Chapter 11: Confession Deal
GERVIONE KIRSTYN GELOROSO
Point of View
-----------------
***
Ramdam ko na agad sa mga tingin pa lang kanina ni Yenesia na may iba na kaya naman ito kami tahimik lang nagka-kape at nakikiramdam dahil kahit kami ay puno na ng takot at kaba sa bawat nangyayari-ilang minuto pa ang lumipas ng makarinig na naman kami ng mga kaluskos.
"I think we need to go." napatingin ako ng sabihin 'yon ni Groxx, and tulad niya ganoon na rin ang naiisip ko dahil tama naman siya eh.
"Girl! Hindi! Ano ka ba hindi mo ba naalala? Si Groxx dapat yung partner mo nung JS natin kaso nagmakaawa yung nanay ng may crush sayo!" nagtaka naman kami sa sinabi ni Devyka at malakas na tumawa, sinabayan naman siya ni Yen, kaya naman mas naguluhan ako.
Tiningnan ko si Dev at nilakihan niya ko ng mata ganoon din kay Groxx, oh shit. I think gets ko na, kaya naman sinakyan na lang namin si Dev at Yen.
"Akala ko kasi kami talaga magiging partner, aba malay ko na magcha-chat sa akin mama ni Francis that time kaya kahit labag sa loob ko push! Kasi nga naiintindihan ko rin si Francis that time." dugtong ko naman.
"And to be honest, okay lang naman din sa akin kasi anytime pwede ko naman masayaw at ma-date si Kirstyn ulit." napataas naman ang kilay ko ng sabihin 'yon ni Groxx, sa pagkakatanda ko acting lang dapat 'to pero bakit parang may laman na mga sinasabi ni Groxx?
"Ay! Ganoon na pala nangyayari hindi ko pa alam? Hoy, Groxx! Umamin ka nga nandito na rin naman tayo at habang wala tayong ginagawa, totoo ba?" Shit! Nakakahiya talaga 'tong mga kaibigan ko.
"Yen! Dev! Ano ba kayo! Para kayong mga tanga, umayos nga kayo. Okay kami ni Groxx walang problema-" hindi ko na natuloy yung sinasabi ko ng biglang magsalita si Groxx.
"Yes, walang problema but still yes, I like her." Sa pagkakaalam ko dapat nag-iisip na kami paano kakalma yung sitwasyon at sa pagkakaalala ko pang takip butas lang yung topic na 'to pero bakit parang nabaliktad? Bakit nawala yung topic sa lalaking nasa paligid lang na anytime pwede kaming patayin at bakit nawala ang mga takot sa mukha ng mga kasama ko? At napalitan pa ng kilig?
"Tigilan mo nga ko, Groxx! Mamaya maniwala yang mga 'yan. Alam mo naman malakas mang asar yang mga yan." naiinis nang sabi ko pero yung dalawang bakla kong kaibigan kinikilig na.
"Good shot ka banda doon, Dev!" natatawang sabi naman ni Yen kaya natawa ako. Grrr!
"Aynako! Magising ko na yung iba para makapag asikaso na tayo at baka kung saan pa mapunta 'tong usapan natin. Tara, Yen! Gisingin na natin sila." tumayo naman na sila kaya naiwan na kami ni Groxx.
"Nararamdaman mo pa ba yung tao na nagmamasid sa atin?" tanong naman ni Groxx, pero nahihiya akong tumingin sa kaniya. Nakakainis naman!
"To be honest? Wala na, sabagay effective din yung ginawa nila Dev and Yen pero mas makakasigurado tayo kung makakaalis na tayo sa lugar na 'to lalo na may nagmamasid na sa atin." sabi ko naman sabay higop ko sa kape ko.
"Yes, but yung usapan kanina that's true..." napatingin ako kay Groxx ng sabihin niya 'yon. "I like you, I really do." napatitig lang ako sa mga mata niya at kita ko ang sincere sa mga mata niya.
"Naku, Groxx! Kung pinagti-trip-an mo ko huwag mo na ituloy, kasi alam mo marami na tayong problema para idagdag pa yung mga bagay na hindi na dapat." naiilang na sabi ko.
"Then let me prove it." napatitig ako sa mga mata niya, seryoso na ba siya? Grrr! Nakakainis naman. "I like you."
Shit naman! Huwag mo na ulit-ulitin please, matutunaw na ko, Groxx. Nakakainis talaga, but to be honest? Yes I like him too, matagal na. Pero hindi dapat ako agad bumigay.
"After this, let me prove it. I'm serious, Kirstyn." ngumiti ako at pinipigilan na huwag mahimatay sa kilig, yung naglaho lahat ng takot at kaba na nararamdaman ko.
"No problem, dahil hindi naman kita mapipigilan just prove it. That's all I need." nakangiting sabi ko sa kaniya kaya naman napangiti din siya.
"I promise that I will protect you." tumango ako at ngumiti sa kaniya. "Cheers?" natawa naman ako ng sabihin niya 'yon kaya naman idinikit ko yung baso ko sa baso niya.
"Thank you doing that, but for now isipin na lang muna natin kung paano makakalis sa lugar na 'to. Dahil yun ang mahalaga yung safety natin." ngumiti naman siya sa akin.
Those words, ang sarap lang pakinggan but to be honest matagal ko naman ng napapansin kay Groxx na gusto niya ko and tama nga naman pala ang hinala ko-if gusto talaga niya ako at seryoso siya na makuha ang 'Oo' ko ang tanging dapat niya lang gawin maging totoo sa akin.
"Sa katunayan 'yan din ang gusto ko, ang makauwi tayo ng ligtas. Pero yung pigura kanina hindi ko na siya ramdam pero may nakikita pa kong isa na nagmamasid sa atin." napatingin ako sa kaniya ng sabihin niya 'yon.
"What do you mean?" may isa na naman? Bigla akong napatingin sa malaking haunted building na nasa harapan namin, hindi kaya mga espiritu ang mga nagpaparamdam sa amin?
"Ayaw ko na muna sabihin dahil gusto ko muna makasigurado, para na rin hindi na muna matakot yung mga kaibigan natin. Dahil delikado kapag nalaman nila mas magiging mabigat ang paligid natin, pero ang mahalaga sa ngayon tayo na lang muna Devyka at Yenesia ang may alam." tumango naman ako dahil tama siya, kapag nalaman ng iba baka magkagulo at hindi makagawa agad ng desisyon.
"I agree, sa ngayon gawin muna natin lahat para makaalis na dito, ayusin na natin ang mga gamit at ilagay sa sasakyan para makaalis na tayo." seryosong sabi ko sa kaniya kaya naman tumango siya.
"And like what I said, I will protect you no matter what. Just trust me." ngumiti ako sa kaniya at tumango, dahil 'yon ang mahalaga ngayon. And thankful ako kasi ganito niya ko protektahan.
"I trust you, Groxx." ilang salita lamang pero puno ng tiwala kong binibigay sa kaniya 'yon dahil una pa lang naman may tiwala na talaga ako sa kaniya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro