Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

Balisa ang lahat, nagkakagulo, may sumisigaw, nag-aaway, nagwawala. Iyan ang nakikita ng dalaga sa paligid kung nasaan siya ngayon. Gulong-gulo na siya sa lahat, pilit niyang tinitingan at linawin ang lahat pero hindi na ito tulad ng dati, hindi na ito kasing ayos nang mga panahon na naroon siya sa pwestong iyon at masaya.

Pinipilit na idilat ng dalaga ang mga mata upang hindi siya mawalan ng malay, kahit hilong-hilo ay pinilit niyang tumayo, gumigewang ang bawat hakbang nang dalaga ngunit dapat magpatuloy. Kinusot niya ang mga mata niya at sinabunutan ang kaniyang buhok, sinusubukan na huwag bumigay ang katawan sa pagod dahil kailangan niyang magpatuloy. Siya na lang ang natitira at kailangan niyang kumilos.

Kahit napapagod ay pinilit ng dalaga na humakbang at magpatuloy, kailangan niyang makalayo sa gulong 'yon at mailigtas ang sarili, habang nagpapakatatag ay siyang pag-agos nang mga luha niya sa mga mata habang naglalakad sa gitna ng kagubatan. Pinulot niya ang hindi kalakihang kahoy, tama lang para pang dipensa niya kahit papaano at muling nagpatuloy sa paglalakad kahit pagod na pagod na talaga ang siya.

"Please... Nasan na ba kayo?" puno ng sakit na pagbanggit ng dalaga sa mga salitang 'yon habang ang mga luha sa mga mata niya ay patuloy na nagbabagsakan. "Hindi ito yung plano natin diba? Bakit sa ganitong paraan tayong lahat natapos." muli niyang ibinagsak ang mga tuhod sa lupa at umiyak.

Sa isip nito ay sana matapos na ang lahat o hindi kaya sana panaginip na lang ang mga ito, mula sa bugso ng damdamin ay napatigil siya sa pag-iyak at natulala na lang bigla, maya-maya pa ay malakas itong tumawa, sumigaw at nagwala. "Bullshit! Bullshit!" tila nababaliw na sigaw nito. "Papatayin ko kayo! Papatayin ko kayo! Pagbabayaran niyo lahat ng 'to at itaga niyo 'yan sa bato!" malakas na sigaw nito na halos maglabasan na ang ugat sa leeg niya.

"Marami na kong sinakripisyo para sa lahat ng 'to! Kaya hindi ako papayag na matatapos lang sa ganito!" muling pagsigaw nito at galit na ibinato ang kahoy na hawak niya. "Pero bakit ito yung naging sukli?" muling kumalmal ang dalaga at napayuko, tila nababaliw na ito sa paiba-iba niyang katauhan.

Mula sa pagkakaupo at pagkakayuko ay mabilis siyang tumayo at naglakad, takbo lakad ang ginagawa nang dalaga, palinga-linga at humahangos na. Pero napatigil siya ng marinig ang boses na tumawag sa kaniya. Mabilis siyang napalingon at gulat na gulat nang makita ang tumawag sa kaniya. Mabilis siyang naghanap muli nang pang depensa dahil naiwan na niya kanina ang kahoy na ginamit niya.

"Huwag kang lalapit!" malakas na sigaw nito.

"Please tama na, umuwi na tayo." pagpapahinahon ng binata sa dalaga.

"Umalis ka na!" tila natatarantang sabi nang dalaga sa binata, galit na galit niya 'tong tiningnan at inaambaan ng kahoy na hawak niya.

"Mas lalo ka lang lalala kung magpapatuloy kang magmatigas!" napatigil ang dalaga ng sigawan siya ng binata. "Huwag mo namang hayaang talunin ka ng sakit mo." pagpapaintindi ng binata sa kaniya.

Unti-unti namang napatigil ang dalaga at napatitig sa lalaking kaharap niya, lumipas ang ilang minuto at muling nagbagsakan ang mga luha ng dalaga at napaupo na lang sa kinatatayuan niya. Hinang-hina na siya at hindi na niya talaga kaya.

"Please... Gusto ko ng umuwi." mabilis na tumango ang lalaki at nilapitan siya, patuloy ang pag iyak ng dalaga habang yakap siya ng binata.

"Huwag ka na mag-alala o matakot uuwi na tayo." Iyon na lang ang huling salitang narinig ng dalaga bago dumilim ang lahat.










Years Later...

Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata pagkatapos mag-alay ng munting dasal para sa taong dinalaw niya, muli itong pumikit at dinama ang lamig ng hangin. Sa muling pagmulat nang dalaga ay tiningnan niya ang tapat ng kinatatayuan niya at bahagyang napangiti.

"Happy Birthday..." sabi nito habang tinitingnan ang mga petsa at pangalan na nakaukit sa makinis na bato na nasa paanan niya. "Thank you so much for all the memories." sabi nang dalaga at dahan-dahang umupo sa harapan ng simento at inilapag ang bulaklak na dala niya at kasabay noon ay ang pag dapo ng mga tingin niya sa bawat sulok ng lapida na nasa harapan niya, tila kinikilatis ang ganda nito at napapangiti na lang bigla dahil sa isip ng dalaga, bagay na bagay ito para sa taong dinalaw niya. "Hayaan mo, kahit na sa susunod na buhay natin. Pinapangako at sinisigurado ko sayo......" mula sa malamlam na mga mata nito ay mabilis na nagpalit sa nagbabagang apoy ang mga tingin nito. "Ako at ako pa rin ang kikitil at babawi ng buhay mo." demonyong sabi nito at kasabay nang mga salitang 'yon ay ang nakakalokong ngiting sumilay sa mga labi niya, tumayo na ito at tiningnan muli ang puntod. "Hintayin mo ko at magkikita pa tayong dalawa. Hanggang sa muling pagkikita." huling salita nito sabay dura sa puntod bago tuluyang tumalikod at umalis.

Rest In Peace
November 1997 - January 2021

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro