nga yung pag-uusap naming dalawa. Masyadong maikli ang pasensya ng babaeng yun. Ewan ko ba kung bakit natatagalan siya ni Irish.

Sabay-sabay kaming pumunta sa cafeteria. Pagkapasok namin sa loob, nakita namin ang dalawang babaeng kanina lamang ay pinag-uusapan namin na nakaupo sa isang table kaya lumapit agad kami sa kanila at doon na rin umupo.

"Wazzup?" Zephyr greeted them.

I saw Irish greeted back but her friend remained silent. She doesn't mind at all. Para lang itong may sariling mundo.

Tinignan ko lang ito hanggang sa tignan niya rin ako.

"What?" Napailing na lang ako. Ganito ba talaga kasungit ang babaeng 'to?

"Okay lang bang makishare kami sa table niyo?" Pagtatanong ni Zephyr. Pansin kong ibinaba ni Imee ang earphones niya tsaka nito tinignan ang kaibigan ko.

"Nakaupo na kayo. What's the point of asking permission?" Tanong nito sa kaibigan ko tsaka niya ulit nilagay ang kanyang earphones. Lihim naman akong napatawa dahil sa reaksyon ni Zephyr.

This girl is unbelievable.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro