Chapter 17: Her Nightmare
GERVIONE KIRSTYN GELOROSO
Point of View
-----------------
***
"Ayan po diretsuhin niyo lang po 'yan." tumingin ako may Andrei at kita na sa itsura niya na hinang-hina na siya pero pinipilit niyang lumaban.
"Hindi ko expected na ganito mangyayari sa atin, akala ko pa naman magiging masaya tong road trip natin." maiyak-iyak na sabi ni Devyka at tulad niya ganoon din ang expected ko pero hindi nga lang 'yon ang nangyari.
"Ang mahalaga ligtas tayong lahat." tama, 'yon ang mahalaga ang ligtas kaming lahat at wala ng iba pang nasaktan.
"Andrei, alam kong maraming naging problema. Marami kaming kasalanan sa inyo lalo na sa mama mo na wala namang ibang ginawa kung hindi ang iligtas at protektahan lang kami." naiiyak na sabi ko dahil totoo naman dahil sa amin nagkanda gulo-gulo sila.
"Wala naman pong problema doon, ang masakit lang po ay nasaktan ang mama ko pero wala naman po siyang ginagawang masama. Parang naulit lang po kasi sa kaniya yung trauma na pinagdaanan niya noong kabataan niya." maiyak-iyak na sabi ni Andrei habang nakatingin sa mama niya na si Aling Carmelita habang walang malay.
"What do you mean, Andrei? Naulit na 'to sa kaniya?" nagtatakang tanong sa kaniya ni Devyka.
"Opo." nakayukong sabi niya, nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko at sa kabilang banda ay naiyak kami. Sobrang nagsisisi kami na ganito pa yung nangyari sa kanila dahil sa amin. "Si mama po kasi ay tulad niyo rin, namatayan po siya ng mga kaibigan. Noong dalaga po siya ganitong-ganito po ang nangyari sa kaniya, halos mabaliw po siya at mapunta sa mental. Kaya po noong nakita niya kayo, pinigilan niya kayong umalis na at huwag na pumunta pa sa lugar na babalakin niyo dahil kahit hindi niyo pa po sinasabi ay alam na niya kung saan kayo pupunta." nagugulat kami sa mga sinasabi ni Andrei at halos maiyak kami, sobrang guilty yung nararamdaman namin ngayon.
"Kahit ang pinaka matalik niyang kaibigan ay namatay dahil trahedyang nangyari sa kanila, nakakalungkot man pong sabihin pero sa paglalakbay nila ng mga kaibigan niya ay marami pong nangyari." napahinto si Andrei sa pagku-kwento at halos nagulat kami ng dahan-dahang tumayo si Aling Carmelita.
"Yung kaibigan niyo, s-si Hendrix..." nanghihinang sabi ni Aling Carmelita at pinipilit na tumayo, agad naman siyang inalalayan ni Devyka at pinainom muna ng tubig. "Mabuti siyang tao, nadala lang din siya ng mga nararamdaman niya dahil may sakit siya." gusto ng bumuhos ng mga luha ko dahil sa kabutihang pinapakita ni Aling Carmelita sa amin kahit halos mamatay na sila ng anak niya dahil sa amin.
"Aling Carmelita, patawarin niyo po si Hendrix hindi po niya alam yung mga ginagawa niya." umiiyak na sabi ni Candice, he really loves Hendrix.
"Alam ko 'yon hija, hayaan niyong ikwento ko sainyo ang lahat." biglang tumahimik ang buong paligid at nakaabang lang kami sa mga sasabihin ni Aling Carmelita habang nilalakbay na namin ang papuntang hospital. Si Groxx na muna ang nag-drive at ako ang umaalalay sa kaniya, dahil ito ang kailangan naming gawin. Ang magtulungan "Noong nakita niyo ang anak ko, ilang araw na siyang nawawala kaya sobrang pasasalamat ko sainyo dahil nailigtas niyo siya. Gusto kong bumawi dahil sa pangalawang kakataon nailigtas ang anak ko, sabi ko na nga ba namumukhaan ko si Hendrix. Noong nag-aaral ang anak ko, muntikan na siyang masagasaan at si Hendrix ang nagligtas sa kaniya, hindi siya masamang tao. Talagang inaatake lang siya ng sakit niya, pero nang gabi na nawala kami-totoo 'yon na nasaktan niya kami at dinala sa malayong lugar pero ang hindi niyo alam, lagi niya kaming dinadalhan ng pagkain sa haunted bulding na 'yon. Nakikiusap na huwag na muna kaming lalabas dahil hindi niya alam paano niya ipapaliwanag sa inyo. Nabigla lang siya ng gabi na 'yon at hindi niya sinasadya na masaktan ako/kami ng anak ko." all this time ito pala yung mga nangyayari, all this time mabait naman pala talaga si Hendrix at hindi niya sinasadya ang mga ginagawa niya. At base sa kwento ni Aling Carmelita ginagawa niya ang best niya para mapigilan mismo yung sarili niya.
"All this time, pinipilit ni Hendrix na kumalma at iligtas pa rin kayo, alam ko na hindi naman talaga masama si Hendrix at salamat naman po na ganito ang ginawa niya sa inyo, halata na sa bawat galaw niya ay pinagsisisihan niya." umiiyak nang sabi ni Candice.
"Noong araw na pinigilan ko kayo, alam ko na ang pwedeng mangyari. Tulad niyo ganoon din ang nangyari sa amin ng mga kaibigan ko, pero sa amin ay may traydor at halos patayin kaming lahat. Ako na lang ang natira ng mga panahon na 'yon at ang pinaka masaklap pa ay yung pinagdaanan ko. Ginahasa ako ng taong pinagkatiwalaan ko-nang bestfriend ko. Halos mabaliw ako noong nasa kakahuyan ako, ang daming boses. Ang dami kong nakikita na halos maging dahilan ng pagkamatay ko, pero may sumagip sa akin, hindi ko sila kilala. Mga nurses, alalang-alala ko pa at yung lugar na 'yon ay yung liblib na lugar sa San Pedro. Noong nabuhay ako sobrang pasasalamat ko, pero noong nalaman kong buhay pa ang bumaboy at pumatay sa mga kaibigan ko..." halos matulala kami habang inaantay pa ang mga sasabihin pa ni Aling Carmelita. "Naghiganti ako, I killed him! Pero walang nakakaalam kung hindi kayo lang, pero sana manatili itong sekreto, dahil yung taong 'yon ay siya ring ama ng anak kong si Andrei, pero hinding-hindi ko sinisi sa kaniya ang nangyari sa akin." what the fuck.
"K-Kung ganoon po, nasaan na yung taong bumaboy sa inyo? Saan niyo po siya nilagay? I mean nilibing?" tanong sa kaniya ni Larisa.
"Iyon ang lapida na nasa likod ng bahay namin." nakayukong sabi ni Aling Carmelita, meaning hindi pala lapida nila Aling Carmelita ang nandoon, at pinatong lang ni Hendrix yung mga pangalan nila doon-pero ang totoong nandoon ay ang ama ni Andrei at ang sumira sa buhay ni Aling Carmelita.
Halos hindi ako makapaniwala sa mga nangyari at mga nalaman namin, all this time ganoon na lang pala ang sakit na pinagdanaan ni Aling Carmelita, at ayaw niya lang na maulit 'yon sa amin. Dahil ranas niyang mawalan ng kaibigan, kinabukan at ulimong halos buhay niya. I salute Aling Carmelita dahil sa mga ginawa niya.
PS: Read the Prologue of this story, that scene is Aling Carmelita nightmare story.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro