Chapter 16: Save Them
GERVIONE KIRSTYN GELOROSO
Point of View
-----------------
***
"Ito na yung pinto, bilisan na natin." agad naman binuksan ni Groxx yung pintuan pero ayaw nito bumukas kaya naman sinipa na niya agad ito.
At pagkatapos ng ilang sipa ay bumukas na rin ito at halos matulala kami sa mga nakita namin-nangilabot kami ng makita na halos pagapang ng naglalakad si Aling Carmelita papunta sa pintuan.
"Shit! Anong nangyari? All this time akala ko patay na sila, pero nandito lang pala sila? Sino naman ang gagawa nito sa kanila?" tanong ni Candice pero hindi namin alam ang isasagot.
"Sabi na tama ang hinala ko, hindi pa patay sila Andrei at Aling Carmelita. Tara na tulungan na natin sila!" agad na kinuha ni Yenesia ang emegency kit at agad na nilapitan ang dalawa. "First aid lang ang mabibigay ko sa kanila dahil kailangan nilang mapunta sa hospital at 'yon ang dapat nating gawin agad." bigla ko na naman naalala si Garreth at Hendrix. Shit! Si Garreth, kailangan na niya ng tulong namin.
"Guys, si Garreth kailangan na natin siyang puntahan agad para mailigtas na natin siya. Baka kung anong gawin sa kaniya ni Hendrix." nangunot ang mga noo nilang napatingin sa akin.
"What do you mean, Kirstyn?" tanong sa akin ni Larisa.
"K-Kanina pagsilip ko sa baba, nakagandusay si Garreth sa sahig kaya please bilisan na natin. Ibaba na lang natin sila Aling Carmelita dito, para masagip pa natin silang lahat." puno ng takot na sabi ko dahil hindi ko alam kung saan mag-uumpisa, natatakot ako.
"Shit! Bumabalik na naman yata yung Hallucination Disorder niya, kailangan din tayo ni Hendrix!" gulat na sabi naman ni Candice kaya agad naman kaming kumilos.
"Ipapasan ko na lang si Aling Carmelita-" hindi na natapos ni Groxx ang sasabihin ng pigilan siya ni Devyka.
"No, Groxx kailangan namin ng lakas ng lalaki pagbaba sa building na 'to yung timbang ni Aling Carmelita kaya ng powers ko 'yan si Andrei kaya na 'yan ni Yenesia. Kaya please bumaba na tayo at umalis na." tama nga naman si Devyka.
Kaya kumilos na agad kami ng mabilis, pinasan na ni Devyka si Aling Carmelita at ganoon na rin ang ginawa ni Yenesia kay Andrei. Halos wala na silang malay dalawa pero may pulso pa kaya naman agad na kaming bumaba ng mabilis-nagulat ako sa ginawang paghawak ni Groxx sa mga kamay ko habang pababa kami ng hagdan.
At nang tuluyan na kaming makababa ay gulat kaming makita si Hendrix na nakaupo lang sa loob ng van at nakapikit habang may hawak na kutsilyo. Shit!
Pero mas nagulat kami sa mga sumunod na pangyayari, bigla na lang siyang tumayo at galit na hinawakan ng maigi ang kutsilyo, kasabay ng mga kilos niya na 'yon ay paghablot niya sa damit ni Garreth. Mabilis niyang itinapat ang kutsiyo sa leeg nito na halos magpagunaw ng mga mundo namin.
"Hendrix, No!" malakas na sigaw ni Candice na siyang nagpatigil kay Hendrix. "Please don't do this, I'm here." unti-unting nanlambot si Hendrix habang nakatitig kay Candice.
Matagal na naming alam na may gusto si Hendrix kay Candice, at sa sitwasyon na 'to ngayon. Kitang-kita yung impluwensya ni Candice kay Hendrix.
"No, alam kong hindi mo na ko mapapatawad sa mga malalaman at nalaman mo. I'm sorry, Candice na-disappoint kita. Hindi ko 'yon sinasadya, pinipilit ko naman magbago eh. Nilalabanan ko yung sakit ko, pero hindi ko alam kung bakit ganito pa rin?!" galit na sigaw niya at halos umiyak na siya.
"Hendrix, nandito na ko oh. Alam mo namang hindi ako napapagod na samahan ka sa lahat. Bakit ba ganito? Bakit umabot sa ganito? Pwede mo namang sabihin sa akin eh, alam mo namang iintindihin kita kasi mahalaga ka sa akin alam mo 'yan." halos umiiyak na ring sabi ni Candice, pati kami ay halos maiyak na rin.
"I'm sorry, pero alam kong hindi na sapat yung mga sinasabi ko ngayon sa inyo. Kasi ikaw mismo, Candice ramdam ko yung pag-iwas mo sa akin noon." napatingin naman kami kay Candice at agad naman siyang umiling.
"No! Never akong umiwas sayo, Hendrix. Dala lang yan ng sakit mo okay? Sabi ko naman sayo lalabanan mo 'di ba? Kasi nandito naman ako para sayo palagi. Please, huwag mo naman saktan si Garreth kaibigan natin siya, baldado pa siya oh, kailangan niya ng tulong natin. Pati sila Aling Carmelita at Andrei." mabilis na umiling si Hendrix at para na naman siyang inaatake.
"No! Alam kong kapag gumaling sila, papatayin nila ako. I did it! Ako yung may gawa niyan sa kanila, at tulad nga ng sabi ko hindi na magiging sapat pa yung sorry ko kahit kailan sa mgakasamaang ginawa ko!" umiiyak na sabi ni Hendrix at unti-unting binitawan si Garreth. "Iligtas niyo na sila, iwan niyo na ko dito, hindi ko deserve makasama niyo at mabuhay pa." lumabas ng van si Hendrix habang hawak ang kutsilyo. "Umalis na kayo!" umiiyak na sabi niya.
Agad kong sinenyasan sila Devyka at Yenesia na ilagay na sa van sila Aling Carmelita at Andrei kaya naman agad na silang pumasok sa van, ganoon din si Larisa. Mabilis ko naman inalalayan si Groxx na ipasok ng sasakyan si Garreth dahil wala pa rin itong malay pero may sugat siya banda sa ulo.
"May sugat sa ulo si Garreth." tulad ko at napansin din ni Larisa ang sugat na 'yon ni Garreth.
"Ako na bahala ang mag first aid kay Garreth, pakialalayan na lang sila Aling Carmelita at Andrei." mabilis na sabi ni Devyka kaya naman kumilos na agad si Yenesia at Larisa.
Pero sila Candice at Hendrix ay nasa labas pa rin ng van, umiiyak si Hendrix habang nakatingin kay Candice. Alam ko kung gaano kagusto ni Hendrix si Candice at sa nakikita namin ngayon, sobra siyang nasasaktan ngayon.
"Sa tingin mo ba iiwan ka talaga namin dito?" umiiyak na tanong ni Candice kay Hendrix pero hindi ito sumagot at nanatili lang nakayuko. "Hendrix, I need you to trust me." at sa pagkakataon na 'yon tumingin ito sa kaniya.
"I-I trust you, Candice alam mo 'yan." puno ng lungkot na sabi ni Hendrix habang nakatingin kay Candice.
Dahan-dahan lumapit si Candice kay Hendrix at niyakap ito, unti-unti namang binitawan ni Hendrix ang hawak niyang kutsilyo at halos magulat kami ng bigla na lang itong nawalan ng malay.
Mabilis naman kumilos si Groxx para tulungan si Candice at agad nila itong pinasok sa loob ng sasakyan, agad na inabot ni Candice ang injection na wala ng laman kay Devyka. Shit! I knew it.
"Thank you, girl." nakangiting sabi ni Candice kay Devyka.
"Gotchu, girl." reply naman sa kaniya ni Devyka, tinurukan pala ni Candice si Hendrix ng pampatulog.
"For now, itatali na muna natin si Hendrix at pipiringan. Para na rin safe na muna tayong lahat. Ang kailangan lang natin ngayong malaman kung saan ang tamang daan." I agree na talian na muna si Hendrix at ganoon din naman si Candice dahil nga naman para din ito sa safety naming lahat.
Pero isa na namang problema ng dumating.
"Ituturo ko po ang daan..." napatingin kaming lahat sa likod ng marinig ang boses ni Andrei.
Gising na siya, nagkatinginan kami ng mga kasama ko at this time. Ramdam namin na makakauwi na talaga kami.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro