Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

PROLOGUE

I was once an orphan, saved by a President and raised by a General.

"'Nay? Sa'n po tayo pupunta?" Tanong ko kay nanay habang buhat-buhat n'ya kaming dalawa ni kuya. Nakakatakot ang lakas ng buhos ng ulan at ihip ng hangin sa labas. Na para bang galit na galit ito sa 'min.

May kasalanan ba kaming nagawa?

"Shh, 'wag ng maraming tanong Minoa. Bilis akyat na, Nelo ang kapatid mo," wika ni nanay habang inilalapag ako sa isang lamesa upang kahit papaano ay hindi ako maabot ng tubig.

Habang si kuya naman ay kasalukuyan ng pinapa-akyat ni nanay patungo sa bubong ng bahay na sinilungan namin. Hanggang balikat na ni nanay iyong tubig, at kitang-kita ko ang hirap n'ya para mai-akyat si kuya habang inaalayan ako.

Nang maka-akyat si kuya ay mabilis s'yang kumapit sa isa sa malaking kahoy na naka-alalay sa bubong. Samantalang sunod naman akong kinuha ni nanay. Umakyat s'ya sa maliit na mesang kinatatayuan ko bago ako muling kinarga.

"Minoa anak abutin mo ang kamay ng kuya mo. Bilis na!" Pagmamadali ni nanay. Kaya kahit takot na takot ako ay sinunod ko pa rin ang sinabi ni nanay.

Dahil may kaiklian ang mga braso ko, ay hindi ko magawang ma-abot ang kamay ni kuya. Ramdam ko na ang muling pagkabasa ng paa ko sa tubig, habang karga pa rin ako ni nanay. Nang tingnan ko ang mga paa ko ay natatakpan na ito ng tubig at hanggang bewang na ni nanay ang baha.

"'Nay! Tumataas po ang tubig!" Wika ko sa kan'ya pero tumango lang s'ya.

"Sige na Minoa, ano ka ba! Bilisan ninyo. Nelo ihawak mo ang isang kamay mo sa kahoy nang mabuti, saka mo abutin ang kamay ng kapatid mo gamit ang isang kamay mo. Bilis na! Tumataas na ang tubig," gaya ng sinabi ni nanay ay iyong ang ginawa ni kuya.

Hinawakan ako ni nanay sa bewang saka itinaas patungo sa direksyon ni kuya. Agad kong inabot ang kamay ni kuya, pahirapan bago ko ito nagawa. At nang nahawakan ko na sa wakas ang kamay ni kuya, ay buong lakas niya akong hinila pataas, habang ako naman ay agad na inabot ang kahoy na pinapatungan ni kuya gamit ang mga paa ko.

"Kapit ka Min! 'Nay!" Marahas akong buong lakas na hinila ni kuya kaya agad akong napasampa sa kahoy na kinakapitan n'ya. Mabuti na lang at agad akong napakapit dito. Napatingin ako sa gawi ni nanay para sana tawagin s'ya, ngunit bigla na lang ay nawalan ng balanse si nanay at nahulog sa tubig, kasabay nun ang pagtaob ng mesa sa direksyon niya.

Kapwa kami napasigaw ni kuya sa gulat. Iyong mga luha ko ay muli na namang nag-unahang tumulo. Paulit-ulit naming isinigaw ang pangalan ni nanay habang pilit n'yang itinataas ang kamay na para bang humihingi ng tulong.

Muli sana akong baba o tatalon papunta sa direksyon ni nanay para tulungan s'ya, pero mahigpit akong niyakap ni kuya. Ilang segundo ang nakalipas na wala kaming ibang ginawa ni kuya kung hindi ang umiyak, ay tuluyan nang lumubog ang mga kamay ni nanay. Hanggang sa ang mesang lumulutang na lang ang tanging nakita namin.

"'Nay!" Muli akong napasigaw habang umiiyak. Tiningnan ko si kuya at tahimik lamang s'ya. Tiningnan n'ya ko na parang walang nangyari saka isinenyas ng umakyat ako sa haligi na nakakonekta sa bubong ng bahay.

"Kuya si nanay!" Umiiyak ko pang wika sa kan'ya, pero iniwas n'ya lang ang tingin n'ya. Gusto kong tumalon at lumangoy papunta kay nanay para i-ahon s'ya. Pero natatakot ako dahil hindi ako marunong lumangoy.

"Susunod si nanay Min. Bilis na akyat!" Malungkot na wika ni kuya sabay tulak sa 'kin. Tinitigan ko s'ya sa mga mata para siguraduhing totoo ang sinasabi n'ya. Pero muli lang s'yang nag-iwas ng tingin.

Pinunasan ko na lang ang luha ko saka muling liningon ang direksyon kung saan nalaglag si nanay. Hindi ko na nakikita ang kamay ni nanay pero hindi naman siguro magsisinungaling si kuya. Baka nakalangoy si nanay at napunta sa ibang direksyon, kaya susunod lang s'ya.

Mabilis na akong umakyat at nang makarating ako sa bubong ay ramdam ko agad ang malakas na buhos ng ulan. Niyakap ko na lamang ang sarili ko saka sinalubong si kuya at inalayan.

"Kuya? Asan na po si nanay?" Tanong ko sa kan'ya habang sinisilip ko ang pinanggalingan namin. Pero nagulat ako nang umiling si kuya kasabay ng pagtulo ng luha n'ya. Nagtataka ko s'yang tiningnan. Tinanong ko lang naman kung asan si nanay, pero bakit umiiyak na s'ya? May nasabi ba akong mali?

"Kuya!" Napahiyaw ako sa gulat at takot nang biglang kumulog nang malakas. Agad akong napayakap kang kuya. Pinunasan naman ni kuya ang luha n'ya bago ako tiningnan sa mga mata.

"Min makinig ka. Wala na si n-nanay. Ngayon kailangan nating sumilong naiintindihan mo ba?" Marahang wika ni kuya habang nakatingin pa rin sa mga mata ko. Iyong lungkot sa tono ng boses n'ya ay halatang-halata. Kaya napaisip ako kung ano ang ibig niyang sabihin na wala na si nanay?

Agad ako umiwas mula sa pagkakahawak niya sa mukha ko saka ko tinakbo ang pinanggalingan namin. Sa kisame kami ng bahay dumaan kay kitang-kita ko ngayon ang mataas na lebel ng tubig na bumabalot sa buong bahay. Halos maabot na nito ang kisame.

Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan at ang pag-ihip ng hangin, na para bang nagagalit ito. Pero nanatili akong tahimik na umiiyak habang tinatanaw ang direksyon kung saan nalaglag si nanay.

Ang totoo ay hindi ko lubos maunawaan ang sinabi ni kuya na wala na si nanay. Pero nung nakita ko ang mataas na tubig ay unti-unti ko nang naiintindihan.

Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni kuya. Humagulgol na 'ko sa dibdib n'ya habang s'ya naman ay malayo lang ang tanaw at tahimik. Naiinis ako sa sarili ko. Kaya ba kami pina-akyat ni nanay para mailigtas kami? Pero nung si nanay...

Si nanay ang nangangailangan ng tulong kanina ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang tanawin s'ya. Ang saksihan ang unti-unting pag-agaw ng kalikasan sa kan'ya mula sa 'min. Wala akong naitulong! Naiintindihan kong bata pa ako at hindi rin ako marunong lumangoy. Pero si nanay. Si nanay ko 'yon. Sana may ginawa ako kahit papaano, edi sana nakaligtas si nanay.

"Tahan na Min. Hindi matutuwa si n-nanay kapag nakita ka n'yang umiiyak," pag-aalo pa ni kuya. Kung noon ay simpleng yakap at salita lang ni kuya ay tumatahan na agad ako, sa tuwing binu-bully ako ng ibang mga bata. Pero ngayon ay hindi ko magawang tumahan.

Lumipas ang ilang oras ay nanatili pa rin kami ni kuya sa ibabaw ng bubong. Ginaw na ginaw na ako dahil wala kaming masilungan. Hindi rin naman kami pwedeng bumalik sa loob dahil napasok na ito ng tubig at baka malunod lang kami.

Pinilit ko na lang pigilan ang sarili kong luha sa pagtulo. Paano na kami ni kuya ngayong wala na si nanay? Hindi ko alam kung anong mangyayari sa 'min. Wala naman kasi kaming ibang pamilya maliban kay nanay. At ngayong wala na s'ya. Mabubuhay pa kaya kami?

Sana naman hindi na. Mas gusto ko na lang samahan si nanay at huwag ng lumaki pa. Ayaw kong mabuhay kung wala naman si nanay. Natatakot ako sa magiging buhay namin. Ganito ba talaga kagalit ang kalikasan sa 'min? At nagawa nitong kunin ang nanay ko?

Muling lumipas ang ilang oras bago unti-unting humina ang ulan. Nandito pa rin kami ni kuya at naghihintay ng tulong. Pero mukhang malabo iyong dumating. Sana nga 'wag na silang dumating.

Pero nagulat na lang kami ni kuya nang makarinig kami ng tunog ng sasakyang panghimpapawid. Napatingala ako rito at nakita ko itong binababaan ang lipad para magkapantay sa bubong na kinaroroonan namin. Ilang minuto lang ay may bumabang isang babae.

Napatitig ako sa kan'ya at nabuhayan ako ng pag-asang mabuhay matapos s'yang makilala.

"Ate Eury..." Nang makita kami ay agad siyang tumakbo papunta sa direksyon namin, at agad akong niyakap. Hindi n'ya alintana na basang-basa sako. Nang niyakap niya 'ko ay doon din muling bumuhos ang luha ko.

Tinanong n'ya ko habang nakatitig sa mga mata ko. Iyong titig an para bang sinusuyod ang kabuuan ko. Pakiramdam ko ay pati kaluluwa ko nakikiya n'ya, dahil sa mga mata n'ya na malalim kung tingnan.

And that is the time, where my life was altered. Nagbago ang takbo ng buhay namin ni kuya dahil sa kan'ya. Dahil sa isang babae na habang buhay kong titingalain.

But I never thought that this is how cruel fate is. First, it took my mother, and next her. And because of that, I hate life to death. I hate fate till the last star of this universe.

I let out a sigh of anguish. I am currently staring at myself in the mirror while I am wearing my military uniform. I will continue what ate Eury had started. I will make her proud.

"Noa are you done?" Kuya Styyx asked. He gave me a little smile. Mula noong mawala si ate ay madalang ng ngumiti si kuya. I pity him for what happened to them. According to kuya Nelo, ate Eury wasn't able to walk on the aisle and marry kuya Styyx, when she chose to sacrifice herself for this country.

"Opo," tipid kong sagot saka naglakad papalapit sa kan'ya. Muli kong sinulyapan ang sarili ko sa salamin at inayos ang suot kong military hat, bago sumaludo sa painting ng larawan ni ate Eury sa gilid ng pinto.

"I will continue what ate had started kuya. I promise I will never fail you. I will make you both proud of having me," nakangiting wika ko kay kuya. Tumango lang s'ya sa 'kin saka pabirong sumaludo.

"We always are Lieutenant Minoa Manchester," wika n'ya. Ngumiti ako saka Ibinaling ang tingin pabalik kay ate. Humarap din si kuya dito.

We both raised our hands and gave her our greatest salute, which she always deserve. I flashed a smile as I look at her peaceful face. In the paint, she's wearing a kimona while doing a salute.

She looks like a woman with so much power, dignity and just. The reasons, why I will forever look up to her.

"I will say it again ate..." Umpisa ko habang mapait na nakangiti sa kan'ya.

"I am Minoa Manchester, once an orphan saved by a President and raised by a General. Today, I will fly for peace, I will fight for our country and I will survive to make you prouder to me."

----

<JezzeiiVIII>

Pasensya na kung mahaba-haba itong prologue. Wala e kailangan kong i-reminisce ang mga nangyari sa nakaraan. By this, naipapakita rin kung paano namatay ang nanay nila ni Minoa, since wala iyong detailed explanation sa POTE. Yikes! Excited ako para rito, na-miss kong magsulat ng action. Nakakasabaw din pala ng utak ang Mystery-thriller na genre HAHAH.

Well, here's a hint sa buong plot ng story. Minoa is not just an ordinary soldier. I mean this story will not just revolve around the life of a soldier, since I don't want it to be plain and cliché. Kaya I'm trying my best to add some spice and plot twists. And it's for you to find out, so better continue? 'Di ako namimilit pero bahala kayo kung gusto n'yo magbasa. XD

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro