Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

CHAPTER EIGHT

Inabala ko ang sarili ko sa trabaho upang kahit papaano ay maalis sa isip ko ang mga salitang binitiwan ni William, maging ang tono ng boses n'ya habang sinasabi ito.

It gives me shivers on my spine. And a kind of warm feeling. It's weird and troubling of how his words affect me. Ang biglaan n'yang pagse-seryuso at pagbibitiw ng mga salita na hindi ko inaasahan, ay malaki ang nagiging epekto sa 'kin. Bagay na hindi ko maunawaan.

"Noa, sa tingin mo, paano kaya nagawang pasukin ang mansyon gayong napakahigpit naman ng seguridad doon? Kahit kami nga ay kinailangan pang dumaan sa kapkapan na halos hubaran na kami," umiiling-iling na wika ni Euny habang sabay kaming kumakain ng pananghalian sa canteen na na sa loob lang ng aming base. Natapos na ang leave n'ya at unti-unti na ring gumagaling ang sugat n'ya. Samantalang sa tuwing na sa loob lang ako ng base hindi nakakabuntot sa 'kin si William.

Saglit akong napatigil sa pagsubo sa tanong ni Euny. Maging ako ay nagtataka rin. No one can enter the mansion that easy. Dahil maliban sa automatic na mga security systems ay halos isang batallion din ang bantay doon.

Kaya kung sino man ang taong na sa likod ng pag-atake na iyon, ay sigurado akong planado n'ya ang lahat at posibleng may alam din s'ya kung paano kumikilos ang seguridad sa loob ng mansyon.

"I can't even think of a way. But one thing is for sure. May mata at tenga sa loob ang tao sa likod nun. Mahirap kumapa ng impormasyon tungkol sa loob ng mansyon sa labas," simpleng sagot ko, na nakapagpataas ng kilay ng dalawa.

"So what you're trying to say is there's a traitor inside?" Tanong ni Tasiah. Tipid akong tumango sa kan'ya bilang sagot.

Whoever the traitor is, I'm certain he can easily come in and out from the mansion. Or maybe he's been there. Ngunit wala ngang masyadong nakakapasok sa loob maliban sa kanila ate M, si Tasiah, Euny at ang dalawa ko pang kasamahan na malapit din sa 'kin. Jaya and Ramsey. But none of them has the reason to betray us.

"Who?" Dagdag ni Tasiah.

"I don't know. Wala namang pwedeng mang-traydor sa 'min maliban sa bago kong bo—" hindi ko na naituloy ang dapat na sasabihin ko at napatigil ako nang pumasok ang ideya sa isip ko.

Mga PSG at mga tauhan lang ang malayang nakakapag-ikot sa residence ng Presidente. Ang ilan naman ay mga katiwala na ilang taon na ring nagta-trabaho sa loob. Kaya posibleng ang bagong pasok ang pwedeng mang-traydor sa 'min.

"Bago mong? Sino?" Tanong sa 'kin ni Tasiah.

Pero hindi ko s'ya nagawang sagutin dahil naging abala ang isip ko. Posibleng si William ang mata at tenga sa loob. Posibleng s'ya ang nang-traydor, dahil isa lang s'yang baguhan.

Ngunit hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kinukuwestiyon nito ang sariling hinala ko. Sapat nga ba ang rason na s'ya ay bago lang para sabihin kong s'ya ang nang-traydor?

Dahil kung tatanungin ko ang sarili ko ay alam kong ramdam ko naman ang sensiridad ni William sa kagustuhan n'yang protektahan ako. Isa pa ay isa s'yang heneral. Isang sundalo na tapat na naglilingkod para sa bansa. We're on the same boat. So why would he betray the President of the country which he's serving?

I stayed quite for a second. Weighing if, should I tell them about my suspicion? Pero mali ang magbintang. Ayaw kong may taong masisira ang larawan dahil lang sa maling hinala ko.

Sa huli ay napailing na lang ako at napagpasyahang huwag ng sabihin pa. Maghahanap muna ako ng ebidensya bago ako magbibitiw ng salita.

"Forget that. Ayaw kong paratangan ang mga taong tapat naman na naglilingkod kay kuya. Sa ngayon ay gusto ko munang malaman kung sino ang taong na sa likod ng pag-atakeng iyon," tumango silang dalawa at hindi na nagtanong pa.

Ilang minuto lang ay dumating si Ramsey at Jaya. Sumabay sila sa 'ming kumain hanggang sa bumalik na kami sa mga trabaho namin.

Malalim na ang gabi nang matapos ako sa trabaho. Si kuya ay nauna na namang umuwi at inihatid na naman si Tasiah sa condo nito. Samantalang kagaya nang inaasahan ko ay naghihintay na sa 'kin sa labas ng base si William.

Nakasandal siya sa kotse habang pinaglalaruan sa kanang kamay n'ya ang susi nito. Hawak-hawak n'ya rin ang kan'yang cellphone sa kaliwang kamay n'ya.

"Good evening Lieutenant," bati niya. Tipid lang akong tumango bilang tugon.

Akma n'ya akong pagbubuksan ng pintuan, pero inunahan ko na s'ya. Tahimik s'yang pumasok sa loob ng kotse at pinaandar ito.

I can feel the uncomfortable silence between us. Tahimik ko lang na pinag-aaralan ang mga kilos n'ya. Habang s'ya naman ay sadyang tahimik ngayon.

Muli ring bumalik sa isip ko ang mga katagang binitiwan n'ya kanina matapos akong ihatid. Kung tunay ang kagustuhan n'ya na protektahan ako, ay bakit n'ya ta-traydurin ang panig namin? At magawang ipahamak ang buhay ko at ng aking pamilya?

General Colten Atticus William is too hard to read. He's annoying most of the times. But I can feel his sincerity whenever he look at me and tell me that he want nothing but to protect me.

"William..." Pagtawag ko sa kan'ya. Pansin ko ang bahagyang pagkagitla n'ya. Binalingan n'ya ako ng tingin ngunit muli rin n'yang ibinalik ang tingin sa kalsada.

"...sa tingin mo, sino ang maaaring mang-traydor sa amin at tulungan ang mga teroristang makapasok sa mansyon?" Kaswal na tanong ko sa kan'ya. Pilit kong hinuhuli ang reaksyon n'ya.

Bahagyang kumunot ang noo niya at umangat ang gilid ng labi n'ya. Para bang hindi n'ya inaasahan na tatanungin ko s'ya ng ganoon.

"Why are you asking my opinion Lieutenant?" He casually asked back. Napa-iwas ako ng tingin nang deretso n'ya akong tinitigan sa mga mata.

"Shouldn't you be happy? That at least I asked you such question. It just means that I'm trying to trust you," I uttered in a persuasive manner.

"Do you really? Or you're just trying to capture me?" Balik n'yang tanong sa 'kin. Dahilan para matigilan ako. Damn it! Ganoon n'ya lang ba kadaling natunugan ang ginagawa ko?

"Should I General? May dapat nga ba akong hulihin sa 'yo?" Seryuso kong tanong pabalik sa kan'ya. Napangisi s'ya sa sinabi ko at napailing.

"You're really an intelligent woman Lieutenant. Pinapahanga mo ako," wika n'ya sa namamanghang tono na hindi ko alam kung sarkastiko ba o hindi.

"And to answer your question Lieutenant. Why would I waste years in military if I'm just going to betray the President of the country which I'm serving?" Saglit akong napatitig sa kan'ya matapos marinig ang sinabi n'ya. Ngunit agad din akong nag-iwas ng tingin.

"We're on the same field Lieutenant. Alam mo ang mga sinumpaan nating tungkulin. Country first before anything. We protect our country and we serve peace. So why will I steal it? Bakit ko babaliin ang sarili kong prinsipyo at ang sinumpaan kong tungkulin para sa isang bagay na alam ko namang walang maidudulot na mabuti?" Napabuntong-hininga ako sa sagot n'ya. Magaling s'yang sumagot at madali s'yang makatunog ng tunay kong plano.

I wasn't wrong in projecting him as a loyal soldier. Sabagay ay maging ako ay tapat sa serbisyo ko. At kailanman ay hindi ko hahayaang magawi ako sa isang bagay na s'yang kasalungat ng prinsipyo ko at ng ahensyang kinabibilangan ko.

"Sadyang nakakapagtaka lang ang nangyaring pag-atake na iyon. At kung paanong nagawa nitong makapasok ng ganoon kadali," pagtatapat ko na lang. Tumaas ang kilay ko nang muli na naman n'yang inihinto ang sasakyan sa gilid ng daan.

"What again William?!"

"I can accept that you hate me. Better than you doubt me and my loyalty towards this country Lieutenant. Pagdudahan mo na ang katauhan ko. Pero huwag ang katapatan ko sa bansang ito babae." Seryuso n'yang wika na s'yang nagpagitla sa 'kin.

Ibang-iba ang tono ng boses n'ya ngayon sa karaniwang tono n'ya sa tuwing inaasar ako. Talagang seryuso s'ya ngayon at kita ko sa ekspresyon n'ya na ayaw n'yang pinagdududahan ang katapatan n'ya sa Pilipinas. He seem upset. And I don't know why I suddenly feel guilty.

Tumikhim ako at hindi ipinakita sa kan'ya na nagawa akong ma-apektuhan sa sinabi n'ya. "Just drive William," tipid ko na lang na sagot.

He maneuvered the car's steering wheel once again and I can already feel the uncomfortable silence gradually devouring us again.

To divert my attention, I took my phone and call kuya Nelo. "Yes Minoa?" He immediately answered.

"Where are you?"

"In the Head quarter bakit?" Tanong n'ya pabalik.

"What are you doing there?"

"I'm checking the planes," tipid n'yang sagot. Napabuntong-hininga na lang ako.

"May problema ba Min? You're not like this," wika n'ya na ngayon ay nababakas na sa boses ang pag-aalala. Kilala niya ako na minsan lang ako kung tumawag sa kan'ya. At iyon ay sa tuwing may problema ako at kung may pabor akong hihilingin. And I'm on the latter one now.

"Hintayin mo na lang ako d'yan. We have something to talk about," wika ko saka agad na pinatay ang tawag.

Gusto ko mang sabihin sa kan'ya ngayon ang pabor na hihilingin ko ay hindi ko magawa. There's something inside me that urges me to trust William. Pero mas lamang pa rin ang trust issues ko. I can't trust him that easy, even if kuya Styyx already trust him.

"Dumiretso na tayo sa HQ. Siguro naman ay alam mo na kung nasaan 'yon," walang emosyon kong wika sa kan'ya. Tumango lang s'ya bilang sagot.

Kinuha ko na lang ang laptop ko at muling pinagpatuloy ang pag-alam sa kung sino ang na sa likod ng nangyaring pag-atake.

Sa ngayon ay si Lucio Perez pa lang ang suspect ko. Sa dami ba naman kasi ng mga taong halang ang bituka sa kapangyarihan ay hindi ko na sila makilala. Isa pa ay wala akong masyadong kilala na mga politiko. I have no interest in politics tho.

I was about to decrypt the data that I encrypted last morning, when I heard William said something.

"How can I win your trust Lieutenant?" He casually asked with his soft voice.

Bahagya akong natigilan sa tanong n'ya. Ganoon ba talaga s'ya ka-pursigido para makuha ang tiwala ko? Is he that desperate for a person's trust?

"You don't need to win my trust General. Kusa ko iyong ibinibigay," sagot ko sa kan'ya habang nakapako ang tingin ko sa screen ng laptop.

"Then, don't I deserve it?" Mabilis n'yang tanong.

"Maybe yes, maybe no," sarkastiko kong sagot habang idine-decrypt na ang mga datos.

"I'm serious Lieutenant. How can I protect you if you don't trust me Minoa?" Pakiramdam ko ay muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko nang tawagin n'ya 'ko sa pangalan ko. Damn it! Ngayon ko hinahanap ang 'babae' n'ya.

"As far as I know, hindi basta-bastang hinihingi ang tiwala William," may diin na sagot ko habang pinipilit kong pakalmahin ang sarili kong puso. Hindi ko maintindihan ang malakas na pagkabog nito, gayong tinawag niya lang naman ako sa pangalan ko.

"And please don't call me Minoa again," I added. Tumango s'ya, hindi ko alam kung dahil ba sa una kong sinabi o sa idinagdag ko?

"I'm not asking you to trust me woman. I'm asking you if what can I do so that you will trust me. Note the difference," nakangising sagot n'ya sa 'kin na nakapagpakunot ng noo ko. What the!? Is he insulting me!?

"You can do nothing William," malamig ngunit puno ng diin kong wika. Hindi s'ya sumagot at nanatili lang ang atensyon n'ya sa pagmamaneho.

Ibinalik ko na lang din ang atensyon ko sa laptop ko at naghintay ng segundo para ma-decrypt ang data. Na sa kalahati na ito nang muli s'yang nagsalita na s'yang nakapagpatigil na naman sa 'kin.

"Batid ko ang ginagawa mong hakbang na labag sa utos ng Presidente," nakangising wika n'ya.

Hindi ako natigilan dahil sa kadahilanan na alam n'ya nga ang ginagawa ko. Hindi naman siguro s'ya ganoon kabobo upang hindi maintindihan ang binasa n'yang impormasyon ni Lucio Perez kanina. Ang nakapagpatigil sa 'kin ay ang ngisi n'ya at ang tono ng boses n'ya. I can feel him planning something which is obviously not in my favor.

"So?" I asked him with a voice of disregardance.

"Let me prove to you that I'm worthy of your trust," napangisi na lang ako sa sinabi n'ya. Hindi ako nagkamali sa inisip ko. He's the head of the intelligence's team though, it's not surprising that he can find another way of gaining my trust that fast.

"Are you hungry of a person's trust General?" I impassively answered.

"No. I don't care about everyone Lieutenant. What I only want is your trust. Hindi ko kailangan ng tiwala ng iba. Sa 'yo lang ang gusto ko," ang kaka-kalma ko pa lang na puso ay muli na namang bumilis ang pagtibok matapos marinig ang sinabi n'ya. What the hell is 'sa 'yo lang ang gusto ko?'

"Are you fooling with me General William?" Sa halip ay sagot ko. I don't want to continue discussing about that 'trust' thing. Oh damn that word!

"What!?" Wika n'ya sa hindi makapaniwala na tono.

"Are you diverting the topic woman?" Muling dagdag n'ya, pero pinili kong huwag sumagot.

"I'm serious about winning your trust Lieutenant. Gusto kong pagkatiwalaan mo ako para maging madali ang trabaho ko," muling wika n'ya sa seryusong tono.

"At ginagamit mo na ang pagsuway ko kay kuya?" Prangkang tanong ko sa kan'ya.

"You gave me no choice other than that," kibit-balikat n'yang sagot.

"You're impossible William!" I retorted, but he just flashed his menacing smile.

He chuckled first before speaking again. "So, deal or no deal?" Tanong n'ya na para bang isang negosyanteng nakikipaglaro sa isa pang negosyante.

"No," I firmly answered.

"Okay. Madali akong kausap. Ramdam kong ayaw mong mabigo sa 'yo ang Presidente. Pero siguro ay nagkamali ako ng pakiramdam," makahulugan n'yang wika na s'yang nagparamdam sa 'kin ng labis na inis. Seriously? Someone's blackmailing me?!

"Just what the fvck do you really want William!?" Hindi na ako nakapagtimpi at tuluyan ko na ngang naitaas ang boses ko. Pero taliwas sa inaasahan kong reaksyon n'ya na magiging seryuso ay tinawanan n'ya lang ako.

"Gusto yatang magpahalik ng Lieutenant," mahina n'yang bulong. Halatang hindi n'ya gustong iparinig sa 'kin. Pero sadyang malakas ang pandinig ko ngayon kaya agad kong binunot ang susi ng sasakyan upang tumigil ito. Eksakto namang na sa hindi matao na kaming kalsada patungo sa head quarter namin na malayo sa sibilisasyon.

"Why did you do that!?" Hindi makapaniwalang bulalas niya saka binigyan ako nang nangunguwestyon na tingin.

"Saan mo kinukuha ang lakas ng loob mo lalake?" Nagpipigil kong wika. How dare he use my relationship between kuya on blackmailing me? Damn it!

S'ya ang kauna-unahang tao na s'yang tinawanan ang seryuso kong mga salita. The first person who got the guts of annoying me except my family. The first person who dared to test my patience. And now? The first idiotic person who tried to blackmail me, just because of that damn 'trust' thing!

"What? Babae ang gusto ko lang naman ay pagkatiwalaan mo ako. At ikaw na mismo ang nagsabi, na hindi basta-bastang binibigay ang tiwala. Kaya humihingi ako sa 'yo ngayon ng pagkakataon para patunayan sa 'yo na deserve ko ang tiwala mo, at na dapat mo akong pagkatiwalaan," he reasoned out in a calm manner.

"At kailangan mo pa akong i-blackmail?" Hindi makapaniwala kong tanong sa kan'ya. Sa lahat ng ayaw ko sa isang tao ay ang pagiging manggagamit. I hate opportunistic people.

"I was left with no other choice woman," sagot n'ya sa akin sa kalmado pa rin na tono. Kasalungat ng nararamdaman ko ngayon na gusto ko nang sumabog sa inis.

"So, deal or no deal? Hahayaan mo akong tulungan kita sa ginagawa mo, o sasabihin ko sa Presidente ang tungkol dito," nakangisi n'ya nang wika na lalo lang nagpa-usbong ng inis ko. I bit my lower lip and closed my eyes while taking a deep breath; trying to calm my emotions.

Pagkamulat ko ng mga mata ko ay nakatitig na s'ya sa 'kin. Ang mga labi ay bahagyang nakaawang. Pero pinagtaasan ko lang s'ya ng kilay at hindi ko pinansin ang reaksyon n'ya. Agad naman s'yang napaayos ng upo.

"Fine! Pero sa ibang paraan. I don't need your help General, I can do this alone." Puno ng diin kong wika.

"Oh no Lieutenant. I heard you calling your kuya Nelo earlier. You're about to ask favor from him about your stubborn move right? Kaya iyan ba ang hindi kailangan ng tulong Lieutenant?" Nakangising wika n'ya na lalo lang nagpa-inis sa 'kin. Paano n'ya nagawang malaman ang tungkol doon? Ni hindi ko naman binanggit kay kuya na may hihingin akong pabor sa kan'ya.

"Bakit parang alam mo ang tumatakbo sa isip ko?" I asked him with a suspicious look. Pero nagkibit-balikat lang s'ya at halatang walang balak na sagutin ang tanong ko.

"So ano na? Payag ka ba o hindi? Isa pa ay inaasahan mo ba talagang papayag si Engr. Manchester sa plano mo Lieutenant? Do you think your brother will concinnate you about what you're doing? Knowing that it'll lead you to danger Lieutenant?" Hindi ako nakapagsalita agad sa sinabi n'ya at tanging matalim na tingin ang naisagot ko sa kan'ya.

Kung tutuusin ay tama s'ya. Isang katangahan na inisip ko na magagawa kong idaan si kuya sa lambing para hingin ang tulong at suporta n'ya. Pero bakit parang ganito na lamang kalawak ang alam n'ya tungkol sa 'kin at sa pamilya ko?

"Silence means yes. So it's a deal," nakangisi n'yang wika habang kinukuha sa kamay ko ang susi ng kotse at muli na itong pinaandar.

Hindi na lang ako nagtangka pang sumagot sa kan'ya. Ano pa nga bang magagawa ko? Kung inakala ko lang naman na magagawa ko s'yang paikutin, pero nagkamali lang naman ako. Damn it! Mukhang ako ang nagawa niyang paikutin. Isa pa ay malaki naman siguro ang maitutulong n'ya upang magtagumpay ako sa paghahanap sa taong na sa likod ng pag-atakeng iyon.

"So, I started my research last morning, and I found out that Lucio Perez is in Cavite right now. He and his diseased brother owns a lot of property all over the Philippines. Wala na silang mga magulang at dalawa lang silang magkakapatid. Ngayon ay nag-iisa na lang s'ya," dumako ang namamangha at nagtataka kong tingin sa kan'ya matapos marinig ang pinagsasabi niya. Pero nanatili akong tahimik at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"He got a son and a daughter who died in the war against muslim terrorists five years ago, due to late reinforcement. While that Luciano Perez who's not that handsome is currently a senator now and member of the cabinet. Lucio and his son are both competitive in politics. Kaya hindi kataka-takang sila agad ang naging suspek mo," wika n'ya na binibigyan ng diin ang salitang not. Seriously? Is he taking Luciano Perez personally?

Hindi na lang ako kumibo at muli s'yang hinintay na magpatuloy sa pagsasalita. Alam ko na naman ang tungkol doon. Pero makalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin s'ya muling nagsalita. Binalingan n'ya ako ng tingin na nakataas na ang isang kilay, maging ang bahagi ng kan'yang labi. Na para bang sa ganoong paraan ay tinatanong n'ya na ako.

"And? Iyon lang ba ang nalaman mo?" Blangko kong tanong. Humugot s'ya nang malalim na hininga saka ngumisi.

"I thought you're not listening. So yeah, nalaman kong kasalukuyang pinapatakbo ni Lucio Perez ngayon ang kanilang negosyo sa Cavite. Ang sabi ay isa iyong pagawaan ng mga baril. Legal naman iyon at may permit," wika n'ya na s'yang nakapag-antig sa interes ko. A factory of a gun huh?

"'Yon lang ang nalaman ko," dagdag n'ya kaya tipid na lang akong tumango.

Maybe working with him will make my work easier. Besides, I can use him, like how he's using this opportunity to gain my trust.

"So did I passed?" My brow shit upward after hearing what he said. I visibly rolled my eyes at him.

"Whatever. Ihatid mo na lang ako sa mansyon. Wala na akong kailangan sabihin kay kuya," wika ko saka itinuon ang paningin sa labas ng bintana ng sasakyan.

Narinig ko s'yang matunog na tumawa bago iniliko pabalik ang sasakyan.

Nang makarating kami sa loob ng mansyon at akma na sana akong lalabas mula sa sasakyan nang pinigilan n'ya ako sa pamamagitan ng paghawak sa pulsuhan ko.

Agad kong iwinaksi ang kamay n'ya at tinaliman s'ya ng tingin. Pero nginisihan n'ya lang ako sabay lahad ng kamay n'ya sa harapan ko na nakapagpakunot ng noo ko. What is this again?

Bago pa man ako makapagsalita ay naunahan n'ya na ako. "I'm General Colten Atticus William. You're new handsome partner in crime. And you are?" Wika n'ya habang nakangisi.

I stared at him for seconds, analyzing if what stupidity is this again? But he just grinned at me and signalled me to accept his hand and introduce myself like what he did. What a stupid.

I threw him a deadpan stare before I decided to ride on his stupidities. But I didn't reached his hand and instead, I just stated my name in an impassive voice.

"Lieutenant Minoa Manchester, the crime you're about to commit."

---

JezzeiiVIII

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro