Chapter I
CHAPTER ONE
"Faster Minoa! Give strength to your attacks!" Wika ni kuya habang sinasangga ang mga atake ko.
Panay ang pagsipa at pagsuntok ko, pero ni isa ay walang tumatama kay kuya. Nakakainis din at ang tagal ko nang nagte-training pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin s'ya matamaan.
"Focus Noa," paalala n'ya kaya tumango ako. I'm currently on a training with kuya Styyx. He said it will be better for me if I'll ready myself before entering the world of a soldier-no scratch that, a pilot I mean.
"Look at the eye of your enemy. Never take your eyes away from theirs', cause one wrong move and the game is over," muli akong tumango sa paalala n'ya. Ito na ang pang-isang buwan na training namin ni kuya, at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilan ang paghanga ko sa kan'ya.
Although kuya Styyx is just simply wearing an emotionless face with a look of disregardance, it still didn't hinder him from dodging my punches and kicks.
Surely, he's good at fighting. No wonder why they became the best of partners with ate Eury.
How I hate this. I hate the situation where I can't even land my fist on kuya Styyx' body. I hate it for how it makes me look like a weakling.
"You're too bothered Noa. Your kicks and punches are too slow and weak," Puna ni kuya. Pero sa halip na mainis dahil sa mga sinabi n'ya ay pasimple na lang akong tumango.
Noon pa man ay nagtataka na ako sa mga ikinikilos ni kuya. I mean, I'm just going to train for being an airwoman, so, do I really need to muster martial arts? There's a feeling inside me that, kuya Styy is preparing me for something. I just really can't figure it out.
Or am I just overthinking? What if he's just being this strict and perfectionist when it comes to my physical strength because he's afraid that I can't protect myself? Teka, parang baliktad naman yata. As far as I can remember. He hates it before of how independent and strong ate Eury was. He hates it that sometimes ate Eury do some things without kuya's knowledge or help. So, why is he giving me this kind of training?
"Let's call this a day Noa. Call your brother, and get ready. We'll be going into somewhere," wika n'ya saka uminom ng energy drink, kaya tumango na lang ako saka mabilis na naglakad palabas ng training room.
Through the passed 11 years, after ate Eury died, si kuya na ang nagpalaki sa 'min ni kuya Nelo. He became our big brother, father, trainor, educator, motivator and everything. He never left our side and never let us feel like we are not related to him in blood.
Dahil iyon naman ang totoo. Both ate Eury and kuya Styyx are just stranger to us. Hindi namin sila kadugo pero sa kabila nu'n ay tinulungan pa rin nila kami at binigyan ng magandang buhay.
If it wasn't for them ay baka labis ang paghihirap namin ngayon ni kuya. At baka mahihirapan kaming abutin ang mga pangarap namin at ang magpatuloy sa buhay.
I was young that time when ate died, but somehow I can remember those times where I'm with her. All her words, her smiles and her kindness. Ate and kuya Styyx proved to me that sometimes water can be thicker than blood.
"Kuya tawag tayo ni kuya Styyx," pagtawag ko kay kuya Nelo nang eksaktong makarating ako sa sala at naabutan s'yang gumagawa ng blueprint. He's an Aeronautical engineering student now, and that was all because of them.
"Pawis na pawis ka ata Noa?" Tanong ni kuya. Sa mukha pa lang n'ya ay alam ko na ang mga iniisip n'ya.
"Natamaan mo ba?" Dugtong pa n'ya, kaya sinamaan ko s'ya ng tingin. Araw-araw ganito kami, pagkatapos ng training namin ni kuya ay aasarin n'ya ko dahil hindi ko pa raw napapatamaan si kuya Styyx. Tsk. Akala ba n'ya ganu'n iyon kadaling gawin? E kung s'ya kaya ang lumaban kay kuya? Baka mauna pa s'yang bumagsak kaysa sa suntok n'ya.
"Punitin ko blueprint mo gusto mo? Bilisan mo na lang d'yan kuya at hinihintay na tayo ni kuya," wika ko na lang sa kan'ya saka nagpunta sa kwarto ko para magbihis. Simpleng itim na ripped jeans ang isinuot ko na pinaresan ko ng kulay asul na cotton t-shirt.
"Where are you going kiddos?" Tanong ni papa Rhysx nang makasalubong namin s'ya sa corridor ng bahay. As usual, papa Rhysx flashed his sweet smile that made her wrinkles in the eyes more visible.
"We're going to her place pa," sagot ni kuya Styyx dito. Kuya Styyx was referring to ate Eury's villa in her hometown. Kahit hindi sabihin ni kuya Styyx ay halata namang nasasaktan s'ya kapag sinasabi ang pangalan ni ate. Kaya hanggang pronoun lang s'ya.
"Oh? Is that so? Then take care mga anak," malambing na sagot ni papa. Papa Rhysx became our father the moment we stoop in, in this house. He never looked at us in a different way from how he look at kuya.
"We will pa. Una na po kami. Probably we'll be back tomorrow," paalam ni kuya saka nagmano kay papa, kaya ganoon din ang ginawa namin.
Naglakad na kaming tatlo papunta sa garahe ng bahay, kung saan naroon ang chopper na sasakyan namin. Basta na lang kami sumama ni kuya Nelo at hindi na nagtanong pa ng dahilan kung bakit kami pupunta ng Cebu.
Si kuya Styyx ang may hawak sa main control ng chopper habang ako naman ang co-pilot n'ya. Tinuruan na naman n'ya ko kung paano magpalipad kaya kampante na ako ngayon.
"How's your studies Nelo?" Walang emosyong tanong ni kuya.
"Maayos naman po kuya. I'll be taking my final exam the day after tomorrow," sagot niya.
"Oh that's good. How about you Noa?" Baling naman sa 'kin ni kuya. Confusion immediately drawn on my face. Hindi ba't alam naman niyang papasok pa lang ako sa training?
"Kuya?" Naguguluhan kong tanong.
"I'm pertaining to your training," he flashed an almost a smirk.
"Ah I'll be good soon kuya," tanging sagot ko na lang. Minsan ay mahirap ding basahin ang tumatakbo sa isip ni kuya. Maging ang mga tanong n'ya, minsan ay mga weird.
Well, truth be told. After he lost ate Eury, he wasn't the same General Styyx anymore. He resigned from his position and isolated his self for almost 3 years. Halos gabi-gabi noon ay naririnig ko s'yang umiiyak, habang kinakausap si ate Eury. Sinisisi n'ya ang sarili n'ya sa pagkawala ni ate kaya matagal din bago n'ya natanggap ang lahat.
It's been a decade and one year after that tragic phenomenon, pero hindi pa rin nag-aasawa si kuya. He's not dating any woman at hindi na rin s'ya interesado. He really love ate so much. Hanggang ngayon nga ay suot-suot pa rin n'ya ang engagement ring nila.
"You should be Noa. You too Nelo, you'll begin your training after your exams," wika ni kuya dahilan para palihim akong mapangisi. Sa wakas naman ay mararanasan na ni kuya ang mga naranasan ko.
"Po?" Hindi makapaniwalang tanong ni kuya.
"I'll be running for Presidency in the next year's election. Kaya mabuti na iyong alam n'yo kung paano protektahan ang mga sarili n'yo. Politics are filled with inhumane people who only think about money and power," paliwanag n'ya kaya tumango na lang ako.
He's currently a senator now. Kuya Styyx engaged his self on politics to continue what ate Eury had started, and for ate Eury's legacy. Dahil sa ganitong paraan daw ay naalala n'ya si ate. He wants to live with ate's memories. At isa ang Malacañang sa mga lugar na kung saan ay may malaking kinalaman sa pagkatao ni ate. Malacañang is where her heart lives.
"Opo kuya," pagsang-ayon na lang ni kuya Nelo.
Ilang oras ang naging byahe namin sa himpapawid bago kami ligtas na lumapag sa harap ng villa ni ate.
"Tatang!" Tawag ko agad kay tatang Erwin nang makarating kami sa loob. Kahit nakasuot na ng salamin ay nagbabasa pa rin s'ya ng dyaryo. Medyo may katandaan na si tatang Erwin pero malakas pa rin naman s'ya.
"Illegal drugs!" Gulat na wika ni tatang kaya natawa na lang ako. Tumakbo kami ni kuya patungo sa kan'ya saka nagmano.
"Ano ka bang bata ka at nanggugulat ka. Isa pa ay huwag mo nga akong tawaging tatang," reklamo pa ni tatang. Pero tumawa lang ako.
"Magandang tanghali mang Erwin," bati ni kuya Styyx saka nagmano.
"Oh hijo magandang tanghali rin. Hindi man lang kayo nagpasabing pupunta kayo," wika ni tatang, pero tipid lang s'yang nginitian ni kuya.
"Biglaan po kasi mang Erwin. Kumusta na po pala kayo?" tanong ni kuya rito. Nag-umpisa na silang magkwentuhan kaya tinungo ko na lang ang kusina upang magluto ng kakainin namin. Ilang oras din ang naging byahe namin at hindi pa kami nanananghali kaya gutom na 'ko.
"Kailangan mo ng tulong bunso?" Tanong ni kuya Nelo. Blangko ko lang s'yang tiningnan bilang sagot.
"Sabi ko nga independent ka. Wala e ang lakas mo Min. Ge, sarapan mo ha?" Sarkastikong pang-aasar ni kuya Nelo saka lumabas ng kusina. Napailing na lang ako sa kapatid ko.
Makalipas ang ilang minuto, habang nagluluto ako sa kusina ay nakarinig ako ng ingay ng bata sa salas.
"Noa!" Masayang bati sa 'kin ni ate M nang makapasok siya sa kusina. Nagpunas ako ng kamay saka s'ya niyakap.
"Ang ganda mo talagang bata ka," papuri pa n'ya sa 'kin, pero nahihiya lang akong ngumiti.
"Asan po si Taly ate?" Patungkol ko sa anak n'ya.
"Nandun sa salas. Teka ano bang niluluto mo at ang bango?" Tanong n'ya saka tumunghay sa babasaging kaldero.
"Kaldereta? Mukhang masarap!" Tili pa ni ate, kaya ngumiti na lang ako.
"Ate Ark!" Agad akong napalingon sa bandang likuran ko, only to see Taly with her usual wide and sweet smile.
"Hey, how's my rival?" I asked as I knelt down to be leveled with her. She once again flashed a smile before showing me her tablet.
"Ate Ark I got a new gun!" Masayang wika n'ya habang itinuturo ang isang magandang kalidad ng baril sa larong nilalaro n'ya. She used to call me Ark since ate Eury nicknamed me Noa. So that's the humor there, Noah's ark.
"Oh? Kaya mo na habulin ang level ko," sagot ko naman sa kan'ya. I and Taly used to play Rules of Survival. She even compete with me, that's why I call her my rival.
"Wait ka lang ate Ark. I'll be there," wika n'ya saka bumungisngis kaya natawa na lang ako at ginulo ang buhok n'ya.
"Noa tulungan mo na 'ko dito. Luto na 'yong niluluto mo," pagtawag sa 'kin ni ate M makalipas ang maraming minuto. Tumango ako sa kan'ya saka ko hinanda ang mesa.
It was passed 12 in the afternoon kaya kumakalam na rin ang sikmura ko. I'm sure my companions are too.
After preparing the table, I went to the living room to call tatang and my two kuyas.
"I miss your cook M," kuya Styyx admitted while feigning a sincere smile. Ngumiwi lang si ate M sa kan'ya, saka naupo sa tabi ni tatang.
"Si Noa ang nagluto," nakangiwing wika ni ate M. Namamangha akong binalingan ng tingin ni kuya Styyx at tatang, dahilan para makaramdam ako ng pagkahiya.
"Talaga?" Tanong ni kuya kaya tumango ako.
"Itong lahat?" Dagdag n'ya habang itinuturo ang kaldereta, carbonara at adobo, kaya muli akong tumango.
"You're really no longer a kid Noa. I'm happy to see you both growing up," he uttered with a proud smile on his face.
"Hindi nga 'yan nagpatulong sa 'kin kuya. Kesyo strong and independent woman daw s'ya," agad kong tiningnan nang masama si kuya Nelo nang sabihin niya 'yon.
"What?" He asked without a voice. I gave him a deadpan stare like I'm really mad towards him. Pero tumawa lang ang loko.
"There's no wrong on being strong and independent Noa. But when someone offers you a hand, don't be too hard to accept it alright?" Pangangaral na naman ni kuya Styyx kaya pasimple na lang akong tumango. Nahihiya ako sa mga sinabi ni kuya Nelo. Ito iyong role ni kuya Nelo sa buhay ko e. Taga-asar at taga-pahiya.
"Ano nga pa lang ginagawa n'yo rito Stinks?" Gusto kong pasalamatan si ate M nang iniba n'ya ang usapan. Sinabi iyon ni ate M gamit ang striktang tono, habang linalagyan ng napkin si Taly sa dibdib.
"Aren't I allowed to be here? I'm just checking Mang Erwin," pabalang na sagot ni kuya kaya tinaasan s'ya ng kilay ni ate M. Natawa na lang si tatang habang pinapanood sila.
"Kayo talaga. Ano ba kayo, hindi na kayo mga trenta anyos, pero kung magbangayan kayo ay wala pa ring pinagbago. Mukhang ayaw pa rin ninyo sa isa't-isa, parang noong araw lang," naiiling na wika ni tatang.
"Ayaw ko naman talaga d'yan mang Erwin. E malamang may asawa ako," ate M immediately answered in a humorous manner, making tatang laugh more.
"So as I. I just get along with her for the sake of my fiancé," kuya Styyx answered with a smile, but his eyes are filled with anguish and melancholy. And in just a snap, everyone of us fell silent.
I elbowed kuya Nelo beside me to speak up. But he just glared at me so I sighed.
Sa mga nagdaang taon ay wala kaming ginawa kung hindi ang magpakatatag at pilitin ang sarili naming sumaya. Though I was just 8 years old that time when ate Eury left us, it still didn't save me from the pain.
Noong nawala si ate Eury ay pakiramdam ko nawalan ulit ako ng nanay. Sa maikling panahon na nakasama ko s'ya ay naramdaman ko agad ang kabaitan at ang pagmamahal niya sa 'min. Kaya napakasakit para sa 'kin ang malaman noon na hindi na s'ya bumalik.
"I would love to see you growing Noa and Nelo. Thank you so much for filling the void inside me. Ate is so thankful that God gave me you. Babalik ako at ipangako n'yo sa 'king magpapakatatag kayo,"
Those are her last words after flying towards the place where I never thought that will took her life. Tandang-tanda ko pa ang lungkot sa mga mata n'ya habang sinasabi n'ya iyon. Pero katulad nang nangyari kay nanay, ay wala akong nagawa sa pagkawala niya.
Lahat kami ay nasaktan at nagdalamhati. Si ate M ay panay ang pag-iyak noon. Habang si tatang naman ay ilang linggong nakaratay sa ospital matapos atakihin sa puso. Pero sa aming lahat, alam naming si kuya Styyx ang pinaka-nasaktan.
He went through uncountable psychiatrists just to help him continue living life. I witnessed how many times he stare at his phone's wallpaper. How he spent sleepless nights through crying and crying. Of how many times I heard him talking to ate. He lost his sanity the moment he lost ate. And that is when, everyone of us that surrounds him, tried to be strong.
We helped him in healing and dealing with the tragedy. Sa loob ng mga panahong iyon ay ang isa't-isa ang naging sandalan naming lahat. Ate Eury created an another family. And I and kuya Nelo are part of that family now. But that family? It's still grieving for her absence. Her fiancé is still grieving for her.
"T-that's mean Stink," ate M took the courage and broke the ice with a forced humorous statement.
"I'm still imagining her wearing a white dress with a veil while walking graciously towards me. Ang sakit lang na hindi na 'yon nangyari at mangyayari," kuya Styyx uttered with a bittersweet smile.
"Let's just eat," tipid n'yang dagdag kaya nag-umpisa na lang kaming kumain. Tatang led the prayer, while the rest of us excluding kuya Styyx are struggling to break the silence and bring back the cheerful ambience again.
"So how are you Noa? I heard from Styyx na magte-take ka ng training next month?" Panimula ni ate M. Saglit n'ya akong binalingan ng tingin habang inaasikaso si Taly.
"Opo. Ang totoo po niyan ay hinahanda na nga po ako ni kuya. Tinuturuan n'ya po ako ng martial arts," magiliwng sagot ko. Nakataas naman ang kilay na binalingan ni ate M ng tingin si kuya Styyx. Hindi ko alam kung tinatanong ba n'ya o pinagsasabihan sa pamamagitan lang niyon.
"What?" Pabalang naman na tanong ni kuya Styyx.
"You did that Stinks?" Nakataas pa rin ang isang kilay na tanong ni ate. Kuya nodded with his now emotionless face.
"Why martial arts?" Intrigang tanong ni ate. Saglit na inilapag ni kuya ang kubyertos saka pinagsalikop ang dalawa n'yang kamay at ipinatong doon ang baba n'ya.
"Because that's what she wants them to be. She wants Noa to grow up as a strong woman. While she wants Nelo to learn how to unclasp his guilts," malayo ang tanaw na tugon ni kuya maging ang sagot n'ya, kaya muli kaming natahimik.
"Aba'y ikaw Noa? Sigurado ka na ba talagang magsu-sundalo ka?" Pagbasag ni tatang sa katahimikan. Mabilis akong tumango sa kan'ya na walang halong alinlangan.
"Opo, buo na po ang pasya ko. Gusto ko pong maging piloto at lumipad para sa bansa ko," sinsero kong paliwanag, kaya bumuntong-hininga na lang si tatang, ganoon din si ate M.
Natapos ang tanghaling iyon at ang maging natitirang mga araw ng buwan ng Pebrero. Noong ikatlong araw ng Marso, ay sabay-sabay kaming lahat na pumunta sa Panatag Shoal para gunitain ang isang dekada at isang taon na pagkamatay ni ate.
Pormal din na nagdaos ng programa ang gobyerno bilang paggunita sa mga sakripisyo ni ate Eury sa bansa.
Ibang-iba na ang West Philippine Sea kaysa noon. Dahil ngayon ay wala ng makikitang mga Chinese vessel at malaya na rin ang mga Pilipinong mangisda rito. Dahil din dito ay unti-unti ng umaangat ang ekonomiya ng bansa.
Nang makarating naman ang ikatlong Linggo ng Marso ay sabik na sabik akong pumunta sa lugar kung saan idadaos ang medical exam para sa training ng pagiging parte ng Air Force. And fortunately, I passed in the medical exam, even on the training.
It was been four years of struggles and survival inside the training ground of Philippine Air Force. Years of nausea, exhaustion and attempts of flying an aircraft.
And afterall those years. Here I am now. Wearing the Philippine Air Force's uniform while giving my salute on my country's flag.
"Guardians of our Precious Skies, Bearers of Hope," emosyonal kong wika kasabay ng mga kasama ko. Hindi ko inaakalang darating din ang panahon na magagawa kong bigkasin ang motto ng ahensyang nangangalaga sa himpapawid habang buong tapang akong nakasaludo sa watawat ng Pilipinas, at suot-suot ang unipormeng sumisimbolo na isa na nga akong ganap na sundalo. Na isa na nga akong ganap na piloto.
Kinanta namin ang Philippine Air Force Hymn bago ako sinalubong nila kuya at ng buo kong pamilya ng isang nagmamalaking ngiti at mahigpit na yakap.
"You're now officially an airwoman bunso. We're so proud!" Emosyonal pang wika ni kuya Nelo sabay halik sa 'kin sa noo, dahilan para agad ko s'yang itulak. I'm no longer a kid to receive a kiss on my forehead from him. But somehow, I find it sweet.
"Kuya Styyx si Minoa hindi na nagpapahalik," sumbong agad ni kuya kay kuya Styyx. Kaya sinamaan ko s'ya ng tingin. I'm already 23, pero bata pa rin ang tingin nila sa 'kin.
"We're so proud of you young lady. I'm sure your ate is too," masayang wika ni kuya Styyx sabay saludo sa 'kin. Agad gumaya sa kan'ya si papa Rhysx, kuya Nelo at ate M. Sayang nga lang at wala rito ngayon si tatang dahil nagpapahinga. Dulot ng katandaan ay hindi na n'ya nagagawang magtagal sa byahe.
Si papa ay halos ka-edad lang si tatang pero nagagawa pa naman n'yang maglakad at magbiro. The typical papa Rhysx.
"I know kuya. I hope I'll be that woman ate wants me to," I flashed a smile while staring at the dancing Philippine flag meters away from us.
When I engaged myself on the training and successfully become an airwoman, my whole perception in life was altered. I became more mature and realistic. And most of all, every time I stare at the Philippine flag I remember her heroism.
All her lurching and sacrifices was painted in our most respective flag. The flag that represents our country as the Pearl of the East. But when ate died for this country, she became the real Pearl of the East.
---
- JezzeiiVIII
(A/N): Hola! Pasensya na sa mga fast forward na nangyari sa chapter na 'to. I just wrote it in that way to shorten the plots, and not to give excessive details. Nonetheless, I'm hoping that it's still readable and comprehensive.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro