Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10: Amidst Stare

YENESIA SOLANGE SANCHEZ
Point of View
-----------------
***

Nagising ako sa malakas na simoy ng hangin at bahagyang pagkabasa ng paa ko at nang tiningnan ko ay medyo bukas pala ang tent namin kaya naman pala malakas ang hangin ngayon medyo umaambon. Tumayo na ako at babalik pa sana ako sa pagkakahiga nang mapansin ko na may naglalakad sa bandang kalayuan, bigla akong napaatras at sumilip ako sa maliit na siwang ng tent-bigla akong kinabahan para sa mga buhay namin. What if masamang tao ito at bigla na lang kaming pagsasaksakin?

Tumingin agad ako kay Devyka at mahimbing pa ang tulog niya, pero wala akong pake kaya dahan-dahan ko siyang inalog habang hindi inaalis ang tingin sa pigura na naglalakad sa hindi kalayuan. Shit! Anong gagawin ko?

"Dev, wake up! Huy!" mahinang alog ko sa kaniya at bigla naman siyang napatayo kaya agad kong tinakpan ang bibig niya. "Huwag kang maingay," mahinang bulong ko sa kaniya, nanlalaki ang mga mata niyang nagtatanong sa akin kaya naman umiling ako-indikasyon na huwag na muna siyang magsalita at ako na muna ang bahala. Tumango naman siya kaya dahan-dahan ko siyang pinayuko at itinuro ang nakita ko.

"Fuck! Sino 'yon?" tanong niya sa mahinang boses kaya naman umiling ako.

Nagtaka ako ng kunin ni Devyka ang cellphone niya kaya naman tiningnan ko lang ang mga ginagawa niya at nang lumipas ang ilang minuto, nakita ko siyang may tina-type sa cellphone niya at nang iharap niya sa akin 'yon ay nagtaka ako. Seryoso ba siya?

"Seryoso ka ba?" mahinang tanong ko sa kaniya, kaya kahit kinakabahan ako ay tumango na lang ako at huminga ng malalim.

Shit! Ayaw ko pang mamatay, bakit naman ganito yung nangyayari sa amin ng mga kaibigan ko, paano na lang makakasigurado kung safe ang iba kong kaibigan? Anytime pwede kaming puntahan ng tao na 'yon at saksakin or pagpapaluin sa ulo kaya kailangan namin makaisip ng paraan.

At hanggang ngayon hindi ko alam kung kakayanin ko ba 'tong naiisip ni Devyka na gagawin daw namin, mag-iingay daw kami at magkunwaring walang makikitang kahit na ano, pero kasabay ng gagawin namin ay ise-set up niya yung camera para makita namin kung ano yung gagawin nung tao na 'yon.

"Good morning!!!" malakas na sigaw ni Devyka after niya buksan yung tent at uminat. "Girl! Ano pa hinihintay mo? Tara na, ayan na oh hindi umuulan mag init na tayo ng tubig para makapag kape at magising na rin natin sila." ang tapang talaga ng bakla na 'to!

"Ito na girl, wait gigising ko na rin ang mga boys para naman may taga kuha tayo ng mga kahoy." tumango naman siya sa akin kaya naman ngumiti ako.

"Sige at ihahanda ko na rin yung mga baso at initan ng tubig, gisingin mo na rin ang mga girls para maihanda na yung sasakyan." kahit puno ng kaba at takot dahil napapansin ko na nakatago lang sa malaking puno yung tao na nagmamasid sa amin ay pinilit kong huwag kabahan.

Tumayo na ko at dahan-dahan na pumunta sa tent ng mga girls, nang mabuksan ko ang zipper ng tent nila ay agad naman akong lumapit kay Kirstyn at ginising siya, medyo may kalakasan na ang pag alog ko sa kaniya dahil kinakabahan na ko sa mga pwedeng mangyari.

"Kirstyn, gising! S-Sabi ni Devyka tulungan mo daw siya magtimpla ng kape kasi hindi niya alam paano sindihan yung mga kahoy." pupungas-pungas pang nakatingin sa akin si Kirstyn, nilakihan ko siya ng mata kaya naman na-gets na niya ibig kong sabihin.

"S-Sige, wait..." kinuha niya ang jacket niya tapos tumayo na, nang makalabas siya ay isinara niya ulit yung tent dahil tulog pa sila Candice at Larisa.

"Anong nangyari?" tanong niya sa akin kaya naman napalunok ako, pero sa bawat kilos at galaw namin at sinisimplehan lang namin.

"Devyka nandito na si Kirstyn, gigisingin ko na rin sila Groxx para naman makakuha na sila ng kahoy-" pero hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang makarinig kami ng mga kaluskos. "Fuck..." mahinang bulong ko.

"Baka kung ano lang, tara na, Dev tutulungan na kita magsindi niyan, ito kasi Yen ginising ako naaawa na daw siya sayo kasi hindi ko masindihan yung mga kahoy." huminga ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili, buti na lang din nandito na si Kirstyn.

"Shutek ka girl, sila Groxx lang talaga pinapagising ko sayo bakit napunta ka kila Kirstyn." pang-aasar sa akin ni Dev pero alam ko na pinapagaan lang nila ang sitwasyon dahil alam naming tatlo na may kakaiba na sa paligid namin at 'yon ang dapat namin malampasan.

"Good morning..." napatingin kaming tatlo nang marinig namin si Groxx, sinasara niya ang tent at kakalabas niya lang dala ang baso niya. "Tulog yung dalang ugok eh kaya sinara ko na muna, ano tara na kape na tayo." buti naman at nagising na ng kusa si Groxx.

"Tara upo na muna tayo, nag iinit naman na si Dev ng tubig para makapag kape na tayo." sabi naman ni Kirstyn kaya naman umupo na kaming apat sa paikot ng bonfire kung saan kami nakatambay kagabi.

"Alam ko hindi niya tayo maririnig pero ramdam ko yung mga tingin niya." napatingin ako kay Groxx nang sabihin 'yon ni Devyka kaya naman agad akong yumuko na kunwari na may kinukuha.

"Groxx, diyan ka lang sa baso mo titingin. Huwag kang titingin sa paligid mo." kaya naman napahinto si Groxx kaya kanina na parang antok na itsura niya ay biglang nawala.

"May problema ba?" tanong niya habang nagdadagdag ng kahoy sa apoy.

"Kanina nung nasa loob kami ng tent may tao na nagmamasid sa mga puno, nakakapagtaka lang kasi hanggang ngayon ay nakatingin pa rin siya sa atin." pasimpleng sabi ni Devyka.

"Balak ka na nga sana naming gisingin ni Kirstyn kanina buti na lang at kusa ka ng nagising kasi hindi namin alam kung ano pwedeng mangyari at baka makahalata siya." mahabang sabi ko naman kaya naman pasimple siyang sumandala at tumingin sa akin.

"Now I know, kaya pala ganoon na lang ang mga tingin niyo sa akin kanina. Aside from that may napansin pa ba kayo? May kakaiba pa ba kayong napapansin?" tanong niya sa amin kaya naman umiping ako.

"Kung tama pagkakatingin ko, yes, isa lang siya. Pero ang hindi ako sigurado kung lalaki ba siya o babae." sabi naman ni Kirstyn kaya mas lalo tuloy akong kinabahan.

Shit naman talaga, sino ba kasi yung nagmamasid sa amin? Kung nakakaistobo kami sana naman sinabi na lang huwag na yung ganitong tinatakot pa kami. Nakakatakot kasi, hindi ko tuloy alam kung paano papakalmahin yung sarili ko, dahil kahit naman ganito ako ayaw ko maging dahilan ng takot at pagkataranta ng iba ko pang kaibigan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro