Chapter Twenty-Two
ALLIANCE
----------------------------------------------------
Mukhang hindi yata siya balak pasakayin nung mga nasa motor boat kaya naman hindi na tinawag pa ni Asja ang mga ito. Saktong umalis ang motor boat nang marating na niya ang kahoy na daungan.
Lumingon si Asja, kampante na hindi siya hinabol sa loob ng hotel ng mga tauhan ni Feliks dahil sigurado siya na ayaw ng mga ito na gumawa ng gulo at malagay sa hot seat ang GRU sa basta-bastang pagpasok ng mga agent nito sa Malaysia na obvious na walang pahintuloy mula sa gobyerno nito.
Pero natanaw na niya ang paglipad ng helicopter at papunta na iyon sa kanyang direksyon. Malamang ay tinanaw siya nila Feliks mula sa tuktok ng gusali ng hotel at dahil tila natantya na ng mga ito na papunta siya sa daungan ng mga bangka, susundan na siya ng mga ito.
Binalunbon ni Asja ang shoulder bag, umatras ng kaunti at inasinta ang bangka bago inihagis doon ang bag.
"Yes!" she hissed when the bag got inside that motorboat.
Tila napalingon ang bulto ng lalaki na lulan niyon. Dahil alas-singko pa lang ng madaling araw, medyo madilim pa kung titingnan ang mga nasa loob ng bangka. Sa pagbagal ng pag-andar ng motor, sinamantala iyon ni Asja para languyin at sampahan.
Pasampa pa lang siya nang biglang bumilis na ang takbo ng bangka. Napapalatak tuloy siya ng mura dahil parang madudulas siya sa pagkakasampay ng katawan doon.
Humihingal na bumagsak siya sa sahig nang matagumpay na makaakyat, malapit sa binagsakan ng shoulder bag na kanyang hinagis. Naramdaman ni Asja ang paghakbang ng isang lalaki papunta sa kanyang likuran, sa puwitan mismo ng bangka at dumungaw ito sa labas bago inasinta ang hawak nitong AK-47 at paitaas iyon na niratrat.
Napaangat ng tingin si Asja nang marinig ang pagratrat na iyon kasabay ng pagkalansing ng ilang basyo ng bala na tumitilamsik at tumatama sa mga bakal na poste ng bangkang iyon. Inangat niya ang sarili, basang-basa dahil sa ginawang paglangoy at nilingon ang lalaking bumabaril sa helicopter ng GRU.
Matalim ang mga mata at naka-sentro ang focus ni Sloven sa kalaban habang angat-angat ang baril. Kapansin-pansin ang pag-atras ng helicopter, halata na hindi napaghandaan ng mga ito na may AK na tataboy sa plano nilang paghabol sa kanya.
Asja was sure that Feliks underestimated her ability to escape, a reason why they seemed unprepared for a crossfire.
Mabilis na nakalayo ang bangka sa pampang ng Kota Kinabalu, at humihingal pa rin na tinanaw ni Asja ang papalayong helicopter bago nilingon si Sloven na matamang nakatitig pa rin sa mga kalaban.
Nang marating na nila Asja ang mansyon, doon na niya kinompronta ang lalaki. Sloven's steps were big and fast as he stepped inside and threw the gun at Bruno who was walking with him side by side.
"Diretsahin mo nga ako, alam mo na mangyayari ito, ano?" piga niya sa basang buhok habang hinahabol ang mga hakbang nito.
"Bruno, punuin mo ulit ang drum niyan bago mo iligpit."
"Yes, Boss," anito bago umiba na ng direksyon.
Naglalakad na sila sa gilid ng pool kaya palagay niya ay sa kusina ang punta ni Sloven. Mukhang nasa mood yata ang Ruso na supladuhan siya, aba't kanina pa nga siya hindi iniimik sa bangka, hindi pa siya nililingon nito o pinapansin ang mga tanong niya.
She let out a frustrated sigh.
"Kaya pala hinayaan mo lang ako makatakas, alam mo," patuloy lang niya sa paglilitanya. "Alam mo na mangyayari ito!"
Narating na nila ang kusina at kapansin-pansin na tila naligpit na ang lahat ng mga gamit doon. May mga kahon nang nakasalansan sa dining table. Sloven opened one and pulled out a small bottle of vodka.
"Nag-empake kayo?" ikot niya ng paningin sa paligid.
"As you can see," bukas ni Sloven sa isang bote at inabot iyon sa kanya, "dahil sa pagtakas mo, kinailangan na naming maghanda sa pag-alis bago pa kami matunton dito ng GRU."
He gave her a stare from his seemingly dead-set eyes when she did not took the bottle yet. Tinitigan muna iyon ni Asja bago kinuha sa binata. Sloven pulled out another bottle for himself.
"Okay, setting that aside, paano mo nalaman na kakailanganin ko ang tulong ninyo? Ano ang nalalaman mo tungkol sa nangyayari sa GRU? Bakit inaakusahan ako ni Feliks na nakikipagsabwatan sa iyo?"
Pinipilit niyang hulihin ang mga mata ni Sloven pero tila nababagot lang na umiiwas ito ng tingin habang inuunti-unti ang pag-inom ng vodka.
"Pwede ba, sagutin mo ako?" inis niyang kulit dito.
His eyes landed on hers. "Una sa lahat, wala akong alam sa mga pinagsasasabi mo. Nasa daungan lang kami ni Bruno dahil nagmamanman kami kung safe ba na tumakas sa ganoong oras. Pinag-aaralan namin ang mga galaw ng tao sa Kota Kinabalu, ang oras ng pagdami ng mga tao sa daungan at kung anong oras kakaunti lang ang pwedeng umusisa sa amin."
She stared hard into his eyes, trying to figure out of he was being sincere. Pero nang makita niya ang tila pagkislap ng kung anong katusuhan sa mga mata nito, na sinundan pa ng tila nagpipigil na pag ngisi, padabog na niyang binaba sa mesa ang bote ng vodka.
"Walanghiya ka talaga! Pinaghabol mo pa ako sa bangka ninyo!" halos pagwawala na ni Asja.
"Malay ba namin na humahabol ka?" kawala nito sa tila pinipigilang tawa.
Oh, how cute he looked. 'Yung tipong tawang-tawa ito pero kinokontrol ang lakas ng itatawa kaya umaangat-baba na ang mga balikat nito. Lalo lang tuloy siyang nanggigil.
"Sinungaling!" hablot niya rito palapit. Wala siyang pakialam sa tangkad nito at kung ikangalay pa ng leeg niya ang pagtingala sa lalaki para lang matitigan ito ng mata sa mata. "Alam mo na mangyayari ito! Kaya siguro hinayaan niyo akong makatakas, 'di ba? At isa kang sinungaling dahil sabi mo, walang nagbago sa Russia nung bumisita ka!"
Sloven put down his bottle and placed a hand on top of hers that was clutching on his scoop neck shirt.
"Hindi ako nagbibigay ng impormasyon sa isang kalaban, Asja," yuko nito sa kanya. His face drew close to her, blue eyes piercing her with a stare.
"Well..." atras niya sabay dahan-dahang bitaw sa damit nito, "since mukhang iisa na lang din naman ang kalaban natin, technically, magkakampi na tayo, hindi ba?"
Mahina itong tumawa. "Tayo? Magkakampi?"
"Gusto nila akong ligpitin, Sloven. At hindi ko alam kung bakit! Pero ikaw, alam ko na may nalalaman ka. Why don't you just tell me? Magtulungan tayo," hingal niya.
Ah, unti-unti na yata siyang nangangatog din sa lamig dahil sa paglangoy kanina.
Dinampot lang nito ang bote ng vodka at tila naa-amuse na pinasadahan siya ng tingin. A loose grin escaped from his lips, challenge was in his tone. "Ang bilis namang magbago ng isip mo. Nitong nakaraan lang gustong-gusto mo akong takasan at malitis sa Russia. Isn't that a little too disturbing?"
Napalunok siya. "Let's just be professional, don't we? I have problems with GRU. Ikaw rin, may problema sa kanila. You can use me and everything I know, and in return, I will use you and what you know."
"Friends with benefits," malice shone in his eyes. "I like it."
At tumungga na ito ng alak.
Pakiramdam niya ay namumula na ang kanyang mukha. "That's not what I mean. Hindi mo na ako bihag, maliwanag?"
"Ahh," baba nito ng bote bago siya muling tinapunan ng tingin. "Fine, I will tell you what I know. But... I have rules when getting myself into an alliance."
"Sige," tango niya. "Anong rules?"
"Number one," titig nito, "ayoko nang pinupwersa ako. Minsan wala ako sa mood na gawin ang misyon, so if I want a break from dealing with GRU and their problems with us, you can't force me to do so."
A sly idea crept into her mind. "What if I fuck the hell out of your mind, will that put you in the mood?"
Bakas ang gulat sa mukha ni Sloven sa kanyang proposisyon, bahagyang napamaang ito sa kanya. Asja cocked her head to the side, waiting for his answer. Lumabas na ang alanganing tawa sa mga labi nito.
"You're pulling the sexspionage move on me, huh?"
"For some reason, I am comfortable doing it with you," diretsahan niyang sagot sa binata. "Isa pa, may pangangailangan din ako."
At umiwas na siya ng tingin dito. Damn, that was so hard to admit on her part.
"So you are admitting now that you're attracted to me. Or..." he rubbed his chin and looked up, "are you just using tactics on me to get the alliance that you want?"
Bored na tinitigan na lang niya ang lalaki. Hindi bagay kay Sloven ang umakto na nagmamaang-maangan dahil halata naman na umaarte lang ito.
He returned his eyes on her. "Hmm, Asja?"
"We're allies now, period," dampot niya sa bote ng vodka. "At hindi mo ako mapapaalis hangga't hindi mo sinasabi lahat ng gusto kong malaman."
Pagkatapos ay tinalikuran na niya ang binata na naiwang namamangha na napapangiti sa mga inasal niya.
For some reason, Sloven looked impressed. Asja was really headstrong. Walang keme sa katawan, deretsahan kung kausap at walang paligoy-ligoy. Napapangisi na inubos na nito ang laman ng bote bago siya sinundan sa labas ng dining room.
"Asja," habol nito sa kanya, "parang wala talaga ako sa mood."
She raised a middle finger at him. At lalo lang siyang nabuwisit nang tawanan nito.
----------------------------------------------------
RUSSIAN INFLUENCE:
** AK-47 is an assault rifle designed by Lt. General Mikhail Kalashnikov. It is also the originating firearm of the Kalashnikov or AK family. ( Source: Wikipedia.com)
----------------------------------------------------
AN
Hello, everyone! <3 <3
Here's the second UD for tonight <3 <3 Mukhang exciting ito at magte-team up na si Asja at Sloven ;) <3
Good night and sweet dreams sa inyong lahat at kitakits sa another UD bukas ng gabi ;* <3
Love,
ANA xoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro