Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6: Scratch Wood

LARISA KIERA BERNARDO
Point of View
-----------------
***

Nagising ako sa malamig na simoy ng hangin at nang tingnan ko ang orasan ay mag-aala sinco na ng umaga, medyo nakakaramdam na ko na parang naiihi ako kaya naman agad akong bumangon at nang tiningnan ko ang mga kasama ko ay mahimbing pa ang tulog nila, kaya naman tumayo na ko at naglakad papunta sa may pinto, pero nakakailang hakbang pa lang ako ng mapansin ko na parang may bakas ng dugo sa sahig pero mas pinili kong huwag na lang itong pansinin dahil ihing-ihi na talaga ako.

"Ang lamig naman dito kapag umaga." mahinang bulong ko, dahil kahit sino naman ay ganoon ang mararamdaman, pero kesa takutin ko pa ang sarili ko ay sinubukan ko na lang kumalma at hanapin sila Aling Carmelita at Andrei dahil siyempre bago ako gumalaw at gumamit ng mga bagay na nandito sa bahay ay kailangan ko munang paalam.

"Pssttt!" napalingon ako ng marinig kong may tumawag sa akin, inayos ko ang damit ko at kinusot ko ang mata ko kasi wala pa yata ako sa wisyo at kung ano-ano na ang naririnig ko.

Pero ilang minuto pa ang lumipas pero wala na ko ulit narinig na kung ano, kaya pinagpatuloy ko na lang ang paghahanap ng cr dahil ihing-ihi na ko pero sa halos limang minuto kong paghahanap wala akong nakita. Shit, ang weird naman ng bahay na 'to? Pero hindi ko na lang 'yon pinansin at kahit medyo kinakabahan na ko ay dahan-dahan akong dumiretso sa labas, at habang palabas ako ay naagaw ng atensyon ko ang mesa malapit sa pintuan, may mga talsik ng dugo ang pader. Teka parang wala naman 'to kagabi? Or hindi lang namin napansin dahil dala na rin pagod sa byahe namin.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at nang makarating ako sa labas ay medyo naambon pa at nakakapagtaka lang dahil wala akong napapansin na kahit isang tao sa labas, abandonadong baryo ba ang napuntahan namin? Pero imbis na kung ano-ano pa ang mapansin ko ay nagpatuloy na ko sa paglalakad at sa wakas ay nakahanap na rin ako ng cr, naalala ko kadalasan nga pala sa mga probinsya ay nasa labas ang mga cr-nang matapos akong mag cr ay agad na kong lumabas at balak ko na ring bumalik dahil wala naman na kong gagawin pang iba nang bigla na lang akong may maapakan...


Carmelita Josefina Andrei Josefina

Born: June 28, 1985 Born: June 28, 2010

Died: June 28, 2016 Died: June 28, 2016


Halos mapaatras ako sa mga nabasa ko, teka... baka nagkakamali lang ako seryoso ba 'to? Fuck! Kung nabubuhay si Aling Carmelita ngayon ay 38 years old na siya pero namatay siya ng 31 years old, saktong-sakto sa itsura niya nung nakita namin siya. Dahil hindi naman siya mukhang 38, at si Andrei kung namatay siya ng 2016 at pinanganak siya ng 2010 sakto lang din ang edad niya na nakita namin siya 7 years old. Pero 2023 na ngayon kung nabubuhay sila pareho 38 at 13 years old na sila-which is malayo sa mga mukha nila nung nakita namin sila. Teka, fuck! Halos ramdam ko ang pagtaas ng mga balahibo ko sa buong katawan ko. Ibig bang sabihin... pero bago pa ko mahimatay sa mga nare-realized ko ay agad na kong naglakad pabalik pero nakakailang hakbang pa lang ako nang marinig kong may tumawag sa akin. Hindi ko alam kung lilingunin ko ba o tatakbo ako pero kailangan kong manatiling kalmado.

"Ineng! Anong ginagawa mo sa bahay na 'yan? Dinadalaw mo ba sila Carmelita at Andrei?" isang boses ng matandang babae ang narinig ko kaya sana hindi ito multo, pero kahit puno ng kaba ay unti-unti akong tumingin sa likuran ko at salamat naman sa Dios dahil sa pagkakataon na 'to ay nakakita na ko ng totoong tao.

"Magandang umaga po," tanging nasabi ko na lang dahil hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko dahil kinakabahan na ko. Sana naman may bumaba sa mga kaibigan ko para silipin ako.

"Ah! Siguro ay kamag-anakan ka nila," sambit ng matandang babae at may tiningnan siya sa papel na hawak niya. "Kaya naman pala, June 28 ngayon kaarawan at saktong kamatayan din nila, matagal ng abandonado ang bahay na 'yan kaso malungkot ang naging kwento nila, pero masasabi ko na napaka buti ng mag-ina na 'yan yun nga lang maaga silang kinuha. Buti naman, Ineng at nadalaw mo sila dahil matagal ng walang bumibisita sa kanila. Oh siya, mag-iingat ka sa pag-uwi dahil abandonado na ang lugar na 'to." mahabang kwento ng matandang babae at naiwan akong tulala sa mga nangyari, nakatanaw lang ako sa matandang babae hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Ilang minuto akong nakatingin sa kawalan at nang makarinig ako ng mga ibong nagliliparan ay doon lang rumihistro sa akin ang lahat, tiningnan ko ang cellphone ko at June 28 nga ngayon, saktong kaarawan at kamatayan nila tulad ng nakaukit sa mga lapida nila. Ang tanong bakit sila namatay, anong kinamatay nila at ang pinaka malaking tanong, bakit nila kami tinulungan at bakit buhay na buhay sila ng gabing 'yon sa paningin namin.

'Yon ang nangyare ng umagang 'yon sa akin, ang dami kong nalaman pero ilan lang ang nakwento ko sa kanila, dahil hindi ko rin alam kung paano sasabihin sa kanila lahat ng nalaman ko. Pero sa ngayon gusto ko na munang isipin at sagutin lahat ng sarili ko lang para naman makapag-isip ako ng maayos, hindi ko alam pero natatakot ako pero mas lamang ang mga tanong sa isip ko lalo na ang awa sa mag-ina, ano kaya ang nangyare sa kanila dahil hindi ko lubos maisip yung nangyari sa kanila. Dahil kung tutuusin hindi nila deserve yung mga nangyari sa kanila, lalo na si Andrei ang bata pa niya.

"Larisa, okay ka lang ba?" naagaw ng atensyon ko nang tanungin ako ni Kirstyn, agad akong ngumiti at tumango. Sa ngayon gusto ko muna mapag-isa at sasabihin ko na lang sa kanila ang lahat kapag nasa maayos na kaming sitwasyon.

Nasa byahe na kami pabalik ng Manila at siguro ipo-postponed muna namin ang roadtrip namin dahil sa dami ng nangyayari at ito palabas na kami ng Baryo Garote nang mapansin ko na ni-isang bahay ay wala at mga poste lang pala yung napagkamalan naming mga bahay sa hindi kalayuan kagabi, isang tanong na naman ang sumagi sa isip ko...






Saan galing yung matandang nakausap ko kaninang umaga kung walang mga bahay sa Baryo Garote? Fuck!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro