Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1: Something Wrong

Kita ko ang bawat pagpatak ng ulan mula dito sa loob ng sasakyan namin, hindi ko alam pero nakakatakot na ang gabi pero wala kaming magawa kundi magtiis, bakit kasi ngayon pa kami nasiraan ng sasakyan at bakit dito pa sa ganitong lugar.

"Guys, narinig niyo ba 'yun?" napatingin ako kay Candice ng may pagtataka, anong ibig niyang sabihin. Gosh naman Candice, not this time please.

"Larisa, did you hear that right?" iritang tinanggal ni Larisa ang headphone niya nang alugin siya ni Candice.

"What the heck, Candice. Can you just fucking calm and wait? Guni-guni mo lang 'yan promise." iritadong sagot sa kaniya ni Larisa, makulit din kasi talaga 'tong si Candice.

"Guys promise nga nagsasabi talaga ko ng totoo, may marinig ako nakakatakot. Matagal pa ba tayo dito?" pero seryoso nakakatakot naman talaga kung nasaan kami ngayon. Sobrang creepy pero wala namang mangyayari kung tatakutin namin sarili namin.

"Hintayin na lang natin sila Groxx and Hendrix para makaalis na tayo dito." Napayuko nalang si Candice at ramdam kong natatakot talaga siya.

"Candice, here." Napatingin siya sa akin at napatingin sa inaabot ko, candy 'yon na alam kong paborito niya. "Huwag ka na matakot, we are here." kita ko sa mukha niya ang pagkawala ng takot kahit papaano.

Sumilip ako sa labas ng bintana at medyo lumalakas na ang patak ng ulan, nasaan na kaya sila Groxx and Hendrix? Mayayari kami nito. Tiningnan ko paligid at dumidilim na lalo.

By the way, I'm Gervione Kirstyn Geloroso and I'm with my bestfriends, ngayon kasi naming napili bumyahe para sa bakasyon namin bukas. Pagkatapos ng ilang buwang stress sa school and schoolworks nagkaroon din kami ng oras para sa sarili. Ito kasi talaga yung kailangan namin lahat, because after so many stress sa school. Finally! We are free! Pero ayos na lahat eh pero kapag minamalas ka nga naman.

Let me introduce to all of you my friends habang busy pa ang lahat at nabo-bored na ang iilan samin.

"Anong oras kaya tayo makakaalis dito? Ang creepy na talaga." Lilinga-linga sa pagilid na sabi ni Candice.

She's Candice Jolene Deocades napaka bait niya, siguro kung sa isang grupo siya yung masasabi na sweet and soft hearted. Kahit nasasaktan na siya diretso lang, hindi siya lalaban hahayaan ka lang niyang mapagod magalit diyan kahit masakit na sa kaniya. That's why kapag minsan napipilosopo siya, ako yung magtatanggol sa kaniya.

"Nakakainis na rin, ang tagal naman nila Groxx and Hendrix. Garreth, tingnan mo na kaya sila sa labas, please? Delikado din kasi don." nag aalalang pakiusap ni Larisa kay Garreth, pero kanina chill lang siya pero makikita mo na rin sa mata niya ang pag aalala.

She's Larisa Kiera Bernardo siya naman yung type ng kaibigan namin na serious and attitude person, palaban si Larisa kapag may aaway at mag aattitude sa amin nandiyan siya para ipagtanggol kami lalo na si Candice. Wala akong masasabi sa kaniya pwera lang sa pag aattitude niya minsan kasi below the belt na.

"Yeah! May point sila, or kung ayaw mo ako na lang dito na lang kayo. Gosh! Ang beauty ko malulusaw but I need to do this." tili ni Devyka na natatakot pero kailangan, kaya wala siyang magawa.

She or He? Paano ko ba sya ipapakilala. She na lang bestfriend ko 'yan eh. She's Devyka Ashanti Versoza and yeah you're right, she's a Gay or kung ipapakilala ko sa real name nya, he's Devin Ashdee diba? Ngayong babaeng-babae na. Pero siya ang isa sa mga pinaka pinagkakatiwalaan ko, she's the best promise. Siya yung klase ng kaibigan na may concern talaga sayo. Kahit hindi niya kaya gagawin niya basta para sayo. That's why she's the best.

"Naku, bestie! Kahit natatakot ako sasama ako sayo, push! Let's go!" pagche-cheer ni Yenesia also one of the best.

So yes, I'll introduce to all of you Yenesia as a girl. She's Yenesia Solange Sanchez napaka supportive niyang kaibigan siya din yung pinaka maingay sa tropa, kahit hindi niya kaya gagawin niya rin tulad ni Devyka. And I'll share kung ano rin ang real name ni Yenesia. She's a gay and ang pangalan niya talaga is Yenozu Solan oh diba ang pogi ng pangalan niya? Pareho sila ni Devyka and pareho silang the best!

"Fine, fine, fine! Dito lang kayo ako na ang pupunta sa labas delikado para sainyo. Atsaka pansin ko rin ang tagal ng mga hunghang na 'yon, nag aalala na rin ako. Talaga yung mga 'yon. Oh siya sige sandali lang." lumabas na si Garreth dala ang payong para tingnan sila Groxx and Hendrix. Paano ba naman kasi kanina pa talaga sila don, nag aalala na kami.

Btw, He's Garreth Desmond Felixon if ide-describe ko siya, siguro siya yung klase ng kaibigan na sobrang tahimik. Kung gaano kaingay si Yenesia at Devyka kabaliktaran 'yon ni Garreth pero close namin siya. Siguro siya din yung klase ng kaibigan na kapag may nagtuturuan kung sino na gagawa para wala ng away siya na lang. Mabait siya sobra suppportive pa, sila ni Candice yung taga pamayapa ng grupo.

And habang hinihintay na rin lang naman namin yung dalawa pa, ipapakilala ko na rin sila.

Groxx Henriksen Suarez isa sa mga kaibigan naming kaya kaming ipagtanggol sa lahat. Tahimik lang siyang tao, mapagmanman mahilig mag obserba sa paligid kaya hindi kami matatanga o mapapahamak kapag alam naming kasama namin siya, and sasabihin ko na rin siguro na napapansin kong natitipuhan niya ko, ilang beses ko na rin kasi siyang nahuhuling nakatingin sa akin pero hindi ko na lang pinapansin pero kaibigan ko siya kahit anong mangyari.

And last but not the least. Ang mainitin na ulo naming kaibigan, walang ng iiba pa sa iiba ng lahat. Hendrix Blythe Calderon pinaka basag ulo sa grupo, makulit at crush si Candice. The best 'yan kahit pasaway, kami yung taga awat sa kumag na 'yan kapag may kaaway. But thanks God lahat naman naaareglo kapag itong kupal na to nasasangkot sa gulo.

Yes! They're my friends na hinding-hindi ko iiwan kahit kailan. Magkagulo man ang buong mundo, mananatili yung pagmamahal ko sakanila. To my bestfriends/tropa-I love you all.

Candice Jolene Deocades
Larisa Kiera Bernardo
Devyka Ashanti Versoza
Yenesia Solange Sanchez
Garreth Desmond Felixon
Groxx Henriksen Suarez
Hendrix Blythe Calderon

After few minutes, pumasok na ulit ng sasakyan sila Groxx and Hendrix kasama si Garreth na sumakay na sa Driver Seat. Ang messy ng araw na 'to! Arggghhh!

"Why you two, took so long ha?" masungit na tanong ni Larisa sa dalawa.

"Grabe sira ng gulong sa likod kaya kami natagalan, ikaw kaya don! Hmp! Batukan kita diyan eh." kagat labing sabi ni Hendrix habang nagpupunas.

"Arte. Oh siya let's go na at nang matuloy na ang gala natin!" Masayang sabi ni Candice.

"Guys, alam niyo bang kapag ganitong mga roadtrip sabi nila may mga spirit, ghost or strange na nagpapakita. Like omg!" damang-dama na pagkukwento ni Devyka at may pahawak pa sa mukha.

"Alam mo bhe, gaga mo! Tulak kita diyan eh. Gaga! Sa mga movie lang 'yon." napapailing na lang ako sa dalawang baklang 'to.

"Gervione, ano nasaan na ba tayo?" Tanong sa akin ni Groxx. Tiningnan ko kung nasaan na kami pero malayo-layo pa kami.

"Mahaba-haba pang byahe guys." simpleng sagot ko sa kanila.

Tumahimik na ang lahat nagkaniya-kaniya na munang pahinga habang kami si Garreth focus pa rin sa daan na tinatahak ng van namin, malalim na rin ang gabi at mahaba-haba na rin ang byahe namin. Mula kanina pa kasi kaming umaga nabyahe, sobrang nakakapagod pero laban lang. Gustong-gusto at isa talaga sa goal namin ang magkabonding ng ganito.

Tumingin lang ako sa daan at tumingin sa rear view mirror at tulog na sila Hendrix at Groxx ganun din sila Larisa and Candice, pero si Devyka at Yenesia gising pa rin at busy sa pagce-cellphone. Tumingin ako kay Garreth baka inaantok na kasi sya.

"Sabihin mo lang sa akin kapag antok ka na para makapagpalit tayo, umidlip ka kahit papaano." Tumango lang at ngumiti.

Bumalik na ko sa pagkakasandal at tumingin sa labas, maliblib na rin ang dinadaanan namin. Humanap ako ng sign board para malaman kung nasaan na kami at sa hindi kalayuan may nakita ako, medyo burado na pero pilit kong binasa.





Baryo Garote

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro