Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19: Sorry & Survive

GERVIONE KIRSTYN GELOROSO
Point of View
-----------------
***

Pagkatapos ng gabi na 'yon ay kaniya-kaniya muna kaming umuwi sa bawat bahay namin, napahinga yung buong pagkatao ko sa nang makauwi, sobrang nag-alala din ang mommy at daddy ko at tulad ng parents ng mga kaibigan ko ay ganoon din sila. Salamat sa Dios dahil nakauwi kaming kumpleto at ligtas.

Ngayon ay schedule namin ng pagbalik sa hospital, at sobrang natutuwa ako dahil nabasa ko sa GC na okay na daw sila Garreth at Hendrix. Kaya naman nag usap kami nila Larisa at Candice na magdadala kami ng pagkain. Dahil hindi man natupad yung roadtrip na pinangarap namin noon, atleast may chance pa rin na magawa namin ulit 'yon dahil ang mahalaga ay kumpleto pa rin kami ngayon.

Bumili na ko ng pizza at mga extrang gamot nila Garreth at Hendrix, nabisita na rin naman sila ng parents niya kaya okay na ang lahat, nagdala na rin ako ng mga extrang pagkain pala kila Aling Carmelita at Andrei.

Mabilis lang ang naging byahe kaya naman pumunta na agad ako sa information table at nag log-in, nang maka log-in ako ay agad akong pumunta sa room nila Hendrix at Garreth, pero nagulat ako nang makita sila Devyka, Yenesia at Groxx na nag-uusap sa labas ng kwarto at may hawak silang papel.

"Guys! Kumusta? May problema ba? May dala na kong foods nila Garreth, Hendrix, Aling Carmelita at Andrei, binilhan ko na nga rin si Andrei ng mga damit." pero hindi sila nagsalita, ano na naman kaya ang problema?

"Hmmm, hindi naman 'to badnews or what. Pero kasi sila Aling Carmelita at Andrei..." putol na sabi ni Devyka kaya naman nag-aalala na naman ako. "Umalis na kasi sila, girl. Ito nag iwan sila ng sulat, okay naman na daw sila at super pinagpapasalamat niya lahat ng ginawa natin. Tapos nag-iwan pa sila mg picture. Ito oh..." kinuha ko ang inabot ni Devyka, kahit may lungkot dahil hindi na namin sila naabutan pero masaya pa rin kasi kita sa mga mata nila sa picture na okay na talaga sila. "Nakausap ko yung nurse, okay na okay naman daw sila noong umalis sila, binayaran pa nga daw ni Aling Carmelita yung bills natin even nila Garreth and Hendrix. Nakakatuwa lang 'no? She's really kind and pure ang intention ng heart niya." I nodded because it's true, pinatunayan nila 'yon.

Binuksan ko yung sulat na iniwan nila Aling Carmelita at base sa mga nabasa ko, okay na okay na talaga sila. Loobin na mapuntahan ulit namin sila, sana maligaw ulit kami sa Baryo Garote...





Mga mahal kong anak,

Pasensya niya kayo kung hindi niyo na kami maaabutan ni Andrei, pero pangako na nasa maayos na kami at masaya namin kayong nakilala. Pakisabi sa mga kaibigan niyo na sila Garreth at Hendrix na magpagaling sila, lalo na kay Hendrix. Wala akong galit sa kaniya at pinapatawad ko na siya, ang ipangako niya lang sa akin ay sana magpagaling siya at mag-iingat palagi.

Kinatutuwa ng puso ko na makilala ko kayong lahat, at wala akong iba pang hiling na sana sa susunod na pagkakataon ay makita ko kayo ulit at mag tagpo muli ang mga landas nating lahat. Ilang araw lang ang lumipas pero napaka laking bahagi niyo na agad sa buhay namin ni Andrei, maraming salamat sa pagmamahal. Ipagdadasal ko ang kaligtasan niyong lahat. At iyan ang aking pangako...

Nagmamahal,
Aling Carmelita & Andrei




Halos maiyak ako sa mga nabasa ko, hanggang ngayon ay pagpapatawad pa rin ang pinaparating niya sa amin at sobrang mapagmahal ni Aling Carmelita, hindi man siyang perpektong ina pero kita sa bawat galaw at desisyon niya kung gaano niya kamahal ang mga nasa paligid niya.

"Sobrang bait niya 'no? Soon puntahan natin siya ulit, sana maalala pa natin ang daan na 'yon. Sana loobin na palagi rin siyang ligtas, sila ni Andrei." nakangiting sabi ni Devyka kaya naman napangiti ako at pinunasan ng bahagya ang mga luha kong hindi ko na napigilang bumagsak.

"Sobra! Wala akong masabi, ipakita natin 'to kay Hendrix para wala siyang guilty na maramdaman. Pagdating nila Larisa at Candice ibalita na lang din natin sa kanila yung nangyari. Sad but atleast they're safe." nakangiting sabi ko at pumasok na rin kami sa kwarto nila Garreth at Hendrix.

Pagpasok namin ay gising na silang dalawa at nagtatawanan pa sila, nakakatuwa na makita silang ganito at masaya talaga. I'm so proud of them-ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na rin sila Larisa at Candice.

"Oh kumusta naman kayo?" tanong sa kanila ni Groxx habang nakikiyakap, basta man things yata 'yon.

"Ito okay naman, akala ko nga hindi na ko aabot sa graduation natin eh." natatawang sabi naman ni Garreth.

"I'm really sorry talaga pare, naubusan lang talaga ako ng gamot that time pero I did my best para hindi ka masaktan. Patawarin niyo kong lahat sa mga nagawa ko, pangako ipagpapatuloy ko yung pag-inom ng mga gamot ko." ngumiti naman kami sa kaniya, ang saya lang makita na kumpleto na kaming lahat ulit.

"At dahil diyan, ito na yung mga gamot mo. Tulad ng pangako ko sayo noon, aalagaan ulit kita pero this time. Hindi na lang ako kasi nandito na rin sila." nakangiting sabi ni Candice at tinuro kami, halos maiyak naman si Hendrix at kita sa mga mata niya na sobra siyang na-touch.

"Super thank you sa inyo guys, wala ako dito kung wala kayo. Sobrang mahal ko kayo, sabay-sabay tayong ga-graduate! Oo nga pala, gusto kong makausap sila Aling Carmelita at Andrei." lilinga-lingang sabi ni Hendrix na parang hinahanap yung mag-ina pero nagkatinginan naman kaming apat nila Groxx, Yenesia at Devyka.

"Oo nga pala, nasaan na sila Aling Carmelita at Andrei?" tanong naman ni Larisa.

"Nandoon sila sa kabilang room 'di ba? Tara puntahan na lang natin sila." dagdag naman ni Candice.

Pero bago pa ang lahat, inabot ko na kay Hendrix ang papel na iniwan nila Aling Carmelita at Andrei, lumapit naman agad sila Larisa at Candice.

"Wait pabasa din ako!" dahan-dahan naman tumayo si Garreth kaya naman inalalayan agad siya ni Groxx at nang makaupo na siya ay agad naman siyang nakibasa na rin sa sulat ni Aling Carmelita.

Habang nagbabasa sila at kita namin ang unti-unting pagbabago sa mga itsura nila, unti-unting nalungkot at nangilid ang mga luha nila, kaya naman lumapit na rin kaming apat sa kanila at yumakap.

"Atleast it's over and she's happy to us, proud siya sa atin lalo na kay Hendrix! At ang dapat na lang nating gawin ay maging masaya tulad ng gusto ni Aling Carmelita dahil 'yon ang gusto niya. Ano ready na ba ang lahat para sa graduation next day?!" masayang tanong ko sa kanila kaya naman nagkatinginan kaming lahat at nag group hug.








"YES! WE MADE IT!" malakas na sigaw namin at mahigpit na nagyakapan. We made it, guys!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro