Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Horror 3 : The Unknown Customer

The Unknown Customer

This story I'm about to tell you was already happened two years ago. It's a long time na itinago ko ang horror experience ko na ito sa mga kakilala ko sa trabaho dahil na rin sa sobrang trauma ko sa nangyari sa akin noon panahon na nagsimula ako mag duty ng night shift sa isang famous restaurant na pinapasukan ko.

Noon una tutol ako sa ganon time schedule para sa duty ko dahil mabilis talaga akong dalawin ng antok pag nag sapit na ng nine o'clock ng gabi kaya medyo mala "Walking Dead" mode ako magkilos at magtrabaho bilang waiter sa pamamagitan ng pag serve ko ng food and beverages sa mga new and regular customers sa loob ng restaurant namin.

Ilang beses na din ako nagkakamali sa pagbigay ng order ng mga customers na food and drinks. Especially, pag rush hour na sa amin tapos maraming occupied na table sa loob ng restaurant halos nataranta ako kung paano ko maihandle ang ganitong pressure pagdating sa pag bigay ng service bilang waiter sa mga customers. Pero habang tumatagal naman medyo nasanay na din ako sa pagtrabaho ng night shift sa loob restaurant na pinapasukan ko dahil mayroon akong strong determination at passion sa work bilang isang waiter.

Pero nung nangyari na ang hindi ko inaasahan noon gabi na iyon. Doon nagsimula ang pagbago ng scenario sa loob ng restaurant na pinapasukan ko na siyang magbibigay ng nakakatakot na experience sa buong buhay ko.

                      *         *         *

It was Thirteenth day of November when our famous restaurant was flocked by a hungry group of customers. Kahit saan man ako lumingon sa paligid halos occupied na ng customers ang mga tables sa bawat sulok sa loob ng restaurant, at that the moment was a rush hour kaya kami mga naka assign na waiter sa mga oras na iyon ay dapat mag double time kami mag serve ng food and beverages.

Nasa waiting station ako nakasandal habang hinihintay ko ang pagtawag sa pangalan ko kung sino man sa mga customers nakaupo sa may dining area. Nakasuot ako ng isang puting long sleeves na tinernohan ko naman ng isang black vest habang sa ibaba ko naman ay nakasuot ako ng black plants and black shoes.

Isa sa mga katrabaho ko na waiter ang lumakad palapit sa akin sabay kinalabit nito ang braso ko. Umayos ako ng tayo atsaka tumingin ako sa kanya na may ngiti sa labi ko.

"Brad. Kanina ka pa sinesenyasan ng isang customer doon sa dining area. Hindi mo ba na pansin?" sabi ng katrabaho ko na pangalan ay si Andrew sabay itinuro ang hintuturo nito pupunta sa number 13 na table. May isang lalaking customer nakasuot na pang business attire ang nakaupo sa table habang ito'y nakatingin sa amin kinatatayuan namin ni Andrew sa may waiting station.

Napakamot ako sa may batok ko habang nakatingin sa kanya. "Kanina pa ba siya naghihintay?" tanong ko sa kay Andrew.

"Oo." Tanging sagot nito.

Kinuha ko kaagad ang note pad ko na nakapatong sa may counter banda sa likuran ko atsaka inayos ko ang buttones ng uniform ko. 

"Pumunta ka na agad doon sa table number thirteen, kanina pa siya naiinip sa kahihintay sayo." sabay tapik nito sa balikat ko. "Good luck brad, kaya mo na yan. Ikaw pa?"

Nang umalis na si Andrew sa may harapan ko at dumiretso siya sa may kitchen area sabay pumasok ito sa loob.

I let go a deep breath as I quickly paced my way towards the dining area.

                        *      *       *

"Sir. May I take your order?" I asked politely to the male costumer who was seated in the table thirteen. While I was holding a black ball pen and note pad in my hands.

"Pork Steak, medium rare. Please." sabi niya habang hinahawakan parin ang menu card sa kamay nito.

"Anything else that you would like to order Sir?" nang sinulat ko ang order niya na pork steak sa may front page ng note pad na hawak ko.

"And also, red wine please." sabay inilapag niya ang menu card sa table nito sabay tumingin ito sa direksyon ko.

"Noted." I give him a quick nod as I jotted down his order through my note pad. "Pork steak, medium rare. And a glass of red wine. Did I write right Sir?" I recalled with a bright smile plastered on my face.

"Yes." He answered like he was very convince.

"It will take ten minutes before your order will be prepared. Are you willing to wait Sir?" tanong ko naman sa kanya.

"Sure I will." The male customer replied then he open his brief case beside him atsaka nilabas nito ang libro. Binuksan niya ito at nagsimula magbasa sa inuupuan nito.

I closed the note pad and slid it back inside my breast pocket sabay tahimik ko siyang iniwan sa table nito. Dumiretso ako sa kitchen area at tuluyan na akong pumasok sa loob.

                *              *              *

The whole night working as a waiter was indeed restless. Customers come and go. In short, it was a endless cycle.

To keep myself fully alert through the busy and demanding atmosphere. Sometimes; I drink a cup of coffee to keep my senses alive just to maintain my composure stable when it comes serving some food and beverages to the customers from the dining area. It was like I entered inside the wild jungle. Full of dangers ahead. Like I was the prey and while customers was the hungry predators. But the opposite around here is the customers was more like haunting some available waiters to order some food and drinks just satisfy their cravings.

Pretty interesting right?

Pero never ko pa iniisip na may cannibal na customer na gusto mag order ng lamang loob ng isang tao which is was utterly gruesome. Alam ko lalaki ako pero hindi ko pa talaga na experience ang makita ng isang cannibal na kumakain ng lamang loob ng personal.

Nang makalipas ng ilang oras halos konti na ang mga customers kumakain sa loob ng dining area. I got a chance to sit down on the steel bar while my back was rested against the wall.

I sighed exasperatedly. Nakakapagod pala maging waiter sa loob ng restaurant. No joke. I know It's challenging at first but it was worth of my time.

I can barely feel my tired eyes were about to close any minute but I managed to remain conscious by pinching lightly on my skin.

My manager wouldn't mind kung magpapahinga ako ng mga ilang minuto since na pagod talaga ang katawan ko magserve sa mga maraming customers halos hindi ko maigalaw ang mga paa't tuhod ko sa sobrang sakit nito dahil sa paglalakad ko kanina sa loob ng dining area. 
             
                 *              *              *

Ilang oras ang nakalipas. Halos huminga kami ng maluwag dahil sa wakas tapos na ang rush hour sa loob ng restaurant namin atsaka wala ng makikitang nakaupo na customer sa may dining area. All we can hear was a deafening silence that enveloped the whole room. We all smiled triumphantly because we accomplished another achievement. Which made our manager so proud for the total of the income of the restaurant that night had increased surprisingly.

Ako at mga katrabaho ko na waiter ay nagsimula kami maglipit kaagad ng mga plato, silver wares, at mga goblet glasses sa bawat table ng dining area. Nilagay namin lahat ng mga ito ng maayos sa may labado sa loob ng kusina.

Lastly, we organized the tables and chairs back in its proper arrangement habang ako at si Andrew ay naglilinis kaming dalawa sa may tiled floor gamit ng tig isang mop sa mga kamay namin.

It was passed eleven in the evening at halos ng katrabaho ko ay nag si uwian na. Natira na lang ako, si Andrew at ang manager namin na si Madam Darbus sa loob ng restaurant sa mga sandali na iyon. Ang tanging ilaw nakabukas ay nasa dining area since andun parin ako nag mamop sa may sahig habang si Andrew ay nakaharap siya sa isang table, busy ito sa pagpupunas ng mga plato at silverwares gamit ang isang malinis na cloth sa kamay nito. Napahinto kaming dalawa sa ginagawa namin sabay lumingon sa may nakabukas na pintuan. Doon ay pumasok si Ma'am Darbus na may bitbit itong mga papeles sa kamay nito. Tumigil siya sa paglalakad at humarap ito sa amin dalawa ni Andrew.

"Andrew and Matthew, pwede rito muna kayo sa loob ng restaurant? May kailangan lang akong ayusin sa loob ng office ko." sabay pinakita sa amin ni Ma'am Darbus ang hawak niyang papeles sa isang kamay nito tapos ngumiti siya. "So payag ba kayo Boys? Isang gabi lang naman."

Nang lumapit si Andrew sa gilid ko at inakbayan ang braso nito malapit sa may leeg ko sabay sabing "Sure Madam, basta taasan mo ang sweldo namin ni Matthew afterwards." Atsaka ngumiti itong nakakaloko.

"Uy brad mahiya ka naman kay Ma'am. Mga empleyado lang tayong dalawa rito tapos magsasalita ka ng ganiyan sa kanya? Where is your sign of respect?" bulong ko sa may tenga ni Andrew sabay suntok ko sa tagiliran nito. Napaatras siya agad at kumalas ito sa pag akbay sa akin.

Nang binatuhan niya ako ng isang masamang tingin sabay bulong nito sa tenga ko. "Sus kunyari ka pa. Ayaw mo nun? May extra budget ka at makareto ka pa ng chicks!"

"Loko!" tanging sagot ko sa kanya tapos lumingon kay Ma'am Darbus. "Sige Ma'am payag ako mag overtime since na kasanayan ko na magtrabaho ng night shift, eh."

"Good. Then it's settled." She clapped both of her hands lightly sabay tinuro kami ni Andrew "Both of you. I will double your salary at pagbutihin ninyo ang trabaho ninyong dalawa, ah?"

"Asahan ninyo po Madam. Kami pa!" pagmamayabang na sabi ni Andrew.

"Sige. Asahan ko yan ah?" sabi ni Ma'am Darbus sabay paglabas nito sa may pintuan.

Nang binalot ulit ng katahimikan ang buong dining area habang kami ni Andrew ay nakatingin sa isa't isa na may kasamang ngiti sa mga labi namin.

                     *            *             *

Ilang minuto na ang nakalipas ang tinagal namin ni Andrew sa paglilinis sa loob ng kusina. Isa isa namin isinukbit ng maayos ang mga kitchen utensils pabalik sa mga lalagayan nito sa may dingding. Nang matapos na ang lahat, nagpaalam ako kay Andrew na pupunta ako sa banyo para umihi doon sa loob kaya tumango naman ito sabay nag fist bump kaming dalawa nang nakalabas na ako sa may kusina.

Nang nasa loob na ako ng banyo.  Pumasok ako agad sa isang cubicle para umihi. Binuksan ko ang zipper ng pantalon ko paibaba atsaka napatingala ako sa may puting kisame nang naramdaman ko ang paglabas ng likido sa may ari ko. Nang matapos na ako umihi sa toilet bowl ay inayos ko ang zipper ng pantalon ko paitaas.

Napatigil ako nang may narinig akong kaluskos malapit sa may dingding. Napaatras ako ng hakbang sabay paghawak sa may dibdib ko nang naramdaman ko ang pagpintig ng puso ko parang pakiramdam ko hindi ako makahinga ng maayos dahil sa narinig kong tunog na 'yon.

I was sweating in fear as I become to hear some heavy footsteps coming from the tiled floor nang tumigil ito sa harapan ng cubicle na kung saan ako nakatayo.

Nanlaki ang mata ko nang may nakita akong dalawang itim na kamay sa itaas ng cubicle atsaka humawak ito ng mahigpit nang sinimulan itong iyugyog ng marahan hanggang sa pabilis ng pabilis ang pagyugyog nito sa cubicle.

Napapikit lamang ako sabay nag dasal. Pagdilat ko ng akin mata biglang nawala ito parang bula. Nang nagmadali akong lumabas ng cubicle at sa sobrang takot ko ay kumaripas ako ng takbo palabas ng banyo habang hawak ko ang isang kamay ko mula sa dibdib ko dahil sa kaba ng akin nadarama sa mga sandali na iyon.

                    *              *              *

Paglabas ko ay agad bumati sa akin ang matinding kadiliman sa may hallway. Halos muntik na akong madapa sa malamig na semento dahil sa pagtakbo ko. Napasandal ako sa may dingding sabay hinabol ko ang hininga ko habang naramdaman ko ang pagpintig ng puso ko.

Shit. Bakit patay ang mga ilaw dito?

I immediately took my cellular phone out from my pants pocket. Pagpindot ko ng cp ko ay biglang umilaw ang homescreen nito atsaka agad itinapat ko ito sa madilim na hallway. Nang kumalat ang liwanag sa daanan. sinimulan kong ang paglakad habang hindi ko maiwasan ang paglambot ng tuhod ko sa takot.

I took several sharps breaths while my eyes was focused in the way. Napahinto ako nang may nakita akong kislap na liwanag sa dulo ng hallway.

Dahan dahan kong nilapitan ito hanggang sa makarating ako sa may dulo. Nang tumanbad sa akin harapan ang dining area. Napakunot ang noo ko dahil nakita ko ang pagpatay sindi ng mga ilaw sa loob ng dining area tila walang tigil ito. Nang naramdaman ko pagtindig ng mga balahibo ko tila pakiramdaman ko may nangyayari na kababalaghan sa loob ng dining area.

Dahil sa curiosity ko ay kaagad ko hinawakan ang sindura sabay pinihit ko ang pintuan paloob. Pagpasok ko sa dining area ay bumati sa akin agad ang malamig na hangin malapit sa mukha ko. Nanigas ang katawan ko sa may sahig habang ang mga mata ko ay nakatuon sa dulo ng dining area.

May nakita akong tao nakaupo sa isang table habang kumakain ito na gamit ang mga kamay nito. My horrified face was in pure shock.

Paano may nakapasok na tao sa loob ng dining area? I swear kinandado ko lahat ng mga pintuan sa restaurant. I don't really remember a thing na may pumasok pala na tao. Which is odd to believe.

Nang hindi ko namalayan na may binangga pala ako na isang upuan banda sa likuran ko. Nang lumingon ako pabalik sa may table na kung may taong nakaupo.

Nanlaki ang mata ko nang tumigil ang tao sa pagkakain nito atsaka sinenyasan ako na lumapit sa kinauupuan nito.

Napalunok ako sabay paghakbang ng mga paa ko. Nang makarating ako sa may table ay lumamig agad ang buong katawan ko sa sobrang takot nang narinig ko ang pagsalita nito sa harapan ko.

"Gusto kong mag order ulit ng pagkain." malamig na sambit nito.

"Pasensya na pasarado na kasi kami kaya pwede po umalis na lang kayo." sabi ko sa kanya habang naramdaman ko ang paglambot ng kamay ko sa takot.

"Ayaw ko!" sigaw nito sabay paghampas ng malakas sa may table. "Gusto kong mag order ulit. Bingi ka ba!?"

"Hindi." umiling ako sabay huminga ako ng malalim. "Ano po ang order ninyo na pagkain?" tanong ko sa kanya.

"Gusto ko ng.." His voice trailed off nang nakita ko ang palalaro niya ng kutsilyo sa kamay nito. Napaitlag ako nang sinaksak niya ito sa may table. "Gusto ko ang lamang loob mo!"

Tuluyan akong napaatras dahil sa takot nang bumalik ang kuryente sa loob ng dining area. Napasuka ako sa may sahig nang may nakita akong katawan na nakahandusay sa itaas ng table. Malaki ang pagbukas ng dibdib nito habang may lumalabas na pulang likodo mula doon. May mga dugo nagkalat sa itaas ng table, upuan at sa may sahig. What a gruesome sight to see.

Then I just realize who was that dead person in matter of seconds.

Si Andrew. Ang katrabaho ko. Pinatay at kinain siya ng lalaki. Isa itong cannibal na customer! Na handang patayin ako anumang oras na gusto nito.

Hindi ko na pinaglapas ang pagkakataon ang kumaripas ako ng takbo palayo sa baliw na lalaki na 'yon. Pinagtutumba ko ang mga upuan sa may sahig habang tumatakbo ko papunta sa may front door para makalabas.

Bago man ako makarating doon. Napasigaw ako ng malakas nang naramdaman ko na may sumaksak banda sa may likuran ko halos napaluhod ako sa semento dahil sa sobrang sakit nito. Ginalaw ko ang isang kamay ko sabay kinapa ko ang likuran ko nang may hinawakan akong matigas atsaka may malapot na tubig umaagos mula roon.

Pagtingin ko sa isang kamay ko halos nanlaki ang mata ko nang nakita ko ang sariling dugo ko at napagtanto ko na sinaksak ako sa may likuran gamit ang isang matulis na kutsilyo. I scream at the top of lungs because of the heavy pain spreads all over my system halos hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil sa pagsaksak sa may likuran ko.

Napatigil ang hininga ko nang may narinig akong mga yapak palapit sa niroroonan ko. Napahinto ito sa likuran ko nang napaluhod ito sa gilid ko.

"Di ba sabi ko sayo na gusto ko kainin ang lamang loob mo? Bakit hindi mo ko pinagbigyan?" bulong ng lalaki banda sa tenga ko nang naramdaman ko ang paghila niya ng kutsilyo paitaas sa may likuran ko.

"Ahh!" sigaw ko halos lumalabas na ang mga ugat sa may leeg ko dahil ginawa niyang paghila ng kutsilyo.

"Alam mo. Lalo mo ako pinapagutom, eh. Mas lalo akong naexcite na tikman ang lamang loob mo." sabay ngumisi ito nang pinahid niya ang dulo ng kutsilyo sa may pisngi ko. "Bawal kang tumanggi dahil binenta na ng manager mo ang katawan mo sa akin!" dagdag nito tapos narinig ko siyang humalaklak na parang isang demonyo.

Nagugulahan ko sa sinabi ng lalaki sa akin. How come Ma'am Darbus did to us? How come she sold our precious bodies to this freaking cannibal customer!

"Oops. Masyado na pala akong madaldal kaya simulan na natin ang paghiwa ng dibdib mo!" sabay tinulak ng lalaki ang likod ko sa semento. Napahiyaw ako sa sakit nang tumama ang mukha ko doon. Agad pinaharap ako ng lalaki atsaka pinunit niya ang uniform ko nang tumanbad sa kanya ang matiponong dibdib ko.

Napailing siya ng ulo sabay inamoy nito ang leeg at dibdib ko nang naramdaman ko ang hininga nito halos natakot ako kung ano ang gagawin ng lalaki sa akin sa mga sandali na iyon.

"Ang sariwa mo buti na lang hindi na sayang ang binayad ko sa katawan mo." komento ng lalaki nang itinapat niya ang kutsilyo malapit sa gitna ng dibdib ko atsaka pinaglalaro niya ito sa pamamagitan ng pagguhit ng isang linya pababa. "Maganda sana ang itsura mo kaso hindi ako bakla para gahasain ka dahil nagpunta ako dito para kainin ang lamang loob mo!"

Nang itinaas ng lalaki ang kutsilyo sa hangin bago tuluyan niya isaksak ito sa may dibdib ko, agad kong isinipa ang tagiliran ng lalaki. Napatumba ito sa may semento sabay pagbitaw ng kutsilyo sa kamay nito.

Tumayo ako sa mga paa ko at tumakbo ako papunta sa front door. Binuksan ko ang pintuan atsaka lumabas ako sa may dining area.

                        *         *          *
  
Pagpasok ko sa loob ng kitchen area ay agad ko nilock ang pinto nasa harapan ko. Napasandal ako sa may dingding sabay napasigaw ako ng malakas. Shit. Grabi ang natamo kong sugat banda sa likuran ko halos lumabas lahat ng dugo mula sa pagsaksak sa akin ng lalaki cannibal kanina sa may dining area.

I can't explain what is exactly is happening here. All I know was that he was after my flesh and bones. Hindi siya titigil hanggang sa mapatay niya ako talaga atsaka lantakin nito ang mga lamang loob ko.

Bullshit. This is one of the worst moments that ever happen in my whole freaking life! Damn that cannibal customer! 

Napaatras ako nang biglang bumukas ang pintuan nasa harapan ko. Nakita ko siya nakatayo sa labas ng hallway habang ngumingisi ito sa akin.

"I have no time playing hide and seek. You idiot." The cannibal customer sneered, as he got closer to me while holding a bloody knife in his hand.

Nang kumaripas ng takbo ito papunta sa direksyon ko. Agad kong iginalaw ang mga paa ko tapos tumakbo ako palayo sa kanya.

Nagulat ako nang may isang kutsilyo dumaan malapit sa may braso ko kaya naramdaman ko pagdaplis nito sa balat ko. Napangiwi lamang ako sa sakit atsaka umilag agad ako dahil sunod sunod ang pagbato ng lalaki ng mga matulis na kutsilyo papunta sa deriksyon ko. Nakapahawak ako sa table sabay huminga ako ng malalim dahil naramdaman ko ang sakit tila kumakalat ito sa loob ng system ko.

Then I saw him standing in the other of the long table. He was grinning evilishly while gripping the bloody knife into his hand. His brown eyes was full of hunger. He really wanted to torture me badly and eat my whole body with no mercy. 

I felt the bead of sweat falling from my forehead habang pinanood ko ang mga kilos ng lalaking cannibal sa kabilang table.

"Sumuko ka na hayop ka! Wala ka nang matatakasan rito sapagkat hawak ko na ang buhay mo!" sigaw nito nang pinagbabato ako ng mga kaldero, frying pan at iba pang nakita nito para ihagis ito sa deriksyon ko.

Isa isa yon tumama sa may mukha ko. Naramdaman ko ang sakit mula roon kaya napaatras ako ng hakbang nang tuluyan nawala ng balanse ang katawan ko sabay pagbaksak ko ng likuran ko sa may semento.

I groaned in pain as I felt my back kissed the tiled floor. I breath heavily tila nawawalan na ako ng oxygen sa loob ng lungs ko dahil sa pagbagsak ko ng malakas sa may semento. Nang naramdaman ko ang paghila ng lalaki sa may buhok ko. Nakita ko ang pagdampi ng kutsilyo na hawak niya banda sa leeg ko.

"Hayop ka! Pinagod mo pa talaga ako sa kakahabol sayo!" inis na sambit ng lalaki sabay ibinaon nito ang kutsilyo sa may leeg ko.

I screamed in pain halos tumirik ang mga mata ko sa sobrang sakit nang nakita ko ang pagsirit ng dugo mula sa leeg ko. He was about to slit my freaking throat in half!

Nang kumalat ang mga dugo ko sa iba't ibang parte ng katawan ko. Ang iba naman ay tumalsik banda sa mukha ng lalaki. Nakita ko kung paano niya dilaan ang dugo ko gamit ang isang daliri tila nasasarapan ito.

"Hmm. Puta ang sarap ng dugo mo! Nakakagana talaga." komento ng lalaki sabay pinadaanan niya ang kutsilyo banda sa dibdib ko. Naramdaman ko ang tulis nito dahil sa paguguhit niya ng balat ko ng paitaas at pababa.

"Pakawalan mo ko! Maawa ka sa akin." hingal ko na sambit sa kanya tila nawawalan na ako ng hininga dahil sa paghiwa ng lalaki banda sa leeg ko.

That moment I was between life and death situation. But mostly. I felt my death is fast approaching because I was held captive by the cannibal customer. In short. I was about to die in any minute.

"Maawa? Pinagtatawanan mo ba ako? Hayop ka!" sabay sinuntok niya ang tyan ko kaya napaubo ako ng dugo sa may semento. "Hindi pa ako nabusog. Bwisit ka! gusto mo talaga maramdaman ang pagkamatay mo, ah?" nang sinaksak niya ang dibdib ko gamit ang kutsilyo na hawak nito.

"AHH!" I whimpered. Nang naramdaman ko pagbaon ng kutsilyo banda sa dibdib ko.

Hanggang sa tuluyan nito hiniwa ang dibdib ko ng pababa sa may tyan ko sabay pagtalsik ng mga dugo mula roon, halos kumalat 'yon sa buong katawan ko na parang bumubuga na isang water fountain. But what I saw with my terrified eyes is my blood splattered everywhere.

Nang narinig ko ang paghalakhak ng lalaki  ng malakas tila na tagumpayan nito ang paghiwa niya sa may dibdib ko.

Nakahandusay parin ang duguan kong katawan sa may semento habang patuloy ang pagsirit ng dugo ko palabas sa dibdib ko na halos hinang hina na ako na parang nawawalan na ako ng hininga.

"May sasabihin ka pa ba hayop ka!?" sigaw ng lalaki banda sa tenga ko.

Binatuhan ko siya ng isang masamang tingin sabay pinilit kong ibuka ang bigbig ko para makapagsalita. "Pagbabayaran mo ito ang ginawa mo sa akin. Gago ka!" malamig kong sagot sa kanya.

"Pasenya na pero binayaran ko na ang katawan mo kaya kakainin ko ang laman loob mo!" sigaw ng lalaki sabay yumuko ito pababa sa dibdib ko nang marahas nito nilantak ang kabuan ko na walang bukas.

Nang naramdaman ko na may isang malaking kumot na bumalot agad banda sa lungs ko at tuluyan ng nawalan ako ng hininga sa mga sandali na iyon.

                    *             *             *
   
"Brad! Oy gising na!" sigaw ng lalaki banda sa tenga ko.

Nang naramdaman ko ang pagbaksak ng tubig sa buong mukha ko. Iminulat ko agad ang mata ko sabay pagbalikwas ako ng bangon nang may tumanbad sa akin harapan ang isang familiar na lalaki. Nilibot ko ang tingin ko sa buong palagid nang pagtanto ko nasa loob ako ng banyo nung nawalan ako ng malay sa semento sa mga oras na iyon.

"Ilang oras ba ako natulog rito?" Iyon ang mga unang salita lumabas sa bigbig ko.

"Brad mga twenty minutes ka natulog rito halos walang tigil ang paghahanap namin ni Madam Darbus sayo sa buong restaurant. Mabuti na lang nakita kita rito." may halong pag alala sa boses ni Andrew nang inaalayan akong tumayo sa mga sarili kong paa.

                    *          *          *

Kinabukasan ay agad ako nagpasa ng isang resignation paper sa manager ko para maka alis na ako sa restaurant na iyon. Di ko alam kung bakit ko 'yon ginawa pero ang unang pumasok sa loob ng isipan ko ay napaginipan ko nung gabi na iyon na halos patayin ako ng isang cannibal na customer ng buhay.

For at least from now. I'm blessed that I'm alive and learn a huge lesson from what I had encountered that bloody night.

                        
                             ~END~

Author's Note: Yow! It's been a week since I last update a one shot. I'm deeply sorry if I'm that slow when it comes to updating.

Did it gave you goosebumps?

I hope my third one shot gives you a satisfaction.

I'm sorry if I didn't reach your standards but I'm thankful that you guys read this in the end!

Don't forget to vote and comment!

It's highly appreciated.

Till the next update!

I'm not sure when but I will soon if I have a spare time.

Yours Truly,

MmTt11







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro