CHAPTER 17
Irish's Point of View
Pinanood ko lang si Imee na maglakad papunta sa loob ng cafeteria at um-order ng kanyang pagkain matapos niyang gawin iyon kay Celine.
Ayaw tanggapin ng sistema ko ang nakita ko kani-kanina lang. Alam kong matapang siya pero yung ginawa niya kay Celine, how can she do that in an instant? I mean, argh! She's so different. She's really the best example of silent but deadly. Basta nakakatakot talaga siya.
Lahat ng mga estudyante, kita sa mukha nila ang pagkagulat. May mga nagbubulung-bulungan pa nga. Pero siya, parang wala lang sa kanya ang nangyari kanina.
Sometimes I'm wondering who she really is. Ano bang meron sa kanya? Is there something I should know about her?
Umiling-iling na lang ako upang iwaglit sa isipan ko kung anuman ang nangyari kanina bago ako tuluyang pumasok sa cafeteria at lumapit sa kanya.
"Bakit ngayon ka lang?" Tanong niya pagkaupo ko sa table namin. Ang cold niya talaga lagi.
"Ah, wala. Kinausap ko lang yung Grade 7 student kanina tapos pinabalik ko na siya sa kanilang room." Kamuntikan pa akong mautal sa mga sagot ko dahil naroon pa rin ang pagkagulat ko.
It's funny to think na ako lang iyong binubully noon, ngayon nagagawa ko ng tumulong. Si Celine kasi e. She's really really a bully. Hindi ko nga alam kung anong nakukuha niya sa pambubully niya sa amin pati sa ibang mga estudyante narito.
"Are you okay?"
"H-huh?"
"Nevermind. Just eat." Pag-iiba niya ng usapan bago niya ako tinignan.
"S-sige." Tinitigan ko siya ng palihim pero umiwas ako kaagad nang maabutan niya akong nakatingin sa gawi niya.
"You're not touching your food. Aren't you hungry?" Ininguso niya ang pagkain ko.
Doon ko lang din napansin na hindi ko man lang pala nagagalaw yung pagkain ko samantalang nangangalahati na yung sa kanya.
"Huh? Ah, oo." Parang tanga kong saad. Kinain ko na lang yung pagkain ko. Bumalik din naman kami agad sa room nang matapos iyong break time.
Habang kasalukuyan kaming nagkaklase, itinuon ko na lang ang atensyon ko sa mga teachers namin. Panaka-naka akong tumitingin kay Imee. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nagsisink in sa utak ko ang mga ginawa niya kanina. Marami akong gustong itanong sa kanya sa totoo lang pero natatakot ako.
Nang matapos ang klase, naghiwalay na kami ng direksyon. Nang makarating ako sa gate, napahinto ako sa paglalakad nang makita ko kung sino ang taong naghihintay sa akin sa labas.
"Mommy!" Sinalubong ko kaagad si Mommy ng yakap nung makalapit ako sa kanya.
"Miss me?" Tanong nito nung kinalas ko ang yakap ko sa kanya. Nakangiti lang ito sa akin.
"So much Mom. I missed you so much." Niyakap ko ulit si Mommy.
"I missed you too sweetie." Hinalikan ako ni Mommy sa pisngi.
"Kailan ka pa dumating Mommy? Ang daya mo, hindi mo ko sinabihan. Hindi tuloy kita nasundo." I pouted. Tinawanan lang niya ako.
"Because I wanted to surprised you." Napangiti na lang ako sa sinabi ni Mommy.
Galing kasi siyang Cebu dahil may inaasikaso siyang case doon. My mother is an attorney at hindi ko alam kung kailan matatapos yung kasong hawak niya roon.
"Get in the car. We'll going home sweetie." Umupo ako kaagad sa front seat.
Nang makarating kami sa bahay, maraming pasalubong sa akin si Mommy. Marami rin siyang ikinuwento sa akin. Naikwento niya ring naipanalo niya raw yung last case na hawak niya kaya tuwang-tuwa akong malaman iyon.
"Really Mom? That's good." Sabi ko sa kanya.
"Yes sweetie and one more thing, I'm staying here for good." Literal na napanganga at nanlaki ang dalawang mata ko. She said what?
"Can you please say it again, Mom?" Mom laughed at me.
"I'm going to stay here for good."
"Really Mom? Walang halong talkshit?" Paniniguro ko. As in? Tama ba talaga yung narinig ko?
"Your words sweetie." Warning nito sa akin. "But yes, I've decided to build my own law office here para in case na I'm having a client, hindi ko na kailangan pang pumunta sa malayo at para na rin mabantayan kita." Lumapit ako kay Mommy at niyakap siya.
"Thank you Mom. You don't know how happy I am." Gusto kong maiyak. Lagi kasing wala si Mommy dahil sa malalayong lugar madalas ang lahat ng hawak niyang kaso.
Once a month niya lang akong dinadalaw. Kung minsan pa ay hindi na siya nakakadalaw. Tapos si Daddy naman ay nasa ibang bansa, busy din sa business namin doon pero syempre naiintindihan ko naman sila.
"I'm sorry sweetie kung ngayon ko lang napagdesisyunan ang magpatayo ng law office ko. I promise you, babawi ako sayo. Hindi na ako pupunta pa ng ibang lugar." She hugged me back.
Wala naman siyang dapat ikabawi. Knowing that they love me and they are doing everything to sustain my needs, super blessed na ako roon.
Matapos ang madramang eksena kanina, kinumusta ako ni Mommy kung okay lang daw ba ako rito and of course pati na rin sa school.
"How's school sweetie?"
"It's good Mom." Sagot ko.
Compared to the past years I spent in Jimen University before, I can say na mas okay na ngayon. Aside kasi sa tinigilan na ni Celine ang pambubully sa akin, meron na ring mga nakikipagkaibigan sa akin. It's better than before.
"Ay nga pala Mommy, may bago akong best friend." Masayang kwento ko sa kanya. Hindi ko alam kung best friend din ang turing ng babaeng yun sa akin basta para sa akin, best friend ko na siya.
"Talaga? Pwede ko ba siyang makilala soon?" Nakangiting tumango ako kay Mommy. Siyempre naman. Dapat kilala niya lahat ng magiging kaibigan ko.
My mother knows a lot of things about me. Open kasi ako sa kanya but there's one thing she doesn't know. Hindi niya alam na madalas akong binubully sa school. Hindi lang naman si Celine ang nambubully sa akin, may mga schoolmates din akong madalas akong ibully.
I know mali na hindi ako nagsasabi sa kanya sa kung anong nangyayari sa akin noon but I want to forget those things now. Feeling ko ay tinantanan naman na ako ni Celine lalo na nung dumating si Imee sa school na 'to.
Simula nung makilala ko siya ay hindi na nila ako binubully lalo na si Celine. Bilib nga ako sa kaibigan kong yun dahil siya pa lang ang alam kong kumalaban kina Jasper at Celine.
Napabuntong-hininga ako sa isipang iyon.
I should stop Imee. Maybe she can fight and defend herself pero hindi niya pa kilala ng lubusan sina Jasper at Celine. Marami pa siyang hindi alam tungkol sa dalawang iyon. Hindi pa niya alam kung ano ang takbo ng mga isip nila at lalong hindi pa niya alam kung sino talaga sila maging ang mga bagay na kaya nilang gawin laban sa kanya.
Sana lang talaga, hindi siya matulad sa mga dating gustong kumalaban kina Jasper at Celine. Ayokong matulad siya sa mga taong iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro