Chapter Twenty-Eight
LIEUTENANT ALEKSANDROVICH SOKOLOV
----------------------------------------------------
Nang makarinig ng katok, maingat na sumilip si Sloven sa likod ng kurtina sa bintana bago pinagbuksan si Boris. Pinatuloy nito ang lalaki na halos nasa mga anim o pitong talampakan ang taas. Mas mataas ito kay Sloven kaya bahagyang napayuko pa para lang makapasok sa cabin.
Boris wore a devilish smile, yet his eyes promised peace upon his visit. Nang tumama ang mga mata ni Asja rito ay tumango siya at iniwanan muna ang hinahandang mga pagkain para batiin ito.
Sinara na ni Sloven ang pinto at hinintay na mahubad ni Boris ang suot na gloves bagp nagkamay ang dalawa. Sa kanyang pagdating, isang tango ang binigay ni Boris kaya ginaya na lang niya ito at nginitian. She offered him a handshake that he warmly accepted.
"Upo ka," anyaya ni Sloven sa kanilang bisita para umupo sa nag upuan sa dining table na gawa sa kahoy.
Dahil maliit lang ang cabin, wala na itong salas pa. Ang makikita lang roon ay isang malaking silid na may lutuan, lababo, pinto para sa banyo, dining set, fireplace at ang kahoy na kama.
Pagkaupo ni Boris ay tinanggal na nito ang suot na coat at sumbrero. Siya na ang nag-abala na kunin ang mga iyon mula sa bisita, si Sloven naman ay inokupa ang upuan sa tapat nito at nangamusta na. Habang pinapagpagan ni Asja ang niyebe sa coat at mabalahibong sumbrero ay sinulyapan niya ang dalawa.
Sloven displayed a small smile on his lips as he greeted Boris. Tipid na ngiti lang din ang sinagot nito.
"Ayos lang naman ako," sagot ng lalaki sa pangangamusta ni Sloven.
Without his hat on, Boris was a tall, hunk with dark hair trimmed short. Nakasuot ito ng tila dalawang doble ng sweater na kulay puti at pantalon na grey.
"Bakit hindi sumama si Boris?"
"Mas gusto niya na mag monitor para matapos na agad ang trabaho." Mahinang tawa ang sumunod doon. "Medyo nagreklamo din dahil naka-relax mode ka na naman daw yata."
Napailing-iling na lang si Sloven. "We need a short break during work, you know. That's the key to a better performance. Mga tauhan ko kayo pero hindi ko naman gusto na sagarin kayo para lang matapos agad ang isang misyon."
Lumapit na si Asja sa dalawa at binigyan ang mga ito ng tig-isang maliit na bote ng vodka para mainit-initan. Kasabay niyon ang pagbibigay ng tinapay na may asin sa gilid ng pinggan. Pagkatapos ay sinilip na ang niluluto niyang sopas. Gustuhin man niya na damihan ang handang pagkain para kay Boris, inisip muna ni Asja ang magiging supply nila ni Sloven.
Sloven turned to her. "Asja, ilabas mo na rin iyong iba pang tinapay. Busugin natin itong si Boris bago umalis."
Napabuntong-hininga na lang siya. Sloven was totally giving Boris the Russian hospitality-- iyong tipo na mala-piyesta sa dami ng pagkain kapag may bisita. She on the other hand was being practical. At sasabihin na sana niya iyon sa lalaki pero naunahan na siya ni Boris.
"Ayos lang ako, okay na ako rito. Baka mapasabak kami mamaya sa aksyon kaya ayoko ng masyadong mabigat sa sikmura."
"Are you sure? Marami pa naman kaming tinapay--"
"No, Boss. Okay lang talaga."
Tumango-tango ang binata. "Okay."
Nung sumulyap si Boris sa gawi niya, mabilis na umiwas ng tingin si Asja. Kunwari ay abala siya sa niluluto.
"Siya na ba iyon, huh? Huh?" may himig ng panunukso sa boses ng lalaki.
Nasulyapan niya na mula sa ilalim ng mesa ay sumimple ng sipa si Sloven sa binti ni Boris kaya nagulat ito at natawa.
"Ano?" natatawa nitong tanong.
Sloven glanced and caught her looking. Hindi na rin siya umiwas pa ng tingin sa mga ito. Tiningnan siya ni Boris.
"Ikaw si Asja?"
"Oo," seryosong titig lang din niya rito.
Binalik na nito ang tingin kay Sloven. "Boss, ang ganda."
Abala na si Asja sa paghalo sa sopas at inamoy na niya ang usok na may dala ng aroma nito. She closed her eyes and smiled at the warm savory flavor in the smell, the smoke that caressed her face. Nilapag na niya sa tabi ng lababo ang takip ng kaldero at gumamit ng isang glove para hawakan ang mangkok na pagsasalinan ng sopas.
"Sabi ko sa iyo, eh," pagyayabang ng binata at narinig niya ang pagbaba nito sa hawak na bote ng vodka.
Asja turned and put down the bowl of soup on the table. Mabilis na iniwanan niya ang dalawa para ipagkuha ang mga ito ng pinggan at kutsara.
"Naalala mo 'yung babae sa Copenhagen?" tanong ni Boris.
"Tarantado ka, anong babae sa Copenhagen?" nadatnan niyang panlalaki ng mga mata ni Sloven sa kausap nung nilapagan na niya ng pinggan at kutsara ang mga ito.
Boris murmured his thanks before returning to Sloven. "Yung Celine?"
Asja sat beside Sloven and saw how his eyebrows furrowed as he gave Boris a sharp glare. Natatawang nilingon siya nito.
"Naku, Asja, ingat ka sa lokong ito. Nababaliw lahat ng umiibig dito," ani Boris sa nagbibirong tono kaya nakatanggap ito ng sunod-sunod na sipa sa binti mula sa tila napipikon na si Sloven.
Tumawa lang ito ng mahina.
Ngiti lang ang sinagot niya rito. Sa totoo lang, kinabahala ni Asja ang birong iyon ni Boris. Kung ang ibang tao ay ipagpapalagay na biro iyon, siya hindi.
Lahat ng mga eksaherasyon pagdating kay Sloven ay hindi eksaherasyon-- iyon ang totoo.
At hindi niya maunawaan kung bakit may ngumangatngat na damdaming negatibo sa puso niya sa tuwing maiisip ang involvement ni Sloven sa ibang babae. Kadalasan ay kay Risha, sa tuwing nababasa niya ito sa diary ni Sloven, naiintriga siya tapos magsisisi na binasa ang parte na iyon ng diary. Mag-uusisa siya, tapos makakaramdam siya ng pagsisisi kapag nagkuwento o nagbanggit na ang lalaki tungkol sa babaeng iyon.
Ngayon, heto at may Celine pa.
"Pinatulan ko lang siya dahil sa misyon," patuloy na sipa ni Sloven sa binti ni Boris sa ilalim ng mesa at alanganin ang ngiti na nilingon siya.
"Gusto mo ba ng sopas?" alok na lang niya kay Boris, iniiwasan ang tila humihingi ng saklolo na tingin ni Sloven sa kanya.
"Sure," ngiti nito.
Sinalinan na niya ang mga ito ng sopas at kapwa sila kumain ng tahimik. Nung iligpit na niya ang mesa at mga pinagkainan, nagpatuloy na ang kwentuhan ng dalawang lalaki. Naging seryoso na at tungkol sa misyon. Inulit lang ni Sloven kay Boris ang mga dapat gawin, at tinanong ito kung kailan posibleng matapos ang mga pinapagawa na pag carnap sa isang military jeep na kakailanganin daw nila.
"Kung matutuloy ngayon, idederetso namin ang jeep dito mismo sa cabin," sagot ni Boris sa tanong habang patuloy pa rin sila sa pag-iinom.
Tumango-tango lang si Sloven. "Mabuti naman. Kung sakaling mag-radio si Bruno at nandito ka pa, huwag ka nang magpasundo. Gusto naman niyang apurahin ang misyon, eh 'di siya na ang magtapos kung nandito ka pa kapag na-carnap na iyong jeep."
"Malabo iyon," anito. "Mga tatlong oras nang bumibiyahe ang mga tauhan ko, at ang usapan naming lugar ay mga limang oras lang ang layo mula sa Krasnoyarsk. Mamaya lang ay magpapasundo na ako. Ayokong ma-miss ang aksyon. Alam mo naman na mula nung umalis kayo ng Russia, naging boring na ang buhay ko."
"Saan ka ba nagtatrabaho ngayon?" pakikisali ni Asja sa usapan ng dalawa.
Tapos na siyang maghugas ng mga pinggan kaya sa wakas ay nakabalik na siya sa tabi ni Sloven sa dining table at nakasalo ang mga ito sa kwentuhan.
"Oh," sandal nito, "puro page-encode lang ang ginagawa ko."
"Page-encode," ngisi ni Sloven dito, nasa tono na hindi kumbinsido. "Sabihin mo na..."
Boris let out a sigh and locked his eyes on hers. "Fine, I am a hacker."
"A hacker?"
"You see," akbay sa kanya ni Sloven. "Itong si Boris, hindi mo aakalain na may tinatagong galing sa mga computer. He's good at hacking. Kapag may hindi ako maunawaan sa mga software, sa kanya ako nagko-confide."
"Dati ka rin bang taga-GRU?" harap niya kay Boris. Sloven was just staring at her intently, bringing his face too close to the side of her face.
"Nope," anito. "Pero kaklase ko noong college si Sloven sa military academy."
"Eh 'di may ranggo ka?"
Umiling ito, tila wala ring plano na ipaliwanag kung bakit pero si Sloven na rin ang nagkwento.
"He's an undergrad. Boris was often bullied for his sexuality."
Nanlalaki ang mga mata na napatitig siya rito. "Sexuality?"
"Spying 101, Asja," ngisi nito, "what you see is not what it always seems."
"You're... gay?" hula niya na nagpatango-tango rito.
May naalala siyang isyu noon sa militar ng Russia kaya hindi niya maiwasan na usisain si Boris.
"Around four years ago," maingat niyang wika, "nadatnan si General Ivanov sa bahay niya na may tama ng baril sa braso at binti, nakahubad ang salawal. They were obviously... raped. At ganoon rin ang asawa nito. Nung nilabas si General Ivanov sa bahay niya, para na siyang baliw, panay ang tanong niya kung nasa paligid ba si Sloven--"
"It's my fault," bored na paikot nito ng mga mata.
Napatanga siya kay Boris, at hindi rin niya magawa na lingunin si Sloven at titigan sa mga mata.
Sloven... and Boris. No matter how amicable they looked, how charming... they are still ruthless criminals.
And last night... I just made love to a criminal...
"Ivanov asked for it," matalim na titig ni Boris sa kanya. "He ruined everything for me. Tamang-tama lang ang paghingi ni Sloven ng tulong sa akin," ngisi nito sa kanyang katabi. "Gusto naming makaganti kaya ginahasa ko siya."
"H-Hindi ka man lang ba..." ayaw niyang maka-offend, pero hindi naman niya kayang maging plastik, "... nandiri?"
"It was worth it," ngisi nito, malamig na ang pagtitig sa kanya, marahil ay dahil sa naalala lang nito si Ivanov. "That monster is a bisexual, I think. He raped Anya. At nung nasa academy pa ako, ginahasa niya rin ako."
Pigil ang hininga na napatitig siya rito.
"Ganoon kasama si Ivanov?" halos manginig-nginig niyang tanong. She could feel tears brimming in her eyes.
"Binalik ko lang sa kanya lahat ng ginawa niya sa akin," mayabang na saad ni Boris pagkatapos uminom ng kaunti. At binalik na nito ang tingin kay Sloven, tila humihingi ng tulong, kaya ito na ang kumausap sa kanya.
"I guess, hindi ito ang tamang oras para ungkatin ang mga nangyari noon."
"Why not?" mahina niyang wika at pailalim na tinitigan si Sloven sa mga mata.
Bakit nga ba hindi? At nang mabigyan nang linaw kung ano ang nagtulak kay Sloven at sa grupo nito na gawin ang mga krimen na siyang dahilan kaya gusto itong mahatulan ng militar at ng bagong hepe ng GRU na si Feliks. Kung ang motibo ba nila ay katanggap-tanggap o nagpatangay lang ang mga ito sa emosyon kaya naging sarado ang mga isipan.
"Dahil mas dapat nating intindihin ang plano natin ngayon," sumulyap ito saglit kay Boris bago siya binalikan. "Sa ikalawang bahagi ng ating misyon," paliwanag ni Sloven, "may ka-carnap-in na military jeep sila Boris. Pagkatapos, dadalhin nila iyon rito sa cabin. Pagkadala ng mga tauhan niya ng sasakyan, sisipatin natin iyon at titingnan kung ano ang mga naroroon na pwede nating magamit. Tapos bukas, babalik ulit si Boris, dala ang uniporme na susuotin ko."
"Uniporme?"
Sloven grinned proudly and pulled her closer. "Yes, because Lieutenant Aleksandrovich is coming to the Penal Colony."
All at once, she understood Sloven's second part of the mission.
Gagamitin nito ang posisyon noon sa militar para makuha ang gusto.
----------------------------------------------------
AN
Good evening, everyone! ;) <3 <3
Heto naaa ang updates!
One more chapter is coming!
Love,
ANA xoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro