Horror 1 : The Toy Eater
THE TOY EATER
I was nine years old when I first encountered that hideous monster, who changed my peaceful nights into a miserable hell. Noon una hindi ako naniniwala sa pinagsasabi ng matanda sa paligid ko na may isang malaking halimaw na kumakain daw ng mga laruan ng mga bata, tuwing pagsapit ng gabi, madalas daw ito lumalabas sa dilim at nagpapakita laman ito kapag pinabayaan daw ang pagkalat ng mga laruan sa kwarto, pero sa naranasan ko noon gabi na 'yon, doon ko tuluyan na isip na totoo ang lahat ng tsimis nila tungkol sa halimaw na siyang magbibigay ng kakaibang kilabot sa buong buhay ko.
* * *
That one cold evening. I was alone at my room, busy ako sa paglalaro ng Super Smash Bros sa TV gamit ang Wii console na regalo ni Dad sa akin ng pasko last year habang ang paligid ko naman ay puno ng kalat sa bawat sulok ng kwarto na parang dinaanan lang ng bagyo kung tignan, that scenario goes on and on, Hindi ko kaagad nililigpit ang mga nakakalat na gamit ko since may personal maid kami, inaasahan ko lang sa kanya ang pag - aayos ng kwarto ko.
To be honest, I was careless when it comes to my personal stuffs and especially, my expensive toys.
Palagi ako pinagsesermonan ng Mom ko sa tuwing papasok siya at pagobserve nito sa kubuan ng kwarto ko, palagi niya ito nakikita na makalat, madumi at masakit sa mata na parang hindi kwarto daw ng isang normal na tao kundi kulungan ng baboy. In short. It was totally messy.
She always remind me na matuto daw ako mag ayos ng mga gamit ko na mag isa at hindi palaging umaasa sa maid namin. At higit sa lahat, matuto daw ako maging responsable sa lahat ng bagay kagaya na lang sa pag ligpit at pag ayos ng mga gamit sa loob kwarto ko, which hindi ko magawa gawa ever since.
Bata pa ako noon at wala akong kaalam alam sa gawaing bahay since spoiled ako ng mga parents ko, nilalabas ko lahat ang mga sermon at payo ni Mom sa kabilang tenga ko na parang balewala sa akin ang mga pinagsasabi niya.
One time, noon nasa higaan ako nakadekwatro, naglalaro ako ng PSP nang bumukas ang pintuan ng kwarto ko ng malakas kaya napahinto ako sa ginagawa ko at tuluyan napaupo ng maayos, nakita ko kung paano si Mom na nananliksik sa galit habang tumitingin ito sa paligid.
"Lionel, how many times do I have to tell you, na linisin mo ang kwarto mo?" sermon ni Mom, napamewang ang mga kamay nito sa beywang niya habang nakatigtig sa akin tila na dismiya siya dahil hindi ko sinunod ang mahalagang bilin niya na ayusin ang mga gamit ko na nakakalat lang sa loob ng kwarto ko.
Napakamot na lang ako ng batok ko atsaka sinagot siya, "Mom, sorry, I forgot to clean my room." madalas ko itong ginagamit na dahilan kay Mom pag na huhuli niya ang kwarto ko na hindi maayos at malinis.
"Puro ka dahilan at sorry, kailangan ka ba matuto mag ayos ng kwarto mo?" mom started to pick up the magazines and comics which was scattered in the tiled floor, nilagay niya ng maayos ang mga ito sa study table ko at umupo siya sa higaan malapit sa gilid ko, "you should learn how to clean your room without any assistance from our maids. I want you to be independent when you grow up, hindi lahat ng bagay inaasa sa ibang tao, kung kaya nila, kaya mo rin gawin 'yon," dagdag nito sabay hinalikan niya ang noo ko ng marahan.
"Mom, promise I won't do it again."
"Lionel, don't make any promises na hindi mo ginagawa ng kusa, you know that.." before she could continue. I immediately cut her off.
"Actions speak louder than words," I mumbled with a playful smile on my face.
Mom giggled, "kabisado mo talaga ang sinasabi ko sayo ah?" ginulo niya ang buhok ko sabay niyakap ako ng mahigpit, "pero please, always keep that in mind ok?"
Napatango ako bilang pagsagot sa kay Mom atsaka kumalas kaming dalawa sa pagyakap sa isa't isa.
"Lionel, darating pala ang lola mo this coming Friday. I want you to start practicing on cleaning your room from now on," tumayo siya sa higaan at huminga ng malalim, "just to inform you na strikto ang Lola mo pagdating sa kalinisan kaya humanda ka kung sakali siya pumasok sa loob ng kwarto mo. I want you to be fully prepared for it, is that clear son?"
In the second time around. I nodded politely like an innocent angel.
"Good, sana tandaan mo lahat ng sinabi ko sayo today, and I hope you won't disappoint me afterwards," binuksan ni Mom ang pintuan at tuluyan na siyang lumabas sa kwarto ko.
* * *
The days had past, nakalimutan ko muli ang mga payo ni Mom tungkol sa paglinis ng kwarto ko kaya bumalik na naman sa dati na parang balewala ulit sa akin, halos bumabaha sa loob ng kwarto ko dahil sa maraming naka kalat na laruan at ibang gamit ko sa bawat sulok at gilid ng kwarto ko. Mas inuuna ko pa ang paglaro ng videos games sa PSP ko imbes na ayusin at iligpit mga gamit ko sa sahig.
Habang nasa trabaho si Mom, palaging ko inuutusan si Manang Martha na linisan ng mabuti ang buong kwarto ko at sinasabihan ko ito na wag magsalita tungkol dito, kaya sumunod naman si Manang at hindi niya ako isinumbong kay Mom.
Tuwang tuwa ang reaction ni Mom nang makita niya ang loob ng kwarto ko na malinis at wala bahid na kalat sa bawat sulok tila kumikintab pa ang sahig sa sobrang linis. In return, binibigyan niya ako ng mga rewards katulad ng chocolates, at mga new videos games dahil sa kasipagan ko daw maglinis ng kwarto ko na walang kahit sino tumulong sa akin para magawa 'yon. Ang hindi alam ni Mom, nagsinungaling lang ako sa kanya pero deep inside, na guilty ako sa ginawa ko.
* * *
Friday came, nasa dining area kami ni Mom and Dad kumakain ng tanghalian nang biglang tumunog ang doorbell sa labas ng gate. Isa isa kami tumayo sa inuupuan namin at pinuntahan ang front door.
Dad was the first one who touch the door knob, kaya nung binuksan niya ang pintuan, bumungad sa amin harapan ang matandang babae nakatayo na may hawak na tungkod at nakasuot siya na puting bestida at itim na pantalon, na tuluyan pumasok ito sa loob habang tumitingin sa palibot nito.
* * *
My parents greeted my grandmother a warm welcome inside to our humble home. Pinaupo siya ni Manang Martha sa isang rocking chair at pinainom ito ng maligamgam na tubig.
I saw her wrinkle lines marked in her forehead, whenever my grandmother smiles to Mom. Nang tumingin ito sa direksyon ko.
"Lionel, give your grandmother a warm welcome hug," mom said to me.
Tumayo ako sa couch at niyakap si Lola Ruth ng marahan.
"Tell me, grandson. Kamusta ka? Are you been a good boy to your parents lately?" tanong ni Lola Ruth.
"Yes po Lola," tumingin ako sa kay Mom and Dad, they were both smiling and nodding at me, "mahal ko po silang dalawa."
"Oh? That's good to hear my grandson," she nodded eagerly like she was convinced through my answer.
"Bakit po kayo pumunta dito?" I asked that weird question out of no where, nang maramdaman ko ang masama pagtigtig sa akin ni Mom na parang may mali sa sinabi ko.
"Well apo, na missed ko lang bumalik dito at makita kayong tatlo ulit," ngiting sabi ni Lola Ruth sabay nag observed sa paligid, "I must say, there was a big improvement sa loob ng bahay ninyo, very tidy and pleasing to the eyes," she later on remarked.
* * *
Buong maghapon nilibot ni Lola Ruth ang bahay namin para obserbahan ang kalinisan sa paligid. Nagsimula siya sa may kusina, sa garahe, hardin sa labas, furnitures, living room, dinning area, mga display na antiques ni Mom hindi pinaglagpas 'yon ni Lola Ruth kaya maigi nito tiningnan gamit ang hintuturo niya sa pagpahid nito kung sakali may nakita itong madumi. Tumatango lamang si Lola tila namangha sa nakita niya dahil sa pinapahalagahan ang paglinis ng bahay namin.
"Eleanore. I was stunned on how you maintained the cleanliness of this whole house of yours, at walang pagtataka na pinili kita bilang tagapagmana ng bahay ko," puri ni Lola Ruth kay Mom.
"Salamat Ma, masaya kami nina Richard at anak kong si Lionel na tumira dito sa bahay, tumutulong din kami sa katulong namin na gumawa ng house chores," Mom smiled modestly, while her hand patting my head.
"Talaga?" Lola Ruth's eyes widen in surprise.
Tumango si Mom tapos hinila niya ako palapit sa balikat nito, "also, tinuruan ko ang anak kong si Lionel na maglinis ang sariling kwarto niya," tumingin si Mom sa akin, "guess what? Malaki ang pinagbago niya, parang binata na talaga ang anak kong ito dahil sa sobrang sipag nitong maglinis."
Tumingin si Lola Ruth sa'kin, "oh sige, aakyat din ako mayamaya sa second floor, sa ngayon, magpapahinga muna ako sa labas ng hardin."
Inutusan ni Mom si Manang Ruth na alalayan si Lola Ruth papunta sa labas ng hardin, habang kami ni Mom ay tuluyan ng umakyat sa second floor.
* * *
Ilang oras na akong nakatuktok sa harap ng TV screen sa loob ng kwarto ko. Nanonood kasi ako ng paboritong kong cartoon series na Pokemon XYZ, habang nilalantak ko ang isang box ng chocolate ice cream na palihim ko naman kinuha sa ref namin sa ibaba ng kusina.
Nang may narinig akong kumatok sa may pintuan ko. Nataranta akong tumayo sa higaan ko at kaagad iniswicth off ang TV.
Pinunas ko ang bigbig ko gamit ang isang kamay, nagmadali akong pinuntahan 'yon nang biglang bumakas ang pintuan sa akin harapan. Nanlaki ang mata ko, pigil ang paghinga ko nang makita ko si Lola Ruth na nakatayo sa labas habang ang mga mata nito ay nakatuon sa loob ng maduming kwarto ko.
Patay
Wala siya sinabi sa akin at tuluyan itong pumasok sa loob. Kaliwa't kanan tiningnan nito ang palibot. Narinig ko ang pagbugtong hininga ni Lola Ruth, habang umiiling ang ulo nito tila hindi niya nagustuhan ang nakita niya sa loob ng kwarto ko.
Napaharap ito sa akin nakasimangot ang mukha nito dahil sa pagkadismiya, "all this time, grandson, you'd been lying to us? Akala ko pa naman responsable ka kagaya ng sinabi ng Mom mo sa akin kanina? Paano mo naman nagawa magsinungaling?" sunod sunod ang tanong ni Lola Ruth sa'kin, sa bawat salita na binitawan nito ay may diin.
Hindi ko alam sa mga sandali na 'yon, umiiyak na pala ako.
Nang pumasok si Mom and Dad sa loob ng kwarto ko.
"What's going on here!?" bulalas ni Dad, sabay lumingon ito kay Lola Ruth, "ma, bakit umiiyak si Lionel? Tinakot ko mo ba siya!?"
Hindi umimik si Lola Ruth bagkus naka tigtig parin ito sa akin.
Hinagod ni Mom ang likod ko sabay niyakap ako ng mahigpit, "Lionel, can you explain what's happening here? Ano ba sinabi ng Lola mo sayo ha?"
Umiiling ako bago sumagot "wala po,"
"Lionel, bakit ang daming kalat ng kwarto mo!? Akala ko nilinis mo? Bakit ganun parin? Ha?" natarantang tanong ni Dad sa akin, nang nakita nito na madumi ang buong kwarto ko.
"Tell me, son, you'd been lying to us? kaya pinagalitan ka ni mama dahil rito?" malumanay na sabi ni Mom sa'kin habang pinupunasan nito ang luha malapit sa pisngi ko.
"Opo, I'd been lying since you told me to clean my room before Lola Ruth comes to visit our house, palagi kong inuutusan si Manang Martha na linisin ang kwarto ko bago umuwi ka Mom galing sa trabaho," napayuko ako sabay tiningnan ang sahig, "sorry po, I was not the one who clean my room. I don't deserve to be a good responsible child like you always wanted me to become Mom."
Mom stared at me pitifully sabay huminga ng malalim, "Lionel, please nakikiusap ako sayo na ayusin mo naman ang kwarto mo, why did you disobey me? I told you a million times about it, have you forgotten?"
"Hindi po," ang tanging sagot ko.
"Enough. Eleanore, hindi dapat pinagsasabihan ang anak natin na ganyan kaya nagiging spoiled lalo yan dahil hinahayaan natin siya," sermon ni Dad, tapos humarap ito sa'kin, "young man, you're grounded for one month, no more video games for you, from now on, you will only go out until you finish cleaning your room," sabay kinuha nito ang PSP ko at iba pang video games ko, isa isa niya ito nilagay sa isang malaking box at tuluyan lumabas sa kwarto ko si Dad bitbit ang kahon na nilalaman ng mga gamit ko.
I stomped my feet irritatedly, "that's not fair! Dad! You can't do this to me! I hate you! I hate you!" napaupo ako bigla sa sahig dahil sa inis, patuloy ang pagwawala ko doon nang inawat ako ni Mom at dahan pinatayo ako nito.
"Lionel! Tumigil ka nga! Stop this nonsense! Di ba narinig mo naman ang sinabi ng Dad mo? Linisin mo daw ang kwarto mo!" giit ni Mom habang hinahawakan ang braso ko.
"I don't want too, andyan naman si Manang Martha, eh, siya mag ayus ng mga nakakalat na gamit ko rito!" I protested.
"Wag mo sana inaasa palagi kay Manang! Please, just clean your room Lionel, hindi mabigat gawin 'yon," sabi ni Mom sa akin. Her tone was pleading.
"No!" I shouted at the top of my lungs, sabay humiga sa kama at tinakpan ang mukha ko gamit ang isang unan, doon ko nilabas lahat ng sama ng loob ko.
I hated to be ordered around.
"Lionel! Bahala ka nga dyan! I tried to pursue you many times already! I'm so damn tired! If that's what you want, then fine, deal with it!" nang narinig ko na padabog na lumabas si Mom sa kwarto ko.
Naramdaman ko ang paghiwalay ng unan sa mukha ko, napaitlag ako at tuluyan napaupo sa kama. Nakita ko si Lola Ruth na nakatayo sa gilid ko.
"grandson, see what I mean? alam ko ganito ang mangyayari sa iyo nang pumasok ako sa loob ng kwarto mo," lumapit siya ng konti sa akin at may binulong ito malapit sa tenga ko, "ayusin mo ang mga kalat sa kwarto mo bago magpakita ang halimaw at tuluyan kainin ang mga gamit mo."
Nanigas ang katawan ko dahil sa sinabi ni Lola Ruth.
"h-halimaw?" inosenteng tanong ko. I felt my shaky hands were cold as corpse.
"Bakit? Natakot ka? My dearest grandson?" sabi ni Lola Ruth nang nakita nito ang bakas na takot sa buong mukha ko.
Labag man sa kalooban ko, tumango ako bilang sagot. Nakita ko sa labi ni Lola Ruth ang nakakaibang ngiti, nakapanindig balahibo halos nanlambot ang tuhod ko dahil sa takot.
"Kung hindi mo pa linisin ang kwarto mo, asahan mo mamayang gabi magpapakita siya at kakainin niya lahat ng mga laruan at gamit mo, grandson." babala ni Lola Ruth atsaka tinapik ang kamay nito malapit sa braso ko sabay umalis sa harapan ko.
Nakita ko na lumabas si Lola Ruth sa may nakabukas na pintuan, napanganga na lang ako sa hangin nang binalot ng katahimikan ang buong kwarto ko.
Hindi ko namalayan na nilamon na pala ako ng antok kaya unti unting bumigay ang katawan ko na humiga sa malambot na kumot sabay pagsara ng mga mata ko at tuluyan na umidlip, then everything went pitch black.
* * *
Napabalikwas ako sa higaan sabay kinusot ang pilik mata ko. May narinig akong tunog malapit sa pintuan tila may kumakatok sa labas. Nung una, hindi ko 'yon pinansin at ipinatuloy ko ang paghiga sa kama sabay pinikit ang mga mata ko.
Nang hindi ito tumigil at panay ang pagkatok nito sa may pintuan, parang sunod sunod 'yon hanggang sa napaupo ako sa higaan, then I silently groaned because of that disturbing noise.
Sino bang abnormal ang kakatok sa ganitong oras in the middle of night? Ano kailangan kaya nito sa akin?
Ang sarap kaya ng tulog ko, tapos sisingit pa ito. Very wrong timing talaga naman, oo.
Sumulyap muna ako saglit sa wallclock na nakasabit sa itaas ng dingding ng kwarto ko para alamin kung anong oras na.
Alas tres ng madaling araw. What the?-
Based on my knowledge, this is the devil's hour. Then I felt the fear started to crawl into my veins and other parts of my body. Heck. I never felt this terrified before in my entire life. Ngayon lang talaga ako nanginig sa sobrang takot.
Napalingon agad ako sa may pintuan, napasandal ako sa headboard ng kama ko, nang narinig ko ang malakas ng paghampas nito sa may pintuan tila gusto nito wasakain ng husto at pumasok sa loob ng kwarto ko.
Natakot ako, hindi ko alam kung bakit ito ang nangyayari sa'kin. Hinawakan ko ng mahigpit ang dulo ng kumot ko sabay niyakap ang sarili ko para hindi ginawin ang buong katawan ko dahil naka on ang aircon sa kwarto ko. Pero kahit anong gawing ko sa mga sandali 'yon, hindi parin maalis ang kaba at takot sa loob ng dibdib ko.
Halos naghiwalay ang kaluluwa ko mula sa akin katawan nang biglang bumaksak ang pintuan sa harapan ng higaan ko. Napasigaw ako ng malakas ng makita ko sa mga mata ko ang nakakatakot na halimaw na nakatayo habang nakangisi ito sa'kin.
It was hideous and utterly disgusting, nakakasuka ang itsura ng halimaw, kulay itim ang balat niya, matutulis ang dulo ng dalawang tenga nito, marumi ang mga ngipin niya na may bahid na dugo sa ibaba ng labi nito. Malaki ang pangangatawan at malapad ang mga kamay nito, na parang may pagkahawig ito sa kapre o maligno.
Isa isa nito kinuha ang mga gamit at laruan ko na nakakalat lang sa may sahig sabay ibinuka ang bunganga niya at walang kahirap hirap na nilantak 'yon lahat, as in lahat.
I was astonished, to the point na wala ng natirang oxygen sa loob ng lungs ko. Nahihirapan akong huminga dahil sa paninikip ng dibdib ko.
Napaluha ako nang unti unting kinain ng halimaw ang mga mamahaling kong laruan sa loob ng bigbig nito. I wanted to fight back and save my precious things, but I literally can't, ayoko maging human dinner ng abnormal na halimaw na 'yon. Habang busy ito sa pagngunguya ng mga gamit ko sa bunganga nito.
I got a chance to escape from this bizarre horror. I dragged myself out of bed. then I silently tiptoed towards outside the hallway.
With my small victory, buong pwersa akong kumaripas ng takbo papunta sa kwarto nina Mom at Dad.
"Mom! Dad! Open this fucking door! Please!" I yelled, while my hands were pounding loudly against the closed door.
Hindi ko alam na biglang bumukas iyon at tuluyan napatumba ang katawan ko sa sahig. I felt the throbbing pain sa may braso at tagiliran ko, pinilit kong tumayo sabay hinanap ang light switch ng kwarto ng parents ko.
Napakunot ako, how come hindi sila nagising sa pagbulabog ko sa kwarto nila? What the hell just happen to them!? I don't want them to die! Not this moment!
Nang pinindot ko 'yon switch, biglang lumiwanag ang kwarto ng magulang ko at parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ko dahil sa nakita ko sa mga sandali na 'yon.
Napatakip ako ng bigbig sabay humagulgol ako ng malakas. What I see right now before my very own eyes wasn't really that pleasant but vomiting and disgusting at the same time.
Nakahiga parin sina Mom at Dad sa kanilang higaan pero pinapaluguan sila ng sariling nitong dugo. Nabukas ang dibdib nila pareho na may lumabas na pulang likido, puno ng galos at kalmot ang mga mukha nilang dalawa na halos hindi ko makilala ang mga magulang ko dahil sa nangyari sa kanila.
Their both dead. Freaking dead. My parents were dead. All of these was my freaking fault.
Napaluhod lamang ako sa malamig na semento at walang tigil ang pagiyak ko. No, please, tell me this is not real. It's only a fucking nightmare!
"Mom! Dad!" I shouted, my voice was cracked. No matter how many times I scream and shout, they will never come back to life, never.
I balled my fist. Nainis ako sa sarili ko. Kasalanan ko kung bakit hindi ko sila sinunod ang utos nila na linisin ang kwarto ko at kung bakit namatay silang dalawa. Kasalanan ko dahil sa pagiging irresponsible kong anak. I was stupid! I don't deserve this! This kind of bloody scenario. I desperately want my parents life back!
In order to get my bloody revenge. I must kill that toy eating monster! For Mom and Dad. I will give justice to their sudden death.
Binuksan ko ang drawer ni Dad at may kinuha doon sa loob, atsaka nagmadali akong lumabas sa kwarto.
* * *
"Hey you son of the bitch!" sigaw ko doon sa halimaw na kasalukuyan ngumunguya ng basketball sa loob ng kwarto ko.
Naphinto ito sabay binitawan ang hawak nitong bola, humarap ang halimaw sa'kin habang nangitngit ang mga ipin nito sa galit.
Oops, seems like I disturbed his toy dinner. Sorry. But I need to end this hell once for all. It's between me and the toy eater. Eye for an eye. Tooth for an tooth. Magtutuos tayo hanggang sa kamatayan.
"Come and face me like a brave man!" mas lalo ito naiinis sa sinambit ko.
Kaya ginawa nito tumakbo ang halimaw papunta sa direksyon ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko nang tinutukan ko ng baril ni Dad malapit sa tuhod ng halimaw.
I closed my eyes when I clicked the riffle nang marinig ko ang nakakabinging gunshot.
BANG! BANG!
"ARGHH!" napahiyaw ito sa sakit nang naramdaman nito ang pagtama ng bala sa tuhod nito.
I smirked victoriously when my gunshot had succeed, "the bigger they are. The harder they fall."
Habang iniinda ng halimaw ang matinding sakit nito sa tuhod. Pagkatataon ko na 'yon na tumakas sa labas ng kwarto ko.
* * *
Kasalukuyan tumatago ako sa loob ng mini cabinet na nakalagay sa ilalim ng lababo namin sa kusina.Tinakpan ko ang bigbig ko habang patuloy parin pagbaksak ng mga luha sa mata ko. Pinipigilan ko ang sarili ko na wag lumikha ng anumang ingay sa loob ng cabinet para hindi ako madaling matunton ng halimaw na kung saan man ako tumatago.
Ilang beses na din akong nagdadasal sa mga iba't ibang santo at sa mga verses sa bible na kabisado ko na makakatulong sa'kin para sa kaligtasan ng buhay ko. Buong puso ko 'yon pinagdasal na sana isang masamang panaginip lamang ang lahat ng ito at mawawala lang iyon kung ipapadaan ko ito sa pananampalataya sa diyos.
Niyakap ko ang sarili ko habang ang mukha ko tagaktak na ng pawis dahil takot ng akin nadarama. Ilang minuto na akong nakakulong sa loob ng mini cabinet at tahimik parin sa labas ng kusina. Nang biglang may narinig akong isang malakas na kalabog sa may pintuan. Napalunok ako atsaka hinawakan ko agad ang baril sa may gilid ko habang hinahanda ko ang sarili ko sa mga possibleng mangyayari sa akin. Napaitlag ako sa gulat ng bumasak ang pintuan sa sahig. Doon ko napatanto na andito na siya. Nahanap na niya ako. Naramdaman nito ang takot ko na bumabalot sa loob ng dibdib ko. The monster knows I'm here in the kitchen - hiding somewhere. Shit.
Naramdaman ko ang bawat hakbang nito sa sahig. Pigil ang paghinga ko at mariin ang pagpikit ko ng mata habang pinakiramdaman ko ang kilos ng halimaw sa loob ng kusina. Narinig ko ang lalim ng paghinga nito dahil sa natamo na sugat mula sa tuhod nito. Nang biglang tumigil ito sa tapat ng lababo na kung saan ako tumatago. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil naramdaman ko ang kaba na bumangon sa loob ng dibdib ko.
Nang may narinig akong na nakakabinging tunog sa itaas ng lababo tapos deritso itong bumaksak sa sahig. Mga basag na plato at baso ang kumalat sa loob ng kusina atsaka maraming bubog ang nakita ko sa may sahig. Isa sa mga ito ang tumalsik sa balat ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa matanding sakit. Hapdi at kirot ang naramdaman ko dahil sa isang malaking bubog ang tumama sa balat ko at may lumabas na sariwang dugo mula doon. Pinilit kong na wag sumigaw sa sakit bagkus ayoko pang mapatay ng halimaw.
Ilang minuto ang lumipas nang tumigil ang nakakabinging ingay sa loob ng kusina. Napahinga ako ng maluwag dahil sa nakalabas na ang halimaw. Nagmadali akong lumabas sa mini cabinet at tumayo na ako sa may sahig habang pinigilan ko ang paglabas ng dugo sa nasugatan kong balat. Binulsa ko ang baril sa gilid ng pajama ko at tahimik akong lumabas sa kusina habang iniinda ko ang sakit na akin nadarama sa mga sandali na iyon.
* * *
Hingal na hingal ako sabay napahawak sa dalawang tuhod ko para makalanghap ng hangin. Ilang minuto na akong nag hide and seek sa halimaw sa loob ng bahay namin pero hindi parin ako nito mapatay patay. Ilang beses na din akong muntik na huli ng halimaw dahil sa ilang ulit akong napahiyaw sa sakit malapit sa nasugatan kong balat. Ilang galos na ang natamo ko mula sa paa't binti ko dahil sa pagkakadapa ko sa sahig.
Kasalukayan hinihanap ko si Lola Ruth sa bawat kwarto sa itaas ng second floor pero wala siya doon sa mga loob na pinasukan ko. at lakas ng kutob ko na pinatay na siya ng abnormal na halimaw na 'yon.
Napahinto ako sa paglalakad nang naramdaman ko siya nakatayo sa likod ko. I felt it's glaring eyes stabbing near my back, nang naramdaman ko ang mga hakbang nito palapit sa'kin. Nanigas ang katawan ko sa sobrang takot at hindi ko maigalaw ang sarili ko para makatakbo palayo sa halimaw. I was to damn terrified.
The toy eating monster had found me and it was about to rip my flesh and bones with it's sharp long claws.
Shit. I was too young to experience this horror and that exact moment, wala na akong kawala, mamamatay din ako katulad nina Mom, Dad , and Lola Ruth whenever place she is right now but I know she's been killed that heartless monster.
I took several sharp breaths nang pinasok ang kamay ko sa loob ng bulsa ng pajama ko kung saan nakatago ang baril ni Dad, akmang ilalabas ko sana 'yon nang tuluyan ng lumapit ang halimaw banda sa likuran ko. Huminga ito ng malalim na halos nanindig lahat ang balihibo sa balat ko dahil sa takot ng akin nadarama. Gusto ko man harapin ang halimaw at barilin ito pero naunahan na akong ng kaba na siyang dahilan na tumigas ang buong katawan ko. Yon sunod na hindi ko inaasahan na mangyari nang sumalita ang halimaw banda sa tenga ko.
"Sinabi ko sayo na linisin mo ang kwarto mo. Di ba? Bakit hindi ka nagsunod?" tapos sumigaw ako ng malakas dahil sa sobrang gulat ko sa sinabi ng halimaw sa'kin.
Next thing I knew, hinampas ng halimaw ng malakas ang ulo ko gamit ang malaking kamay nito nang tumalsik ang katawan ko papunta sa may semento. Sa lakas ng impact halos nabagok ang ulo ko sa matigas na sahig. Napahiyaw ako sa sobrang sakit ng likod ko, hinang hina ako at hindi ko maitayo ang sarili ko dahil sa hapdi tila kumakalat na ito sa loob ng systema ko.
Bago ko maisara ng tuluyan ang akin mga mata, tumigil ang halimaw sa harapan ko atsaka tumawa ito ng malakas na parang isang demonyo nang nawala na ako ng malay sa mga sandali na iyon.
* * *
Iminulat ko ang mata ko nang may bumati sa akin ang nakakasilaw na liwanag banda sa mukha ko.
"Thank Goodness! Si Lionel! He's awake!"
"Manang Martha, please give us a glass of water, quick!"
"He looks pale as white."
Sari saring boses ang naririnig ko mula sa paligid ko nang tuluyan na akong gumising at nahimasmasan sa mga sandali na iyon.
I saw some familiar faces standing beside me. Worried and Relief was poured all over their faces.
Napaupo si Mom sa tabi ko sabay niyakap ako ng mahigpit habang ang isang kamay nito hinahagod ang likuran ko, "Lionel! I thought you will never wake up! Pinag alala mo kami lahat rito sa bahay!"
I blinked, "Mom?" sabay turo ko sa kanya, "you're alive?"
Paano nangyari 'yon? Di ba namatay sila lahat kanina? Wait. Panaginip ba lamang lahat ang mga iyon?
Mom narrowed her eyes seriously at me, "what kind of question is that Lionel? Of course I'm alive and we are so overwhelmed that you're perfectly fine."
I smiled in tears of joy and I hugged my Mom tightly once more.
"Mom. I'm so sorry kung hindi ko sinundan ang mga utos ninyo ni Dad na linisin ko ang sariling kwarto ko without any assistance from anyone in this house. I promise I will change myself for the better good." I sincerely said it with all my heart tapos nag kruss ako ng imaginary na X malapit sa dibdib ko, na tanda 'yon na hindi ko na uulitin pa.
"Lionel, we waited for a long time for you to realize it, thank god, you have learned a major lesson," Dad remarked in relief tapos ngumiti ito sa akin.
"Um, where's Lola Ruth?" I asked in curiosity sabay tumingin ako sa paligid. No sign of Lola anywhere kaya napabugtong hininga ako dahil doon.
"drink this first Lionel," utos ni mom atsaka binigay sa akin ang isang basong tubig.
Ininom ko ang tubig nang naramdaman ko ang pagrelax ng lalamunan at ang systema ko.
"Si Lola Ruth ay pinauwi na namin kanina lang, nasugatan kasi ang tuhod niya kaya hindi siya makalakad ng maayos, don't worry, you're grandmother is breathing fine." Mom replied with a sweet smile plastered on her face.
I was definitely surprise upon hearing those words from my Mom.
Nanindig ang balahibo ko sa takot.
Shit. Is it possible na siya ang toy eating monster? Si Lola Ruth. Heck. I don't know what to believe if it's true or it's only false nightmare.
Pero palaisipan parin ang nangyari sa akin nung madaling araw na 'yon.
It is was one of my unforgettable bizarre moments in my entire life. But thanks to it. I had changed myself for a better good.
Six Months later. Malaki ang pinagbago ng sarili ko. Hindi na ako 'yon dati na the careless kid na wala iniisip kundi magkalat ng mga basura sa loob ng kwarto ko. I changed into responsible and independent person like my parents wishes me to become.
Small things should never be neglected. We must see the brighter side of it and appreciated it wholeheartedly.
I guess this is the end. Thank you for reading my story. Hope you all learn a lesson for what I had experience that horrible night.
~ END ~
Author's Note : Hello! Anong masasabi ninyo sa short story na ito?
Did it gave you goosebumps?
What is your unforgettable horror experience? Kindly mind to share?
Salamat sa pagbabasa nito. Sana hindi ko kayo na disappoint.
I will do my best to write better in my next stories here in this book.
Hope you could join me to next my short story. Entitled "Hand In The Mirror."
Coming soon!
Happy Halloween Everyone!
Yours Truly,
MmTt11.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro