Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

CHAPTER FOUR

I shot kuya Styyx a look of disbelief and disapproval. What the eff-- is going on!?

"General, she's Lieutenant Minoa Manchester. My younger sister," pakilala naman ni kuya sa 'kin. Nilingon n'ya ko at sinenyasan na bumati. Pero nanatiling naka-angat ang labi ko at nakatitig sa kan'ya ng hindi makapaniwala.

"It's a pleasure to meet you...Lieutenant," General William uttered with a grin while folding his arms, making a 30° angle that resulted in a salute.

"Kuya!?" Hindi ko napigilang sumigaw dahil sa pagkabigla at pagtutol. Pero nanatili ang reaksyon ni kuya Styyx na parang wala lang. Sinulyapan ko si kuya Nelo pero nagkibit-balikat lang s'ya at halatang sang-ayon sa desisyon ni kuya Styyx.

"I can't believe this!" Eksaherada kong wika saka tumayo. Hindi ko pinansin ang pagsaludo sa 'kin ng heneral. Wala akong pakialam kahit na mabastusan pa s'ya sa inasal ko. Nasuntok ko na s'ya kanina at sapat na iyon para maniwala s'yang talagang bastos ako.

"Noa, tone down your voice and act professionally," ma-awtoridad na utos ni kuya Styyx. Napabuntong-hininga ako at napasalampak sa upuan.

"I can protect myself kuya. You don't need to hire some guard for me. I don't need him kuya," puno ng diin kong wika.

"You do Minoa Manchester." Sagot ni kuya na talagang tinawag ako sa buong pangalan. He's trying to show me that he's serious and his decision is final. But what the!?

Tumikhim si General William saka ngumiti. "I guess she's adamant about this Mr. President. I will still join the organization as what as I have pledged. And I guess I can still protect her?" He uttered skeptic about the last word.

"How can you protect a person who don't even want to be protected?" I sarcastically answered to him. But he just shrugged and flashed a menacing smile.

"And kuya, you're making me look like a weakling. With all due respect, but this is such an insult for me kuya. I don't need someone's arms and strength to stay safe kuya," I retorted.

"I understand your point of view little sister. But I'm doing this for your own good. Tuso ang kalaban natin Minoa. Hindi natin alam kung kailan nila susugurin ang kahinaan ko. It's better that someone will be there for you," paliwanag n'ya pa.

"And how about kuya Nelo? Tatang? Papa and ate M? Hindi ba't pamilya rin natin sila kuya. Kaya may magbabantay din ba sa kanila?" Bagama't napipikon na 'ko ay sinikap kong manatiling puno ng respeto.

"Noa," pabulong na sita sa 'kin ni kuya Nelo. Pero hindi ko s'ya pinansin.

"My decision is final Minoa. General William will be with you in every mission. He'll be with you except if you're in your respective fields. He's an army and you're an airwoman. So yeah, you'll have your freedom as long as your under the roof of your responsibility Noa," wika ni kuya Styyx kaya napabuntong-hininga na lang ako. It's final, and I can do nothing about it.

Damn it! Iniisip ko pa lang na may nakabuntot sa 'kin na nakakapikon na heneral ay ang sarap na n'yang paliguan ng bala. I'm Minoa Manchester and I don't need someone to guard me. I can always protect myself more than how others fantasize that they can.

"I understand," sagot ko na lang kahit labag ito sa kalooban ko. Malaki ang utang na loob ko kay kuya, kaya ano pang irereklamo ko?

"It's settle then," nakangiting wika ni General William. I visibly rolled my eyes.

"Ipinagkakatiwala ko na s'ya sa 'yo mula ngayon General. Please take care of our little sister," muli akong napairap sa sinabi ni kuya. Ano ako bata? Para ipagkatiwala sa lalakeng nagawa ko nang suntukin? I doubt his ability.

"Makakaasa kayo Mr. President. I'll take care of your little sister," sagot n'ya habang nakangisi. I instantly want to punch him when I noticed the street in his word little. Damn him!

I don't like this General. I don't like the way how he smile, he speak and mostly how he percieve me. I'm certain that he sees me as a fragile woman who once fantasize of a pair of a prince charming's arms. But hell no!

Even before I'm already not one of those girls who believes in fairytales. Who prays to meet their prince charming. I'm not that kind of woman. Though my kuyas treat me as their princess, I still know that I'm not that woman. I'm not a princess, I'm a queen. I'm not for fairytales, but for action scenes. I better hold a gun than to suffer the weight of a tiara.

"I'm a grown up woman General, incase you don't know," I nonchalantly clarified.

"Oh yes Lieutenant. I apologize," his expression was contrary to his words. I can't see the hint of apology in his face. He's actually grinning and obviously enjoying to play me. Damn him!

"Excuse me gentlemen. I'll go ahead kuyas," paalam ko sa kanila. Tipid na tumango si kuya Styyx habang si kuya Nelo naman ay ngumiti. Iniwan ko na sila at mukhang may pag-uusapan pa sila. Isa pa ay ayaw ko ng makasama pa nang mas matagal ang heneral na iyon.

He's obviously making fun of me. And I will never tolerate it. He just ignited the fire inside me after touching my ego. But I will never give him the satisfaction. I'll leave him in silence and act like I don't know him. That's how I revenge.

Lumabas na 'ko ng compound at nagmaneho papunta sa pribadong ospital ng organisasyon namin. Doon na idineretso sila Euny at ang iba pang sugatan. Nang dahil sa mga nangyari kanina ay saglit kong nakalimutan ang pag-aalala ko para sa kalagayan ng mga kaibigan ko.

"How is she?" Tanong ko kay Anastasiah matapos s'yang makita sa labas.

"Still in the operating room. Ang sabi ng doktor ay malalim ang tama n'ya," sagot n'ya habang pinaglalaruan sa kamay n'ya ang susi ng kotse.

After hearing her words, I raked my fingers in my hair due to frustration. How could I let this happen to my friend?

"She'll be fine Anastasiah." Paniniguro ko na lang sa kan'ya.

"Sana nga,"

"We need to report tomorrow," tumango s'ya sa sinabi ko.

"You're not going in?" She asked instead.

"And watch the doctors while operating her? Nah," I sarcastically answered. She rolled her eyes.

"What do you think about those terrorists Noa?" She asked. I just shrugged my shoulders trying to our that I know nothing. She just heave a sigh. Unconvinced.

"Political stuffs?"

"Mmm."

Ilang oras kaming naghintay sa labas ng hospital habang nag-uusap, bago kami pumasok sa loob. Si Anastasiah ang nagbukas ng pinto nang makarating kami sa tapat ng kwarto ni Euny.

Pagkapasok ay naroon sa loob ang isang doktor at dalawang nurse na kasalukuyang inaasikaso ang walang malay na si Euny. Sabi ng doktor ay stable na ang kalagayan niya, hihintayin na lang daw namin s'yang magising.

"Can you tell me about her Noa?" Anastasiah abruptly broke the silence between us while peeling an apple.

"Who?"

"The woman who linked us three," I nodded.

"She's a great woman. Everyone knew that Tasiah," tipid kong sagot sa kan'ya. I don't usually talk to them that much about ate. 

"Yeah. But specifically?" She again asked while bitting her apple now. She threw a peeled apple to me.

"She's kind. She stood as our elder sister. She gave us everything. After our nanay died, she saved us. She gave us life," I uttered while staring at nowhere, imagining her smiles. Ate Eury saved me.

"Sometimes you don't have to take the pain away. But rather embrace it and feel  it until you'll get used to it."

My lips wrinkled, forming into a weary smile after I remembered her words.

Matapos mawala si nanay at habang lumalaki ako ay doon ko lalong naramdaman ang sakit. Ilang gabi akong binangungot ng kalupitan ng kalikasan. Ang pagbaha, ang malalakas na buhos ng ulan, ang nakakatakot na kulot at ang walang katapusan paulit-ulit na pagkislap ng liwanag mula sa kidlat.

Inaamin kong hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko. Hanggang ngayon ay na sa puso ko pa rin ang sakit ng nakaraan. Kung paanong sa isang iglap ay nawala ang babaeng kumalinga sa 'kin at ang una kong minahal.

I grew up with this pain. But as what as ate Eury said, I never tried to escape from it. Para da mura kong edad na iyon ay napakalaki niyong dagok para sa 'kin. Pero sa mura ko ring edad na iyon, ay natuto akong tumayo sa mga paa ko at harapin ang masakit na reyalidad. I learned how to face the pain and feel it until one day, I found myself living with it.

Nang makita ko si nanay sa loob ng kabaong ay pakiramdam ko noon namatay rin ako. Panay ang pag-iyak ko noon. Walang humpay, na kahit minsan ay patago na, hindi pa rin ako tumitigil.

I don't have a father. Ni hindi ko naramdaman ang kalinga ng isang ama. Dahil sanggol pa lang daw ako ay iniwan na kami nito.

Behind my profile right now as a strong and empowered woman, there's still a tragic past within it. Hidden by the sunshines.

"Tasiah, have you ever imagined yourself as her?" I curiosly asked towards her. Tinitigan n'ya ko na para bang hindi n'ya inaasahan ang tanong kong iyon.

"One time? Well, who wouldn't Noa. Ilang beses akong humanga sa kan'ya habang pinapanood s'yang nagsasalita sa TV. Dahil sa kan'ya ay nabuksan ang mga mata ko na hindi tayo basta mga babae lang. She proved to me that I can do more as a woman." Sagot n'ya habang nababakas ang paghanga sa kan'yang mga mata. Nagkibit-balikat na lang ako at hindi na sumagot pa.

Salitan kami ni Tasiah sa pagbabantay kay Euny. Dumating ang bukas at hindi pa rin s'ya nagising. Kaya sabay na lang kaming pumasok apat at nag-report.

Madali naman nilang naintindihan ang rason namin. We told our superiors that we need to stay to let our comrades fly away.

Naging abala ulit ako sa trabaho ko. Natapos ang araw na hindi ko namamalayan.

"How's my little sister?" Kinaganihan ay ganong ni kuya Nelo matapos s'yang nagpumilit na sunduin ako. He planted a kiss on my forehead. At kahit ayaw kong ginagawa n'ya iyon dahil nagmumukha akong bata ay hinayaan ko na lang s'ya. Kuya Nelo can be that sweet brother sometimes.

"Mas gusto kong magpalipad ng eroplano at makipaglaban kaysa manatili sa loob ng opisina at doon magtrabaho. Office work is boring," reklamo ko na para bang ganoon nga kapangit ang naging araw ko.

I just really don't like office works. I prefer action always. I want those works where I can risk my life. And where it can challenge me.

Dahil wala kaming misyon sa araw na ito at wala namang banta sa himpapawid ay iyon nga ang ginawa ko maghapon. And seriously, it's making me sick.

"Euny was awake," wika ni Iya makalipas ang ilang segundo. Habang kasalukuyan na n'yang pinapaandar ang kotse.

"Good to hear that. Dumiretso na lang tayo sa ospital kuya," tumango s'ya sa sinabi ko.

Habang binabaybay namin ang daan ay panay naman ang pagtatanong sa 'kin ni kuya, na tamad ko lang na sinasagot.

"What's with your attitude towards General William Minoa?" My eyes automatically rolled and my thoughts became uneasy.

"I don't give polite treatment towards strangers kuya. I'm just being real to him," pangatwiran ko. Pero mukhang hindi iyon katanggap-tanggap kay kuya at umiling-iling lang s'ya.

"But Minoa, you're twenty-three. You should act professionally. Hindi tayo pinalaki ni kuya ng ganyan," pangangaral na naman n'ya sa 'kin. Napabuntong-hininga na lang ako at tama nga naman s'ya. My character shows how kuya Styyx and papa Rhysx raised us. And they raised us well.

"I'm sorry kuya. Susubukan ko sa susunod," he disheveled my hair after hearing my answer.

"Dapat lang bunso."

I don't know why but I just really don't like that General. I don't like the way how he percieve me. I can read it in his words and I can see it in his actions, that he's underestimating me. Kung sana lang ay pantay ang pagtingin n'ya sa 'kin sa kung paano n'ya tingnan ang sarili n'ya bilang isang lalake edi sana ay may tyansa pa na magkasundo kami.

Hindi na lang ako sumagot kay kuya at nanatili akong nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Sinalubong ang aking mga mata ng pamilyar na madilim na paligid na napapalibutan nagtataasang mga  puno.

It's the way towards home. Since house is located in a private land. Bago marating ang bahay ay kailangan mo munang dumaan sa nagtataasang mga puno. Tatlong kilometro lang ay mula sa mansyon ay naroon na ang ospital. Wala kaming kapitbahay at masyadong mahigpit ang seguridad sa buong lugar.

It was as if it was isolated from civilization. Sa totoo nga ay noong unang beses kong magpunta sa bahay nila kuya ay inisip kong na sa gitna ng kagubatan ito nakatayo. And yeah, it was really built in the middle of the forest. Manmade forest.

"By the way Noa. Kamusta ang trabaho mo ukol sa paghahanap sa mga PPA?" Biglang tanong ni kuya.

"I haven't done any progress yet. I'll gather informations tomorrow," tumango s'ya sa naging sagot ko. Muling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Not that kind of awkward silence. But comfortable indeed.

Pero ilang minuto lang ay agad na namatay ang katahimikan ng gabi matapos umalingawngaw ang pagsabog sa bandang unahan namin na sinundan ng sunod-sunod na putok ng baril.

Agad na napa-preno si kuya at sabay naming kinuha ang baril nilang dalawa. We're lucky that at least our car is bulletproof.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni kuya habang kapwa pa kami nakayuko. Tumango lang ako sa kan'ya.

"Shit! Paano nila nagawang makapasok?!" Bulalas ni kuya.

Iyon din ang tanong ko ngayon. How could they stepped in inside this place? And where the heck did they got their guts? Entering the President's territory huh? What a fool!

"Drive kuya!" Utos ko sa kan'ya na agad naman niyang sinunod. Dahil ilang kilometro pa ang layo namin mula sa mansyon ay posibleng ilang minuto pa bago dumating ang mga PSG o ang ilang kasapi namin sa organisasyon.

Mabilis ang pagpapatakbo ni kuya sa sasakyan habang panay naman ang pagpapaputok ko sa paligid. Sabay kaming napamura nang makita ang isang lalake na nababalot ng kasuotang itim. Nasaksihan namin ang aktuwal n'yang paghagis ng bomba sa direksyon namin, mabuti na lang ay mabilis na nakabig ni kuya ang sasakyan.

"Shit! Where are you!? We're under attack!" Rinig kong sigaw ni kuya sa hawak niyang radyo. Ngunit walang sumagot.

"Damn it! Kuya si papa!" I yelled in frustration after realizing it. I'm starting to feel the rapid beat of my heart in fear and worry. Not because of the presence of the enemy, but because of the probability that they got papa.

"Oh shit!" Agad na pinaharurot ni kuya ang sasakyan papunta sa mansyon. Habang iniluwa ko naman ang kalahati ng katawan ko upang pagbabarilin ang mga lalakeng nakasunod sa 'min sakay sa motorsiklo.

Higit anim ang nakikita kong mga motorsiklo. Ngunit sigurado akong madami ang bilang nila ngayon. They will be a great fool if they'll invade the enemy's territory without getting ready. And as a result, they successfully defeated our guards.

"Noa isara mo na ang bintana!" Utos ni kuya matapos marinig ang sunod-sunod na pagtama ng bala sa sasakyan namin.

Inubos ko muna ang bala ng dalawang baril ko at siniguradong napatumba ko ang mga lalakeng nakasakay sa motorsiklo bago ko sinunod ang inutos n'ya.

"Call some back-up!" Agad kong sinunod ang sinabi n'ya at tinawagan ko si Anastasiah. I'm certain she's still in our base.

"Noa? What's happening?" She immediately answered and asked after hearing the gunfires.

"We're attacked. They invaded our territory. Call some back-up and be here immediately!"

"Copy," Aniya saka agad na ibinaba ang linya.

"Shit! Si Euny kuya!" Lalo akong nabahala nang maalala ko s'ya. She's still in the hospital. At dahil nagawa na ngang pasukin ng mga kalaban ang teritoryo namin at nagawa pa nilang patumbahin ang mga bantay, ay hindi malabong na sa panganib din kalagayan ngayon ni Euny. Oh shit! Not my family, not my friend.

"Kuya ikaw na ang bahala kay papa. I'll go to her," wika ko sa kan'ya nang huminto ang sasakyan namin sa tapat ng mansyon.

"What!? Alright," he answered, obviously ran outed by choice.

"Please take care Noa," he reminded and quickly planted a soft kiss on my forehead. I nodded at him and immediately hopped in in the driver's seat after he got out and rushed towards the mansion's gate. I covered him for a while until he got inside the mansion, before I summoned the car's fastest speed towards the hospital.

As what as I expected, another batch of motorcycles with men clothed in black followed me. I grinned before making a U-turn.

Sinalubong ko ang higit sa pito na nilang bilang. Halata ang pagkabigla nila dahil sa biglaang pag-preno. Ngunit sa halip na prumeno rin ay lalo kong inapakan ang gas pedal ng sasakyan at nagpatuloy sa pagpapatakbo ng mabilis patungo sa kanila, na para bang hindi ako takot na banggain sila. Well yeah, there's no chance that I'll be afraid of them

Ganoon din ang ginawa nila. Kaya inilabas ko ang baril ko at asintadong pinagbabaril sa ulo ang iba sa kanila. Nang malagasan sila ng apat ay mabilis akong muling umikot at nagmaneho nang mabilis patungong ospital.

Nang makarating ako ay agad akong tumakbo papasok at sumakay sa loob ng elevator. I can't use the stairs, I'm in a hurry. Besides there's a great chance that someone is there too.

When I heard the elevator beep, I positioned myself in both offensive and defensive position. I held my two gun tightly while aiming it on the air, getting ready for my expectation of being welcomed by muzzles of guns. But fortunately, no one's outside.

Nanatili ako sa parehong posisyon habang binabaybay ang pasilyo papunta ss kwarto ni Euny. Hindi ko inalintana ang patay na katawan ng mga terorista at ng mga iilan kong kasama na nakakalat sa sulok ng pasilyo.

Dalawang patay na katawan ng tauhan ng organisasyon ang nadatnan ko sa labas ng kwarto ni Euny. Dahil dito ay lalong gumapang ang kaba at pag-aalala ko.

When I opened the door, I immediately shot the man still dressed in black who's currently aiming his gun at the unconscious Euny. He wasn't alone, so I immediately shot the second one beside him.

Nang dumako ang tingin ko sa paligid ng kwarto ay napabuntong-hininga ako. Patay na ang tatlong lalake na nagbabantay kay Euny.

I hastily went to Euny's bed and about to carry her, when I heard a click of gun behind me. I bit my lower lip in vexation.

"Put your gun down. You're aiming it at the wrong woman idiot!" Sa halip na s'ya ang maunang magbanta ay ako pa ang nauna sa kan'ya. Ang akala ba n'ya ay makakaramdam ako ng takot dahil lang sa may nakatutok na baril sa ulo ko? Hangal!

"Ang lakas naman po ng loob mo," sarkastikong wika nito na sinundan ng halakhak. Napapikit ako sa galit at kumuyom ang mga kamao kong kasalukuyan pa ring hawak ang dalawang baril ko.

"Ang lakas ng loob n'yong pumasok sa teritoryo namin ng walang pasabi. At talagang nauna pa kayong hanapin ako ano?" Sarkastiko ko ring sagot sa kan'ya.

"The PPAs now are quite improving huh? Impressive," I added in the same manner.

"Oh no, we're no longer PPAs. Hindi na kami sumasalungat sa gobyerno para sa taong bayan. The past organization? They're gone. Pera lang naman ang hinabol namin sa kanila. And now we're into politics. But you can still call us as terrorists, we won't mind," kwento niya pa na parang ganoon na lang ang pagmamalaki ng nararamdaman n'ya. So there's no longer PPAs. But there's another pests, how impressive.

"Nasubuan ka rin naman pala ng edukasyon. Pero ano? Malnourish pa rin? O sadyang makitid ang utak mo?" I uttered while grinning. Pertaining to his use of English language.

"Curiosity kills the cat, first sister," he chuckled with no humor. How foolish.

"Cat has claws idiot!"

"Hawak ko na ngayon. Yes, I'm sure it'll be a great loss to the President. Sige hintayin n'yo 'ko sa baba," rinig kong wika n'ya sa telepono n'ya matapos itong tumunog.

"Ang akala mo ba ay mapapasunod mo 'ko?" Nagpipigil ng galit kong wika sa kan'ya.

"Bitawan mo ang mga baril mo. Huwag maraming satsat," sagot n'ya sa halip.

"Tanga ka kung inaakala mong mapapasunod mo nga ako," matigas kong wika sa kan'ya. Dahil dito ay lalong dumiin ang nguso ng baril sa likuran ng ulo ko.

"Wala kang pagpipilian," napamura ako nang itinutok n'ya ang isa n'yang baril kay Euny. Shit!

Muntikan na s'yang mabaril muli at lahat-lahat, pero hindi pa rin s'ya gumigising. Damn you Euny!

Padabog kong inihagis ang dalawa kong baril at itinaas ang dalawa kong kamay. "Huwag kang magkakamali na kalbitin ang gantilyo. Kung hindi ay sisiguraduhin ko sa 'yong ako mismo ang tatawag kay Kamatayan para sa 'yo," banta ko pa. Pero tinawanan n'ya lang ako.

"Bilib talaga ako sa 'yo Lieutenant. Hawak ko na nga ang buhay mo, pero nagagawa mo pa ring magbanta," tumatawa n'yang wika.

"Bobo! D'yos ang may hawak sa buhay ko, hindi ikaw!" Sarkastiko kong sagot sa kan'ya.

"Daming satsat. Lakad bilis!" Aniya saka itinulak ako gamit ang nguso ng baril. Napapikit na lang ako at kahit labag man sa kalooban ko ay nag-umpisa akong humakbang. Damn it!  Asan na ba ang back-up?

After he opened the hospital's door, that is also the time when my question was given an answer, after my most unexpected person arrived and immediately shot the idiot's hand which is holding the gun that was pointed in me.

I was surprised of his presence. Our eyes met and I can again feel the rapid beat of my heart. This time, not in fear and worry, but by the strange feeling. And my stupid heart beat more faster after hearing his words.

"Not the little sister. Not my stubborn badass Lieutenant."

----

JezzeiiVIII

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro