Chapter 8: Soul Whisper
GERVIONE KIRSTYN GELOROSO
Point of View
-----------------
***
Nang matapos namin ang mga dapat gawin pinilit namin maging chill sa lahat ng oras, at ito nakaupo kami ng paikot habang nasa gitna ng Bonfire. Malamig na rin nag simoy ng hangin at salamat sa Dios dahil maganda ang gabi ngayon, bawat isa sa amin ay may camping chair at ang iba ay nakakumot pa.
"Ang sarap kapag ganito," masayang sabi ni Devyka habang hinihigop ang hot chocolate niya.
"You know guys, ang ganda ng panahon ngayon atleast kahit papaano nangyayari na yung gusto natin 'di ba? Sana magtuloy-tuloy na ganito na lang." singit naman ni Garreth.
"Oo nga! Lalo na nagrereklamo na 'yan si Garreth sa pagda-drive." natawa naman ako sa pang-aasar ni Groxx kasi ako ang pinapatamaan niya.
"Naku! Kahit naman sabihin ko kay Garreth na ako na ang mag-drive ayaw niya at baka daw mabangga ko pa." inayos ko ang kumot ko habang nilalagay sa apoy ang hawak kong marshmallow.
"Wow! Ang sarap naman nitong hot chocolate na 'to. Saan mo binili 'to, Groxx?" masayang tanong naman ni Larisa, at kita sa mukha niya na mas okay na siya ngayon.
"Padala lang 'yan sa akin ni Dad kasi nga alam niya na magro-roadtrip tayo." sagot ni Groxx kay Larisa, pero totoo ang sarap ng hot chocolate na 'to.
"Oh, inaantok na si Yenesia oh," napatingin naman kami sa natatawang si Hendrix ng ituro niya si Yenesia na halos tulog na sa camping chair siya at tila nakabaluktot pa habang nakaunan sa mga braso niya.
"Sorry guys, antok na talaga ako eh." nakapikit na sabi ni Yenesia kaya natawa kaming lahat.
"Ano ka ba naman, Yen! Magku-kwentuhan pa nga tayo eh." inalog ni Candice si Yenesia dahil siya ang mas malapit dito.
"Pero seryoso guys, may na-realize lang ako or pakigising nga ako kung nananaginip lang ako, seryoso ba yung nangyari sa atin kagabi?" tanong naman ni Hendrix.
Halos lahat kami ay nagkatinginan at hindi namin alam kung sasagutin ba namin dahil sa katunayan sana ayaw na namin pag-usapan dahil hanggat maaari goodvibes lang muna sana kaso hindi namin alam kung saan namin kukunin ang goodvibes kung pag-uusapan na naman namin 'yon.
"Huwag na lang natin pag-usapan baka may matakot na naman sa atin." singit naman ni Larisa.
"Speaaking, you Larisa." napatingin kaming lahat nang ituro ni Hendrix si Larisa. "Alam kong may bumabagabag sayo, kaibigan mo kami, pwede mo sabihin sa amin lahat. Pwede mo naman kami pagkatiwalaan 'di ba?" nangunot ang noo ni Larisa na tinitingnan si Hendrix.
"Wala naman akong dapat na sabihin sa pagkakaalam ko, atsaka guys huwag na kayo mamoblema sa akin, okay lang ako, promise." nakangiting sagot ni Larisa kay Hendrix.
"Concern lang kami sayo, pero may isa akong tanong..." ano ba ang nangyayari?
"Drix, may problema ba? What's wrong?" medyo ramdam namin na bumibigat ang ambiance, at kahit ako hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari.
"That day, I saw you... Hindi ko alam kung ano yung nakita mo, pero gusto ko malaman I mean namin, kasi Larisa we know you, I know even Kirstyn napapansin ang napapansin ko." wait what? Ako?
"Fuck it guys! Ano pagkakaisahan niyo ko? Hello! I'm okay guys trust me." parang alam ko na kung anong nangyayari. "Drix, pwede ba? Diretsuhin mo na lang ako, ano ba yung nakita mo?" galit na tanong ni Larisa kay Hendrix.
"The grove behind that house, I saw you... nakita ko na nagsasalita ka pero wala kang kausap, what happened that day? Kaibigan mo kami, pwede mong sabihin, hindi mo kami kaaway okay?" lahat kami ay nakaabang sa sasabihin ni Larisa at kanina si Yenesia na patulog na ay ngayong dilat na dilat na nag aabang sa isasagot ni Larisa.
"I knew it, sabi ko na ba hindi ko lang ilusyon yung matandang babae sa labas ng bahay." what the fuck? Huminga ng mamalim si Larisa at lahat kami ay nakabang na sa mga sasabihin niya.
Lumipas ang ilang minuto at kinuwento na sa amin ni Larisa ang nangyari, halos matutulala kaming lahat sa mga nalaman namin, hindi namin alam na may libingan sa likod ng bahay nila Aling Carmelita at ang nakakaloka pa doon matagal na pa lang patay sila Aling Carmelita at Andrei.
"Siguro sa susunod ay babalikan na lang natin sila para naman mapagtirik natin sila ng kandila." malungkot na sabi ni Devyka.
"Ang tanong ngayon sino kaya yung matandang nakita mo, Larisa kasi that time talaga wala akong nakita na kausap mo." 'yon din ang tanong ko, kasi kung totoo yung sinasabi ni Hendrix sino yung matanda.
"Sa katunayan ayan din ang tanong ko, napansin ko rin kasi na walang mga bahay sa lugar na 'yon nung umalis tayo kaya nagtataka ako sino 'yon, hindi kaya isa din siyang multo tulad nila Aling Carmelita at Andrei?" agree ako sa sinabi ni Candice.
"Pero ang pinagtataka ko ngayon, lahat tayo ay nakita silang mag-ina?" biglang pagsabat naman ni Groxx kaya nagkatinginan kaming lahat.
"Yan nga rin ang tanong ko, paano nangyari 'yon? Kasi nung nakita natin sila ay buhay na buhay sila. Hindi ko tuloy mawari kung may nakapasok ba sa bahay na 'yon habang tulog tayo o talagang wala na sila." bigla akong napatingin kay Larisa nang sabihin niya 'yon. Wait, parang may laman yung mga sinabi ni Larisa, hindi ko alam kung ako lang yung nakapansin o sila din.
Tiningnan ko ang bawat galaw ng mga kaibigan ko at may napansin ako kay Hendrix at Garreth. Lalo na yung tingin nilang dalawa, bigla naman akong napatingin kay Candice at mukhang napansin niya rin ang ibig kong sabihin-may iba akong nararandaman at sana mali lang lahat ng 'to.
"Guys? Ano 'yan?" napatingin kami sa tinuro ni Yenesia at halos magimbal kaming lahat sa nakita namin.
Paano nagkaroon ng ganito dito? Hindi namin ito napansin dahil sa pagkakaalala ko walang ganito kanina habang nag-aayos kami, hindi ba kami pinaglalaruan ng mga isip namin? Paano magkakaroon ng isang lumang gusali na may apat na palapag sa lugar na 'to? Pero hindi lang ito basta gusali, it's a Haunted Building.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro