Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Simula

"I TOLD YOU NOT TO GO HERE!" Malakas na sigaw ni Jiggy kay Faith.

"P-pero ang sabi ni Diana—"

Malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Faith. Mabuti na lamang at walang ibang tao sa parking lot maliban sa kanilang dalawa.

"Ilang ulit na kitang sinabihan na huwag na huwag kang pupunta rito."

"P-pero si D-Diana ang nagsabi sa akin na pumunta ako rito dahil hinahanap mo raw ako!"

"Si Diana! Diana! Puro na lang Diana! Nag-text siya sa akin at sinabi niyang nagpumilit ka raw na pumunta rito. Ganiyan ka na ba talaga ka-desperada, Faith? Para lang mapatunayan mo ang ilusyon mo na mayroon akong ibang babae, susulpot ka na lang bigla rito at tignan mo? Tignan mo ang ayos mo? Mukha kang basahan Faith!"

"J-jiggy. H-hindi totoo na nagpumilit ako papunta rito. K-kahit tawagan mo ngayon si Mama. S-si Diana ang nag-ayos sa akin at siya rin ang nag—"

Isa na naman sanang malakas na sampal ang dadapo sa pisngi ni Faith. Subalit hindi ito natuloy nang isang lalaki ang biglang dumating at pinigilan ang braso ni Jiggy.

"Ano bang—AT SINO KA? ANONG KARAPATAN MONG HAWAKAN AKO?" galit na galit na sigaw ni Jiggy.

"Totoong hindi kita dapat hinawakan, dahil nakalalason ang pagkatao mo." Humigpit pang lalo ang kamay ng lalaki sa pulsuhan ni Jiggy.

Rumehistro ang daing sa mukha ni Jiggy, subalit tila hindi ito napapansin ng lalaki. "Hindi tamang nananakit ka ng babae, Mr. Jiggy Holmes."

"Hindi ba't may inaalagaan kang pangalan? Hindi mo ba alam na malaking kasiraan sa iyo kung lalabas sa media na sinasaktan mo ang asawa mo?"

"Tigilan mo ako Christopher. Personal kong buhay ito kaya wala kang karapatan na manghimasok dito. Lumayas ka sa harapan ko at hayaan mo akong disiplinahin ang babaeng ito!"

"PERO—"

"ANO BANG NAGAWA KONG KASALANAN SA IYO!"

Nagulat ang dalawa sa biglang pagsigaw ni Faith.

"A-ano bang kasalanan ko Jiggy? Bakit ikinukulong mo ako? Bakit hindi ko pwedeng gawin ang kung ano ang gusto ko, at bakit kailangang ikaw lang ang sundin ko?"

"Aba't sumasagot ka na— BITIWAN MO AKO!"

Mas malakas ang ginawang paghila ni Christopher kay Jiggy. Pilit niyang inilalayo si Jiggy kay Faith. Para kay Chris, ito na ang oras para ilabas na ni Faith ang matagal na niyang kinikimkim para kay Jiggy.

"Lahat ng bagay na gusto mo sinunod ko. Kahit na... kahit na nasasaktan ako, nagtiis ako. Noong gumising ako na hindi ko kilala ang sarili ko, wala akong ibang ginawa kundi ang sundin at paniwalaan ang lahat ng sabihin mo."

"Pero Jiggy... unti-unti ko nang nararamdaman na niloloko mo lang ako."

Namumula ang mukha ni Jiggy dahil sa labis na galit.

"Hindi kita kailanman niloko, Faith! Ang mga bash na nakikita mo sa newsfeed ay walang katotohanan. Puro kasinungalingan ang lahat ng iyon!"

"Hindi iyon ang pinupunto ko! Ang buong pagkatao ko Jiggy ang pinupunto ko! Dahil... dahil akiramdam ko ang buong pagkatao ko ay isang malaking kasinungalingan! Ang lahat ng ipinapakita at ipinaparamdam niyo sa akin ay pawang walang katotohanan at puro lamang kaplastikan!"

"TUMIGIL KA! Ikaw ang may gusto ng lahat ng iyan! Ikaw ang may gustong sumunod sa akin! Ikaw an—"

Isang malakas na sampal ang iginawad ni Faith sa pisngi ni Jiggy. Hindi magawang makaganti ni Jiggy dahil sa malakas na pwersang nanggagaling kay Christopher na pumipigil sa kaniya para makagalaw.

"Hindi ko ginusto ang buhay na mayroon ako ngayon, Jiggy. Pinilit mo ako, pinilit niyo akong lahat na gustuhin ko ang buhay na mayroon ako ngayon."

"Ang buong akala ko, sa pagpunta ko rito inakala ko na malalaman kong totoo ang lahat ng sinasabi mo sa akin. Totoong ako ang mahal, at totoo ang lahat ng ipinakita mo sa akin. Pero mukhang nagkamali ako. Nagkamali ako dahil—"

"Dahil ang lahat naman talaga ay pawang kasinungalingan lang, Faith."

Sabay-sabay na lumingon ang tatlo sa pinanggalingan ng isang boses. Isang lalaking matangkad, nakasuot ng puting suit at may hawak na wine ang naglalakad papalapit sa kanila.

"S-sino ka?" tanong ni Faith sa papalapit.

"Sino ako? Ako lang naman ang taong nakalimutan ng isip mo, pero alam kong hindi kailanman makakalimutan ng puso mo."

Nanginig ang kamay at labi ni Jiggy nang tuluyan na niyang makita ang hitsura ng dumating. Sa labis na panghihina'y napa-upo ito sa sahig nang bitiwan siya ni Christopher.

"A-anong ginagawa mo rito? B-bakit ka nandito?"

"Hindi pa ako patay pero, bakit parang nakakita ka ng multo, Jiggy?"

"P-pero... Hindi! F-Faith! Ako! Ako ang asawa mo! Ako ang minamahal mo! Ako ang boyfriend mo simula pa lang. A-ang lalaking ito! H-hindi siya ang—HUWAG KANG MANINIWALA SA SASABIHIN NIYA! MANLOLOKO SIYA!"

Tila nawala na sa sarili si Jiggy. Subalit, hindi pa rin nito natinag ang lalaki. Lumapit ito kay Faith at mataman siyang tinitigan.

"Long time no see... Maaaring hindi ako natatandaan ng isip mo, pero alam ko maaalala ako ng puso mo. Ako nga pala si Zalique Templeton... ang tunay na minamahal mo, Faith Del Amor Corinthians."

Z :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro