Chapter 7
CHAPTER SEVEN
Maaga akong nagising at agad na naligo. Bahagya pang sumasakit ang ulo ko dahil sa kakulangan ko ng tulog. Papaano'y ilang beses lang naman na nagpaulit-ulit sa isip ko ang mga salitang binitawan ni William kagabi.
Damn it! Bakit ba ganoon na lang s'ya kung magsalita? At bakit ba naaapektuhan ako?
Minadali ko na lang ang pagligo at agad na nagbihis. "Good morning beautiful," bati sa 'kin ni papa nang makarating ako sa kusina. Bahagya n'ya pa akong kinindatan. Natawa na lang ako.
"Good morning pa. Asan po sila kuya?"
"Ang kuya Styyx mo ay hindi umuwi. Maybe he's still in the Malacañang," sagot n'ya habang naghahain na ng kanin. Tumango ako sa kan'ya at agad s'yang tinulungan sa paghahanda.
We don't have maids. Dahil ayaw ni papa at ni kuya. Ang sabi ni papa ay kaya naman daw n'yang magluto.
Isa pa sa hinahangaan ko sa mansyon na ito ay ang teknolohiya. Kuya Styyx is the one who created the programmed security, while papa created the services. They both has the brain of a scientist.
"Oh good morning handsome," bati ni papa kay kuya Nelo na kagaya ko ay suot na rin ang uniporme n'ya.
"Good morning pa," bati pabalik ni kuya.
"Good morning little sister," he greeted me and about to kiss my forehead when I pushed his lips through my two fingers.
"Mukhang galit na naman ang bunso ko at bakit na naman ba?" Malambing na tanong ni kuya. Inirapan ko agad s'ya.
"Kuya, I'm no longer a kid!" Naiinis kong wika sa kan'ya na ang tinutukoy ay ang paraan nang pagsasalita n'ya sa 'kin. Jeez! He sounds like he's talking to a four years old girl!
He chuckled. "Pa, hindi na raw po bata si Minoa," tumatawa pa rin n'yang wika kay papa, dahilan para tumawa rin ito at nagtawanan na nga silang dalawa.
"Oh dalaga na pala si Minoa? Ni hindi ko nga narinig na may nagtangkang manligaw d'yan," sagot naman ni papa na halatang inaasar na naman ko.
At heto na naman kami sa panliligaw na iyan. Palagi nila akong inaasar tatlo na saka lang daw sila maniniwala na hindi na nga ako ang maliit nilang prinsesa noon kung magkakanobyo na ako. But what the eff--!? Kailan pa ba naging basehan ang relationship status ng isang babae para maituring s'yang isang ganap na babae na nga?
"Paano pa, daig pa ang lalake kung umasta. He doesn't even look at men pa. Mas mahal n'ya po ang eroplano n'ya," wika naman ni kuya. I just rolled my eyes at them and pulled a chair.
Growing up with three men isn't that easy. Ang lahat ng pang-aasar ay sa akin naitutuon. Simula pa man noong bata pa ako ay madalas na nila akong asarin na tomboy dahil sa pagkahilig ko sa larong baril-barilan. So how I wish I have ate Eury with me, para may kakampi naman ako.
"Planes won't break you heart kuya. But a boy do," wika ko. Hindi ko na mabilang kung ilang ulit ko na ng ba 'to ipinaliwanag sa kan'ya.
Papaano'y palagi nila akong inaasar na walang nanliligaw sa 'kin. E noong highschool nga ako at may nagtangkang manligaw sa 'kin ay agad hinarang nila kuya. Tapos ngayon ay 'eto sila? Inaasar ako na bata dahil wala daw akong nobyo? Tsk.
"Why choose a boy Minoa? A boy will never be worth it of a woman like you daughter. Yes, you're right hija. Whoever breaks a woman's heart is not a man but a boy. So look for a man okay?" Wika ni papa saka ngumiti sa 'kin. I smiled at him.
"Sa madaling salita, look for a man like us," nakangising dagdag ni papa kaya umiling-iling na lang ako saka mahinang tumawa.
"I'll remember that pa," pagsang-ayon ko na lang.
Nagdasal na kami at nagsimulang kumain habang masayang nag-uusap. Ilang minuto lang ang lumipas ay biglang tumunog ang doorbell.
Agad na napahigpit ang hawak ko sa kubyertos matapos hulaan kung sino ang maaaring na sa labas. Walang masyadong bumibisita sa mansyon maliban na lang sa kanila ate M at sa dalawa kong kaibigan. Dahil na rin sa napaka-higpit na seguridad.
Isa pa ay malabong magiging sila ang na sa labas, dahil na sa Cebu si ate M at sigurado akong naghahanda na papasok ang dalawa kong kaibigan. Kung si kuya Styyx naman ay napakalabong mag-doorbell pa s'ya, gayong s'ya naman ang gumawa sa security system at agad na makikilala ang iris n'ya.
Papa took the remote and opened the gate's door as well as the living room's door. Minute passed before I heard the voice of the systematized usherette.
I was about to stand and inform them that I'm done eating when kuya Nelo held my hand, preventing me from walking away.
"Papa, Minoa will be soon no longer our princess. His prince is on its way," wika ni kuya kay papa habang nakangisi. Papa flashed an expression of surprise that later turned into a menacing one with a chuckle.
"Is that so?"
"Kuya let go of my hand," nagbabanta kong wika sa kapatid ko. Pero tinawanan lang ako ng loko.
"Minoa, you're not yet done eating. Papa hindi daw po masarap ang luto n'yo sabi ni Minoa," napairap ako sa mga pinagsasabi ni kuya. Oh my jeez! The bad side of having a brother.
"Is that true Minoa? Niluto ko pa naman 'yan na may kasamang pagmamahal," tila ay nagtatampong wika ni papa. Humugot ako ng isang malalim na hininga upang pigilan ang inis na nararamdaman ko tungo kay kuya Nelo.
"No it's not that pa. It's delectable po. Magbibihis lang po ako," agad kong paalam sabay lakad. Ngunit napapikit ako sa inis nang hinila ni kuya ang gilid ng damit ko.
"Naka-uniporme ka na Minoa," napamura ako sa isipan ko sa sinabi ni kuya.
"Bakit nagmamadali ka yata Min? Is there something wrong? Or someone?" I shot kuya Nelo a death glare after he added those words. Which is obviously meant to tease me.
"Oo nga naman. Umupo ka na Minoa at tapusin mo na ang pagkain mo," dagdag ni papa.
"I am re-" naputol ang dapat na idadahilan ko nang biglang dumapo ang mga mata ko sa mga mata ng taong gusto kong iwasan o takasan.
Agad kong naramdaman ang bahagyang pagtibok ng puso ko sa kaba. Damn it!
Palibhasa ay nasanay na si William sa araw-araw n'yang pagpupunta rito at alam na n'ya kung saan s'ya dapat didiretso.
"Good morning sir," bati niya kay papa pagkatapos ay agad na ibinalik ang paningin sa 'kin. Pinagtaasan ko s'ya ng kilay sa kabila ng kaba na nararamdaman ko. Shit! Bakit ba ako kinakabahan?
"Good morning young man. Susunduin mo na ba ang aming prinsesa?" Nakangising wika ni papa. Tumango si William dito.
"Aba'y hindi pa s'ya tapos kumain. Why don't you come and join us?" Anyaya ni papa rito na s'ya namang mabilis na pinaunlakan ni William. Napamura na lang ako nang maglakad s'ya papunta sa lamesa at lampasan ako para umupo sa tabi ni kuya.
"Sit now Minoa, it's still early," wika ni papa, kaya wala akong nagawa kung hindi ang bumalik sa pagkakaupo at umakto na walang bwisita na dumating.
"Do you have a girlfriend General?" Muntik na 'kong mabulunan sa nginunguya kong manok matapos marinig ang tanong ni papa.
"Are you okay Minoa?" Naroon agad ang pagkukunwari ni kuya na nag-aalala s'ya sa 'kin. Kahit ang totoo ay nasisiyahan lang s'ya sa pang-aasar sa 'kin.
Bahagyang natigilan si William sa tanong ni papa ngunit kalauna'y ngumiti rin. "None sir." Tipid na sagot ni William saka uminom ng tubig.
"Oh why is that?" Interesadong tanong ni papa.
"Papa, where is this conversation leading? What you're asking to him has concerns with privacy papa," sambat ko nang maramdaman ko na ang susunod na mangyayari.
"What? Anak, tinatanong ko lang naman ang bodyguard mo upang hindi s'ya mainip. Right General?" Sagot ni papa na ipinagdiinan pa ang salitang bodyguard. Tumango lang si William at tipid na ngumiti.
"You can ask him with a different question papa, if you don't mind," I answered.
"Min, you're too obvious," sinamaan ko ng tingin si kuya Nelo nang ibulong n'ya sa 'kin 'yon.
"I understand. But it's okay for you right General?" I heave a sigh of frustration when papa played it cool.
"Ah yes sir," napairap ako sa sagot ni William at ramdam ko na agad ang kagustuhan kong asintahin s'ya ng tinidor. Damn it! He's again testing my patience!
"So...why don't you have one General? I mean you're handsome and you seem like a good man. Imposibleng walang babae na lumalapit sa 'yo. Posible ngang maghabol pa," papa again asked in a humorous manner.
William suppressed a laugh that made me want to instantly stab him in his throat. Can he just stop riding in papa and kuya's boat of mockery towards me?
"Thanks for the compliment sir. But I was never been into any woman before. I admit, I once had a girl, but not a woman. And I'm really not into her. And maybe right now I'm just waiting for someone? Particularly a woman who can live in my world," I immediately turned my gaze at the glass window infront the dining table after hearing William's words. So he got an ex huh? And really a girl? Poor him.
"That's right young man. Waiting is one of the best thing that a man can do. Kung hindi ako nagkakamali nang pagdinig ay isang babae na kayang intindihin ang mundong iyong ginagalawan ang iyong ibig-sabihin hindi ba?" Nakangising tanong ni papa. Tumango rito si William.
"Oh so you're clearly waiting for a woman who's in the same field with you? In military?" Muling tumango si William. Habang napahigpit na lang ang paghawak ko sa kubyertos. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa patutunguhan ng mga tanong ni papa.
"Her identity gives me curiosity General," wika ni papa saka makahulugang ngumisi.
"Even me sir," sagot naman ni William na sinabayan n'ya pa nang mahinang pagtawa.
"How about you Noa?" Oh shit!
"Pa?" Inosente kong tanong pabalik.
"Why don't you have a boyfriend yet?" Tanong ni papa habang nagkukunwari na parang ngayon n'ya lang ako tinanong sa bagay na iyon. Hindi nakatakas sa pandinig ko ang mahinang pagsipol ni kuya na halatang pinipigilan ang pagngisi n'ya.
"You know the reason pa. I need no man," sagot ko habang pilit na sinasabayan ang gusto nilang mangyari.
Tumawa si papa sa sinabi ko bago umiling-iling. "Bakit hindi na lang si Ge-"
"Papa!?" Agad kong putol sa dapat na sasabihin ni papa. Shit I was right! Inaasar na naman nila ako, at talaga bang gusto pa nila akong i-pares kay William? Oh my jeez! Pamilya ko pa ba sila?
"Ha-ha alright, alright princess. Hala sige at magmadali ka na lang kumain at nang makaalis na kayo. Ikaw ba ay papasok pa General?" Napahinga ako nang maluwag sa sinabi ni papa.
"Hindi pa po sir. I took a leave for a month," sagot ni William.
Tumayo na ako at dumiretso sa sink. Saglit akong naglinis ng ngipin bago bumalik sa dining table at nagpaalam kay papa. Humalik ako sa kamay n'ya at ganoon din si kuya.
"We'll go ahead sir. Thank you for the scrumptious breakfast," paalam ni William kay papa. At mukhang natuwa naman si papa sa papuri ni William sa mga linuto n'ya. He's indeed a good cook.
Habang naglalakad kaming tatlo patungo sa garahe ay nadadaanan namin ang mga tauhan ng organisasyon at ilang mga katiwala na inaayos ang ilan sa mga nasira sa mansyon dahil sa nangyaring pag-atake.
"Kuya sa 'yo na ako sasabay," wika ko kay kuya nang makarating kami sa garahe.
"Huwag na Min, hindi ako didiretso sa base. May dadaanan pa ako. Why don't you just go with General William? He came here to fetch you," wika n'ya na may malapad na ngisi na.
"I'll be good Lieutenant. Besides you don't have any choice but to ride with me," sambat ni William. Sinamaan ko lang s'ya ng tingin, maging si kuya at dumiretso na ako sa sasakyan at padabog itong binuksan.
Damn it! Hanggang kailan ko ba makakasama ang heneral na iyon? Nayayamot na ako sa pagmumukha n'ya. I can't have freedom as long as he keeps on tailing me.
Kinuha ko na lang ang laptop ko at hindi na pinansin pa ang pagpasok ni William sa loob ng sasakyan. Nagsalita siya at tinanong ako pero nagbingi-bingihan lang ako.
Ang akala ba n'ya ay nakalimutan ko na ang sinabi n'ya kagabi? At ang banta n'yang iyon? He's stupid if he thinks that it will threaten me. There's no way!
Sinimulan ko na ang pangha-hack ng mga dokumento at lahat ng tungkol kay Leoncio Perez. It's a good thing that kuya Styyx didn't just taught me how to use a gun, how to protect myself, how to make an aircraft fly but also how to hack a system, and if how the world of technology works.
"Hey," rinig kong pagtawag ni William habang nagsisimula ng umandar ang sasakyan.
I continued on pretending that he don't exist. I mind my own business and I'm hoping that he will too.
Ibinaling ko na lang ang paningin ko sa labas habang hinihintay na mag-load ang mga files na ni-hack ko. Malaki ang kutob ko na may kinalaman ang Leoncio Perez na iyon sa nangyaring pag-atake sa mansyon.
Base on my knowledge about him. He did ran for Presidency in the past election, where he became kuya Styyx' rival. And unfortunately, he lost. So basically, he fit as the suspect. He has the very credible reason to try on eliminating kuya from his position.
One thing that augments my suspicion to him is his very great interest in politics. He was ate Eury's vice-president before, since Mr. Guanzon was murdered. And I assume he has something to do with it.
Nabuo rin ang alitan sa pagitan niya at sa kapatid niya na s'yang nagtatag ng teroristang grupo na PPA dahil sa politika. He's an alligator of power, money, and title. It's not questionable if he'll create an organization that aims to eliminate kuya and steal peace in this country out of his desperation.
"Lieutenant..." pakinig kong tawag na naman ni William. Pero hindi ko s'ya pinansin at nanatiling na sa labas ang paningin ko.
"What are you doing?" Nagtatakang tanong ko sa kan'ya nang hininto n'ya ang sasakyan at sumilip sa laptop ko na agad kong tinakpan.
"You keep on ignoring me!" He snorted.
"You don't care about that General. Now drive or I'll break your bone if I'll be late," I answered nonchalantly. Pero lalo lang humaba ang nguso n'ya. Seriously? Ano bang problema n'ya at may palabi-labi pa s'ya? Oh my god.
"Lieutenant, why are you that so harsh and cold to me? May problema ka ba sa 'kin?" Umawang ang labi ko sa nakanguso n'ya pa ring tanong sa 'kin. Binalingan n'ya ako ng tingin bago n'ya muling pinatakbo ang sasakyan.
Hindi pa ba halata na ayaw ko sa presensiya n'ya? Is he that dumb or stupid? "Yes," tipid kong sagot dahilan para lalo s'yang ngumuso.
"Bakit?"
"You're annoying," walang gana kong sagot sa kan'ya saka ko ibinalik ang atensyon ko sa laptop.
Kakatapos lang mag-load ng ni-hack kong file. Sinimulan ko na lang magbasa. Nandirito ang profile ni Leoncio sa politika at iilang impormasyon tungkol sa kan'ya.
He got a family. A wife, a daughter and a son who's just four years older than kuya Nelo's age. He's thirty.
His son's name is Luciano Perez, a senator in today's government and member of the cabinet. Status is single. A competitive specie in politics, and a law graduate.
"What's that? Why are you reading that Luciano's whereabouts?" Biglang tanomg ni William na kanina pa pala sinisilip ang ginagawa ko. Sinamaan ko s'ya ng tingin at ibinaling ko sa direksiyon ko ang laptop upang hindi na n'ya makita.
"You're nosy William. Just mind your own business," may diin kong wika.
"Tsk. Hindi naman kagwapuhan," rinig ko pang bulong n'ya. Hindi ko alam kung para sa akin ba ang bulong na 'yon? O para sa sarili n'ya? Hindi ko na lang s'ya pinansin pa.
His daughter's name is Luciana Perez. Damn! What an oldy name! It says she died seven years ago. Wait what? She's a soldier and she died in war against Muslim terrorists group due to the late reinforcement. If I'm not mistaken, that was the time when thirty fresh graduates along with their five superior was killed. She's twenty that time and it's her first and last operation. Oh I pity her.
Iyon lang ang nakasaad na impormasyon sa Luciana at wala ng iba. Ni wala ngang litrato katulad ni Luciano. Hindi rin isinapubliko ang pagkamatay n'ya .
I just saved the data instead and made sure that it's encrypted before I started on searching more about that Luciana's death. Siguro naman ay may iilang article tungkol sa pagkamatay n'ya o kahit sa nangyaring gyera lang na iyon. Her death gives me interest and I don't know why.
After minutes of searching, I flashed a grin of triumph after I found an article about it. It was encrypted from the internet and it really needs a best hacking skill to successfully open it.
Nag-umpisa na lang akong basahin ito. Umapila pala si Leoncio sa Philippine Army tungkol sa nangyari sa anak n'ya. He was a father that time desperate to seek justice for her daughter's death. Pero lumipas ang taon at hindi nanagot ang opisyal na s'yang responsable sa operasyon na iyon.
Leoncio was left with his desperation and abhorrence towards the whole agency of the Philippine Army.
"We're here," anunsyo ni William. Tumango na lang ako at lumabas na ng sasakyan. Ngunit natigilan ako sa sunod n'yang sinabi.
"You can hate me all you want Lieutenant. But please, don't do a move that will harm you. I'm your bodyguard and it's my job to protect you. But as what you said. How can I protect a person who doesn't want to be protected?" He paused for a moment. Marahil ay alam na n'ya ang hakbang na ginagawa ko upang makilala ang tao ns s'yang na sa likod ng pag-atake sa mansyon.
I balled my fists, hoping to keep my heart's beat calm. But it didn't. How can my heart beat normally if he just sounded so warm, sincere, woried and pleading?
"I want nothing but to keep you safe under my arms Lieutenant..."
---
JezzeiiVIII
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro