Chapter 19
The culprit behind
Rapid heartbeats?
It only happened to me when I know that I'm losing someone dearly to me.
Wobbling knees?
Only when I saw my family's grave.
Hypnotized?
Only when I smell the breeze of the sea. And when I see the natural color of mountains and forests.
Breaking my own principles?
Nah, that never happened before.
But now? It all did. Only because of that damn General who possess the eyes of emerald, the most beautiful eyes I've ever seen.
But I never regret all the feelings that I've felt. I don't even regret breaking my own principles. Because if breaking it means owning him, then I will do it a countless times.
Marahan na 'kong bumangon sa kama ko matapos makita ang kaunting liwanag mula sa labas. Pakiramdam ko ay hindi ako nakatulog dahil sa dami ng isipin, naroon iyong tungkol sa 'min ni Styyx, tungkol sa bansa, at ang taong nasa likod ng pagkamatay ni Mr. Guanzon.
Nagdasal muna ako bago tuluyang tumayo at nagpunta sa banyo.
I let the water cloake my body with my thoughts rushing in.
Mnemosyne was right.
Being inlove is wonderful. Even tho I don't get enough sleep, I still feel so light like I know that this day will gonna be wonderful.
After minutes of preparing myself. I went to my transparent door towards the terrace and open the huge curtain that's covering it together with the door.
The morning sun's rays greeted me. The moment it kissed my skin I feel like the sun is smiling on me.
I even wave on the passing birds.
My mood right now is too good.
I feel like everything is smiling at me and greeting me a very magnificent morning.
I glanced at my watch and it's currently 3:30 in the morning.
Pero dahil alam kong marami pa akong gagawin sa opisina ay saglit na lang akong nag-microwave ng pagkain, since mang Erwin and Mnemosyne are still asleep.
Even the pancake that I'm eating, I feel like it's smiling on me.
Damn! Is this really the feeling of being inlove? Shit, I feel like I'll be a loyal patient to a particular mental asylum.
Geez! I'm being pathetic..
Lalo pa akong napamura matapos tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko kung bakit ay kusang kumawala ang isang ngiti mula sa labi ko.
:Good morning to my beautiful President, I love you..
With all his creepy heart emojis ay hindi ko na napigilang mapangiti.
How could he do this? How could this happen?
Bigla na lang sa isang pagkakataon ay nakita ko ang sarili kong nakangiti at hulog na hulog sa lalaking bumati sa umaga ko.
Ang kan'yang berdeng mga mata ang s'yang lubos kong hinangaan. Ang mga berde n'yang mga mata na kung aakalain mo ay isang hipnotismo at hindi isang organ.
Ang pinakamagandang mga mata na nakita ko sa tanang buhay ko.
Totoo nga ang sinasabi nila. Ang mga mata ng tao ang s'yang pinakamagandang pisikal na asset nito.
Dahil sa ganda nito ay maaari ka nilang lunurin. At heto ako't lunod na lunod sa mga mata ng lalakeng s'yang kauna-unahang umangkin sa labi ko, at s'yang kauna-unahang naging dahilan sa pagbaliktad ko sa isa sa mga prinsipyo ko.
The man with damn piercing emerald eyes, the man with his innocent kisses. In just a glimpse I found myself madly in love with him.
Shit!
"Eury?"
Kusa akong napatigil sa mga iniisip ko matapos marinig ang inaantok na boses ni Mnemosyne.
"Oh good morning pretty lady," masiglang bati ko sa kan'ya. Napangiti s'ya sa 'kin na may halong pagtataka.
"What's with the smile Eury?"
Nagkibit-balikat na lang ako sa sinabi n'ya.
"Tell me, anong uri ng hangin ang nalanghap mo?" Eksaherada n'yang tanong dahilan para mapangiwi akl
"Tss I'm just happy M," simpleng sagot ko sa kan'ya, dahilan para lalong lumala ang naguguluhan n'yang tingin.
"Happy? Ngayon ko lang 'yan muli narinig sa 'yo Eury, so tell me why?" Intriga n'yang sagot sa 'kin.
Muli akong nagkibit balikat saka nilagok ang kape ko. Saglit akong nag-mouthwash saka bumalik sa mesa.
"I'll tell you later I need to go, say good morning to Mang Erwin for me," wika ko sa kan'ya saka humalik sa pisngi n'ya.
"Seriously Eury? Pero teka papasok ka na? Ang aga pa, Eury alas tres pa lang "
"I know M, my day would be long I need to start early. Bye I love you."
Hindi ko na hinintay s'yang sumagot at dumeretso na 'ko sa garahe ko.
Medyo may kadiliman pa ang daan, dahil hindi pa tuluyang nasisinagan ng araw ang ilang bahagi nito.
Saglit kong binuksan ang radyo sa kotse ko. Ngunit halos kanta lang naman ang narinig ko dahil sa maaga pa kaya pinatay ko na lang ito.
Nang makarating na 'ko sa Malacañang ay may iilang tao na ang narito, dumiretso na lang ako sa opisina ko matapos batiin si Mr. Alejandro.
Saglit akong napatigil sa ginagawa kong pagti-tingin-tingin ng mga papeles nang maalala ko ang isang bagay.
Bukas na pala ililibing si Mr. Guanzon. Hindi man lang ako nakapunta sa huling lamay n'ya dahil hindi ako hinayaan nila M at mang Erwin na pumunta, marahil ay natatakot silang maulit muli ang nangyari noong una.
Napabuntong-hininga na lang ako saka muling ibinalik ang atensyon ko sa mga papeles.
Life is too puzzle-like to understand it that easy.
I was smiling earlier but now I again feel the pain in my heart. When will this stop? When will this life stop hurting me?
If there's only one word I can say to life, then it is, it's mysterious.
It consists of mysteries that our naked eyes can't see. Mysteries that are kept inside the chamber of agony and loss.
Mysteries that you can only unravel when death is already waving at you, but sometimes it doesn't go that way. Sometimes there are people who died with big question marks in their head.
What are you life?
Pilit ko na lang iwinaksi ang mga isipin ko. Dapat ay mag-focus ako sa trabaho ko ngayon. I shouldn't let my emotions overwhelm me.
Because in this field I don't need emotions, I need a high intellectual capacity and a good skill of focusing and weighing things.
Napangiwi ako matapos makita ang isang report.
Numbers of criminalities rise up, mostly in the genre of murders.
Napahilot na lang ako sa sentido ko.
People in this country are too helpful. They even help to alleviate the overpopulation. Yun nga lang sa maling paraan.
Sunod kong tiningnan ang isa pang report. Muli akong napahilot sa sentido ko matapos mabasa ang mga datos dito.
Cases of teenage pregnancy are growing too.
What the eff-
Isa pa itong mga kabataan na sakit sa ulo. Hindi man lang ba nila pinagnilayan ang sinabi ni Ga't. Jose Rizal?
Asan na ba ang kabataan ang pag-asa ng bayan ngayon? Kung sila na mismo itong sumisira sa kinabukasan nila.
God! They are too stupid!
Those raped victims they have the exception. Pero iyong mga kabataang nagpakasasa sa sarap at hindi man lang inisip ang maaaring dulot ng mga kalokohan nila. They are no exception.
They are great stupids!
These are the main problem of teenagers. They are too weak! They let their emotions overpower them, resulting them to ruin not just their future but the future of this country—even this world.
Geez! Ano na lang ba ang gagawin ko sa kanila? Kahit pa siguro araw-araw akong magtatag nang mga plataporma tungkol sa pagbubuntis ng maaga, ay hindi pa rin nito maagapan ang palobong bilang nito kung sila na mismo ang may gusto.
I can't just orient an individual if they are not even lending an ear on my words.
Kaya dumarami ang mga mahihirap sa bansang ito. Dahil maraming mga kabataan ang maagang nagpabuntis kahit wala namang kasiguruhan kung mabubuhay nila nang maayos ang mga anak nila.
Teenagers are such a pain in the ass.
"Good morning ma'am," bati sa 'kin ni Zalysha.
Tinanguan ko s'ya matapos s'yang maglapag ng kape sa mesa ko.
"What's the schedule for today Zal?" Tanong ko sa kan'ya.
Kinuha n'ya ang tablet n'ya saka inumpisahang iiscan ang mga iskedyul dito.
Napatango na lang ako sabay himas sa sentido ko matapos marinig kung gaano karami ang mga bagay na kailangan kong gawin sa araw na ito.
Ni huminga ata ay hindi ko na magagawa dahil sa sobrang sikip ng iskedyul ko.
Oh shit!
"By the way ma'am ipapaalala ko lang po. Tomorrow, 5 in the morning iyong flight n'yo po," napatango na lang ako sa sinabi n'ya.
May isang UN meeting pa pala akong dadaluhan.
"Sige, salamat Zal," tumango s'ya saka tuluyang lumabas.
Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa mga papeles saka muling nagbasa.
Napataas ang isang kilay ko matapos makita ang bilang ng lahat ng rehabilitation centers sa bansa.
There are over 10,000 rehabilitation centers. May iba pang syudad ang walang rehab centers.
Napahilot na lang ako sa sentido ko. How many rehabilitation centers do I need?
Nang muli kong tiningnan ang bilang ng criminals sa bansa ay malayo ito sa bilang ng rehab centers.
There are almost hundred thousands of criminals. 10,000 rehab centers can't contain their huge numbers.
Nang tingnan ko naman ang bilang ng mga psychologist at psychiatrist sa bansa ay mababa rin ang bilang nila kesa sa bilang ng mga criminals.
Ganito ba talaga kauhaw ang droga na gawing halimaw ang mga tao? Shit! Kung sino man ang mga walang hiyang tao sa likod ng mga produksyon ng drogang iyan ay hindi sapat ang walang hanggang mura para sa kanila.
Those illegal drug producers are damn pests!
Natapos ang umaga at tanghali ko na walang ibang ginawa kung hindi ang makipagkita at makipag-usap sa iba't-ibang tao, magbasa at magpirma nang sangkatutak na papeles.
Pero sa kabila ng lahat ng ito at ng pagod na nararamdaman ko ngayon ay hindi ako umangal. Bago pa man ako tumakbo ay alam kong ito na ang buhay ng isang Presidente, kaya't ano pa ang rason ko para umangal?
Sandali akong tumigil at humigop ng tsaa, upang muling maibsan ang antok na nararamdaman ko dala ng pagod.
"Come in," wika ko matapos makarinig ng katok sa pinto ko.
"Ms. President," panimula ni Mr. Alejandro.
"Yes?" Kaswal na sagot ko sa kan'ya.
"May ilang media po sa labas, they want to interview you, regarding to that war on drugs program," wika n'ya.
Tumango na lang ako sa kan'ya. Hindi naman ako nagtaka pa dahil ako naman mismo ang nagpatawag nito.
"Let them in," wika ko sabay lakad patungong conference room.
Ganoon naman ang ginawa ni Mr. Alejandro lumabas na s'ya at tinawag ang mga taga-media.
Ilang minuto rin ay dumating na ang tatlong newscasters kasama ang mga camera man nila mula sa iba't-ibang istasyon.
"Good afternoon Ms. President," sabay nilang bati.
"Good afternoon," saglit akong tumango at tipid na ngumiti.
"Thank you for letting us ma'am," wika ng isang babaeng newscasters na mukhang galing sa SBN station.
Naiinip akong tumango sa kanila.
"Ma'am isinapubliko na po ang tungkol sa programa n'yo. Ano po ang dahilan kung bakit ito po ang naisip n'yong kauna-unahang programang itatag," tanong n'ya sa 'kin bilang panimula.
"Hindi naman siguro lingid sa kaalaman nating lahat na talamak na ang kaso ng droga sa ating bansa. Uncountable crimes was done because of the illegal drugs. I can't just create a program about our country's innovation without creating a program first for it's common reasons. Kaya naghihirap ang bansa natin dahil sa talamak na patayan, nakawan at kung ano pang mga krimen. At lalo na dahil sa dami ng mga adik," sandali akong tumigil saka inisip ang mga susunod kong salita. Marahil ay magandang pagkakataon na rin ito upang mabalaan man lang ang mga kabataan.
"At isa pa ay ang papalobong bilang ng teenage pregnancy. Hinihikayat ko ang lahat ng mga kabataan na mag-aral na lang nang mabuti at huwag munang magpadala sa kanilang mga emosyon. Please lang. If you are a teenager just please don't do anything stupid that'll ruin your future, and even the future of this country. Huwag kayong mag-anak-anak kung hindi n'yo naman kayang buhayin. Pakiusap ko lang ito sa inyo, please lang tulungan n'yo ang bansa nating umunlad. Dahil ang pakikipag-isa n'yo ang kailangan para maging epektibo ang pag-unlad ng bansang ito. Mag-aral kayo ng mabuti nang makapagtayo kayo ng matitinong negosyo sa hinaharap, huwag kayong magpapabuntis, please don't."
Alam kong out of topic ang sinabi ko, pero wala na akong pakialam. Gusto ko lang talagang imulat ang mga kabataan tungkol sa totoong nangyayari sa bansa.
"Ma'am sa tingin n'yo po ba ay magtatagumpay ang programa n'yo?" Tanong naman nung isang lalakeng reporter. He's from ADS.
"Definitely yes. Sa ngayon ay maliliit pa lamang ang bilang ng mga rehabilitation centers sa bansa, pero may nakalaan na namang budget para dagdagan ito. And aside from that, I trust the PNP and other agencies I know that they'll make it happen in success," I answered confidently.
Tumango s'ya saka muling nagtanong.
"Ma'am bakit po ba kailangan pang idaan ang mga drug addicts sa rehab, kung pwede naman daw itong ideretso sa kulungan. Dagdag lang daw po iyan sa gastusin sa bansa, iyan po ang opinyon ng karamihan ma'am," hindi na ako nagulat pa sa sinabi n'ya.
"Addiction is not a crime but a disease. Psychologists already address that. Iyong mga drug addicts na nakagawa ng mga krimen, ay hindi naman talaga sila ang gumawa nun kung hindidi ang mga droga na s'yang komokontrol sa sistema nila. At kung ikukulong naman sila ay wala pa ring mangyayari. They're addicts hahanapin at hahanapin nila ang bagay na kina-aadikan nila, babalik at babalik sila rito. Kaya kailangan muna nilang dumaan sa rehabilitation. And as a matter of fact, not all addicts are bad people, it's just the power of drug domineering their system." Paliwanag ko.
Mukha namang kumbinsido ang mga newscaster na ito dahil tumatango sila sa mga sinasabi ko.
"Kailan po ba ito magsisimula ma'am?" Tanong nung ikatlong babaeng newscaster.
"There's no exact date yet, but hopefully in the month of June ay maipapatupad na kahit sa mga lugar na may rehabilitation centers lang."
Pagkatapos ng lahat ng katanungan nila ay muli na akong bumalik sa opisina ko.
Saglit kong kinuha ang telepono ko nang mag-ring ito. Kusa na lang kumawala ang ngiti ko matapos mabasa ang pangalan ng tumatawag.
"Hello baby," bati n'ya sa 'kin.
Kahit hindi ko s'ya nakikita ay nakikita ko sa isip ko ang nakangiti n'yang mukha at ang mala-hipnotismo n'yang mga mata.
"Hey," kaswal kong bati.
"Anong hey? Eury why can't you greet me sweetly?" Angal n'ya.
Lalo na lang akong napangiti matapos marinig ang tono nang pananalita n'ya. Natitiyak kong nakanguso na s'ya ngayon.
"What do you want General? I have work," kaswal kong muling sagot sa kan'ya.
Narinig ko ang matunog n'yang pagbuntong-hininga sa kabilang linya maging ang mahihina n'yang pagmamaktol.
"I just called to check on you. By the way you're so beautiful in the television baby, my heart is melting," wika n'ya sa pinakamalambing n'yang paraan.
"Enough with the sugarcoating words General. I have to go bye," natatawa kong wika.
"Bye, I love you baby. I love you my dearest President, and my woman of principle," narinig kong wika n'ya bago ko pa man mapatay ang linya.
Saglit akong ngumiti bago muling sumagot.
"I do too," wika ko saka papatayin ko na dapat ang linya nang marinig ko muli syang umangal.
"Eury naman I know you love me, but just atleast please tell me that you love me. I don't want that 'I do' of yours, hindi pa ako nagpo-propose," he jerked.
"Te amo Heneral," wika ko saka tuluyang pinatay ang linya. Alam kong hindi n'ya 'ko titigilan.
Muli na 'kong umupo sa sa upuan ko at muling pinagmasdan ang mga papeles, nang muli na namang tumunog ang telepono ko. This time it's a message from Styyx.
: Yo también te quiero mucho mi Presidente.
Ngumiti na lang ako sa sinabi nya. Well, no doubt if he can understand Spanish, he have that blood tho.
Ilang minuto lang ay muling pumasok si Zalysha.
"Ma'am, andito na po si detective Chlonan," wika n'ya.
"Let him in," tipid kong sagot.
Ilang segundo lang ay pumasok na si detective Chlonan. Binati n'ya 'ko na sinagot ko lang ng tango.
"Anong ebidensya ang nakuha mo detective?" Walang paligoy-ligoy kong tanong.
Kinuha n'ya ang laptop n'ya saka isinaksak ang hawak n'yang USB.
"Nakita ko ang USB na ito, 'di kalayuan sa pinangyarihan ng krimen. Dito nakapaloob ang nawawalang kopya ng cctv footage sa oras na nangyari ang krimen."
Nang ma-iplay n'ya na ang video ay dito ko na nakita ang lahat ng nangyari. Kitang-kita ko ang sarili kong naglalakad at pumasok sa conference room, habang si Mr. Guanzon naman ay pumapasok sa opisina n'ya.
Makaraan ang ilang oras ay dito na lumabas ang isang lalakeng nakasuot ng itim na kasuotan. Natatakpan ang buong mukha n'ya at tanging mata n'ya lang ang nakita.
Sa dilim ng paligid at dahil wala ng masyadong naglalakad sa hallway ay nasisiguro kong gabi na. Nagimbal ako sa sunod kong nakita.
Si Mr. Guanzon, kakalabas n'ya lang sa opisina n'ya ngunit agad s'yang sinalubong ng naka-itim na lalake na may hawak na kutsilyo saka mabilis na ginilitan ang leeg n'ya.
I balled my fist out of anger.
Ganoon n'ya lang ito kadaling binawian ng buhay.
Sunod ay hinila ng lalake ang katawan ni Mr. Guanzon pabalik sa opisina n'ya. At ilang minuto lang ay muling lmabas ang lalake mula sa opisina saka nilinis ang nagkalat na dugo sa sahig. Hindi na nahagip pa ng cctv ang sunod na nangyari.
The video explains why I felt a pair of eyes eyeing my every demeanor when I went to our headquarter. Iyon pala ay dahil may nagmamatyag na sa 'kin.
"Natukoy mo na ba kung sino s'ya?" Tanong ko kay detective Chlonan habang pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
"Base on my research he's a crew from Cebu Pacific airlines," agad nanginig ang kamao ko sa sinabi n'ya.
"What's his name?" Kinakabahan kong tanong.
"Rafael Bebida," dito na 'ko napamura nang tuluyan.
"Shit!"
"He's also the one who sabotaged the plane!" Wika ko habang binibigyan ng diin ang bawat salita ko.
"I'm sure his paid detective, I'm sure that there's another culprit behind all of these," matigas kong wika.
We're in politics, many people will have interest on us. And one of them took an advantage of a desperate man eager to save his wife from death. But that doesn't exempt him. He's still the one who killed Mr. Guanzon.
|End of chapter 19|
•Please don't forget to vote and comment <3•
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro