CHAPTER 11
Irish's Point of View
Friday na ngayon at hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok si Imee. Matapos mangyari ng insidente nung isang araw sa pagitan nila ni Celine, kinabukasan nun ay hindi na siya pumasok. Nag-aalala tuloy sa kanya. Dapat pala sinamahan ko na lang siya nun kahit sa gate man lang.
"Everyone, please proceed now to the quadrangle. Be with your teams and form a straight line so we can easily identify what sports you belong."
Nang marinig ko yun, pumunta na ako kaagad sa quadrangle. Nakisabay ako sa ibang mga estudyante at pumila ako kasama ang mga badminton players na katulad ko. Nagbigay pa sila ng mga mensahe bago kami in-instruct ng mga Sports Head.
Matapos nun, pumunta kami kaagad sa badminton court and as usual, pinauna ang mga junior students at sumunod naman ang mga senior. Bali umaga ang junior, hapon naman ang senior. Per schedule kasi ang bawat sports.
Bago sinimulan ang laro, kinuha muna nila ang mga pangalan namin including our year and section. Nang sumunod ang mga senior, hindi ako mapakali sa kakahanap kay Imee.
"Irish, maglalaro ka rin ba?" Tanong sakin ni Mrs. Gonzales, siya lagi ang scorer sa larong badminton.
Kilala na nila ako dahil badminton player ako nung junior pa lang ako at dito rin ako nag-aral.
"Yes Ma'am." I answered.
"Good. Magsisingle ka pa rin ba?" Tanong nito muli sa akin ngunit hindi ako kaagad nakasagot.
Dati, puro sa single girls kasi ako. Kaso nasabi ko na kay Imee na doubles kami. Napag-usapan namin dati na magdoubles kami pero paano naman yun? Hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nakikita.
Hinanap ko siya kaso 'di ko siya makita. Ni hindi ko nga alam kung pumasok siya, e. Nagbabakasakali lang naman ako. Malay mo pumasok pala, hindi ko lang nakita. Napakamot na lang ako ng ulo.
"Irish?"
"May ka-doubles po ako Ma'am kaso po hindi ko siya makita. Pwede po bang mamaya na lang ako maglalaro?" Tumango na lamang si Mrs. Gonzales sa akin. Buti na lang napapayag ko siya.
Nagsimula ang laro ng ibang senior students. At nung konti na lang kaming hindi pa nakakapaglaro, nakilaro na lang din ako sa mga single girls. Ipapaliwanag ko na lang siguro kay Imee kung bakit napunta ako sa single girls. Maiintindihan niya naman siguro. Sa huli, ako pa rin ang nakuha upang i-represent ang school namin sa sports fest.
Pagkatapos kong makipaglaro, dumiretso ako sa CR upang makapagpalit ng damit. Pagkalabas ko dun ay naglakad ako sa quadrangle. Mula rito ay dinig na dinig ko ang ingay sa covered court. May mga naglalaro pa siguro.
Dahil wala pa namang uwian, dumiretso muna ako roon at napagpasyahang manood muna. Hindi rin naman ako nagtagal dahil pagkalipas ng 20 minutes ay umuwi na rin ako. Magpapahinga na lang siguro ako.
Panibagong linggo na naman at hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakikita kay Imee. Ni hindi ko alam kung ano na ba talagang nangyari sa kanya nung umalis siya.
Hindi ko naman siya magawang itext o tawagan man lang dahil wala siyang number sa akin. Ano bang kabobohan 'to? Hindi ko man lang nagawang kunin ang number niya.
Pumasok ako sa room at halos lahat ng mga teacher namin ay sa akin tinatanong kung bakit hanggang ngayon ay absent pa rin si Imee. Bukod kasi sa akin ay wala na siyang ibang pinapansin sa mga kaklase namin. Tahimik lang kasi yun sa room pero nakakatakot talaga ang awrahan niya. Alam mo yun?
Hindi ko naman magawang sumagot sa mga tanong ng teacher namin dahil ako mismo ay hindi alam kung nasaan ba siya o kung anong nangyari sa kanya.
Hanggang sa sumapit ulit ang Monday, lumawak ang ngiti ko nang makita si Imee subalit kumunot ang noo ko nang makitang nakacivilian ito at sa isang motor siya nakasakay. She looks cool nung bumaba siya. Hindi ko alam na marunong pala siyang magmotor.
"Imeeeeee! Bakit ngayon ka lang ha? Wala ka nung PE class natin. Absent ka rin ng one week. Okay ka lang ba?" Sunud-sunod kong tanong pagkalapit ko sa kanya.
Gusto ko lang naman malaman kung anong nangyari sa kanya nung mga araw na yun. I'm so worried about her.
"I'm okay." Tipid ang sagot nito. Sus, para namang hindi ako sanay.
"Namiss kita, alam mo ba yun? Teka, bakit nga pala hindi ka nag-uniform? Tsaka bakit ka ba kasi umabsent?"
"Wala, trip ko lang." Sagot nito tsaka ako nilampasan.
Naiwan na lang akong nakatanga sa kinatatayuan ko. Seryoso ba siya, trip niya lang kaya umabsent siya ng halos isang linggo? Anong klaseng dahilan naman yun?
Sumunod na lang din ako sa kanya nang mapansing medyo malayo na siya sa akin. Kakaiba talaga ang babaeng ito.
Pagkarating sa room namin, maraming nagtanong sa kanya kung bakit wala siya nung mga nakaraang araw at katulad ko, tanging 'trip ko lang' ang naging sagot nito. Seryoso ba talaga siya sa dahilang yun?
Nang makaupo si Imee, hindi ko maiwasang pagmasdan ito ng pasikreto. Bakit parang biglang ang lalim ng iniisip niya?
Nang magsimula ang klase, tinanong din siya ng mga guro namin at ang tanging isinagot lang nito ay may inasikaso lang daw siyang isang importanteng bagay. Akala ko naman ang isasagot niya rin ay 'trip ko lang.' Ewan ko na lang.
Matapos ang morning schedule namin ay tumungo kaming dalawa sa cafeteria. Hindi siya nagsasalita, I mean hindi naman talaga siya pasalita. Nacucurious lang ako dahil kanina pa itong parang may malalim na iniisip hanggang sa harangin na naman kami nila Celine.
"You're here na pala. Bakit pala absent ka ng one week? And eeer, why are you not wearing your school uniform?" Maarteng tanong nito at bahagya pa siyang tumawa. Batid kong gusto lang nitong ipaalala yung ginawa niyang pagbuhos ng juice sa damit ni Imee.
Dahil malalim pa rin ang iniisip ni Imee hanggang ngayon, hindi niya napansin ang presensya nila Celine. Tumuloy lang siya sa paglalakad at mas lalo tuloy nainis si Celine dahil sa ginawa nito.
"Ang kapal ng mukha mong talikuran ako! Hindi ka ba tinuruan ng magulang mo ng magandang asal?" Nilakasan ni Celine ang pagkakasabi nun dahilan upang makuha niya na naman ang atensyon ng mga estudyante.
Hindi pa rin humihinto sa paglalakad si Imee. Dahil sa inis ni Celine na hindi man lang siya nitong magawang lingunin, hinila niya ito sa braso at pagkaharap na pagkaharap ni Imee sa kanya ay isang malakas at malutong na sampal ang inabot nito.
Bahagya pang nakatagilid ang ulo ni Celine dahil sa lakas ng pagkakasampal sa kanya at nagdulot iyon ng pulang bakat sa mukha niya.
Maging ako at ang ibang mga estudyante sa loob ng cafeteria ay napasinghap sa ginawa ni Imee kay Celine.
"How dare you?!" Aktong sasampalin ni Celine si Imee pero nagawa niya itong pigilan. Sa diin ng pagkakahawak nito ay halos mamaluktot pa si Celine.
"Let go of my hand!" Reklamo nito kay Imee pero hindi niya iyon pinakinggan.
"Next time, don't call for my attention if you don't want the kind of attention I'm giving you." sagot nito. Pabato pa nitong binitawan ang kamay ni Celine at pinakatitigan niya ito ng mabuti.
"Tao ang hinahanap ko, hindi gulo." Saad nito at naningkit ang mga mata ko.
Para kasing narinig ko na sa kanya yun dati. Tao? Pero sinong tao naman ang hinahanap niya?
"Don't mess with me Celine. You don't know who you're messing with." May diin ang bawat salitang binibigkas nito. Pagkatapos sabihin iyon ni Imee ay umalis na siya at naiwang nakatanga si Celine.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro