Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3: Superstitious Belief

GERVIONE KIRSTYN GELOROSO
Point of View
-----------------
***

Unti-unti akong napatingin sa mga kaibigan kong napatitig rin sa sinagot ng batang lalaki na nasa harapan namin, anong ibig niyang sabihin? Mula sa tahimik na pagbyahe mas nadagdagan pa 'yon ng isa pa ulit na katahimikan.

"A-Anong ibig mong sabihin?" Seryosong tanong ni Groxx sa bata, ngayon lang siya nagsalita kaya alam kong may gusto siyang malaman at alam kong mas seryoso na siya this time.

"Nasa Baryo Garote kayo, tulad po ng sinabi ng kaibigan niyo mas mabuti na po sigurong bumalik na lang kayo kung saan kayo nanggaling." sagot nito sa tanong ni Groxx.

"Ahhh siguro totoy pagod ka lang, mukhang ayos ka naman na. Gusto mo ihatid ka na lang namin? Taga saan ka ba? Atska ano ba talagang nangyari sayo?" pagpapakalma ni Devyka sa paligid dahil tulad niya ramdam ko ring iba na ang bigat sa dibdib ng iba sa amin.

"Taga rito lang po ako, malapit na po tayo sa bahay namin. Doon niyo na lang po ako ibaba at sana po bumalik na lang po kayo sa lugar niyo." napatingin kami sa paligid at sa hindi kalayuan meron na ulit mga bahay-bahay pero mumunti lang ang mga ito at hindi dikit-dikit.

"Ahh taga rito ka lang pala. By the way, ano bang pangalan mo?" nakaabang kaming lahat sa sagot niya.

"Ako po si Andrei, limang taong gulang. Doon po, doon po ang bahay namin." napatingin kaming lahat sa daan na tinuturo niya, mabuti na rin 'to at okay na siya para maibalik na rin namin siya sa bahay nila.

"Doon pa pala ang bahay niyo, kung doon pa ang bahay niyo bakit napaka layo naman ng napuntahan mo?" tumingin siya kay Hendrix ng tanungin siya nito.

"Hindi ko rin po alam." yumuko ito at inipit ang mga kamay sa mga hita niya, siguro hindi pa siya okay, sumeniyas ako sa mga kaibigan ko na huwag na lang din munang tanungin si Andrei at baka sumakit na naman ang ulo nito. "Diyan na po, ayan na po ang bahay namin." napatingin kami sa labas at unti-unting hininto ni Garreth ang sasakyan kung saan tinuturo ni Andrei ang bahay nila.

Tumingin ako sa relo ko at mag aalas tres na ng madaling araw. Sobrang dilim ng paligid pinipilit ko tingnan yung tinuturong bahay ni Andrei pero hindi kaya ng mata ko dahil sobrang dilim talaga doon.

"Sure ka ba totoy dito na ang bahay niyo?" tumingin siya sa amin at tumango.

Binuksan ni Groxx ang pinto ng sasakyan at halos lahat kami magulat ng biglang bumungad sa amin yung hindi naman katandaang babae.

"Fuck!" sigaw ni Groxx sa gulat at halos lahat kami nagulat, shit! Paano ba naman pagkabukas pa lang pinto nandun na yung babae.

"Inay!" sigaw ng batang si Andrei at hinakbangan na si Groxx at yumakap sa nanay niya. Lahat kami ay gulat pa rin at nakatitig lang sa amin yung babae at seryosong-seryoso ang mga mata niya habang kami ito shock pa rin at hindi malaman ang gagawin. Ang creepy mo te!

"Inay, sila yung nagligtas sa akin." napatingin yung babae kay Andrei, pati na rin ang katawan nito ay chineck niya.

"Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sayo?" nakangiting tumango si Andrei sa tanong ng nanay niya.

"Aalis na rin ho kami, hinatid lang namin si Andrei dito. Sige ho mauna na ho kami, magpahinga na po kayo. Magandang gabi." isasara na sana ni Groxx yung pinto ng hawakan 'yon ng babae rason para mas magulat kami sa ginagawa niyang pagpigil.

"May sasabihin pa ho ba kayo? Kailan na ho kasi naming umalis." paliwanag ni Devyka sa babaeng nakaharang sa pinto ng sasakyan namin, dahan-dahan kong nilagay sa likod ko yung kamay ko ready na sumenyas kay Garreth para if iba ang ikilos ni ate alam na ni Garreth gagawin.

"Pumasok na muna kayo sa amin at magpahinga, delikado sa daan ngayon. Iba ang pinaparamdam ng lupa." nagkatinginan kaming lahat. Like what the heck?! Pinaparamdam ng lupa?

"Po?" naguguluhang tanong ni Larisa.

"Hindi po namin gets, atska okay lang naman po kami. Pauwi na rin naman po kami kaya don't worry." dagdag ni Candice sa pagsagot ni Larisa.

"Kung tutuloy kayo, malakas na ulan at trahedya ang nakaabang sainyo." Tumingin siya sa daan na dadaanan namin at napatingin din kami. "Magtiwala kayo sa akin, pasasalamat na rin 'to sa ginawa niyong tulong sa anak ko, sumunod na lang kayo sa akin kapag nakapagdesisyon na kayo. Basta ako binalaan ko na kayo." mahabang salaysay ng babae sa amin.

Umalis na silang mag-ina at habol namin silang sinundan ng tingin, pumasok sila sa isang munting bahay at kita namin na sa bandang bintana ay may maliit na gasera, ito ang nagsisilbing ilaw ng munti nilang tahanan.

"Ano guys, aalis na ba tayo o magsstay tayo? Atsaka parang masama na rin kasi yung kalangitan parang uulan na." sabi ni Yenesia na nakaabang sa desisyon ng lahat.

"What if totoo naman yung sinasabi nung mama ni Andrei? Paano kapag napahamak talaga tayo kapag tumuloy tayo?" bigay na opinyon ni Devyka.

"Pero paano kung hindi naman talaga?" sabi naman ni Candice habang natingin-tingin sa paligid.

"What if mag stay na lang din muna tayo? Wala naman siguro mangyayari sa atin atsaka marami naman tayo." Sabi Garreth habang chini-check ang likod at unahan ng sasakyan namin gamit ang rare view mirror.

"What if marami pala sila? Paano tayo 'di ba guys? Konti lang tayo." sabat na sabi ni Larisa.

"Kailangan natin magdesisyon kasi seryoso na 'to eh. We need to take a risk." Pagpapatigil ni Hendrix sa mga opinion ng iba at kailangan ng gumawa ng desisyon.

"Magtiwala na lang tayo sa mama ni Andrei, ramdam ko namang sincere siya sa sinabi niya. Magpahinga na rin tayo, mahaba na masyado ang byahe natin." bumaba na si Groxx sa sasakyan at tumingin sa amin.

Nagkatinginan naman kaming lahat at napatingin ako sa kaniya, huminga ako ng malalim at bumaba na sa passenger seat sa tabi ni Garreth. Tama naman si Groxx, magtiwala na lang kami.

"Let's go guys." tumango ako at ngumiti sakanila, nagkatinginan naman sila na parang no choice kaya inayos na nila yung mga gamit nila.

"Ipa-park ko lang sa banda doon yung sasakyan natin para hindi 'to nakaharang sa daan." sabi ni Garreth ng makababa na ang lahat.

"Samahan ko lang si Garreth sa pagpark mauna na kayo don guys " pagpi-prisinta ni Larisa.

Nang paandarin na ni Garreth ang sasakyan napatingin ako sa buong bahay habang nakatayo kami sa labas nito, wala akong ibang hiling kung hindi sana maging maayos ang gabi namin dito. Sana. Kumilos na ang grupo namin bitbit ang iilan sa mga gamit namin, nag-antay kami sa labas at maya-maya pa lumabas na yung babae na mama ni Andrei nakatingin siya sa amin. Pero hindi ko alam pero naki-creepy-han ako sa kaniya sa totoo lang. She's wearing na black belo naka pulang t-shirt at hanggang talampakang palda.

"Pumasok na kayo at nang makakain na para makapagpahinga na kayo." malamlam na sabi ng babae.

"Pssttt! Hoy! Dito Garreth!" sitsit at sipol na tawag ni Hendrix kila Garreth at Larisa.

"Ijo, tumigil ka. Bawal ang ginagawa mo." napatigil ang lahat ng sawayin ng babae si Hendrix sa pagsipol at pagsitsit sa dalawa.

"Sa ginagawa mo ay nagtatawag ka ng ahas." tahimik pero mababasa sa mga mukha namin ang tanong sa mga sinasabi ng babae.

"Sa lugar na kung nasaan kayo ay puno ng paniniwala sa pamahiin kaya ipagpatawad niyo kung hindi kayo sanay sa nakasanayan namin, ngunit kailangan niyong sumunod dahil kayo ang dayo sa lugar na ito." tahimik lang kaming nakikinig sa kaniya at tama naman siya, na sa ganitong lugar maraming paniniwala. Kaya kailangan na kami ang mag adjust hindi sila.

"Ganun po pala, pasensya na po, pero willing po kami na sawayin niyo kung may mali kaming ginagawa wala po sa amin 'yon." pagpapasensya ni Hendrix sa ginawa niya.

"Wala 'yon, sinasabi ko lang din para alam niyo. Ako nga pala si Carmelita. Ang inay ni Andrei, halina kayo at pumasok na." nakangiting sabi ni Ms. Carmelita sa amin, nagpakilala na rin kaming lahat para wala ng ilangan.

Habang nagpapakilala ang iba sa amin, nagmamasid-masid ako sa paligid, maaliwalas naman ang paligid at masasabi kong tahimik ang lugar na 'to. Tahimik ang kapaligiran mukha namang walang kakaiba.

Ilang minuto pa ay pumasok na kami kita naming nakahanda na ang pagkain sa hapag bagong luto pa 'to at alam mong kakatapos lang ihain.

"Kumain na kayo at aayusin ko lang ang kwarto niyo." paalam sa amin ni Aling Carmelita at umalis na.

"Tara po kumain na tayo." nakangiting sabi ni Andrei.

Umupo naman na kami at nag umpisa na kumain, mukhang ayos na rin naman si Andrei at masaya ang mukha niya. Tahimik at mahina kaming nagkukwentuhan habang nakain, sobrang aliwalas ng paligid namin magaan sa pakiramdam pero maya-maya lang ay may narinig kaming malakas na kalabog.

Lahat kami ay napatingin sa labas, may dumaang malaking pusang itim at agad na tumakbo si Andrei sa pinto para isara ito pati na rin ang mga bintana.

"Andrei ano 'yon, ayos ka lang ba?" napatayo sa pagkakaupo habang nakain si Hendrix para i-check si Andrei.

"Ayos lang po ako, masama po kasi ang ibigsabihin ng pusang itim sa amin." Sagot nito sa tanong ni Hendrix.

"Bakit ano bang ibigsabihin ng pusang itim sa inyo?" Takang tanong ni Candice.

"Ibig pong sabihin non-" napatigil si Andrei sa pagsasalita ng maagaw ang atensyon namin sa babaeng pababa ng hagdan, ang mama niya.

"May mamamatay o may masamang mangyayari." Dugtong na sagot nito kay Andrei sa tanong ni Candice.

Natahimik na ang lahat nagpatuloy na lang sa pagkain, sobrang daming pamahiin sa lugar na 'to, sa bawat galaw namin may pamahiin na nakaakibat. Ano bang meron sa lugar ng Baryo Garote at ganoon na lang ang paniniwala nila sa pamahiin. Napaka modern na nang panahon pero sila ay napag iiwanan at nananatili sa mga pamahiin at mga hula.

Sa pagkakaalam ko kasi talaga ang "Pamahiin" or "Superstitious Belief" were considered as part of Filipino culture. Believe it or not, it had a big influence in terms of culture, life, failure, success, sadness, happiness of Filipinos. And that's the reality. Hindi na natin 'yon maaalis sa ibang mga tao na naniniwala pa rin sa PAMAHIIN hanggang ngayong kasalukuyan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro