Chapter 9
CHAPTER NINE
Kinabukasan, ay mas maaga kaysa sa nakaugalian akong sinundo ni William. Hindi ko na sinubukan pang kay kuya Nelo sumabay dahil hindi rin naman daw s'ya papasok at may iba s'yang gagawin.
And kuya Styyx is still not home, since he became too busy that he needs to stay in the Malacañang.
My day went hectic. Bigla, ay kinailangan naming lumipad patungong Visayas upang rumesponde sa isang lindol. At katulad ng inaasahan ay sumama sa 'kin si William.
My superiors interrogated him and me since he's not part of our agency and this is not his field. Pero isang paliwanag lang n'ya na ang Presidente mismo ang nag-utos sa kan'ya na bantayan ako at samahan sa lahat ng lakad ay hinahayaan na rin s'ya.
Makulimlim ang kalangitan patungo sa timog na bahagi ng Visayas. Dalawampu kaming mga piloto na naatasn. Ngunit mag-isa kong pinapalipad ang eroplano na may kargang medical supplies, habang na sa tabi ko naman ang tahimik lang na si William. He's watching my every move with an amused expression. I just don't mind him instead and focused my attention on the plane.
After we successfully took a take-off in an airport inside the Occidental Mindoro region, soldiers immediately went near to our plane and unload it.
Maraming mga tao at ari-arian ang napinsala sa lindol. Casualties are everywhere. Agad na tumulong ang mga kasamahan ko at ang mga nagbuluntaryong doktor na s'yang kasama namin sa paglipad patungo rito.
"Lieutenant!" Pagtawag sa 'kin ni Tasiah. Agad na kaming tumakbo papunta sa isang medical group na kakarating palang sakay sa isang helicopter upang tumulong sa pagbubuhat ng mga stretcher na may mga sugatang tao na sakay.
Even William helped. Magkasama kaming tatlo nila Tasiah, habang patuloy kami sa pagtulong sa mga tao. Kami ang naglilipat ng mga tao na lubhang napinsala patungo sa mga helicopters na s'yang itinalagang lilipad patungo sa kalapit na standard na hospital. Since the hospital in this province near the airport are already full or if not, they lack medical equipments.
"Put pressure on his wound!" Sigaw ni William habang inaalayan namin pababa mula sa helicopter ang isang lalake na sumusuka na ng dugo. Base sa 'itsura ng lalake ay mukhang nabagsakan s'ya ng bakal sa kan'yang tiyan kaya hindi mapigil ang pagbulwak ng dugo mula dito.
Patuloy pa rin ang pagdating ng mga helicopter na may kargang mga sugatan mula sa pagguho ng isang super mall. Halos buong rehiyon din ay lubhang napinsala, kaya kailangang i-byahe pa ang mga pasyente patungo sa mas malalaking ospital ng rehiyon na kahit papaano ay nanatiling nakatayo sa kabila ng lindol. Habang ang iba naman ay dinadala sa karatig na rehiyon.
Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa sikmura ng lalake upang lagyan ng pressure ang sugat n'ya gaya ng sinabi ni William. Habang si William naman ang s'yang kasama ng isa pang sundalo na lalake na s'yang nagbubuhat sa stretcher ng lalake.
Halos lahat ng mga tao sa loob ng airport ay abala. Everyone are too preoccupied. Dahil sa bawat segundo ay may mga taong naghihingalo.
Nagawa na naming mailagay ang lalake sa loob ng helicopter na may karga na ring ilang pasyente. Agad na nilagyan ng paramedic ng pressure ang sugat ng lalake matapos ko na itong bitawan.
Nang makaalis ang helicopter ay napatitig ako sa mga kamay ko. I have blood all over my hand now...blood that didn't came from killing, but from helping people to stay alive.
Higit dalawang taon pa lang ako sa serbisyo at ito ang kauna-unahang pagkakataon na may nangyaring ganito kalaking sakuna. At hindi ko inaakalang magagawa kong makatulong ngayon.
"Lieutenant," rinig kong pagtawag ni William na kanina pa pala nakatitig sa 'kin habang pinagmamasdan ko ang duguan kong mga kamay.
"'Wag mo sabihin sa 'king hindi ka sanay?" May himig ng sarkasmo na tanong n'ya. Pero hindi ko iyon pinansin.
"I'm helping people to stay alive now William. I'm not an assassin this time..." Wala sa sariling wika ko saka pinagmamasdan s'ya sa mga mata. Bahagyang umangat ang gilid ng mga labi n'ya saka s'ya tumango sa 'kin at ngumiti.
"Yes you are Lieutenant. Now, let's go," wika n'ya kaya tumango na ako at sabay kaming muling tumakbo.
May isang bagong helicopter na dumating at nakaabang na agad doon si Tasiah. Isang bata na naliligo sa sariling dugo ang inilabas mula roon. Hindi ko mapigilang makaramdam ng awa at sakit.
The kid is too young and too innocent to experience such kind of tragedy. Naaalala ko ang sarili ko sa kan'ya.
"Lieutenant! We're running out of pilots! We need to aviate them now!" Wika sa 'kin ni Tasiah na balisang-balisa na at hindi na magkmalay sa gagawin.
Agad akong tumango sa kan'ya at tinulungan ko silang ikarga ang apat na pasyente patungo sa eroplano na pinalagyan ko ng mga medical supplies kanina.
After we successfully took them inside the plane along with the three paramedics, I immediately positioned myself on the pilot's seat.
I took a glance at William down the plane when I noticed him just standing down there. I sent him an interrogating look if why he's just standing there. Pero sumenyas s'ya na mananatili s'ya roon upang tumulong.
At sa kauna-unahang pagkakataon ay napangiti ako dahil sa kan'ya. It was like a little genuine smile. That for the very first time, I witnessed William's good side. I witnessed how loyal he is to his oughted work.
Ligtas na lumapag ang eroplanong pinapalipad ko sa rooftop ng isang malaking ospital sa Oriental Mindoro.
Agad na umakyat ang mga nurse, at may ilang sundalo na rin doon na naghihintay. Tulong-tulong nilang binuhat ang mga pasyente. Tumulong na rin ako.
Pagkababa ko sa loob ng ospital ay umawang na lang ang mga labi ko dahil sa pagkabigla. Walang pinagkaiba ang sitwasyon ng ospital sa airport sa Occidental Mindoro.
Ang mga doktor, nurse at mga sundalong medic ay hindi magkamayaw sa pag-aasikaso sa mga pasyente. May ilang mga pasyente na nakahiga lang sa isang de gulong na kama na nakatigil lang sa isang gilid ng ospital, habang naghihintay ng mga doktor o kahit na sino na tutulong sa kanila.
Hindi ko mapigilang makaramdam ng panlulumo. Napakalaki ng pinsala na idinulot ng lindol. Halos buong Visayas ay apektado, pero ang rehiyon ng Occidental Mindoro ang pinaka-napinsala.
Siguradong mas lalo pang magiging abala ngayon si kuya Styyx at sasakit na naman ang ulo niya dahil sa daming problema na kinakaharap ng bansa.
It was like an advantage of having a President brother. Dahil dito ay nakikita ko ang katotohanan sa likod ng nakaugalian na bulok na sistema ng gobyerno.
I realized that government isn't just about money and power. Dahil may mga tao pa rin naman sa loob nito na s'yang tapat na naglilingkod sa taong-bayan. At isa rito and Presidente.
A government official like kuya Styyx is the one who's so much likely to be affected by this country's chaos. Sigurado akong lalong hindi makakauwi sa bahay si kuya ngayon.
Nakatanggap ako ng tawag mula kay Tasiah, na pinapasabing kailangan ko ng bumalik dahil patuloy pa rin ang pagdating ng mga pasyente sa airport, kaya nagmadali na akong umakyat sa rooftop kasama ang tatlong paramedics.
We flew with the same tensioned atmosphere. It was like the wind of forlorn flew along with the plane's wings.
When we reached the airport, Tasiah immediately greeted us with a patient carried by a stretcher in her hands. Sinundan ito ng iba pang pasyente. Ngunit sa loob ng minutong iyon ay natagpuan ko ang sarili kong hinahanap s'ya.
I thought he'll stay here helping. But why can't I see him now? Wait what!? I immediately shook my head as if I'm trying to erase stupid thought. Paano ko nagawang tanungin ang sarili ko sa ganoong bagay gayong na sa gitna ako ng ganitong sitwasyon?
Agad kong ibinalik ang sarili ko sa kasalukuyang pangyayari at pinigilan ko ang pag-gala ng mga mata ko. I shouldn't look for him.
I am with my fellow pilots and we're now officially the one who's carrying the patients and aviating them towards the hospital.
Hapon na ng unti-unti ay kaunti na lang ang mga pasyente na inihatid sa airport. At hapon na rin nang muli kong nakita si William.
Katulad kanina ay naka-civillian pa rin s'ya at hindi naka-uniporme. He's wearing a black fitted shirt with a black cargo pants.
He's quite messy. He's hair was disheveled. His dark-brown-eyes expresses the emotion of exhaustion, and there's stains of blood over his body.
I refrained myself from asking if where he has been. I shouldn't have any interest about his whereabouts. Malinaw din naman na nawala s'ya sa paningin ko dahil tumulong siya. Not that I'm watching his every move. Why would I?
Saglit naming pinagmamasdan ang kabuuan ng rehiyon sa ere. At hindi ko mapigilang manlumo sa nakita ko. Parang naging isang malaking tambakan ng sirang mga materyales at gamit ang buong rehiyon.
The view was horrible and heart-rending. I never thought that I could see again such image even in my darkest dreams. Dahil isinumpa ko na ang ganoong larawan simula noong nanalasa ang bagyong Ullyses.
"How was it Lieutenant?" Rinig kong tanong ni William mula sa headphone na suot ko habang kasalukuyan na kaming lumilipad pabalik sa base.
"That region should've built hospitals with strong foundations," tipid kong wika habang nakatuon pa rin ang malaking porsyento ng atensyon ko sa pagpapalipad ng eroplano.
"Our service isn't only for protecting this country. But for helping it face the tragedies too," sagot n'ya sa kaswal na paraan.
Napabuntong-hininga na lang ako. Heto na naman kami sa kaswal na usapan na para bang hindi kami dumaan sa insultuhan kagabi.
I chose not to answer him and augment the topic. I just focused on my thing instead.
Kinagabihan ay kagaya ng inaasahan ko ay hindi umuwi si kuya Styyx at nanatili siya sa Malacañang. The earthquake in Occidental Mindoro became a contemporary issue. Since it affected some sectors in the society, one is the medical and second is the economy.
I took a quick bath before sitting on my bed. I took my laptop and begin my way on hacking Leoncio Perez' identity.
Inabot ako ng alas-dose ng gabi sa pangangalap ng impormasyon. Hanggang sa nabuo ang isang ideya sa isip ko. I need to infiltrate their informations. And the only way that I have to do that is to enter their factory.
Mabilis kong hinanap ang cellphone ko at tinawagan si William. Ngayon ay wala na akong pakialam kung madi-disturbo ko ang tulog n'ya. Hindi ko pwedeng ipagpabukas ang sasabihin sa kan'ya lalo't malapit na ang araw ng misyon namin.
Kailangan kong gumawa ng progress tungkol sa kaso ng pag-atakeng iyon bago sumabak sa misyon. I want things to be ready for me when I'll get back from the mission.
"What? Missing me eh?" William managed to spice his voice with humor amidst his sleepy tone.
"Shut up," I scowled him using my emotionless voice. If there's one thing I learned from kuya Styyx, then it is not showing emotion.
"Listen William. I want you to work on my appointment with Perez. You said he's managing their factory now right? And I need to infiltrate their informations. Work on it, I'll be waiting," I added.
"What? Woman, it's not that easy," sagot n'ya sa nagpapaliwanag ngunit mahinahon na tono.
"By the way it should be we, not my," he added.
"You're good at making excuses or finding some alternative ways right William? So show me your skills now. Impress me General," nakangising wika ko sa kan'ya.
"Alright Lieutenant. Anything for you. I'll give you the answer tomorrow. Now sleep," sagot n'ya gamit ang seryusong tono.
"Aasahan ko 'yan lalake," wika ko at akmang puputulin ko na ang tawag. Pero narinig ko pa s'yang magsalita.
"Makakaasa ka babae." Wika n'ya saka ko pinatay ang tawag. I guess we're in good terms now. Marahil ay kahit papaano nakatulong ang pagkadiskubre ko sa good sides ni William kanina para kahit papaano ay mabawasan ang inis na nararamdaman ko sa kan'ya.
Pinag-aralan ko muna kung paano nga ba ako makakapasok sa loob ng lungga ni Leoncio Perez dahil baka makatulog iyong si William at hindi magawa ang sinabi ko. I also sent an email to my superiors, saying that I'll take a leave tomorrow for an emergency case, before I lied myself in the bed.
I was about to close my eyes and shut my consciousness when I heard my phone beep. I reached it from the bedside table and opened it. Only to see the message notification. I opened the messaged with a grimace.
:Sleep tight babae, I'll pick you up tomorrow.
Just by that simple message, I can again feel the beating of my heart which feels like it came from a marathon.
I mentally cursed myself before I forced my eyes to take its rest.
---
"Good morning babae," salubong ni William matapos ko s'yang madatnan sa kusina. Nakaupo s'ya sa mahabang stool habang nagluluto si papa at inaasikaso s'ya.
Kakagising ko pa lang at napakaaga na n'ya. Sinulyapan ko ang relo ko at nakitang alas-singko pa lang ng umaga.
Sinulyapan ko muna si papa at tiniyak na hindi n'ya maririnig ang pag-uusapan namin.
"What's with your outfit now?" I asked him in confusion, after scanning his entire body. He's wearing a business suit with a white long sleeve inside and with a loosened neck tie. The edges of the sleeves were slightly folded into centimeters away from his elbow.
I shot my brow up. He looks like some businessman that will going to advertise some business suit brands. He looks like some model with his masculine physique and dark-brown-eyes. What the eff--?
Marahan kong iniling ang ulo ko at binalewala ang layo ng nilipad ng isip ko. I walked towards the sink and greeted papa before walking back to him with a glass of water.
He took a sip of his coffee first before glancing at me. And I saw how his pupils dilated. I stared at him with confusion. I'm wearing a pair of white sando and pajama. My typical bed clothes. So what's his problem?
Hindi ko na lang inalintana na nakapangtulog pa akong humarap sa kan'ya. It's his fault that he came here too early.
"Magpalit ka muna, saka tayo mag-usap," wika n'ya na ikina-kunot ng noo ko.
"What? My clothes has nothing to do with this William." He shook his head and averted it away from my direction.
"I said change your clothes first woman," wika n'ya habang nakatuon pa rin ang atensyon sa ibang direksyon. Pansin ko ang pahigpit ng hawak n'ya sa tasa ng kape.
Tumaas ang gilid ng labi ko habang sinusulyapan ang kabuuan ko. At halos mapasigaw ako sa mura matapos mapagtanto ang bagay na s'yang dapat hindi ko kinalimutan bago humarap sa kan'ya. Damn it! I'm not wearing a bra!
Agad akong tumalikod at tumakbo pataas sa kwarto ko. Hindi ko inalinta na bitbit ko pa ang baso. Narinig kong tinawag pa ako ni papa, pero hindi ko iyon pinansin.
I rushed towards my room and immediately lock myself inside. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin habang pinapaulanan ko ang sarili ko ng mura.
Kahit papaano ay napahinga ako ng maluwag matapos makitang hindi iyon gaanong bumakat.
Nagmadali na lang akong magligo saka nagbihis ng uniporme ko. Tiningnan ko ang e-mail ko at katulad ng inaasahan ay hindi ako pinayagan. But I'm entitled as a stubborn woman. Kaya kahit ngayon lang ay maglalakas-loob akong suwayin sa kauna-unahang pagkakataon ang sinumpaan kong ahensya.
I love my work and I don't want to disappoint it. But this business is serious. It regards about our family's dignity and security. I can't just blind my eyes with the fact that the enemy is already attacking us.
Nagsuot ako ng military hat ko bago lumabas. Kahit gaano ko pa kamahal ang isang bagay ay seguridad ng pamilya ko ang uunahin at uunahin ko.
Nadatnan ko si William na nakaupo sa isa sa couch sa living room. I held my head high infront of him like I didn't remember the embarrassing moment that happened earlier.
Hindi ang pagkalimot ng pagsusuot ng bra ang makakapag-patungo sa 'kin sa harap ng isang lalake. No way!
Tumikhim s'ya saka tumayo at kunot-noong iginala ang paningin sa kabuuan ko.
"Why are you wearing your uniform? I thought we'll going to take a first step regarding to your stubborn move?" Tanong n'ya.
"Stop that word stubborn William." May diin kong sagot sa kan'ya.
"Alright. But why are you wearing your uniform?" Pag-uulit n'ya sa tanong n'ya.
"And what? Wear some civilian clothes and get annoyed by suspicious questions from my family? I need to conceal this from them William," sagot ko sa kan'ya, dahilan para humupa ang naguguluhan n'yang ekspresyon.
Saglit kong iginala ang paningin ko sa paligid at siniguradong walang PSG sa malapit.
"So what's the plan William? Did you successfully made an appointment with him?" He shook his head that made my brow shot upward.
He sat back again and motioned me to sit infront of him. "I'm waiting for their response on my email."
"Ano? So kailangan ko pang maghintay ngayon? Ang akala ko ba ay maaasahan kita d'yan?"
"Eh sino ba naman kasi ang magagawang makapag-reply sa hatinggabi babae?" Balik n'yang tanong.
I took off my hat and stared at him with disbelief. "It's not impossible William!" Mahina kong sigaw sa kan'ya. Nag-iingat na baka may makarinig sa usapan namin.
Kung sana pala ay ako na lang mismo ang nakipag-usap sa manager ng factory kagabi, eh hindi sana sumakit ang ulo ko ngayon sa kakaisip na kailangan ko pang magsayang ng oras sa paghihintay ng sagot.
"Now, we're too unprepared. This is not how E.U.R.Y officers move William," I uttered with my voice obviously laced with dismay.
"Look, if you only tell me more early about this, maybe we don't need to wait now right? And feel unprepared. But god woman! You called me in the middle of the night. Imagine that? In the middle of the night?" Sagot n'ya sa eksaheradong tono na para bang s'ya pa ang higit na nadismaya kaysa sa 'kin.
I looked at him with disbelief written on my face. "Are you putting the blame on me William?" He immediately shook his head in frustration.
"No, it's not like that woman. Alright, let's cut this off and prepare ourselves okay?" Wika n'ya sa kalmado na na tono. Pero nanatiling magkasalubong ang kilay ko.
"Hey, stop frowning please. Alright it's my fault. Just don't look at me with a frown." Tumaas ang isa sa magkasalubong kong kilay matapos marinig ang sinabi n'ya.
Damn it! Why is he using that voice again? That voice that feels like a warm breath in the middle of the winter? That voice that sounded like a kid asking for a candy? Shit! I'm being pathetic!
"My alternative plan. Let's just invade their territory and infiltrate anything," wika ko kasabay ng pag-iwas ng tingin ko mula sa mala-hipnotismo n'yang kayumangging mga mata.
"No, that's not how an agent work woman. It's too risky. At isa pa ay baka magsimula lang iyan ng apoy sa pagitan ng Presidente at sa kan'ya, o magpasiklab lalo kung meron man," napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi n'ya. Totoo naman ang sinabi n'ya at hindi iyon lingid sa kaalaman ko. Pero desperads na ako ngayon. I need to move quick.
"Then what William? We'll waste time on waiting for their damn response? What if that old man is too busy now huh?" May halo ng inis kong wika.
"Language woman," wika n'ya sa nagbabanta na tono. Seriously? Ano bang pakialam n'ya kung nagmumura ako?
I was about to answer him back and ask him with my irritated tone when I heard footsteps from the staircase. I saw kuya Nelo going down with his formal attire. Saan na naman ba s'ya patungo?
"Oh good morning bunso," wika ni kuya matapos makababa at lumapit sa 'kin. Akma n'ya pa akong hahalikan sa tuktok ng ulo ko pero nagmadali akong umiwas. Not infront of William. Baka lalo niya lang isipin na nagpapakabata pa ako kay kuya.
Bahagyang tumaas ang kilay ni kuya sa sinabi ko pero kalauna'y ngumisi rin s'ya. Binalingan n'ya ng tingin si William saka s'ya ngumiti rito. "Good morning General. What's with the attire?" Kuya asked in a humorous manner.
Napailing ako sa sinabi ni kuya at pinandilatan ko ng mata si William. I mentally face palmed in his stupidity. Bakit ba kasi s'ya nagsuot ng ganyan? Damn it!
"Good morning Engr. I'm going on a date," bahagya akong napasinghap nang marinig ang naging palusot n'ya. Idagdag mo pa ang tono ng boses n'ya na parang kaswal lang at hindi man lang kakikitaan ng pag-aalangan. What a good liar.
Makahulugan na sumulyap si kuya sa 'kin na may malawak na na ngisi. "I have nothing to do with it," agad kong paliwanag. Lalo na't nakangisi na ngayon si kuya.
"Too defensive eh?" Nakangising wika ni kuya saka tumawa ng mahina.
"So you're going on a date General?" William nodded. Unbothered.
"So how about my sister?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni kuya at pinandilatan ko s'ya ng mata.
"What again kuya!?" He chuckled.
"What I mean is. Kamusta ang kapatid ko General? I hope she's not being that stubborn woman again. She's not right?" Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni kuya. I stared at William who still has the same expression. Unbothered and confident.
Naging kampante na rin ako sa tanong ni kuya. Siguro naman ay hindi ako isusumbong ni William dahil siguradong madadamay ang trabaho n'ya. If he'll drag me down, then I'll drag him too at maghihilahan kami pababa.
"Cold and sarcastic. That's how she is these past few weeks," William grimaced. Hindi na ako umalma pa. We'll, it's quite true.
"Oh the typical she. By the way let's eat?" Anyaya ni kuya kaya tumango na ako. Naunang naglakad si kuya papunta sa dining area habang sinadya kong magpahuli kasama si William.
"What now William? Nakakainip maghintay. I'm not good at waiting," reklamo ko sa kan'ya pero nagkibit-balikat lang s'ya.
"So as me. I'm going on a date," he answered nonchalantly that made my brow shot upward.
Talaga bang seryuso s'ya sa sinabi n'ya? Is he really going to a date? How dare he when we have something more important to do?
"What the!? We're on work William! Just cancel that date," narinig ko s'yang humalakhak na lalong nagpataas ng kilay ko.
Bumabalik na naman s'ya! Ang pang-asar na William. Damn it!
"Oh jeez, the Lieutenant is jealous," nakangising bulong niya na tila isang inosenteng bata.
"What the hell William? Why would I?" I retorted. But he just grinned at me, that basically pissed me off.
"Don't worry woman. Ikaw naman ang ide-date ko."
---
JezzeiiVIII
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro