Chapter 2: Creepy Nights
GERVIONE KIRSTYN GELOROSO
Point of View
-----------------
***
Baryo Garote
Naiwang nakapako ang mga mata ko ng mabasa ko kung nasaan na kami, naalis lang ang tingin ko dito ng makalagpas na kami. Bumalik na lang ako sa pagtingin sa kalsada at umiling.
"Gervione..." napatingin ako kay Garreth ng tawagin niya ko, siguro pagod na siya magmaneho.
"Hmm, why?" sumaglit siya nang tingin sa akin sabay tingin sa side mirror, kaya napatingin din ako sa side mirror, wala naman kakaiba sa likod ng sasakyan namin.
"Tama pa ba 'tong dinadaanan natin?" nangunot ang noo ko siyang tiningnan, anong pinagsasabi niya?
"What do you mean?" tahimik lang siya at nagpatuloy sa pagda-drive, minsan yung pagiging tahimik neto nakakaurat eh.
"Kanina kasi, nakita mo ba?" huminga ako nang malalim at pumikit.
"Alam mo Garreth? Diretsuhin mo na lang hirap mo kausap eh." nangangati ang bunbunan ko sa lalaking 'to.
"Ahhh. Wala-wala siguro nagkamali lang ako. Sige na magpahinga ka na ako na muna bahala dito." Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin ulit sa rear view mirror at tulog na yung dalawang bakla.
Nagpaalam na lang ako may Garreth na maiidlip na lang muna ako at gisingin na lang niya ko kapag gusto niyang magpalit kami.
Pero palalim pa lang ang idlip ko nang biglang prumeno ang sasakyang sinasakyan namin at halos mapasubsob ako sa unahan ng sasakyan namin sa sobrang lakas ng preno ni Garreth. Halos lahat kami nagising.
Napatingin ako kay Garreth at habol hininga siyang makatingin sa gitna ng kalsada, napatingin naman ako doon at ganoon na lang ang gulat ko ng makita ang batang nakatumba sa harapan ng sasakyan namin.
Shit!
Halos malagutan ako nang hininga ng makita yung batang nakahandusay sa harapan namin. Napatingin agad ako sa likuran ko para i-check yung mga kaibigan ko.
"Guys, are you okay?" kabadong kong tanong sa kanila.
"Fuck! Garreth nakapatay ka pa yata." gulat na gulat na sabi ni Hendrix habang nakahawak sa drivers seat na inuupuan ni Garreth.
"N-No and I'm sure. Malayo pa lang nakita ko na siya tapos nung nasa gitna na siya bigla na lang siyang bumagsak ng ganiyan promise." sagot ni Garreth, napatingin ako ulit sa batang nasa labas.
Hmmm, I think hindi nga siguro siya nasagasaan ni Garreth kasi medyo malayo pa naman ang katawan niya sa unahan ng sasakyan namin. Tinitigan ko ang bata at bahagyang gumalaw ang mga kamay niya.
"He's moving. Wait me here, ako na ang magche-check sa kaniya." napatingin ako kay Groxx ng tanggalin niya ang pillow niya sa leeg at lumabas ng sasakyan. Seryoso ba siya?!
"Guys, nasan na ba tayo?" nabalik ako sa wisyo ng magtanong si Devyka, kinuha ko agad yung cellphone ko pero wala ng signal.
"Shit walang signal." inis na ungot ko.
"Guys look." napatingin kami sa tinuro ni Candice at nangunot ang noo ko, wait. Alam ko nakalagpas na kami dito kanina. Napatingin ako kay Garreth at inayos niya ang salamin niya at nang makita ang tinuro ni Candice, unti-unti siyang napatingin sa akin.
"Gervione..." huminga ako ng malalim ng banggitin ni Garreth ang pangalan ko, alam ko na ang ibig niyang sabihin.
"Baryo Garote?" basang patanong ni Yenesia sa nakasulat sa kahoy kung nasaan na kami.
"Wait, tutulungan ko lang si Groxx, para mas pabilis tayo." mabilis na lumabas si Hendrix sa sasakyan at kita namin kung paano nila ang i-check yung bata.
Marahan kong inikot ang paningin ko sa paligid, may iilang bahay na sa banda roon. Sobrang dilim pero ni isa sa mga bahay na to ay wala akong makitang may ilaw at tanging ilaw lamang sa sasakyan namin ang nagsisilbing ilaw sa daan.
"Kung hindi ako nagkakamali, wala naman kanina sa gps na may madadaanan tayong ganitong street. Kasi iniscreenshot ko 'yon dahil alam ko ngang posibleng mawalan tayo ng signal kapag nasa liblib na tayo." sabi ni Candice habang chini-check ang cellphone niya.
"I think, kailangan na nating umalis sa lugar na to, guys." seryosong sabi ni Larisa, mula sa rare view mirror ng sasakyan tiningnan ko siya.
"Gaga! Huwag ka namang manakot ngayon, girl." hampas sa kaniya ni Devyka.
"No, I'm not kidding guys. Let's go na, tawagin nuyo na sila Groxx and Hendrix. I'm serious." nangunot ang noo ko pero sa loob-loob ko at may pag-ayon ako sa mga sinasabi ni Larisa. Nakatitig lang ako kila Hendrix at Groxx habang nakikinig sa mga opinyon nila.
"Eh paano yung bata, a-ano 'yon dadalhin din natin siya? Paano kung hanapin siya ng pamilya niya." rinig kong tanong sa kaniya ni Candice.
"Iba kasi yung kutob ko, ano ba yang mga ugok na 'yan kailan magsisitapos yang mga 'yan napakababagal magsikilos kanina pa pati sa pag-aayos ng gulong." iritableng sabi ni Larisa.
In other side may point si Larisa, bahagya kong pinakiramdaman ang paligid at tiningnan ang side view mirror sa labas para tingnan kung may kakaiba ba sa likod ng sasakyan namin pero wala naman pero tulad niya iba din ang nararamdaman ko.
binuksan ko ang bintana ng sasakyan pero sabay nun ang...
"Te has ido."
Napatakip ako sa tenga ko at napatingin sa labas agad. Shit! Hindi sa maipaliwanag na dahilan biglang bumilis ang tibok ng puso ko at siya ring biglang lakas ng pakiramdam ko. Anong salita 'yon? Pero pansamantala kong inalis muna 'yon sa isip ko at tinawag na sila Groxx at Hendrix pero busy pa rin sila.
"Garreth, kung may kakaiba umalis na kayo." kunot noong napatingin sa akin si Garreth.
"Anong ibig mong sabihin, Gervione?" rinig ko ang mga protesta nila.
"Bababa ako, ako na ang tatawag sa dalawa. Kapag may lumapit sa amin o ano na kakaiba umalis na kayo o seseniyasan kita." nakipagtitigan ako sa kaniya.
"Hindi, ako na ang bababa. Ikaw, kayo ang umalis. Ako na ang bababa." palabas na si Garreth pero pinigilan ko siya.
"Ano ka ba, Gervione!" sigaw ni Devyka. "Ako na huwag kang ano dyan." Ang kulit talaga nila.
"Guys, ako na. Nursing ang Course namin nila Hendrix at Groxx at alam kong nursing ka rin Devyka pero if ever ano mangyari sa atin dito paano sila ikaw kailangan ka nila." paliwanag ko sa kaniya.
"Tanginang 'yan! Alam ko bakasyon natin 'to pero bakit ganiyan kayo para na tayong mamamatay lahat kung magsalita." sigaw ni Larisa.
"Larisa, can you please? Huwag ka ngang sumigaw buti nasa loob tayo ng sasakyan ang lakas pa naman ng boses mo, hindi lang kasi 'yon, tingnan natin yung good and badsides. Hindi tayo pwedeng magpakampante lang okay? We need to be brave & bright here." saway at paliwanag ni Yenesia.
"Yenesia is right, and you Garreth kailangan ka nila okay? Kung bababa ako mas mabilis natin matutulungan yung bata. And if ever na may mangyari kailangan ka nila, tayo lang nila Groxx marunong mag drive." napakamot siya sa ulo at tumango na lang.
"Okay guys ganito, if ever na may mangyaring masama. Umalis na kayo seseniyas ako sayo Garreth, okay? Sige na kailangan ko na rin silang i-check doon, maging alerto kayo please." tiningnan ko sila at puno ng may pag aalala ang mga mukha nila pero sa huli ay tumango na rin.
Bumaba na ko ng sasakyan at dahan-dahang nilapitan sila Hendrix at Groxx, bakit ba napakatagal ng dalawang 'to magsikilos.
"Groxx and Hendrix ano na nangyari sa kaniya." napatingin at gulat ang mga mata ni Groxx.
"What the heck?! Bakit ka bumaba ng sasakyan? Bumalik ka na doon kami na bahala dito. Bumalik naman na yung pulso niya. Aayusin na lang namin to." inis at may pag aalalang sabi ni Groxx.
"Grabe pre kinabahan ako doon kala ko kung ano na nangyari sa bata na 'yan. May hika lang pala, parang aswang kanina eh." Pagbibiro pa ni Hendrix habang inaayos yung bata, napaka kupal talaga ng basag ulo na 'to.
Bahagya akong tumingin sa paligid at sobrang dilim pa rin, tiningnan ko ang mga kaibigan ko sa sasakyan na nakaabang sa amin. Punong-puno ng pag aalala ang mga mata nila kaya ngumiti ako at nag thumbs up. Napahinga naman sila ng maayos ng sumeniyas ako, pabalik na ang tingin ko kila Hendrix at Groxx ng mapako ang mata ko sa bahay na hindi kalayuan sa kalsada kung nasaan kami ngayon.
"I think he is okay now." Tumayo na si Groxx at nakapameywang habang tinitingnan ang bata. Pero ako nakapako pa rin ang tingin sa bahay na 'yon.
"Yes he is okay now pero paano na siya? Saan natin siya dadalhin?" sabi ni Hendrix habang nakaupo pa rin at tinitingnan ang bata.
"Maybe isama na lang natin siya at dalhin sa pinaka malapit na hospital." rinig kong sabi no Groxx.
"Hey, are you okay?" Nabalik ang tingin ko Groxx ng hawakan niya ang kamay ko. Napatingin din ako kay Hendrix na takang nakatingin din sakin.
"Anong nangyari sayo, Gervione? Ayos ka lang ba?" mabilis akong tumango at tumingin ulit sa direksyon na tinitingnan ko kanina at ramdam kong sinundan ni Groxx ang tinitingnan ko.
"W-Wala. Tara na." sagot ko kay Hendrix at tiningnan ang bata. Isa tong batang lalaki at maaliwalas na ang mukha niya.
Mabilis kaming sumakay sa sasakyan kasama ang batang lalaki na buhat ni Hendrix, iba na ang nararamdaman ko sa lugar na 'to. Tiningnan ko ang oras at alas dos na ng madaling araw.
"Thanks God! Tara na Garreth umalis na tayo dito." Masayang sabi ni Candice ng makapasok kami ng safe sa loob ng sasakyan.
Mabilis na pinaandar ni Garreth ang sasakyan at habang nabyahe kami kita ko sa rare view mirror kung paano nila asikasuhin yung batang lalaki.
"Saan kaya may pinaka malapit na hospital dito?" natatarantang tanong ni Candice. Hayst saan nga ba.
"Mas maganda siguro kung bumalik na lang tayo ng Manila for the sake of us. What do you think guys." aya ni Hendrix na siya ring naiisip ko, kasi parang iba na 'to, yung bulong kanina hindi ko maintindihan pero nararamdaman kong babala 'yon.
"Omg! Nagigising na siya." dali-dali akong napatingin sa likod at tiningnan ang batang lalaki.
Nasa kandungan siya ni Groxx at kita ko ang malalim nitong paghinga, nakakaawa siya ano kayang nangyari sa batang 'to? Sana pala hindi na lang ako umidlip para alam ko kung paano ba talaga yung nangyari.
"Nagigising na siya." Titig na sabi ni Larisa sa bata, lahat kami nakaabang sa pagdilat niya at sa paglipas ng ilang minuto unti-unti ng bumukas ang mga mata niya.
"Wait, I think nauuhaw na siya, here painumin niyo." inabot agad ni Hendrix ang tubig na inabot ni Devyka. Dahan-dahan namang binangon ni Groxx yung batang lalaki sabay pinainom.
Agad na hinablot ng batang lalaki yung bote ng tubig at ininom lahat ito, nakakaawa siya halatang gutom na gutom at pagod na pagod na siya. Mabilis siyang inabutan ni Yenesia ng pagkain pagkatapos uminom, nakatitig lang kami sa kaniya at pinapanood kung paano siya kumain. Nasa pagitan siya nila Hendrix at Groxx, nakakapagtaka kung saan at kung anong nangyari sa kaniya, lumipas ang ilang minuto at nakakabawi na siya ng lakas mula sa pagkapagod, gutom at uhaw.
"Ano bang nangyari sayo bata?" tanong sa kaniya ni Candice. Unti-unti na lang itong yumuko habang hawak ang pagkain na binigay namin sa kaniya.
"Anong nangyari bakit humandusay ka kanina sa gitna ng kalsada? Paano na lang kung hindi kami napadaan doon, paano ka na lang." Nakangiti kong tanong sa kaniya para hindi naman siya kabahan at matakot samin, hindi ko na rin kasi napagilan na hindi magtanong sa kaniya habang tinitingnan ang maamo niyang mukha. Siguro kung titingnan nasa edad na siya ng 5-7 years old.
Lahat kami ay nakatingin sa kaniya at inaabangan na magsalita siya, mula sa pagkakayuko ay inangat niya ang ulo niya at nagsalita...
"Siguro nga po mas maganda na lang na hindi na kayo napadaan pa doon." nawala ang ngiti sa labi namin nang sabihin niya ang mga salitang 'yon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro