Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20: Words Behind

GERVIONE KIRSTYN GELOROSO
Point of View
-----------------
***

Nandito ako ngayon sa 15th floor ng hospital-at kasama ko na si Groxx ngayon. Pagkatapos namin kumain ay lumabas na muna ako pero sinundan naman pala ako ni Groxx. Kaya naman hinayaan ko na at dito nga kami napadpad sa pinaka mataas na floor ng hospital-sobrang lakas ng hangin pero sobrang relaxing.

"Kumusta?" natatawang tanong niya sa akin kaya naman ngumiti ako sa kaniya.

"Wow ah, kung maka tanong akala mo hindi magkasama sa lahat nang pangyayari these past few days." pangbabara ko sa kaniya.

"Ang daming nangyari pero thankful ako na nakaligtas tayong lahat at safe, tapos bukas graduation pa natin." napangiti ako dahil na-realize ko na bukas na nga pala ang graduation namin. "And thankful ako kasi kasama kita bukas, at sana makasama pa kita sa mga magiging journey na mangyayari sa buhay ko." ito na naman si Groxx pinapakilig na naman ako.

"Oo naman! But seriously, thank you. Wala naalala ko lang kung paano mo ko protektahan nung mga oras na kailangan ko ng magpapalakas ng loob ko. Naalala mo ba yung pababa tayo ng haunted building? Aaminin ko sayo na noong oras na 'yon na hinawakan mo yung kamay ko? Naramdaman kong safe ako." kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay ramdam ko yung bawat tingin niya, at kahit hindi ko siya tingnan ay kita sa perepheral vision ko na nakangiti siya.

"At 'yon naman talaga yung gusto kong gawin at patunayan sayo 'di ba? At lagi kong gagawin 'yon sayo. Nandito na rin naman tayo, gusto na ring aminin sayo na matagal na kitang gusto noon pa lang na first year college tayo. Pero palagi mo kong hindi napapansin, hindi ko alam kung paano ako aamin sayo, kasi sobrang kinakabahan ako." natawa naman ako sa sinabi niya dahil sa pagkakaalala ko siya yung matapang na tahimik lang sa grupo. "Huwag ka ngang tumawa! Nakakainis sabi na pagtatawanan mo ko eh." kaya mas lalo akong natawa kasi this time namumula na siya.

"Hindi kita pinagtatawanan! Natutuwa lang ako at magkaiba yung dalawa na 'yon. Natutuwa ako kasi all this time yung matapang na tatahi-tahimik lang noon eh ito umaamin sa akin at mahal na mahal pala ako? Feeling ko tuloy ang ganda ko." narinig kong tumawa siya kaya naman napatingin ako sa kaniya.

"Anong feeling? Maganda ka naman talaga. Kaya nga kung mabibigyan ako ng chance na maging girlfriend ka? Iingatan talaga kita." teka parang narinig ko na 'to ah.

"Aba parang narinig ko na yung mga ganiyang banatan, lahat naman ng nagloko ganiyan ang sinasabi sa mga nililigawan nila kaya nga Groxx Henriksen Suarez tigilan mo ko kasi hindi na tatalab sa akin yung mga ganiyang banatan kasi matagal ko ng naririnig 'yan." natatawang sabi ko kaya naman napataas ang kilay niya.

"Magkaiba 'yon, hindi naman ako 'yon. Ngayon nga lang ako umamin sa babae eh, kasi sincere ako at seryoso ako sa mga sinasabi ko." ang defensive naman nito!

"Ang defensive mo naman! Pero seryoso na, pinapayagan na kitang manligaw sa akin." nakangiting sabi ko sa kaniya at unti-unti din siyang ngumiti. "All I want you to do is be honest with me. Bukod sa papatunayan mong mamahalin mo ko at sabihin 'yon sa akin, ang gusto ko lang ay maging honest ka sa akin. Kung napapagod ka ng manligaw or bigla na lang mawala yung pagmamahal mo sa akin? Just be honest with me. 'Yon lang yung hiling ko sayo at sana 'yon ang tuparin mo." agad naman siyang tumango at ngumiti sa akin, huminga siya ng malalim at tumingin sa malayo.

"At tulad ng gusto mo, 'yon din ang gagawin ko. Pero ang pangako ko namang mabibigay sayo ay hindi sirain ang tiwala mo. Oo wala pang napapatunayan ang mga salita ko pero hayaan mong patunayan ko, sa tagal kong naghintay sayo alam kong ito na yung oras para hindi sayangin yung tulad mo. You don't know how I wanted to protect you, but this time na may permisyo mo na, gagawin ko na ang lahat lalo para sayo." hindi ko alam kung paano na ba ang gagawin kong kilos at sagot dahil kinikilig ako sa bawat salitang binibitawan ni Groxx.

"Groxx, thank you. Hindi ko akalain na sa ganitong pagkakataon makakasama kita, po-protektahan mo ko at ngayon handa ka pang patunayan ang sarili mo. Maraming salamat sa mga pangako mo, at pangako na ibibigay ko ng buong puso ang tiwala ko sayo." sinabi ko 'yon dahil 'yon talaga ang nararamdaman ko, dahil kita sa mga sinasabi ni Groxx kung gaano niya ko kamahal. Oo hindi pa dapat ako ganoon magtiwala pero wala namang mawawala, matagal ko na siyang kilala at 'yon ang gusto kong gawin.

"Para makatotoohanan, Gervione Kirstyn Geloroso-pinapangako ko sayo na tutuparin ko ang lahat ng sinasabi ko at hindi ko sisirain ang isang hiling mo sa akin. Salamat dahil pinagbigyan mo kong gawin 'to, bukod sayo ay ipagpapaalam din kita sa parents mo biglang respeto dahil seryoso ako sayo." natawa ako nang bigla pa siyang tumayo ng diretso at humawak sa dibdib niya. Napaka kulit talaga ng lalaki na 'to!

"Thank you, Groxx! I trust you and thank you also for respecting my parents. Bukas ipapakilala kita sa kanila. Alam ko na agad na magugustuhan ka nila." ngumiti naman siya at tumango, sa tanang buhay ko ngayon lang ako magtitiwala sa lalaki, at ngayon ay ibibigay ko ang buong tiwala ko kay Groxx because he deserve it, at aasahan ko na agad na hindi niya ko bibiguin.

Nagulat ako ng hawakan niya ang mga kamay ko at tumingin ng diretso sa mga mata ko, he really looks serious this time at natutuwa ako dahil ngayon pa lang ay gumagawa na agad siya ng steps para makuha ang 'Oo' ko and this moment I see his pure intention....






"Siguro nga hindi pa sapat ang panahon, pero marami na tayong napatunayan at ako-marami pa kong papatunayan sayo. Because in the middle of Peculiar situation, I will always choose to stay in the hardest Amidst with you and that's I promise until my last Breathe."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro