Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12: Do Guide

GERVIONE KIRSTYN GELOROSO
Point of View
-----------------
***

Mabilis na lumipas ang araw at kakatapos lang namin kumain, dahil pagkatapos namin maayos yung mga gamit ay may nasira bigla sa van kaya ginawaan agad ng paraan nila Groxx at Garreth. Alas sinco na naman ng hapon, padilim na pero nandito pa rin kami, gustong-gusto na namin umuwi.

"Ayan na guys! Ayos na, pero sandali lang may nakita akong malaking kahoy sa banda roon. Aayusin ko lang para may maiwan tayong palatandaan." masaya na sabi ni Garreth ng maayos na nila ang dapat ayusin.

"Sa wakas! Makakauwi na rin tayo!" masayang sabi ni Candice kaya naman napangiti ako kasi this time makakauwi na talaga kami.

"Truelala! After so many days sana naman magtuloy-tuloy na yung uwi natin dahil gusto ko na makakakain ng maayos, 'yon lang at wala na kong ibang hiling." natawa kami sa pagda-drama ni Larisa na parang kailan lang eh ang lakas ng topak.

"Sana naman this time wala ng maging aberya, kapag talaga nakatapak na tayo ng Manila magluluto talaga ako ng masasarap, kakain tayong lahat!" Agree! Gusto ko 'yon kasi masarap talaga magluto si Devyka.

"Oh dapat ni-record niyo sinabi ni bakla para may proof tayo kasi mamaya i-ghost tayo niyan." nagtawanan naman kaming lahat dahil ang lalakas talaga mag-asaran ng mga kaibigan ko.

"Kahit naman hindi na i-record lagi naman tayo pinagluluto ni Devyka, girl!" pagtatanggol ni Larisa kay Devyka kaya naman nag-inarte na naman ang bakla.

"Aba! Aasahan ko na pala yung chicken curry at sinigang na baboy na lulutuin mo ah, Dev!" dagdag naman ni Hendrix na kakatapos lang ayusin yung mga bato na pinagpatungan namin kagabi.

"Aynako! Sure! Kahit pa may adobong baboy pa 'yan push natin 'yan! Oh sino pa may request? Huwag na kayo mahiya kakapal na ng face niyo sa mga request niyo eh." nagtawanan naman kaming lahat sa sinabi ni Devyka.

Nakakamiss yung ganito, sana sa susunod sa mas safe na place na kami magbibiruan ng ganito at sana mas marami pang achievements ang mangyari sa amin ng mga kaibigan ko.

"Ahhh!!!" naagaw ang atensyon namin ng makarinig kami ng sigaw at alam namin kung kanino ang boses na 'yon.

"Shit! Si Garreth 'yon 'di ba?" nagmamadali na sabi ni Groxx, at sa pagkakataon na 'to kakaibang kaba na ang nararamdaman ko.

"Let's go, pare! Girls, dito lang kayo walang lalabas ng van." mabilis na tinapik ni Hendrix si Groxx kaya naman magkasunod na agad silang pumunta sa direksyon kanina ni Garreth. Shit! Ano bang nangyari?

"Gosh! Ano na kaya yung nangyari?" nag-aalalang tanong ni Candice pero wala kahit isa sa amin ang nakasagot dahil kahit kami hindi namin alam kung paano sasagutin ang tanong na niya 'yon.

Lahat kami ay nakaabang, dahil sobra na yung kaba na nararamdaman namin at alam kong nasa delikado na naman kaming sitwasyon, sana naman makauwi kaming lahat ng ligtas dahil 'yon lang sapat na.

"Sundan na kaya natin sila, Yenesia? Kailangan na muna yata nating magpakalalaki." kinakabahan na sabi ni Devyka habang nakatingin sa direksyon na pinuntahan nila Groxx, Hedrix & Garreth.

"A-Ayun na sila!" kinakabahan na sinabi ni Candice kaya naman agad nakuha ang atensyon namin yung tinuro ni Candice.

Halos matulala kami sa mga nakita namin-si Garreth, duguan siya halos malaki ang tama niya paa, puro dugo. Isang pangyayari na nagpakilabot sa akin. Nakakatakot, at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Pero isa lang ang kailangan naming gawin, ang makaalis sa lugar na 'to.

"Shit! Anong nangyari sayo, Garreth?!" tanong ko agad sa kaniya, kinuha naman agad ni Yenesia and Devyka ang emergency kit at nilinis agad ang sugat ni Garreth.

"Y-Yung lalaki-shit! Umalis na tayo dito, kailangan na natin makaalis dito." mas lalo kaming nataranta kaya agad naman sumakay sila Garreth at Hendrix.

Shit! Ano bang nangyayari!

"Diyan ka na muna Garreth sa pwesto ko, ako na muna ang papalit sayo. Ako na ang magda-drive kami na muna bahala ni Kirstyn." mabilis na kumilos sila Hendrix para maisakay si Garreth at agad naman inasikaso ni Devyka at Yenesia si Garreth habang inaalalayan nila Larisa at Candice yung dalawa.

Nang makasakay ang mga kaibigan ko ay agad naman pinaandar ni Groxx ang sasakyan namin para makalayo na agad kami sa lugar na 'yon, ang isa sa pinagpapasalamat ko ay buti na lang ngayong gabi lang umatake yung lalaki na 'yon at hindi kagabi na natutulog kami dahil kung hindi, baka wala na kaming lahat ngayon.

"Garreth! Ano bang nangyari? Ano ba yung nakita mo? Sino may gawa nito sayo?" naiiyak na tanong ni Candice kay Garreth.

"Fuck! Dapat hindi ako nagpakampante kanina, nung inaayos kasi namin yung sasakyan napansin ko ng kanina pa may padaan-daan na anino sa gilid ko." nakaabang lang kami sa mga sasabihin ni Garreth dahil kailangan naming malaman yung nakita niya. "Nagulat na lang ako ng hampasin niya ng itak yung paa ko nung pumunta ako sa kakahuyan, buti na lang kaunti lang ang tumama sa akin dahil sa kahoy halos tumama tapos tumakbo na siya." Shit! Sino naman ang gagawa ng bagay na 'yon kay Garreth?!

"Okay na tumigil na yung pagdurugo kay Garreth, magiging safe na rin siya need niya lang ipahinga yan at huwag na muna gagalawin." nakahinga naman kami ng maluwang ng sabihin 'yon ni Devyka.

"All we need to do is makaalis na talaga sa lugar na 'to, hindi kaya na engkanto tayo?" wala sa sariling tanong ni Larisa.

"No, dahil hindi masasaktan si Garreth ng engkanto. Tao ang may gawa nito at kailangan na natin gumawa ng paraan para tuluyan ng makaalis sa ganitong lugar." sabi naman ni Hendrix at tama siya, dahil hindi engkanto ang may gawa ng ganito.

"Fuck!" napatingin ako kay Groxx ng suminghal siya sabay hampas sa manibela ng sasakyan.

"Groxx, anong problema?" tanong agad sa kaniya ni Candice.

"May sumusunod sa atin." halos sabay-sabay kaming napatingin sa likod pero wala kaming nakikita.

"Groxx, wala naman. Saan ba yung sumusunod?" tanong ko sa kaniya dahil kahit ako hindi na ko mapakali sa mga nangyayari.

"Kailangan nating bumalik sa building." wala sa sariling sagot sa akin ni Groxx, what the fuck?! Seryoso ba siya?

"Groxx! Gusto mo bang mamatay tayo?" galit na tanong sa kaniya ni Garreth. "Kailangan na natin makaalis, diretsuhin mo lang yang daan na yan, hanggat may daan lakbayin na natin." nagsalitan ang tingin ko kay Groxx at Garreth.

"May hindi tama, kailangan nating bumalik." ano bang nangyayari kay Groxx, pero hindi na siya nagsalita at tumingin lang siya sa akin. "Like what I said and promise, just trust me." kahit naguguluhan ay tumango na lang ako.

Kung ito talaga ang gusto mo, Groxx. I trust you.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro