Chapter 18: Those Realization
GROXX HENRIKSEN SUAREZ
Point of View
-----------------
***
Halos tulala pa rin kaming lahat sa mga nalaman namin na sinabi ni Aling Carmelita, at sa wakas ay nakalabas na rin kami sa lugar na 'yon. Hindi ko lubos maisip na ganoon na lang pala yung pinagdaanan niya-ngayon nandito kami sa third floor ng hospital na napuntahan namin. Tulala kaming lahat sa nangyari, sobrang dungis naming lahat at hindi mapinta ang mukha namin lahat.
Naka confine na sila Aling Carmelita, Andrei, Garreth at Hendrix. Hindi na kami lumayo sa kanila at nandito lang kami sa labas ng mga kwarto nila. Sobrang daming nangyari, hindi namin alam paano ulit magsisimula.
"Grabe yung nangyari sa atin, grabeng roadtrip 'to. Imagine ganoon na lang pala 'yung nangyari sa kanila." tulalang sabi ni Yenesia.
"Pero yung sinabi ni Aling Carmelita about sa San Pedro, I never thought na siya pala 'yon." napatingin kami kay Devyka ng sabihin niya 'yon.
"Anong ibig mong sabihin, Dev?" nagtatakang tanong ni Candice kaya naman napatingin kaming lahat kay Devyka.
"Shit! Naalala ko na!" napatingin ako kay Kirstyn ng sabihin niya 'yon, she's really cute.
"Exactly girl! Naalala mo noong trainee pa lang tayo nila Sir Hernandez, siya yung girl na ni-rescue natin sa kagubatan. Si Miss Anderson pa nga yung nag ultrasound sa kaniya ikaw yung assistant that time." all this time may mga koneksyon na pala talaga kami.
"Napaka mapaglaro talaga ng tadhana, imagine? Magkakarugtong yung mga nangyari, at the same time ang buti ng puso ni Aling Carmelita, pinilit niya na iligtas tayo. Gusto niyang protektahan tayo kahit hindi naman niya tayo kilala or kahit hindi naman na niya maalala na kayo yung isa sa nagligtas sa kaniya." nakangiting sabi ko, dahil sa totoo lang ganoon naman talaga.
"Nakakatuwa lang kasi ang daming nangyari, akala ko nga hindi na tayo makakauwi ng ligtas. Salamat sa Dios dahil nakauwi pa rin tayong kumpleto kahit may iba tayong kasama na nasaktan." I agree sa sinabi ni Kirstyn at 'yon ang mahalaga.
"Naaawa ako kay Hendrix pero at the same time proud ako sa kaniya kasi nalalabanan niya yung disorder niya sa kabila ng mga nangyayari." kita sa mga mata ni Candice kung gaano siya ka-proud kay Hendrix.
"And proud ako sa atin kasi nag stick tayo kung ano tayo, kung may mga challenges man ito pa rin tayo, lumalaban at patuloy na lalaban. All this time sabay-sabay pa rin tayong ga-graduate at 'yon ang mahalaga. Nakakaiyak shittt! Sana last na 'to, tapos sa mas safe na tayong lugar pupunta. Paano na lang kung walang Aling Carmelita na sasagip sa atin kung mangyari ulit 'yon. Kaya loobin na sana lagi na tayong ligtas lahat, super love ko kayo mga bakla!" naiiyak na sabi ni Devyka kaya naman agad niyang pinunasan ang mga luha niya.
"Walang makakapigil sa atin, yung pagkakaibigan natin simula noon? Papatibayan pa natin lalo ngayon." ngumiti kami sa isa't-isa sa mga sinabi ni Kirstyn.
I'm so proud sa mga kaibigan ko, nalagpasan namin ang isa sa mga napakahirap na nangyari sa mga buhay namin, akala ko hindi na kami uuwing kumpleto pero we did! Ang daming nangyari noong una pa lang pero sama-sama naming pinaglaban yung pagkakaibigan namin.
Una kay Candice, alam kong napaka laking pagsubok din nito sa kaniya dahil kahit hindi niya sabihin alam namin kung gaano kahalaga sa kaniya si Hendrix, sa grupo siya yung mahina na lagi namin gustong protektahan pero pinakita niya kung gaano siya kalakas para iligtas at protektahan si Hendrix sa sarili nito.
Pangalawa kay Yenesia, lagi siyang nakaalalay sa mga kaibigan namin at sobrang proud ako sa kaniya dahil nag shift pa siya ng course before para lang makasama sila Kirstyn at Devyka sa nursing. Halos siya ang naging kanang kamay namin at hindi namin alam ang mangyayari kung wala siya.
Pangatlo kay Devyka, ang tinaguriang doctor ng grupo. Proud na proud ako sa kanila ni Yenesia, kapag may sugatan at nasasaktan sila agad yung nag aasikaso lalo na si Devyka, hindi mo na kailangan sabihin pa. Tahimik lang siya pero napaka talino niya sa bawat galaw niya, kaya niyang magpakalalaki kapag kinakailangan, super blessed to have her.
Pang-apat kay Larisa, hindi ko akalain na tahimik at boyish niyang galawan pinakita niyang hindi basta-basta pwedeng masaktan ang mga kaibigan niya, sinusuportahan niya ito base sa mga kaya niyang gawin kahit na sa pinaka tahimik na pagkilos. Dahil more on galaw si Larisa kesa salita.
Pang-lima kay Garreth, I know he did his best para mapanatiling ligtas ang grupo, lalo na siya ang naging tulay sa pagiging ligtas naming lahat sa byahe, nasaktan man siya pero alam naming ginawa niya ang best niya at proud na proud kami sa kaniya. Alam namin na hindi niya sasaktan si Hendrix kahit malaman niya ang totoo dahil alam naman niya ang kondisyon ni Hendrix.
Pang-anim kay Hendrix, proud ako sa kaniya dahil sa lahat ng merong pinagdaanang mahirap sa amin, siya ang alam naming may nilabanang matindi, dahil mismong sarili niya ang kalaban niya pero nagawa niyang iligtas ang sarili niya, even ang mga taong akala niya ay pinahamak niya. He did his best and we are all proud of him, walang mag babago at proud kami palagi sa kaniya.
Pang-pito ay kila Aling Carmelita at Andrei, napaka masalimuot ng nangyari sa kanila lalo na kay Aling Carmelita pero nagawa pa rin niyang labanan ang lahat ng pagsubok na dumating sa kaniya, sa katunayan yung pangyayari sa kaniya na ikinuwento niya sa amin, hindi ko lubos maisip kung gaano siya nasasaktan ng panahon na 'yon pero pinilit niyang mabuhay at lumaban para sa anak niya na si Andrei, at tulad niya proud din kami kay Andrei kung paano niya alalayan at hindi iwan ng mama niya hindi tulad ng ginawa ng ama niya. He's one of the best.
And lastly, to Kirstyn-hindi ko lahat magagawa ang mga ito kung hindi dahil sayo, you know how much I love you, sa dami ng nangyari sa grupo? Kapag nahihirapan o naguguluhan ako ikaw lang yung tinitingnan ko at lalaban ulit ako para sa mga kaibigan natin. Hayaan mong tuparin ko ang pangako ko sayo, I will protect & love you until my last breath.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro