Chapter 5: Unknown Reason
CANDICE JOLENE DEOCADES
Point of View
-----------------
***
Sana nga lahat ng napapansin ko ay mali lang, sana lahat ng nakikita ko ay hindi tulad ng mga mangyayare sa susunod na araw. Nagising ako sa malakas na ulan at nakita ko ang isa sa mga kaibigan ko na si Devyka na nakaupo at nakatingin sa bintana.
"Oh gising ka na pala, girl." medyo naguluhan pa ko kasi bakit hindi pa nila ginigising ang iba para makaalis na sana kaming lahat.
"Bakit hindi pa gising yung iba? Mag asikaso na tayo para makaalis na tayo." sabi ko at tumayo na ko, dahil wala na kong balak pang magtagal dito.
"Sige gigisingin ko na sila para makaalis na tayo dahil kahit ako naguguluhan na rin, gusto ko na rin umalis, kanina nga ginigising ko na si Yenesia kaso sabi 5 minutes pa raw, pero tara push na natin." tumango naman ako at tumayo, pagkatayo ko nakita ko agad yung paanan ko na may bahid ng dugo. Nangunot naman ang noo ko pero naalala ko na kagabi nga pala ay nag ayos kami dahil natalsikan ng dugo sila Groxx at Kirstyn dahil sa ginawang pag-aalay ng buhay na manok ni Aling Carmelita.
Kumilos na kami ni Devyka para gisingin ang mga kaibigan namin, dahil kahit umulan o umaraw ay aalis kami sa lugar na 'to at wala ng iba pang pwedeng idahilan, dahil kahit sino naman ay hindi makakatagal sa ganitong lugar at ayaw kong ma-pressure sa mga nangyayare. Hanggat maari gusto ko manatiling kalmado dahil kilala ko naman ang sarili kong mahina ang pakiramdam.
"Good morning guys, ano? Alis na ba tayo? Ihahanda ko na ang sasakyan." bumangon agad si Garreth habang inaayos ang sarili, habang ginigising pa namin ang iba ay tiningnan ko kung kumpleto ba kami.
Garreth, Hendrix, Devyka, Yenesia, Groxx, Kirstyn-wait nasaan si Larisa?
"Guys? Nasaan si Larisa?" pupungas-pungas na sabi pa ni Kirstyn, shit!
Biglang tumahimik ang buong paligid at nagkatinginan kaming lahat habang naghihintay ng sagot ang bawat isa. Saan naman kaya nagpunta ang babae na 'yon?
"Dev, 'diba ikaw ang unang nagising? Napansin mo ba si Larisa na lumabas?"
"Hindi, girl. Akala ko kumpleto pa tayo dito, wait bago tayo mag-isip ng kung ano at mataranta, check muna natin sa labas baka kasi umihi lang siya or what 'diba?" huminga ako ng malalim at pinilit na huwag mag-isip ng kung ano dahil wala namang mangyayareng maganda kung papatungan pa natin ng negative ang sitwasyon.
"Ako na ang lalabas hahanapin ko na si Larisa, isa pa yang babae na 'yan ang hilig niyang pakabahin tayo nakakaloka siya." tumayo na si Yenesia at akmang pupunta na sa pintuan ng bigla itong bumukas at bumungad sa pinto na 'yon si Larisa.
"Saan ka ba galing girl? Kanina ka pa namin hinahanap, myghad! Magpaalam ka naman kung lalabas ka, paano kung hindi ka mapansin ng iba dito tapos may nangyaring masama sayo? Tapos hindi namin alam?" galit na sabi sa kaniya ni Yenesia habang sinasabihan siya.
Pero nagtaka kami sa ekspresyon na pinapakita niya, ngayon ko lang napansin na parang hinihingal siya tapos pawis na pawis siya, pansin ko rin na panay siya tingin sa likod niya,
"Wait, Larisa are you okay? May problema ba?" pati si Hendrix napansin ang pagkabalisa ni Larisa.
"Guys, hanggat maaga umalis na tayo bilisan niyo na." nagtaka naman kaming lahat sa sinabi niya at halos mapatingin ako sa buong paligid, habang nakatingin sila kay Larisa may napansin akong kakaiba, tumingin ako sa labas at madilim pa rin, nang tingnan ko ang oras ay ala sinco pa lang ng madaling araw pero ni kahit bukangliwayway ay wala kaming makita.
"Teka nga, bago tayong lahat mag panic linawin muna natin lahat. Larisa ano bang problema?" kalmadong tanong ni Garreth kay Larisa. Agad naman pumasok ng kwarto si Larisa at sinara ang pintuan.
"Hindi ko alam kung maniniwala kayo sa sasabihin ko pero-yung mag-inang kasama natin kanina, wala na sila." halos manlaki ang mga mata ng bawat isa sa amin pero hanggat maari pinipigilan naming huwag gumawa ng kahit na anong ingay.
"Larisa sa totoo lang naguguluhan kami, hindi namin maintindihan kung ano ang ibig mong sabihin, pero guys hanggat maaari pilitin natin maging kalmado o huwag gumawa ng kahit anong ingay." pagpapakalmado ni Kirstyn sa lahat. "Larisa, hindi ka naman nagbibiro 'diba? Gusto kong malaman sa mahinahon na paraan yung ibig mong sabihin para makagawa na tayo ng hakbang."
"Sila Aling Carmelita at si Andrei, matagal na silang patay, kanina lumabas ako para sana mag banyo. Pero wala akong mahanap kaya dumiretso na lang ako sa labas, pero sa mismong likod ng bahay na 'to doon sila nakalibing, kitang-kita ko mismo yung lapida nila at may mga litrato pa. Paglabas ko rin kasi kanina sa kwarto walang tao hanggang makabalik ako-ang isa pa na pinagtataka ko ay may nakita akong tao sa tapat ng bahay na 'to sinabihan niya ko na ano daw ba ang ginagawa ko dito dahil matagal na daw abandonado ang bahay na 'to." halos maiyak si Larisa habang sinasabi ang mga 'yon, halos mapaupo si Kirstyn sa mga nalaman niya at tulad namin gulat kaming lahat.
"Kung ganoon, sino yung nagpatuloy sa atin kagabi at nagpakain? Nagtatakang tanong ni Devyka at halos pati siya ay naiyak na rin.
Pero ang pinagtataka ko yung kagabing nakita nila Groxx at Kirstyn, dahil base sa kanila nakita nilang may pinatay pang puting manok si Aling Carmelita. Kung totoo man yung nakita ni Larisa ano ang ibigsabihin ng mga bagay na 'yon?
"Kagabi 'diba Groxx at Kirstyn nakita niyo pa si Aling Carmelita na nag-aalay ng buhay na manok?" tumango pa si Kirstyn kaya pilit kong pinagdudugtong-dugtong ang mga nangyayari.
"Kaya pala may talsik ng dugo sa bandang mesa." tumango-tango ako, isa lang ang naiisip ko, kung patay na nga sila Aling Carmelita at Andrei bakit pa nila ginagawa ang bagay na 'yon?
"Kung patay na talaga sila Aling Carmelita at Andrei ng mahabang panahon, bakit ginagawa pa nila ang mga bagay na 'yon? Dahil ang pag-aalay ng puting manok ay para proteksyon sa masasamang mga espiritu. Pinoprotekahan ba nila tayo?" nagkatinginan kaming lahat at kasabay ng mga tininginan na 'yon ay ang paghangin ng malakas.
Isang malamig na pag-ihip ng hangin ang bumalot sa buong kwarto.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro